PUZZLE 1
Puzzle 1
Ilang beses kong tinapik ang nanginginig na paa sa marmol naming sahig. Ilang beses ko na ring pinisil ang nanginginig na kamay baka sakaling tumigil ito sa pagnginig.
I failed my Mom and Dad. Bagsak ako at kailangan kong bumalik ng isang school year. My school is not a fan of summer class. Ilang beses na akong nagmakaawa sa kapatid ng Mom ko na at the same time ay teacher ko sa isang subject ko pero wala siyang magagawa para doon. Sa dalawang subject ako bagsak due to absences. Pinakiusapan ko na rin siyang kahit hindi na ako pumasa basta 'wag lang niyang sabihin sa parents ko pero ayaw niya. I remember what she said.
"That's a no, Mackenzie Maxwell! Kailangang malaman nila ito dhil hindi ka matututo sa pagkakamali mo. Hindi porket anak ka ng kapatid ko ay I will tolerate your actions! Kung iyon ang inaakala mo ay pwes, nagkakamali ka!"
Kahit ang haba ng sinabi niya ay na-memorized ko pa rin iyon. At bakit hindi? Ilang beses na niya kasi iyong inulit. Hanggang sa nasa loob ng kotse na niya kami at nagda-drive siya ay inulit na naman niya ito.
Napabuntong hininga ako
Please, God, help me please.
Hindi pa natatapos ang school year pero dahil advance mag-isip ang mga teacher sa school namin kaya alam na nilang bagsak ako. Ang bababa daw ng grades ko at ang dami ko pang bad records. Muntik pa akong ma-kick-out. Basagulera kasi ako. Palagi na lang akong nakikipag-away sa mga estudyante sa school. Pati nga mga teachers at staffs ay hindi ko pinalampas. Kahit mga lalaki, hinahamon ko sa away. Nag-re-reynahan kasi ako sa school palibhasa halos lahat ng students takot sa akin. 'Tsaka ang hilig ko pang mangbully at mangditch sa klase. Kasali din ako sa mga gangs dahil sa mga nababarkada ko. Mukhang hindi na yata nila natiis ang masamang ugali ko kaya pinapaalis na nila ako sa school.
"Darling!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang matinis na boses ni Mom.
"M-Mom!" Nasabi ko. Nakipag-beso siya sa akin at niyakap ako. "W-where's Dad?"
She rolled her eyes. "As usual, busy." Sagot niya at humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
"M-Mom, I h-have something to tell-"
"Me, too, sweetie. Oh, my God! I'm so excited!" She squealed and hugs me again.
Nagpeke ako ng tawa.
She's not my real Mom pero close kami. My real mother died when I was just a baby. Nagbubuwis-buhay na daw kasi kami noong isinilang ako ng real Mom ko and my Mom choose me to live. Miracle baby lang kasi ako. Palagi kasing nakukunan ang real Mom ko kaya tuwang-tuwa talaga sila dahil stay strong ako. At kahit labag sa kalooban ni Dad ay pinili niyang mabuhay ako. At sa oras ding iyon, namatay siya. Kaya nangako ako noon na magiging mabuting anak ako pero ang pangako kong iyon ay napako lang.
Yeah, right. Ang drama ng buhay ko but I was thankful dahil noong nagpakasal muli si Dad ay pumili siya ng tamang babae. Pero sadyang malas nga talaga si Dad because she can't bear a child.
"W-what is it, Mom?" I asked. Medyo nawala ang kaba ko dahil halata sa mukha niya ang excitement.
"Ililipat kita sa isang new exclusive school!"
Napakunot ang noo ko. "What?!"
"Ayaw mo no'n, sweetie? Malapit ka ng mag-college at ang panget kaya ng school niyo dahil walang school for college!" Pangangatwiran pa niya at umirap.
Bumalik na naman ang kaba ko. What if malaman niyang bagsak ako? Proud na proud pa naman siya sa akin tapos ito lang ang igaganti ko? I'm a black sheep!
