The Duke's Sassy Lady (Season 4)
Share with your friends
Customize readability

The Duke's Sassy Lady (Season 4)

lunabeee

All Rights Reserved ©

Summary

THE DUKE'S SASSY LADY Season 4~ [ELION EMPIRE NOBLEMEN] Kakie died in her previous life. When she woke up, she became a minor villain in a hit online novel. And she's destined to die at the hands of Duke Eli--- the novel's main character. No, she refuses to die again!

Status
7yrs ago
Chapters
1
Rating
5.0 (2 reviews)
Age Rating
13+

Flustered

ELI Grimmwulf is just a book character.

Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Kakie sa sarili habang nakatayo sa harap ng salamin at marahang tinatampal-tampal ang mga pisngi. Katatapos niya lang mag-shower at ngayon, pinapatuyo niya ang buhok niya.

Siya lang ang nasa chamber ngayon dahil si Calliope, nasa banyo pa at pinapaliguan nina Carol at Beth. Pero gaya ng chamber nila sa Capital, may connecting door din ang kuwarto at shower room. Naririnig nga niya ang mahinang pagsigaw ng bata kapag binubuhusan ito ng tubig. Lamigin kasi ang anak niya kaya kahit maligamgam ang tubig, nilalamig pa rin ito.

Callie is also just a book character but I already see her as my real daughter.

Ah, she must have gone insane.

Pero sa totoo lang, ano pa ba ang gagawin niya bukod sa pag-a-adapt sa mundong iyon kahit pa nasa loob lang siya ng isang nobela? Wala naman siyang regret sa past life niya dahil maitutulo niya ang pagluluto sa mundong `to.

Well, gusto niyang mabigyan ng justice ang pagkamatay niya. Umaasa na lang siya na magkaro’n ng sobrang bad karma si Chef Louis.

At sana sa next life ng murderer na `yon, never siyang makakain ng masarap na ulam.

But wait. Wala na siyang babalikan sa past life niya kaya tinanggap na niya ang buhay niya rito bilang Francesca Emmanuelle. Interesado siyang malaman kung bakit at pa’no siya napunta do’n, pero tanggap naman niyang hindi na uli siya mabubuhay sa past life niya.

Ang plano sana niya ay mabuhay ng tahimik kapag wala nang threat sa kanya ang mga taong tinraidor niya nang piliin niyang makipag-connive kay Eli. `Yong mga Angus cow na regalo sa kanya ng duke ang magiging livelihood sana niya kapag nag-divorce sila. Naalala pa nga niya ang sinabi niya sa sarili noon nang tanggapin niya ang “marriage proposal” nito.

“… if the original novel ended up with the Duke remaining as a bachelor, then maybe his concept is to be a single dad forever. Meaning, he’s not capable of loving anyone romantically. Mas pabor sa’kin `yon kasi wala rin naman akong plano na ma-in love sa isang book character.”

Wala raw planong ma-in love sa isang book character pero game na game naman makipag-make out sa duke?!

Bullshit, Kakie.

Kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi niya nang maalala na naman niya ang paghahalikan nila ni Eli sa carriage kanina. Kung hindi pa huminto ang karwahe at i-announce ng coachman ang pagdating nila sa Ardi Mansion, baka hindi pa sila tumigil sa paghahalikan. Hindi niya alam kung ga’no `yon katagal pero ang resulta niyon, kitang-kita sa mga labi niya.

Argh, my lips are swollen.

That damned Eli sucked on her lips a little too much. But she couldn’t really complain because she actually liked it. Ang sarap kasing humalik ng lintek na duke na `yon.

Shit, did I just say that?

Mahirap naman kasing i-deny `yon. Wala siyang naging first kiss sa past life niya pero kahit wala siyang mapagkukumparahan, sigurado siyang good kisser si Eli. Hindi na rin siya magtataka kung experienced na ito sa kissing department. Baka hindi lang ito sa kiss magaling.

After all, the sexy duke had the sex god aura.

She was about to lightly punch her mouth but her fist suddenly froze in mid-air. There was a thin black smoke around her wrist. It looked scary but the way it was wrapped around her arm was gentle.

“My lovely duchess, I’m quite fond of your face so please don’t ruin it.”

Nalingunan niya si Eli na nakasandal sa door frame habang nakahalukipkip. Mukhang katatapos lang din nitong mag-shower dahil nakasuot na ito ng thin cream long-sleeved shirt at dark gray cotton pants. Medyo basa pa ang buhok nito kaya mas lalo itong nagmukhang hot.

Does he have to look good all the time?

