Chapter 1
In An Unknown World
“Ahhhh... (*yawn) Sarap matulog! Teka, nasaan ako? Bakit ako nakatulog sa damuhan? Bakit masakit katawan ko?” Nagising nalang ako sa isang lugar na di ko alam kung paano ako napunta. “Wala akong maalala... ang alam ko lang nakatulog ako sa library namin sa school...”
“May nambully ba sa akin at dinala ako dito? Nakidnap ba ako?” Pag tingin ko sa buong paligid nagulat ako sa aking nakita. May mga islang nakalutang sa kalangitan, mga dragon at malalaking agila na lumilipad. “Nasaan ako?” Di ko na alam nangyayari... Nakasuot ako ng itim na cloak ngunit suot ko ang school uniform ko sa loob. Saan galing yung cloak?
“Ah! Siguro nananaginip ako! Tinamad akong magreview kaya nagbasa ako ng manga. Pagkatapos siguro nun nakatulog na ako! Tama!”
Pagkaraan ng ilang sandali, may isang taong tumilapon papunta sa kinaroroonan ko. Agad ko syang nilapitan. Isang magandang silver-haired na babae. Nakasuot siya ng costume na pang archer at syempre may bow at arrows ngunit sugatan.
“Miss, okay ka lang?” Pero obvious namang hindi! Bakit ko pa natanong yun? Tinignan ko at humihinga pa sya at binuksan nya ang kanyang mga mata. “Miss, anong nangyari?”
“R-run...”
“Run?” Agad syang tumayo at dinampot ang kanyang bow. “Run! They’re coming!”
“E-English? Akala ko ba Japanese ang manga?”
“What are you waiting for? Wait, can you understand me?”
Kailangan kong magsalita ng english?!? “Hmm... Yes I understand you. What’s happening? Why are you wounded?”
Biglang yumanig ang paligid. May mga higanteng kalansay na tumatakbo papunta sa amin. May mga dalang malalaking sandata. Sword, axe, spear. “Ano ang mga—- what are those?”
“I’ll keep them busy. Please run and save yourself!”
Naguguluhan na ako sa mga nangyayari! Tatakbo nalang ba ako?
Tumakbo nga ako palayo habang yung babaeng silver ang buhok ay naghandang labanan ang mga higanteng kalansay. Napansin ko nalang na iisa nalang pala ang kanyang palaso.
Hindi nya kayang labanan ang mga yan! “Teka, panaginip lang ito di ba? Asan ang astig kong sandata?” Kinapa ko ang aking mga bulsa hanggang ay nakuha akong isang maliit na libro. “Libro? Yun lang? Anong magagawa nito?”
Tinignan ko muli yung babae. Habang papalapit na ang mga kalansay itirina nya ang kanyang palaso na tila lumiliwanag at tinamaan ang halos sampung kanlansay. Ang lakas nya! May magic spell syang ginamit? Ngunit wala na syang palaso.
Patuloy pa rin ang pagsugod ng mga iba pang higanteng kalansay. Ang ginawa ng babae ay binitawan nya ang kanyang bow at mukhang makikipag laban sya ng suntukan. Seryoso ba sya?
Sa bandang kanan nya may malahiganteng lion na kumakaripas pasugod sa kanya. “Watch out!” Ang nasabi kong pasigaw sa kanya. Ano bang gagawin ko? Kailangan ko syang tulungan!
Bakit maliit na libro lang ang meron ako? Tinignan ko ang libro. “Easy to Win Spells...” At laking gulat ko na ang pangalan ko ang author. “KyouShiro?!? Ako?” KyouShiro ang pangalan na ginagamit ko sa mga games. Pero kailan ko isinulat itong libro na ito?
Binuklat ko yung libro. Kakaiba ang mga letrang nakasulat pero di ko akalaing kaya kong basahin. “Magic spells?”
Konting distansya nalang ang malahiganteng lion sa babae. Binasa ko kaagad ang magic spell na nasa libro. “I, Kyousuke Shiro, the author of this book, hereby activates the spells written on this book and on this day henceforth is a wizard of the library.” Ano ibig sabihin nun? Asan yung magic spell? “I hereby open the gates of water and wind elements and cast forth- ice wall!”