"B-but, Mom." Nawala ang ngiti sa labi niya nang makita ang mukha kong parang hindi nagugustuhan ang gusto niyang mangyari. Well, hindi naman talaga. Ayoko sa ideyang iyon. Ang dami kong maiiwan sa school ko.
Nang sumeryoso ang mukha niya ay mas lalo akong kinabahan. Ilang beses akong napalunok. Pinagpapawisan na rin ako kahit ang lamig naman dito dahil may airconditioner.
"Come on, sweetie. Maganda ang school na iyon. Kahit bagsak ka ay-"
"Wait, what? Alam mong bagsak ako?"
"Yeah. Your Mommy Ally told me."
Si Mommy Ally ay ang teacher ko sa Math subject ko at ang kapatid ni Mommy. Mas gusto niyang tawagin ko siyang Mommy Ally kapag nasa bahay kami pero kapag nasa school kami ay Teacher or Ma'am ang tawag ko sa kanya. Talagang tinutoo niya talagang sasabihin niyang bagsak ako kay Mom.
"I'm sorry," Nakayukong paumanhin ko. Pahikbi-hikbi kong pinahiran ang luha ko sa aking pisnge.
Hinawakan ni Mom ang baba ko at tinignan ako sa mga mata. "Come on, sweetie. Don't cry. I understand, I understand. Sigurado akong maiintindihan ito ng Dad mo."
Umiling-iling ako. "No, Mom, no! He will never understand."
Pinahiran niya ang luha ko at niyakap ako ng mahigpit. Alam niyang takot na takot ako kay Dad. Strict kasi ito lalo na pagdating sa pag-aaral ko. He wants me to be a perfect daughter pero wala siyang magagawa dahil tao lang ako, hindi ako Diyos. Hindi ako perpekto dahil walang taong perpekto.
"Bukas na bukas rin ay ililipat kita sa ibang school." I nodded my head.
"Baby, bilisan mo diyan! Nandito na ang driver mo!"
"Okay, Mom!"
Nagmamadaling sinara ko ang backpack ko at nagmamadaling lumabas ng bahay. Dala ko rin ang dalawang maleta ko na punong-puno ng damit ko. Pagkalabas ko ay tama nga si Mom. Nandito na ang driver ko at kasama pa niya si Mom.
Talagang malakas at matinis nga talaga ang boses ni Mom dahil rinig na rinig ko siya kahit noong nasa kwarto pa ako.
Sumakay na ako sa kotse katabi si Mom. Ang sabi niya ay nasabi na niya sa Dad ko na ililipat niya ako sa bagong paaralan at um-okay naman ito. Hindi naman daw ito nagalit nang malaman nitong bagsak ako kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Are you nervous, Mackenzie, sweetie?"
"Medyo."
"Don't be. Mababait ang mga tao dito, Mackenzie. Sa katunayan, dito rin kami nag-aaral ng Dad at ng totoong Mommy mo noon."
Napatingin ako sa kanya.
"R-really?"
"Yes, really!"
Ginulo niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo at nag-iwan ng bilin bago umalis.
"Be a good girl, okay? Hindi ka namin masyadong mabibisita dahil mahigpit ang mga tao dito. Maging mabait ka sa dormmate mo, okay? Don't skip meals, okay? Mag-aral ng mabuti, 'wag maging pasaway. Make friends at 'wag makikipag-away. Spread love, hihi."
Napabuntong-hininga na lang ako nang makaalis na siya. Iniwan niya ako sa principal's office with the principal of this school. The principal gave me my schedule at ang kakailanganin ko sa school. He also gave me a key for my dorm.
"Here," May inabot ang Principal sa aking makapal na libro na kaagad ko namang tinanggap.
What is this? May balak ba siyang magpakwento sa akin ng bedtime story?
Nasagot ang katanungan ko nang bigla siyang magsalita. "That is a handbook. To know Red Gem Academy's school regulations more."
Napatango ako.