“You should have knocked first,” sermon ni Kakie kay Eli, saka niya binaba ang kamay niya nang mawala na ang itim na usok do’n. “Saka hindi ka dapat pumapasok ng basta-basta sa kuwarto ng isang babae.”

Eli just rolled his eyes at her sermon. “All right, my bad. But just so you know, I’ve been knocking for about a minute. Nag-alala ako nang walang sumagot kaya binuksan ko na ang pinto.”

Oh? Gano’n ba siya ka-invest sa pagkausap sa sarili niya para hindi marinig ang pagkatok nito? Saka ga’no katagal kaya siya nitong pinapanood nang hindi niya namamalayan?

I’m so glad I didn’t think aloud this time!

“And I didn’t come here just to see your face,” pagpapatuloy ng duke. “Nandito ako para sabihin sa’yong bumalik na si Lady Sunny. Itatanong ko lang sa’yo kung gusto mong ngayon na ipagamot ang peklat mo o bukas na lang ng umaga.”

Napangiti siya nang marinig `yon dahil nangingibabaw na naman ang pagiging fangirl niya. “I want to meet her now!”

“Pipe down,” gentle na saway nito sa kanya, saka ito pumasok sa loob ng kuwarto. Kusang sumara ang double doors sa likuran nito. “Why are you so excited to meet Lady Sunny anyway?”

“I just feel like she’s a cool person,” pagsisinungaling niya. “I mean, she’s a Healer. And they’re rare, aren’t they?”

In the original novel, Lady Sunny saved Calliope’s life many times. Saka interesting din ang connection nito kina Sir Levi at Marquess Felix. `Yon nga lang, medyo tragic ang “side story” nito na sana ay hindi mangyari ngayon.

“Healers are rare and Lady Sunny is special even among them,” pagsang-ayon ng duke sa pangcha-charot niya rito kanina. “She can heal almost any disease and physical damage. But her talent comes with a curse. Dahil sa espesyal niyang kakayahan, maraming mga sakim na aristokrato ang gusto siyang kunin at kontrolin. Kaya simula pagkabata, nagtatago na siya mula sa mga gano’ng klase ng tao.” Tumayo ito sa harapan niya at marahan siyang pinitik sa noo. “That’s the reason why she’s not comfortable with getting too much attention. Kaya kapag nagkita kayo mamaya, `wag kang umarte ng ganyan sa harapan niya.”

Tumango lang siya kasi alam naman niya ang background ni Lady Sunny.

Ayon din sa naaalala niyang nangyari sa kuwento, nag-pledge ng loyalty si Lady Sunny kay Eli pagkatapos itong iligtas ng duke. Na-kidnap kasi ang Healer noon ng mga taga-Black Market. Lady Sunny was almost sold to a pervert noble but fortunately, Eli managed to save her in time.

Hanggang ngayon, naaalala pa rin niya ang isa sa mga favorite scene niya sa nobela.

“Duke Grimmwulf, won’t you just buy me?” desperadong tanong ni Sunny kay Eli habang nakaupo ito sa carriage at katapat ang duke. “I’m tired of running away from people who want to use my ability for wicked reasons.”

“I don’t buy people,” walang emosyon na sabi ni Eli habang nakatingin sa labas ng bintana. “And you shouldn’t put too much faith in me. I’m not that different from the nobles who want your ability for all the wrong reasons. In fact, I’m probably more dangerous than them.”

“I know that,” sagot ng babae. “But at least, you’re easy on the eyes. Kesa maging alipin ng mga pangit at manyak na noble, mas gusto ko nang maging alipin ng isang guwapong duke na alam kong hindi mananakit ng mga babae.”

Do’n lang tumingin ang duke dito. Then, he chuckled while shaking his head. “Hindi kita gagawing alipin pero bukas ang posisyon para sa pagiging official Healer ng House Grimmwulf. Of course, you’ll be properly compensated. Puwede rin akong mag-provide ng tirahan mo. If you live in one of my properties, no one in their sane mind would lay a finger on you.”

“Why the sudden change of heart, Your Grace?”

“I’ll gain a lot of favor if I keep you safe.”

Napasinghap siya nang may maalala siyang detalye mula sa original novel. “Lady Sunny is rumored to be the duke’s lover…”

Na-realize niya lang na nasabi niya `yon ng malakas nang i-deny `yon ng lalaki.

“That’s not true,” mariing tanggi naman ni Eli. “Lady Sunny isn’t my lover. Never was, never will.”

“Don’t say that in front of Lady Sunny,” saway niya rito. “You’ll embarrass her. A nobleman should always mind his manners, remember?”

