CHAPTER ONE
⚠ ⚠ ⚠
OBSCENE WORDS AHEAD!!
HAPPY READS!!
***
"Magpasalamat ka at kinupkop pa kita nung namatay ang nanay mong baliw!! Kung hindi ay baka sabay kayong pinaglamayan noon at sabay na naging abo!!” sigaw na naman sa kanya ng tiyahin niyang si Malou, nasanay na siya sa mga sinasabi nito dahil mula pagkabata niya ay iyon at iyon lang din naman ang sinasabi nito. Pero hindi pa 'din siya sanay sa sakit na dulot ng mga katagang binibitawan nito.
"Pagkatapos mong maglaba ay magluto ka na ng hapunan at uuwi na ang tiyuhin mo!! Kung lumiban ka sana sa klase mo edi sana tapos na' yan ngayon!!" sigaw na naman nito sa kanya na may padabog pang iniisa isa ang mga kasirola na naroon.
Kahit gusto niya itong sagutin ng pabalang ay hindi niya magawa dahil labing anim na taon pa lang siya at first year college pa lamang. Madami na siyang utang sa tiyahin niya dahil pinag-aral siya nito mula pagkabata hanggang ngayon, kahit na nagpumilit lang siyang magkolehiyo.
Matapos magsisigaw ang tiya niya ay umalis na ito, at siguro'y bumalik sa puwesto nito sa palengke para magsara. Tamad pa naman 'din ang panganay na anak nitong si Marisel, na akala mo ay isang prinsesa na kailangan pang pagsilbihan.
Tinigil niya muna ang pagbanlaw sa mga damit at nagsaing, kaunti na lang naman iyon. Ngunit kailangan niyang patuyuin agad ang kanilang uniporme at baka wala silang masuot kinabukasan.
Kahit pagod na siya ay kailangan niya pa'din kumilos. Nakapaglaba naman siya nung Sabado at heto na naman ang gabundok niyang labahin. Kung tumutulong lang ang dalawa niyang pinsan na babae edi sana madali ang lahat para sa kanya.
Pagkatapos niyang maisampay ang uniporme ay nagsimula naman siyang maghiwa ng mga rekado sa ulam nila ngayon na adobong manok. Tiningnan niya ang orasan na nakasabit sa dingding ng kusina.
5:37pm
Mga 6pm ang dating ng mga tao sa bahay kaya kailangan niya ng kaunting bilis sa pagkilos. Kahit na mamaya niya na tapusin ang pagbanlaw sa mga damit na nakababad sa downy.
-----
Nagising siya dahil sa isang magandang baritong boses na naririnig niya na kumakanta.
It's really good to hear your voice saying my name
Kahit hindi niya makita kung nasaan ang lalaking 'iyon ay alam na niya kung sino ito.
It sounds so sweet
Coming from the lips of an angel
Tumungo siyang muli at hinayaan ang magandang boses na' iyon dahil nakakaantok naman ang pag kanta nito. Siguro ay dahil na 'rin sa puyat niya kagabi, anong oras na din siya nakatulog at kailangan niya panggumising ng alasais para makapasok ng maaga sa unang subject nito.
Hearing those words - it makes me weak
And I never wanna say goodbye
Ngayong breaktime lang siya ulit nakakabawi ng tulog, kahit hindi pa siya kumain, kaysa naman ang matulog sa loob ng klase ay paniguradong sisitahin siya ng mga professors niya.
Ilang minuto ang pinalipas niya at hindi na niya marinig ang boses ng lalaki. Ngunit nanatali pa'rin siyang nakadukdok sa lamesa sa ilalim nitong puno na pinagtatambayan niya.
Wala naman kasing masyadong tao sa pwesto niya. At wala 'din siyang masyadong kaibigan. At kung mayroon man siguro'y ay bilang lang ng lima niyang daliri. nakakatawa Selene!
Nang mapagod siya ay sumandal siya sa likod ng puno at nilabas ang baon na biscuit na binili niya pa sa tapat ng bahay nila.
Naiinggit siya sa mga kaedad niya na nakikita niya. Masakit sa dibdib. Kung anong meron sila, ay siya namang wala siya.
Pero nagsisikap siya para paglaki niya mabili na niya ang mga gusto niya. Kaya dapat makatapos siya upang matupad lahat ng iyon.
-----
"Mama inaya ako ng kaibigan ko na dumalo sa birthday party niya."
Kasalukuyan siyang na sa sala at nagpla-plantsa ng mga damit habang ang tiyahin at dalawa nitong anak na babae ay nakaupo sa kahoy na upuan habang nanonood. At si Marisel naman ay paniguradong manghihingi na naman ng kung anong pabor sa ina.