Tinignan ko muna ang kabuuan ng school bago pumasok. Malaki ang paaralan, doble pa nga ang laki nito kaysa sa paaralan ko dati. Malinis ang paligid at ang raming mga puno at bulaklak. Ang problema lang ay napakalayo nito. 9 or 10 hours kaming bumyahe bago makapunta dito. Medyo masakit pa nga ang ulo ko at kakasuka ko lang sa kotse namin. Mahilohin kasi talaga ako lalo na kapag ang tagal ng byahe.
I was checking my things while walking in the corridor. Marami-rami pang estudyante dahil maaga pa naman.
"Transferee."
"May bagong salta na naman."
"Sana lang hindi siya bitch para naman masali natin siya sa grupo natin."
"Maganda siya at sexy. Bagay siya sa grupo ko."
"New bitch again."
"Wow, chick!"
"Ang ganda at ang puti ng legs, pre! I wonder if virgin pa ba 'to o natikman na ng boyfriend niya."
"Gi-gilfriend-in ko 'yan, mga pre."
Napairap na lang ako sa mga naririnig. Ayokong pinag-uusapan ako at ayokong binabastos ako. Kung hindi lang ako bago dito ay matagal ko ng nasampal ang mga 'to.
Mas lalo pa akong nairita nang may narinig akong may sumipol. Nilingon ko ito at kumindat pa ang loko.
"Hi, Miss Beautiful!" Bati nito. Gwapo sana siya pero bastos!
Inirapan ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng kanina pa ako pinag-uusapan. Ganito ba talaga ang mga estudyante dito kapag may transferee? Kakaiba ang trip nila, ah.
Hinanap ko muna ang dorm ko bago hanapin ang room ko. Wala pa ang dormmate ko kaya inayos ko muna ang gamit ko. Mabuti na lang at magkahiwalay ang dorm ng mga babae at lalaki. But still, hindi ako sanay na may kasama sa iisang kwarto.
Busy ako kakatingin sa kabuuan ng magiging dorm ko nang may biglang pumasok. Napatingin ako sa taong pumasok.
"Who are you?" Tanong nito at tinaasan ako ng kilay.
Tinignan ko ang kabuuan niya. Mukha siyang anghel. Maganda siya at kahit naka-uniform siya ay masasabi kong sexy siya. Blonde ang wavy niyang buhok at mukhang natural naman ang pagka-blonde nito. Maputi at makinis din ang kutis niya. Matangos ang ilong, mapula ang labi, maganda ang mata at maganda ang hugis ng mukha.
"I'm Mackenzie, your dormmate."
Lumapit siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Dormmate?" She asked.
"Yes. Aren't you inform?"
"Dormmate kita?"
"Um, yes?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil na-we-weirduhan na ako sa kanya. Mukha kasi siyang hindi makapaniwala.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin at nagtatalon-talon siya habang yakap-yakap parin ako.
"Oh, my gosh! It's been a long time simula ng magka dormmate ako! I'm glad to meet you! Oh, my gosh talaga! I'm so glad, really glad!" Masayang sabi niya at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ang magkabilang pisnge ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi kaagad ako nakapagsalita. "My name is Twilim Fernandez. So, ikaw pala ang sinasabi nilang transferee."
"Ah, yeah?"
"Sana maging kaibigan kita. Ang ganda-ganda mo, sobra!" Aniya at kinamayan ako.
"A-ah, thanks?"
"Want me to be your tour guide dito sa school?"
"W-well... if you insist"
"Great!"
Gaya nga ng sabi niya ay nagsilbi siyang tour guide ko.
"This is our cafeteria. Dito kami kumakain, nagchi-chismis-an, at naghihintay sa mga crushes namin." Natawa siya sa huling sinabi.