Tumikhim muna ito bago nagpaliwanag. “I just don’t want you to misunderstand anything. Alam ko na may mga tsismis na kumalat noong maging official Healer ng House Grimmwulf si Lady Sunny. Gusto ko lang linawin sa’yo na hindi totoo ang lahat ng `yon.”

Alam naman niya `yon dahil ayon sa original novel, kinuha lang ni Eli si Lady Sunny kasi gusto nitong magkaro’n dito ng utang na loob sina Sir Levi at Marquess Felix. The duke knew that the two young men were fond of the Healer, so he thought he could use Sir Levi and Marquess Felix in the future if they owed him a favor for protecting Lady Sunny.

Sly.

“I’m not misunderstanding anything,” pag-a-assure niya kay Eli. “Isa pa, okay lang naman sa’kin kung may lover ka. Bukod sa hindi naman tayo magpapakasal for love, aware din ako na normal lang sa mga noble ang magkaro’n ng mistress.”

I mean, it’s distasteful but it’s a norm here.

Hindi niya in-a-advertise ang cheating. Pero dito kasi sa mundong ito, ang pagkakaro’n ng mistress ng mga nobleman ay normal. Alam iyon ng mga noblewomen at tanggap ng mga ito ang custom na iyon.

Why does my heart hurt though?

Tumingin siya kay Eli para i-check ang reaksyon nito sa mga sinabi niya. She felt weird after babbling gibberish stuff and she wondered how the duke reacted to it.

Hindi siya sigurado kung bakit pero biglang naging blangko ang mukha ng duke. Parang naging malamig nga ang tingin nito sa kanya. Upon closer inspection, he was even looking at her like she offended him.

“What?” reklamo niya. “Are you picking up a fight with me?”

“Do you really not care even if I have a lover?”

“I don’t,” sagot niya, sabay suntok ng kung anong unseen force sa puso niya. Stupid heart, don’t react weirdly please.

“Then, I must be mistaken.”

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. “What do you mean by that?”

Eli brushed his lips with his thumb while looking at her like he was seducing her.

At bilang marupok na babae, napatitig naman siya sa mga labi nito. Damn this duke for having luscious lips. Naalala uli niya ang mainit nilang halikan sa carriage kanina. Nakakahiya rin kapag naaalala niyang umungol siya sa bibig nito.

Ayaw na niyang isipin kung saan sila napunta kung sakaling hindi huminto ang carriage.

Damn, I want to kiss this jerk again.

“Kakie, are you sure that it won’t bother you if I kiss another woman with the mouth you just devoured earlier?”

Nag-angat siya ng tingin hanggang sa magtama na ang mga mata nila ni Eli. This devious guy was obviously teasing her. And much to her dismay, it was working. Ewan ba niya sa sarili niya pero nakaramdam siya ng matinding possessiveness na wala naman sa katawan niya noon.

Pero ngayon, kapag naiisip niyang may ibang babae na hahalik sa duke, naiinis siya. Natikman na niya ang mga labing `yon kaya ayaw na niyang ipatikim sa iba. It was petty, but so what?

Those lips are mine!

Ngumisi si Eli na parang nababasa ang isipan niya. “I like the face you’re making, Kakie. Hindi `yan ang mukha ng isang babae na walang pakialam kung may lover ang fiancé niya.”

“A-Asa ka pa,” naiinis na sabi niya rito dahil hindi niya matanggap ang sinasabi nito. Tumikhim siya para hindi na uli mag-stutter nang muli siyang magsalita. “Tingin mo ba, ma-a-attach ako sa’yo dahil lang sa isang halik? Hah! Eli Grimmwulf, I’m a modern woman. A casual kiss like that is nothing to me.”

Tumaas ang kilay nito. “That was a casual kiss?”

“Yeah, what about it?”

“I thought it was your first kiss,” sabi nito sa teasing tone. “Parang hindi mo kasi alam ang gagawin no’ng hinahalikan kita– mmf!”

Hindi na nito naituloy ang mga sinasabi dahil tinakpan niya ng kamay niya ang bibig nito. Sana lang ay hindi umabot sa mga kamay niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. “S-Stupid Eli!”

Gosh! Gano’n ba ka-obvious na first kiss ko `yon? Nakakahiya!

Nanlaki ang mga mata ng duke na parang hindi makapaniwalang tinawag niya itong “stupid.”

“Hindi pa rin big deal ang kiss na `yon, okay?” sabi niya rito habang pinanlalakihan ito ng mga mata. “Geez, it was just a kiss.”

