9th Desparate Call
Share with your friends
Customize readability

9th Desparate Call

All Rights Reserved ©

Summary

Sa pagpapalit-palit ng oras at panahon, mas nagiging komplikado ang isang bagay na dati ay madaling bigyan ng solusyon at kahulugan. Ilang beses kang umiilag pero wala ka paring maintindihan. Sa pino ng buhangin sa dalampasigan ay hindi mo manlang maibaon ang mga paa mo. Nakatingin ka sa malayo pero ang puno na malapit sayo ang una mo paring napansin. Umiikot lang naman ang hangin pero bakit wala ka manlang maramdaman? Sa kapal ng ulap, iisang ibon lang ang iyong nahanap. Sabihin mo, sa apat na konsepto, san mo nakuha ang ideya?

Status
7yrs ago
Chapters
2
Rating
n/a
Age Rating
16+

Simula


"April? April!"

Usok.

Sa pagmulat ng mga mata ko, wala akong ibang makita kundi usok.

"April! Kelangan na natin umalis!"

Mabigat.

Sinubukan kong tingnan ang paligid pero wala akong makita. Gusto kong bumangon pero bakit ang bigat ng katawan ko? Ni hindi ko maangat kahit isang daliri ko manlang.

"Tulong..."

Sa kabila ng panunuyo ng lalamunan ko ay sinubukan ko pa ring magsalita kahit ang kapalit 'non ay ang hapdi at sakit.

Lumingon ako sa kaliwang banda nang may narinig akong yapak ng paa palapit sa direksyon ko. Buong lakas kong inangat ang mga kamay ko para makita ng taong 'to na buhay pa ako.

"Tulungan mo ako..."

Bulong.

Hindi ko alam kung galing ba 'yon sa akin pero rinig na rinig ko iyon.

Siguro...

Siguro...

Napapikit ako nang maramdaman kong unti-unti na akong umaangat mula sa paghiga.

Buti na lang...

Hindi na ako makakahinga pa dito.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman kong naglalakad na kame. Pahiga niya akong kinakarga at sa ganitong paraan ay parang naging manhid ang buong katawan ko.

Hindi ko maramdaman ang sarili ko.

"Nine..."

Isa na namang bulong ang narinig ko pero sa mga oras na ito ay rinig kong lumabas ang mga salitang iyon dito sa taong hawak ako.

"a-anong.."

Gusto kong magtanong pero hirap na hirap na akong dugtungin pa ang mga salita. Sa hindi ko maipaliwanag na rason ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ganoon din ang paghinga ko.

Anong nangyayari?

Parang bumalik lahat ng naramdaman ko simula ng magising ako.

Mainit. Sinasakal ng usok.

Pero bakit nandito pa din ako?

"Tandaan mo.."

Muli ko na naman narinig ang boses niya pero huminto siya bigla sa paglalakad. Sinubukan kong iangat ang ulo ko para makita ang mukha niya ngunit mga nagbabagang apoy na ang kumakaway sa paligid.

"Nasa loob ka pa din, Nine."

Kasabay ng mahinahong salita ay bigla na lamang niya akong inihagis sa mga nagbabagang apoy.

Dahan-dahan.

Yumakap ang init.

Naramdaman ko ang hapdi.

Nakitang mas lumiyab ang mga nagsasayawang apoy..

pero hindi ang mga bagay na mawawala sa akin.

BIGLA akong napabangon mula sa kama. Hingal na hingal na parang tumakbo ng ilang kilometro. Napatingin ako sa paligid at pinilit kinalma ang sarili nang makitang nasa pamilyar na lugar ako.

Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa digital clock na nasa bedside table.

9:12 AM.

Araw-araw. Gabi-gabi. Sa kaparehas na oras. Nagigising akong laging may baon na bangungot. Mga pangyayaring hindi ko alam kung totoo ba o gawa ng nasisira ko ng utak.

"Hale?"

Narinig kong kumatok mula sa labas si Tita Raquel. Hinawakan ko ang ulo ko at pumikit ng mariin.