Tinignan ko ang kabuuan ng cafeteria. Malaki-mas malaki pa kaysa sa cafeteria ng paaralan namin. Hindi karamihan ang mga estudyante sa cafeteria siguro dahil maaga pa at wala pang break time.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko to checked the time and my schedule. 7:30 pa ang klase ko kaya may isang oras pa ako para maglibot sa buong school. Kung tutuusin, maganda din naman ang school na ito. Marami pa akong hindi alam dahil hindi ko pa nababasa ang handbook ng paaralang ito.
"This is our field. We call this orange field. As you see, hindi normal ang grass na tumutubo dito. It's color orange. And to tell you more, ang mga halamang tumutubo dito ay orange." Kwento sa akin ni.... wait, sino nga ulit siya?
Pinagmasdan ko na lang ang Orange Field at hindi pinagtuunan ang pangalan niya. I'm sucks at memorizing people's name.
Totoo nga ang sinabi niya, orange ang mga halamang nakikita ko sa buong paligid. Ang weird. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.
"Bakit ganito 'yong kulay?" nagtatakang tanong ko habang titig na titig sa paligid.
"'Yong mga science freak kasi ng school dati, in-experiment ito kaya nagkaganito." paliwanag niya. Napa-ah naman ako habang tumatango.
Naglakad ulit kami hanggang sa mapadpad kami sa Cruise Building. Kaya daw tinawag itong Cruise Building dahil may malaking fountain na ang statue ay cruise imbes na anghel. Ang Cruise Building ay ang elementary building. Samantala, ang Touch of Hell Building naman ay ang highschool building. Ang weird ng pangalan ng building. Kaya daw ito tinawag na Touch of Hell ay dahil noong ginagawa pa daw itong paaralan ay bigla na lang itong nasunog at walang nakakaalam kung sino ang sumunog nito. Kung meron man, iilan lang daw. Ang Secret of Amanda Building naman ang college building. Ang weird na naman ng pangalan. Kaya daw ito tinawag na Secret of Amanda ay dahil dito daw nagsinungaling si Amanda. Si Amanda ang great great great grandmother ng may-ari ng school.
Pupunta pa sana kami sa gym nang biglang tumunog ang bell. Napansin kong nagsipasukan ang mga estudyante sa kani-kanilang room kaya pumunta na ako sa Touch Of Hell Building nang biglang sumabay sa akin 'yong dormmate ko.
Hindi ko na lang siya pinansin at tahimik na lang na naglakad. Hinanap ko ang room ko. Kahit nagtataka na ako dahil kanina pa sunod ng sunod sa akin ang dormmate ko. She's being creepy. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit siya sunod ng sunod sa akin pero wala akong confident para itanong iyon sa kanya. Nagugulat nga ako sa sarili ko ngayon. I'm not like this pero pagdating sa kanya ay nagkakaganito ako. She has this aura na hindi ko ma-explain.
Huminto kami sa pinakadulong room ng building. I think, this is my room.
"Magkaklase pala tayo." Aniya.
Napatingin ako sa kanya.
Kaagad siyang naglakad papasok at umupo sa pangatlong row. Naglakad na rin ako papasok at balak sanang umupo sa dulong row nang bigla niya akong tinawag.
"Mackenzie,"
"Bakit?"
"Bawal ka diyan."
"Huh? Bakit?"
"May nakaupo na kasi diyan."
Tumango na lang ako at naghanap na lang ng ibang mauupuan.
Walang guro kaya nagsilabasan ang mga kaklase ko. Bigla akong kinalabit ng babaeng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Mackenzie, labas tayo, dali!" Aya niya.
"Ah, what's your name again?"
She chuckles. "Twilim Fernandez. You can call me Lim tutal magkaibigan na tayo."
Hindi ko siya sinagot pero sumama ako sa kanya. Bahala na kung papagalitan ako, marami naman kaming lumabas.
"I will tour you again but I can't promise you na malilibot talaga kita dito ng isang araw lang. Masyado kasing malaki ang paaralan."
I know, right?
Dinala niya ako sa gym nila na malapit lang pala sa Touch Of Hell Building. I will call this building TOH. Nakakakilabot kasi ang pangalan.
