Falling In Love With My Professor

Summary

Meet Althea Keziah Collins, isang estudyante ng ubod ng ganda kaso maarte, ubod ng kaseksihan kasi nambubully. Lahat ng estudyante ay takot sakanya. Pati mga teacher nya binubully nya. Pero sa isang iglap lang nakaharap nya ang professor na matipuno pero ubod ng yabang at may ari ng eskwelahan na kinatatakutan din ng mga estudyante ay nakaharap ni Althea. Ibubully pa din ba nya ito o magkakagusto na din ba sya sa prof nya?

Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
16+

Chapter 1 First Day Of School

Althea POV

Ano ba yan ang aga aga bunganga agad ni ate ang bubungad sakin kung makapag gising sakin wagas daig pa alarm clock ko.

"Ano ba althea gigising ka ba o hindi? Hihintayin mo ba talaga na buhusan kita ng tubig jan?!" Ate shouted

"Eto na eto na babangon na!" I shout

Ang ingay ingay ng bunganga kala mo may mega phone na nilunok eh.

Btw I'm Althea. The bully queen of school. Maraming beses na ko naguguidance dahil sa mga binully ko. And yung kanina na sumisigaw? Sya naman ang ate ko. Si Athena. Sya lagi yung pinapatawag ng guidance dahil sakin. Sya na din kasi ang tumayong nanay ko.

Kaya nag iingay si ate kasi pasukan na namin. First day of school pero parang tinatamad pa kong pumasok.

Natapos na kong maligo at magbihis ng tawagan ako ng kaibigan ko.

"hello?" i said.

"[Girl ba't ang tagal mo ha?! Nandito na kami ni Yuna ikaw nalang hinihintay namin te. Titingin pa tayo ng section natin! Baka nag mamake up ka jan?!]" Leigh Ann said

Sya naman si Leigh Ann ang kasama ko tuwing nambubully ako. Bestfriend ko na sya nung first year high palang kami. Sakanya ko din natutunan kung pano mambully.

"Wow ha! Sayo pa talaga nanggaling yan? Parang hindi ka din ha" I said

"[haha! Basta dalian mo na at mambubully pa tayo dito]"

"what are you insane?! First day of school palang girl mambubully ka na?! Umayos ka nga!"

"[so what?! Wala silang pake! At least alam naman ng mga baguhan na kinatatakutan tayo]"

"tsk bahala ka basta ako next week mag sisimula na kong mambully"

"[ok sabi mo yan. Dalian mo na jan baka mag pasukan na]"

"ok" then I hanged up

Yeah ganyan sya gusto nya lahat ng tao takot sakanya. Well ako hindi ko lang naman gusto na katakutan ng lahat. Basta nambubully lang ako pero wala naman akong sinabi na katakutan ako.

"Althea halika na bumaba ka na baka malate ka pa sa ginagawa mong yan eh." Ate shouted

"oo na bababa na!" I said

Pagkababa ko nakita ko na sya na palakad na sa labas kaya sinundan ko na sya baka iwan pa ko netong magaling kong kapatid.

Naupo ako sa may tabi ng driver seat. Nag drive naman na sya papunta sa school ko.

"umayos ka na althea ha sinasabi ko sayo baka ipatapon na kita kay mama" ate said

Ganyan naman sya eh lagi naman nyang sinasabi yan pero hindi nya magawa. Ewan ko ba sakanya bat pa nya tinuturing na ina yon eh samantalang kami hindi naman kaming tinuturing na anak non.

"wag mo na nga syang tawaging mama hindi naman natin nanay yon" i said

"kahit na sya pa din nag palaki satin"

Hindi ko nalang sya pinansin at tumingin nalang ako sa daan baka kasi kapag sinagot ko pa sya away na naman kami.

"dito na ko" i said

"wag ka na magloloko ha umayos ka na"

Nag nod nalang ako at bumaba na ko. Nakita ko na agad sila leigh ann at yuna na palapit sakin.

"tara na tignan na natin yung mga sections natin don" yuna said

"bat atat?" sabi ko

"gusto ng mambugbog yan kaya ganyan" leigh ann said

Yuna park ang boyish saming tatlo. Sya talaga yung pinaka matapang saming tatlo. Mapababae man o lalake takot sakanya. Alam nyo kung bakit? Nambubugbog eh. Sya lagi yung pinareresbak ko sa mga nambubully din samin kaya yung mga yon kahit nambubully din pag dumaan kami para din silang mga tuta kung matakot. Iba kasi mambugbog tong babaeng to eh. Halos balian na nya ng buto.

"bakit may sinabi ba kong gustong mambugbog?" yuna said

"whatever" Leigh ann said

Habang palakad kami papunta sa nay stage dahil dun daw nakalagay yung mga section namin ay lahat ng mga tao nakatingin samim. Yung ibang mga baguhan parang wala lang. Tignan natin next week kung ganyan pa kayo makatingin samin.

"anjan na sila baka mambully na naman sila"

"hindi ka na nasanay sa mga yan lagi naman nambubully yan eh"

"tsk maganda nga ubod naman ng kaartihan at ang sama pa ng ugali"

Napahinto kaming tatlo dahil sa narinig namin na yon. Parang sinadya ata nung estudyante na yon na iparinig samin.

Sabay sabay kaming lumingong tatlo dun sa dalawang babae at paglingon namin nakita na namin sa mukha nila na parang takot na takot na.

Lumapit ako sakanila.

"what did you say? Ulitin mo nga yung sinabi mo sa harap namin?" i said

"ah.....eh h-hindi p-po ako n-nagsabi n-non"

"talaga lang huh? Eh bakit parang takot na takot ka?" leigh ann said

"hayaan nyo na girls" sabay tingin sa dalawang babae "pag lampasin na muna natin ngayong araw na to pero next week" tinignan ko yung babae mula ulo hanggang paa "magsisimula na tayo" sabi ko "and who's the target girls?" lingon ko dun sa dalawa sabay harap ko din sa dalawang babae "you know what i mean" i said pero may pag tataray.

Nauna na ko naglakad at sumunod naman yung dalawa sakin. Pag lalampasin ko muna ngayong araw na to. Ayoko muna kasi mambully ngayong first day baka first day din nasa guidance na naman ako ayaw pa naman ni ate.

"bat mo sinabi na lalampasan mo muna yon? Handa pa naman ako na ibully sila" leigh ann said

"diba kakasabi ko lang sayo, ayoko muna ngayon first day of school nasa guidance agad ako" i said

Nakarating na kami sa may stage pero ang daming tao. Siksikan sila sa pag kita ng mga sections. Ayoko pa naman ng ganto. Lumingon ako kay yuna at sinenyasan sya.

"HINDI BA KAYO TATABI JAN?! O GUSTO NYONG MABUGBOG?!" Yuna shouted

Agad naman nag sitabi ang mga taong kanina lang ay nagsisiksikan. Yung iba nakayuko lang, yung iba na parang transferee ay parang wala lang.

Nilingon ko si yuna "goodjob"

Ngumiti lang sya sakin. Lumapit na kami sa chart para tignan ang mga sections namin.

"ok girl mag kakaklase pa din tayong tatlo" sabi ko

"ok maganda. Pano ba yan girls simula na ba?" leigh said

"i said not now leigh ann. Maybe next week simulan na natin" i said

"ok ok next week" leigh said

I'm so excited next week. Mag sisimula na kami mambully haha!.