"Magtumigil ka Marisel, hindi pa nakukuha ng ama mo ang sahod niya at kakaunti lang ang kita ng paninda natin sa palengke." padabog naman na sumandal ito sa upuan at nagpapadyak pa, tiningnan naman nito ang kapatid nitong si Maris na labing-apat na taong gulang pa lamang.
"Mama isangla mo muna ang cellphone ni Maris, damit lang naman ang ipapabili ko ma eh!" pagpupumilit ni Marisel na ikinakunot naman ng noo ni Maris, mabuti na lang at patapos na siyang magplantsa, dahil ayaw niyang masaksihan ang away ng magiinang ito.
-----
Gabi na ngunit nasa labas pa siya at nagpapaantok. Wala naman siyang pasok bukas at ilang buwan na lang at bakasyon na. At ilang buwan na lang din ay kaarawan na niya. Tanaw niya mula sa kinauupuan niya ang mga baklang naghihiyawan na nakatambay sa poste ng ilaw na may upuan sa gilid. Napapangiti siya sa mga naririnig na jokes ng mga ito kahit ang ibang sinasabi nila ay kabalastugaan.
psst!
Napalingon siya sa bandang kanan niya nang may marinig siyang sumisitsit.
psst!
Nang makita niya kung nasaan ito ay agad siya nitong kinawayan. Kaya nginitian lang niya ito,
Kung hindi siya nagkakamali ay ito si Journey, bakla din ito. Kaibigan nito ang mga baklang nakatamabay na kanina niya pa pinapakinggan.
"Hindi kaya mabaho na ang hininga mo niyan?" maarte nitong salita na may halo namang boses panlalaki
"Wala naman akong sasabihin." diretso niyang sagot, dahil wala naman talaga siyang sasabihin
"Ayy!! Bet kita bakla dalagang pilipina ang peg mo!! Pak na pak." malakas nitong sambit kaya nataranta siya baka magising ang tiyahin niya
"Pakihinaan ang boses baka marinig ka ni tiya." saway niya dito sa maayos na paraan
"Sareh bakla. Kasi naman ang hinhin mo masyado." pinaikot pa nito ang mata at inayos ayos ang bangs nito
"Hindi naman. Ganito lang talaga ako." totoong sambit niya
"Ilang taon ka na sis? parang wala ka pang experience sa life. Enjoy ka naman!!" iginiling giling pa nito ang ulo niya kaya napatawa siya "To the left! To the right umikot ng sabay sabay, bye bye suklay with palmolive naturals. Pakk Ganerrnn." kanta nito sa komersiyal ng shampoo kaya napahagikgik siya
"Ayan kabog pang Miss International ang ngiti pak na pak! Malaking pera." napailing siya sa boses nito na sobrang arte ngunit may halong pangasar at nakangiti na sambit nito kaya nadadala siya.
"Hindi naman, madami ang magaganda dyan." aniya
"Siyempre naman madami, sis. Lalo na ako ang kaharap mo pang Miss Universe." nag pose pa ito ng naka fierce "Pak! ito pa." ngumuso naman ito kaya napatawa siya itsura nito "Pak!! Last shot ito pa sis." kinagat nito ang ibabang labi at tumagilid ng upo na parang may kumukuha ng litrato sa harap nila at nilabas ang balikat. "Ganern! Sisss!" mahina siyang tinampal nito sa balikat at muling nag suklay pagkatapos ay nag-apply ng lipstick sa labi nito kaya tiningnan niya si Journey sa mga ginagawa nito.
"By da wey sis Selene eklabush alam mo sis, pwede ka pumasok sa pinagta-trabahuhan ko." biglang saad nito "Dont worry sis hindi iyon illegal, mag wa-waitress ka lang naman." bigla siyang nagkainteres sa sinasabi nito dahil dagdag income din ito. Kaso mahihirapan siyang pagsabayin ang gawain sa bahay sa paaralan at kung sakaling magtrabaho siya. Baka hindi kayanin ng katawan niya.
"Pumapasok pa kasi ako." mahinang tugon niya
"Ayy Sis, walang problema dyan. Pwede kita ipasok pagbakasyon." tila kumislap ang mata niya sa narinig, kung ganoon first time niya iyon, at kahit papaano ay makakatulong siya sa tiya niya.
"Journey!" napalingon siya sa pinanggalingan ng boses ng pinsan niyang si Marlouie na bente anyos na gulang.