Sunod naming pinuntahan ay ang comfort rooms na malapit naman sa cafeteria. At dahil masyado ngang malaki ang Red Gem Academy ay napagod kami kakalibot. I decided to go to the academy's cafeteria while Twilim-girl decided to go to the comfort room. Habang naglalakad ako papuntang cafeteria ay may biglang humila sa akin.
Napasigaw ako sa takot. Baka sakaling kidnapper iyon or rapist. Sisigaw sana ako ng mas malakas nang takpan nito ang bibig ko gamit ng kamay nito.
"Shhh" The guy hushed me.
Sumipa-sipa ako at pilit na kumakawala pero itinulak niya lang ako sa pader kaya napaupo ako sa sahig habang sapo-sapo ang nasaktang braso.
"Who are you?" Inis na tanong ko.
Hindi ko pa malalaman kung anong itsura niya kung hindi lang siya tumingin sa akin. Ngumiti siya kaya saglit akong natulala. Gwapo siya- sobrang gwapo. Mapupula ang labi niya, matangos ang ilong, maganda ang mata at maputi. Kahit saang anggulo ay gwapo siya but I guess, kidnapper siya or rapist. Kahit gwapo siya ay kailangan ko siyang i-report.
Then I remember something.....
Siya iyong sumipol at bumati sa akin ng Hi, Miss Beautiful!
"Hi, I'm Code 'Gwapo' Hollister."
"A-anong kailangan mo sa 'kin?"
Natawa siya nang mapansing mukhang kinakabahan ako. Naupo siya sa harapan ko para magpantay kami. Hinawakan niya ang baba ko pero winakli ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. Natawa na naman siya.
"Relax, baby. Hindi naman kita sasaktan, eh."
"Ang sabi ko, anong kailangan mo sa akin?!"
"No need to shout, baby. I can hear you."
"Stop calling me baby!"
"Eh, ano ba dapat? Honey? Jagi? Babe? Darling? Sweetnanakakadiabetes?"
Tumayo ako kaya tumayo rin siya. I tried to escape pero kaagad niyang nahawakan ang balikat ko at sinandal na naman ako sa pader.
"You can't escape from me, Mackenzie Maxwell." Seryosong sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko dahil alam niya ang pangalan ko.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"I know you, Mackenzie. You are Mackenzie Maxwell. 17 years old. Bumagsak sa dalawang subject at muntik ng ma-kick-out. Your Mom decided to transfer you here. You need your Dad's attention. Your real Mom died and the girl who transfers you here is not your real Mom because your Dad re-married. You were just a baby when your Mom died. Your Dad decided to choose you over your Mom because your Mom requested na mabuhay ka dahil hindi na siya makakaanak muli. Ang pinakasalan ulit ng Dad mo ay hindi magkakaanak. Kaya ka na-kick-out ay dahil-"
May sinabi siya na ikinagulat ko.
P-paano niya nalaman?
"Stop! Stop!" Sigaw ko at hinabol ang hininga ko. Nang malaman niyang tama nga siya ay napangisi siya. "What do you want?"
"You."
"W-what?!"
Napatikhim siya. "I mean, I want you to join my club."
"What do you mean?"
He arched his eyebrow. "Aren't you inform? Lahat ng estudyante dito ay kailangang sumali sa isang club."
"And what kind of club you want me to join?"
"Detective Club."
Natawa ako bigla. "Nasobrahan ka kakanood ng Detective Conan, 'no? Or wait..... nasobrahan ka kakabasa ng mga Detective stories, 'no?"
Napailing na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ko. "Again, I'm Code 'Gwapo' Hollister and I want you to join my club. I will give you 3 days to think. At kapag hindi ka nagpakita sa akin makalipas ang tatlong araw, everyone will know your secret." Akmang aalis na siya nang pigilan ko siya.
"Wait, what?!"
"I know your secret, baby." Kinindatan niya ako at umalis na.
Naiwan akong nakatanga.










