Chapter 1 (Questions of Kelly)
Who? What? Where? When?….
Hi, i'm Kelliyah Mariozo, Kelly in short. I'm a girl with big questions in life. Minsan napapa-isip nalang ako kung bakit nagkaganito ang buhay ko. Parang halo-halo na ako kulang nalang yelo.
At eto na magsisimula na ang kwento ng mapait kong nakaraan.
When I was 5 years old naranasan ko ang unang sakit. Nasa mall kami nun nung nagyaya akong bumili ng stuff toy. Pero alam nyo ba kung anong sabi ni Mama at Papa? Matanda na raw ako para sa ganito at hindi ko naman daw ito kailangan ang piliin ko lang daw ang mapapakinabangan talaga. Eh ni isang Stuff toy nga noon wala ako dahil inaagaw lahat ni Ate Keyla. Nanahimik nalang ako sa gilid ni Mama at nagpatuloy sa paglalakad. Biglang nagyaya naman ang aking kapatid. "Mama, Papa bilhan nyo ako ng doll house", sabi ni Ate Keyla. Agad-agad na pumasok sina Papa at Ate Keyla sa bilihan nang mga laruan at naghanap ng doll house paglabas nila abot tenga ang ngiti ni Ate Keyla dahil dala-dala na niya ang hiningi niyang doll house. But damn, she's 8 years old na nun.
Isang araw noon, umalis sina Mama at Papa dahil may binili sila so kaming dalawa lang ni Ate Keyla ang natira sa bahay. Aksidenteng natabig ni Ate Keyla ang lalagyan ng alahas ni Mama at nabasag. Pagdating nila Mama at Papa nagulat ako sa bungad ni Ate Keyla sa kanila. "Mama, tinabig ni Kelly ang lalagyan mo ng alahas kaya nabasag." Namutla ako sa narinig ko at dahil narin sa takot. Alam kong mahalaga yun kay Mama dahil bigay pa ito ni Lola sa kanya. Nang pumasok sina Mama at Papa agad nila akong pinagalitan kitang-kita nila na namumutla ako kaya tinodo pa nila ang pagpapagalit saakin. Nagsawalang kibo nalang ako nun dahil pag sinabi ko ang totoo hindi naman sila maniniwala. Umakyat nalang ako sa kwarto at buong araw na umiyak.
Hindi lang yan kundi marami pang masasakit na pangyayari. Hindi ko na kayang ikwento ang mga iyon sa inyo dahil nandyan parin ang sakit eh.
(⏩)15 years old ako
Pinatawag ako ni Mama at Papa sa sala dahil may sasabihin daw sila. At yun ang pinakamasakit na salita na natanggap ko. Ang sabihin nilang ampon lang ako.
Oo ampon lang pala ako. Kaya pala hindi ako mahalaga. Kaya pala hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila. Kaya pala ni minsan hindi ko naramdaman ang tunay na ligaya.
Pinilit ko nalang na tanggapin yun dahil iyon ang totoo kahit na parang pinaulanan ako ng bala pagsabi nila na ampon lang ako.
Nagkulong ulit ako sa kwarto ko nun.
"Sino ba? Ano ba? Saan ba? Kailan ba? At paano ba ako liligaya?" Yan nalang ang umiikot at tumatakbo sa isip ko. Dahil kahit isang segundo sa buong buhay ko di ako sumaya ng totoo. Ang lahat ng tawa at ngiti ko ay peke lang.
Sa puntong yun parang nabiyak ang puso ko.
Siguro ganito nalang ang buhay ko. Siguro nabuhay ako para maging ganito.
(Kinabukasan)
Kumatok si Mama sa pinto ng kwarto ko at sinabing may gustong kumausap saakin. Pagbaba ko may nakita akong isang babae at lalaki na parang kasing edad lang nila Mama at Papa.
"Kelly, sila ang tunay mong mga magulang.", Sambit ni Mama.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nun.
Ang importante ay nakilala ko sila sa araw na yon.
Pinapili nila ako kung gusto ko bang manatili o sumama sa kanila. Nang dahil sa sakit na dinanas ko sa una kong mga magulang, pinili ko na sumama sa tunay ko Ina at Ama.
(⏩)
Ngayon, ilang buwan na ako sa tunay kong mga magulang at hindi ako nagkamali. Naranasan ko ang tunay na ligaya sa kanila. Tinurin nila akong parang prinsesa. Pinaramdam nila sakin ang tunay na pagmamahal at pag-aaruga.
Sa tingin ko nasagot na ang mga tanong ko.
Sana. Sana nga.