Himbis na sumagot, dinilaan lang ni Eli ang palad niya.

“Eli!” patiling saway niya rito, saka niya inalis ang kamay niya sa bibig nito. Pagkatapos, pinunas niya ang palad niya sa laylayan ng damit nito na ikinatawa ng lalaki. “That’s gross!”

Not really. She actually liked the sensation of his warm and soft tongue against her palm. But she would die of embarrassment if she admitted that.

“Kakie,” mayamaya ay seryoso nang pagtawag sa kanya ni Eli. “Talaga bang wala lang sa’yo ang halik na pinagsaluhan natin?”

“That’s right,” pagsisinungaling niya. Sana lang ay hindi siya nagba-blush ngayon. “Nadala lang ako ng sitwasyon.”

At dahil sa sinabi niyang `yon, naalala niya kung bakit sila nauwi sa paghahalikan.

“I want to confirm my feelings by kissing you... At mas lalong naging matindi ang urge na `yon nang makita kitang kasama ang prinsipe kanina.”

No, that kiss might not mean anything to Eli, pag-convince niya sa sarili niya para i-justify ang pagke-claim niya na “casual” lang para sa kanya ang halikan nila. He’s possessive and he just hates the fact that Prince Russell might take me away because he sees me as his property. If I fall for that, I’ll just make a fool of myself.

“All right,” sabi ni Eli mayamaya. “The next time I kiss you, I won’t let you say that it’s just another casual kiss.”

“You sound as if you’re confident that we’d kiss again.”

He just gave her his annoying confident smile.

“Did that k-kiss sort out your feelings?”

Mas lumuwang ang ngiti ng duke. “Do you want me to answer that question now?”

“No!” mabilis na sagot niya, saka niya pinaypay ang mga kamay niya sa nag-iinit niyang mukha. “Gosh, Eli. Let’s be mature and forget that, okay?”

***

GUIDE QUESTIONS FOR BOOK DISCUSSION:

1. Tingin niyo ba, may feelings na talaga si Eli for Kakie?

2. Kung ikaw si Kakie, mapipigilan mo ba ang sarili mong ma-in love sa isang fictional character?

***

You may share your answers, thoughts, and questions in the comment section below. Puwede niyo rin akong i-tweet; ang username ko eh lunaking_phr. :>

Sana magkaro’n tayo ng healthy discussion. I’d love to read your feedback. Thank you. <3

***

Let lunabeee know what you thought about this chapter!

Marianne Psyfie
Marianne Psyfie

shucks kakie!! wag namang manhid huhu

7 years
CrazyFreak_idm
CrazyFreak_idm

HELLO! I'M NEWBIE HERE AT INKITT 👋👋👋👋👋

7 years
Starve
Starve

nagsign up sa inkitt oara lang sa The Duke's Sassy Lady 😍

5 years

Further Recommendations

To Catch a Ghost, Part 1

Wendy Salvo: I really liked this story but now that I’ve read all three I wanted to come back with a thought, the forward on this story talks about a reverse harem and not having to choose, but there isn’t any choice, or thought of a harem until the moment she connects with them, there is only foreshadowing of o...

Read Now
Ruthless Lord

susiebear2012: Realy enjoyed this so looking forward to more.great story line hope they can achieve getting away from the kings burden. Truly amazing well written well done.

Read Now
Hit and Run

ZaraPearl: I truly love the story, very intersting and lovely.Sebastian is a great character and yoda ..., all of it , though I expected more at the endingi5 would've been great

Read Now
Rebuilding After Betrayal

Lynne: Very enjoyable short story good characters and they all found love n honesty.

Read Now
The Rewrite

MHReader: The story has a great plot and moves along nicely. There are a few grammatical errors but these do not detract from the flow of reading.

Read Now
Silver's Second Chance

April: Reading this one time was not enough, I love rereading this story. I love how strong and independent silver is. 💗💗

Read Now
The Mate he couldn't have

glendinningjune: Sdfgg ghiiio dghjk sdfgh tuition xxvhh gvhhn gvvhj ghj joking hbvcfh jkkkbv fccgh hhh dccg wfgbv yvffv invest unvvgh

Read Now
Married by Fate

starx_1413: Honestly, what a read!! I absolutely loved this story. The plot was so interesting, and those plot twists? I WAS NOT EXPECTING THEM AT ALL!! Just when I thought I had figured things out, the story managed to surprise me all over again.One of my favourite things has to be the chemistry between the ch...

Read Now
Bear Roberts

user-za6B61FpQY: While I felt like this wasn't a realistic situation on meeting someone; I realky like how their relationship develops!

Read Now