Sabay kong itinuro ang aking kamay sa kumakaripas na lion at biglang may malaking magic circle na lumabas. May malamig na hangin at tubig na lumabas sa magic circle papunta sa lion at naging yelo. “Astig!”
Nagulat din ang babae at napatingin sa akin. “A-Amazing!” Ang sabi nya. Napabilib ko sya! Ngunit paparating pa rin ang ibang mga higanteng kalansay. Binubuklat ko ng mabilis ang bawat pahina ng libro at pakiramdam ko nabasa ko na ang mga ito.
Matutulungan ko na yung babae sa pamamagitan ng librong ito! Tumakbo ako papunta sa kanya habang binabasa ko ang isa pang magic spell. “I henceforth cast- the stormy blizzard!” May malaking magic circle na lumabas sa itaas at humangin muli ng malamig at umulan ng snow. Nanigas ang maraming kalansay.
Napaluhod ang babae. Mukhang malubha na ang kanyang mga sugat. Agad ko syang nilapitan. “Hey, are you okay?” Kailangan ko ba talagang mag-english?
“I’m fine. H-How can you do that? Are you a spell caster?” Anong ibig sabihin nya dun? “B-But that’s impossible! Spell casters are gone long time ago! And your magic spells are somewhat similar to them!” Naguguluhan ako. Kinukumpara nya ako kanino?
Biglang dumilim ang paligid at may mga dragon namang lumabas mula sa kalangitan ang pasugod sa amin. Ano ba talagang nangyayari? Nabasag ang yelo sa lion at pinagpatuloy ang pagsugod sa amin.
“W-What’s happening in this place? Where am I?”
“H-huh? We are in a war right now!”
“W-War?!? Seryoso?”
“Seryoso? What’s that? Hey help out! Leo’s attacking us!” Sabay turo sa lion na pahampas na ang kanyang matalim na claw sa amin.”
“I declare to open the gate of wind and fire elements. I cast thee- lightning spear!” Malahugis na kidlat ang tumama sa lion at natumba ito.
Paparating na rin ang mga dragon. Saan sila galing? Kaya kompa ba silang kalabanin?
“There’s too much enemies...”
“We have to run. I don’t know if I can fight all of them especially you’re wounded.”
Napalibutan na kami ng mga dragon at biglang may palaso na tumama sa likod ng babae at napasigaw sya sa sakit.
“Tsk... Sagittarius...”
“Sagittarius? Leo? Our enemies are the horoscopes?”
“They are summons of the Dark King!”
“Dark King?!?” Hindi ko na masundan ang mga nangyayari.
“Wait, who are you? It feels like you don’t know anything happening right now in Azuria!”
“Azuria? I’m really lost! But we have to run!”
“H-How? We are surrounded!”
Napalibutan na kami ng mga dragon, higanteng kalansay at lumabas si Sagittarius.”
Pakiramdam ko may magic spell sa libro na magagamit ko para makatakas kami. At may nahanap nga ako. “Hey, give me a safe place we can hide!”
“H-Hide?”
“Faster! We have no time!”
“Sappharrea!”
“I, Kyousuke Shiro, apprentice of the Time Wizard, hereby open the gate and use the element of time and space and I cast forth- teleportation! Teleport us to Sappharrea!”
A magic circle appeared below us. Teka, bakit nag-english ako? At nahulog kaming dalawa. “Ahhhhhhhh” napasigaw kami at nahulog kami sa lupa. Pagkatingin ko isang syudad sa sira sira ang aming napuntahan.
“W-what happened here? Is this Sappharrea? I thought it’s safe here?”
“Yes. It’s safe here. Because it’s already been destroyed in war.” Biglang lumapit sa akin ang babae at itinulak ako sa pader. Dumampot sya ng isang sword at itinutok sa akin. “Now, I’ll ask you again. “Who are you? Are you one of them?”
——-end——-








