PANAWAGAN SA MGA KAPATID KO NA NASA KABUNDUKAN
PANAWAGAN SA MGA KAPATID KO NA NASA KABUNDUKAN🇵🇭
Ni: Senyoritahazel
Kumusta ka kapatid? Ikaw ba ay nag-aaral? O nagtatrabaho?
Matanong nga kita,pwede ba?
Anong balak mo pag ikaw ay nakapag tapos?anong gusto mong gawin?
Sa kabundukan dito sa bayan TAPAZ🇵🇭 ako ay lubos na nasasaktan, hindi ko maintindihan ang kanilang ipinaglalaban, oo, tama ka, may punto ka, kilala mo sila, Sila! Sila! Sila ang mga kabataang sinira mo, sinira mo ang kanilang kinabukasan!!!!
Bakit???? Dahil ba sila ay hindi nakapag tapos at may konting kaalaman sa lipunang kanyang ginagalawan? Pero bakit? Ano ang iyong tunay na pinaglalaban? Dahil ba sabi mo, inaapi kayo noong dekada 70-80-90???? kapatid gumising ka, 2017 na!
Hindi ka ba naawa sa mga bata na sinali mo sa inyong pakikibaka? Inyong nilinlang at inyong nilayo sa tunay na buhay sa kapatagan?
Dahil ba sabi mo walang naitulong ang gobyerno?
Pero kapatid, naalala mo ba ang mga doktor, nars at iba pang boluntaryong bumisita sa lugar ninyo para makapagbigay ng serbisyo? Lumalapit sa inyo at kinakatok ang puso ninyo na sana lumambot at maisipan na andito lang ang gobyerno para sa inyo,
Kayo lang kapatid, lumapit kayo at may mas marami pang handang tumulong at maglingkod sa inyo. Buksan niyo lang ang inyong mga mata at puso sa tunay na tumutulong sa inyo.
Dahil ba sinabi mong madaming kurakot na mga pulitiko?
Hindi ba ay bago na ang ating administrasyon at unti unti at nakikita na natin ang pagbabago?
Dahil ba sinabi mo na naghihirap kayo at ang mayayaman ay mas lalong yumayaman?
Mahal kong kapatid, ang buhay ay sadyang ganyan, ako man sa murang edad ay naintindihan na yan, kaya ako nagsisikap, nag-aral at inabot ang aking mga pangarap, dahil hindi hadlang ang kahirapan sa kung ano ang gusto mong marating sa buhay.
HINDI HADLANG ANG KAHIRAPAN SA PAG ABOT NG ATING MGA PANGARAP!
Balik tayo sa mga kabataang iyong nilinlang,
Iyan ba ang inyong kagustuhan? Ang tumandang magtago at tumakbo sa gitna ng kagubatan? Iyan ang gusto ninyong ipamana sa inyong mga kaanakan?
Iyan pa ang gusto ninyong maabot ng inyong mga pamilya at mahal sa buhay?
Kayo ay nagrereklamo dahil ang mga kasundalohan ay nasa kabundokan, nakikita niyo sa kung saan saan...
Kapatid,matanong ulit kita....
Sino ang nagsasahod sa mga sundalo? Hindi ba ay kayong mga pilipino? Sa tax po ninyo nanggaling ang sahod nila, hindi po ba? Kaya sila ay inyong mga SUNDALO, kayo ang nagpapasahod sa kanila, kaya tama lang po na kayo ay serbisyohan nila at ilayo sa kapahamakan..
Kayo mga kapatid? Matanong ko ulit? Ano ang inyong naitulong sa lipunan? Nakapagpatayo ba kayo ng paaralan? Ng tulay?ng kalsada?
Alam ko na alam niyo din ang sagot mga kapatid.
Huwag niyo na pong isali ang mga kabataan na may mararating pa sa buhay, hayaan po ninyo silang maabot ang kanilang mga pangarap. Maging isang doktor,nars,guro.
Tama na ang pakikibaka, ang pagtatago...
Isulong ang kapayaan🇵🇭
Nagmamahal,
Ako










