Prologue
Prologue
"YOU TWO! MAGHIWALAY KAYO NG UPUAN BAGO KO PA MAISIPANG PALABASIN KAYO!" Malakas na sigaw ng Professor naming napapanot na.
Nagkatinginan kami ni Tyui. Dahil sa sobrang ingay namin, hindi na nakatiis ang Professor namin. Well, araw-ataw yatang nai-stress at naiinis itong Prof namin dahil sa aming dalawa ni Tyui, eh.
"By, ma-mi-miss kita. 'Wag mong kalimutang sumulat, ha? O-or 'wag mong kalimutang tumawag at makipag-video call sa akin." Sabay yakap sa akin.
"Ma-mi-miss din kitang gaga ka! Wag mo akong kalimutan, ha? 'Wag kang magpapagutom. Love you, by!" Drama ko rin.
"Love you, too, by!" Aniya at um-acting na ngumangawa sa iyak. Mukha tuloy siyang baboy na kakatayin.
Nagtawanan ang mga kaklase namin sa kagagahan namin.
Dahil sa sobrang asar siguro ni Prof sa amin, hinampas niya ng sobrang lakas ang table niya gamit ang stick na palagi niyang dala. Naglikha tuloy ito ng nakakabinging ingay.
"Ang da-drama niyo! Miss Choi, lumipat ka dito sa harap nang madali kong mapalo 'yang bibig mo kapag nagdaldal ka! Dali!" Inis at malakas na sabi niya.
Tumalima naman kaagad si Tyui. Napanguso na lang ako. Wala na akong katabi, bwiset!
Habang busy si Prof kaka-discuss, busy naman ako kakagawa ng eroplanong papel. May nakalagay na sulat doon sa eroplanong papel. Alam niyo kung anong sinulat ko do'n? Kwass, anakan mo ako mga bente huehue lang naman.
Di baleng wala na akong kadaldalan sa boring niyang subject basta makaharot ako sa crush ko. May crush ako dito, eh. Pero hindi ko pinapahalatang crush ko siya kaya hindi niya alam na crush ko siya. Sobrang nerdy niya kase at wala siyang time sa harotan. Ayaw niya sa brat, badgirl at hindi nag-aaral ng mabuti. In other words, ayaw niya sa akin.
Pinalipad ko ang eroplanong papel sa direksyon niya, sa may bandang unahan. Ngunit halos ma-glue ako sa kinauupuan ng lumanding ito sa napapanot na ulo ng Prof ko!
Parang nag-slow-mo ang paligid. Ang pagtawa ng mga classmates ko, ang pagsusulat nila, ang pangungulangot ng isa sa mga classmates ko, at ang pagkapa ng Prof ko sa ulo niya.
Napapikit ako ng mariin nang buklatin niya ang eroplanong papel and ripped it into two.
"Ms. Pineda, go to the Disiplinary Office! Now!" Galit na galit na sigaw ng Prof.
Halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Pati si Tyui at.... at ang crush ko.
Ano ba naman 'to. Huhuhu.
Nakataas ang isang kilay ni Tyui habang nakatingin sa akin. Parang tinatanong kung anong ginawa ko. Nag-hand gesture ako sa kanya na aksidenteng nag-landing ang eroplanong papel sa napapanot na ulo ng Prof. Naghand-guesture naman siya na lagot ka.
Oo, lagot talaga ako. Baka ibagsak ako nito sa subject niya.
Pagkauwi ay basta ko na lang tinapon kung saan ang bag ko at naghanap kaagad ng makakain.
Nang walang makita ay nahiga na lang ako sa sofa pero kaagad ding umupo nang makita ko ang seryosong mukha ng Mommy at Daddy ko.
"Kumii Pineda!"
"What, Mom?" Bagot na bungad ko sa kanya at umupo sa harapan nila.
"We need to talk to you"
"Aren't we talking?" Sarcastic na tanong ko. Hindi ako masamang anak. Nagkataon lang talaga na mainit ang ulo ko kaya pati si Mommy ay nadamay ko. Syempre, sino ba namang matutuwang ipadala sa Disciplinary Office? Halos dalawang oras akong naglinis ng napadumi at napakabahong cr namin bilang parusa.
"Kumii Pineda!" May pagbabanta sa boses niya.
Napabuntong hininga na lang ako. "Ano pong kailangan niyo?"
"Nabalitaan na naman namin na may ginawa ka na namang kalokohan sa school niya," I was about to talk but Mom hushed me. "'Wag ka ng magkaila dahil tinawagan kami ng Prof mo para ipaalam ang kalokohang ginawa mo!"
"But Mommy-"
"Naku, naku, Kumii! 'Wag ka ng magsinungaling."
"M-Mommy-"
"Clean this mess, Kumii. Promise us na hindi ka na gagawa ng kalokohan ulit!" Seryosong sabi ni Daddy.
"B-but Da-"
Napasapo na lang ng noo si Daddy. "Well... well, kung hindi ka na talaga magbabago, pipilitin ka naming magbago. Nag-hire kami ng babysitters-"
"Babysitters?!"
"Yes, sweetie. Babysitters- tatlong lalaki ang magiging babysitters mo."
"Tatlong lalaki?!"
Napabuntong hininga na lang si Mommy at napailing. Ganoon din ang ginawa ni Daddy.
"Natatakot lang kaming dalhin mo ang ugaling 'yan hanggang sa paglaki mo. Hinayaan ka na namin noon, ngayon gumawa na kami ng paraan para tumino ka"
"B-but, Mommy, malaki na ako!" Nakasimangot na sabi ko.
"Yes we know, sweetie pero immature ka pa rin."
Mas napasimangot ako sa sinabi ni Mommy. Eh, sa ayoko talagang may babysitter and worst, may magiging tatlong lalaki pa akong babysitters.
"Next month is your birthday, right?" Tumango ako sa tanong ni Mommy. "Sa birthday mo makikilala ang mga babysitters mo."
I was about to say something nang bigla nila akong iniwan habang nakanganga.
Can someone say that I was just dreaming? That this is not true?
Ugh!
Ayoko ng babysitter and worst, makikilala ko sila sa birthday. Ayoko na yatang umabot ang araw na magiging seventeen na ako.
I must do something- hindi pwede ang sinasabi nila. Ang tanda ko na tapos mag-ha-hire sila ng babysitters? Ano 'yon? Late sila mag-isip?
Humanda kayo, my babysitters. Sisiguraduhin kong hindi kayo aabot ng isang buwan.
'Yon ang akala ko.