"Ay! Fafa yur her na!!" tila biglang nagalak ang kasama niyang si Journey at kinilatis ang kuya niya na namumula pa ang mukha "naka hits ka, mas masarap ngayon." pabirong sabi ni Journey at tinampal tampal pa ang balikat nito gamit ang suklay
"Tigilan mo ako bakla, umalis ka na bago pa kita kaladkadin palabas!" may pagbabanta sa boses nito ngunit parang wala lang iyon kay Journey
"Masarap kung marahas, pero masakit kung puwersahan hmp!" tila makahulugang sambit nito at sabay tawa ng malakas "Una na ko sis, yung pinag usapan natim huh!" kinindatan siya nito at humagikgik pa, bago pa siya makapagsalita ay hinila na siya ng pinsan niya papasok sa loob at pabalibag na tinulak sa higaan niya sa sala.
"Anong pinag-usapan niyo ng baklang yon?!" tanong nito sa mahinang boses ngunit may diin sa mga katagang binibitawan.
Kahit natatakot siya sa kuya niya ay pinilit niyang makasagot ng maayos lalo na at mukhang nakainom ito.
"Trabaho daw po."
Napangisi ito sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Magpu-puta ka na din? Aba malaki ang pera na mauuwi mo." mangha na usal nito at pinasadahan ang buo niyang katawan kaya naman hinila niya ang kumot na nasa gilid niya at pinangtakip ito. "Dapat ako ang makauna sayo para hindi na masakit kapag nakapasok ka sa trabaho mo." naguguluhan pa siya sa sinabi nito ngunit hindi naman siya kahapon ipinanganak upang hindi malaman ang gustong ipahiwatig nito. Agad siyang namutla at gustong umiyak sa narinig, at lalo niyang gustong sumigaw ng hawakan nito ang hita niya at marahang hinimas iyon.
Napahikbi siya nang pisil pisilin nito 'iyon. Hindi siya makaimik dahil sa takot. Sobrang lapit nito sa kanya, parang kaninang saya niya ay napalitan agad ng takot. Malakas ang kabog ng dibdib niya, nang tumataas ang paghimas ng kamay nito sa hita niya ay buong lakas niya itong tinulak. At saktong pagbagsak nito sa semento ay ang pagbukas ng pinto ng kwarto ng tiya niya na pupungaspungas pa.
"Oh! Selene gising ka pa?" agad na dumako ang mata ng tiya sa anak na lalaki na nakaupo na "Nakauwi ka na pala Louie." naglakad ang tiya niya sa direksyon nila pilit niyang pinigilan ang pagtulo ng luha niya ngunit saktong paglapit nito ay hindi niya napigilan ang paghikbi.
"Namumula ang mata mo, Selene. Anong nangyari?" tanong sa kanya ng tiya sasagot sana siya ng sumingit ang pinsan niya
"Umiiyak siya mama kanina habang natutulog kaya ginising ko." gusto niya lalong umiyak sa pagsisinungaling ng pinsan, pero baka hindi siya nito paniwalaan at baka masampal lang siya nito. Lalo na at anak na mismo ang nagsalita. Pero natatakot siya. wala siyang kakampi.
" Ganoon ba Selene?" tiningnan niya ang tiya
"Selene." tawag ng pinsan niya at tila may gustong ipahiwatig, naikinatakot niya.
"O-opo." sagot niya kahit napakalas na ng kabog ng dibdib niya na parang gustong lumabas ng puso niya sa sobrang takot.
"Matulog ka na dyan Louie, at ikaw Selene dun ka muna sa kwarto ko matulog, hindi naman umuwi ang tiyo mo." hindi na siya nagdalawang isip at agad na kumilos. Agad niyang tinungo ang kwarto, bitbit ang isang unan at kumot. Ayaw ko na...
Narinig niya ang pagsara ng pinto at bumungad sa kanya ang tiya." Mahiga ka na diyan ano pa ang tinitingin tingin mo." gusto niyang magpasalamt kahit papaano ngunit baka magtaka lamang ito. Kaya pilit na lamang niya itong nginitian. Humiga siya nang naiilang, at pilit iwinawasiwas ang nangyari.
'Lasing lang ang pinsan mo Selene. Mabait naman siya sayo dati kaya palipasin mo muna ang nangyari.' pagkunbinsi niya sa sarili kahit may butil butil na luha ang lumalabas sa mata niya.
Hindi niya alam kung paano siya nakatulog, dahil sa nangyari pero kahit papaano ay gumaan nang marinig ang boses ng ina sa panaginip.
Berry_Redia