"Opo! Lalabas na!"

Huminga pa ako ng malalim bago unti unting bumangon. Kinuha ko ang itim na pantali sa buhok at habang hinahanap ko ang tsinelas na pambahay ay tinatali ko ito.

Ang isang pares ay hindi ko mahanap kaya yumuko ako para tignan sa ilalim ng kama at nandito nga. Inabot ko yon at agad na isinuot.

Pagkarating ko sa kusina ay naabutan kong kumakain na si Tita Raquel habang may binabasang mga papeles.

"Hale, kumain ka na. Pagtapos mo, may pupuntahan tayo."

Umupo ako sa harapan niya tsaka kumuha ng kanin at ulam. Tahimik lang akong tumango dahil parang may pumipitik pa rin sa ulo ko pero nakakaya ko pa namang tiisin.

"Ok ka lang ba?"

Pumikit ako ng mariin nang mabitawan ko ang kutsara. Ramdam ko ang paninigas ng ulo ko. Ang sakit.

Narinig ko nalang ang marahas na pag atras ng upuan nang biglang tumayo si Tita. Kasabay 'non ay ang pagtindi ng sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa ulo nang makitang umiikot na ang paligid ko.

"Hale..."

Nanginginig na ang mga kamay ko sa tindi ng kirot pero hindi ako pwedeng magkamali ng dinig.

Boses ni Mama. Tinatawag ako sa pangalan ko.

Parang sa isang iglap, biglang nawala ang kirot at sakit. Tumutulo ang mga pawis galing sa noo ko hanggang leeg. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko nang makumpirma kong wala na ang sakit.

Anong nangyari? Nasaan si Tita Raquel?

"Hale.."

Natigilan ako nang marinig ko na naman ang boses ni Mama. Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko at nakita ko si Mama na nakatayo sa harapan ko.

"Mama?"

Dahan dahan akong tumayo. Tumingin ako sa paligid bago diretsong tinignan si Mama. Nasa kusina pa naman kame pero hindi ko na makita si Tita Raquel.

"San si Tita, Ma? Si Ecka? Si Papa? Nasaan sila?"

Litong lito ako. Bakit bigla nalang nawala 'yong sakit na halos hindi ko na matandaan kung ano sa pakiramdam iyon.

"Ginawa ko lang kung anong makakabuti sayo, Hale."

Natigilan ako. Unti unting lumuha si Mama. Nalilito ko siyang tinignan. Wala akong maintindihan.

"Ano, Ma?"

Humakbang ako para sana lumapit at yakapin siya pero lumayo siya habang umiiling iling, patuloy pa din ang pagluha niya.

"Ma, ano bang nangyayari sayo?"

Tumigil na ako sa paglapit sa kanya nang binigyan niya ako ng mga mararahas na iling.

"Kukunin ka nila sa akin. Hindi ako papayag! Dito ka lang! Anak ka namin ng Papa mo! Dito ka lang! Dito ka lang!"

"Mama!"

Nag histerikal na siya kaya agad akong lumapit sa kanya para pakalmahin siya. Ang bigat sa pakiramdam na makita ang nanay mong umiiyak sa harapan mo pero gusto kong malaman kung anong ibig niyang sabihin.

"Ma! Please! Tama na!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Bakit ganoon? Parang ilang taon ko siyang hindi nayayakap? Nakakasama?

"Hindi ka nila makukuha sa amin."

Parang biglang may malamig na kamay ang yumakap sa leeg ko at sinasakal ako. Dahan dahan akong kumalas sa yakap ni Mama habang naluluha. Isa lang ang sinisigaw ng utak ko.

Umalis ka na.

Pero hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Tuluyan na akong nanlamig nang makitang naging itim na ang buong mata ng Mama ko.

Hindi...

Hindi ko ito kilala.

"Hindi ka na makakabalik pa."

Napalitan ng lalim at lamig ang dating malamyos na boses. Tuluyan ng nahulog ang mga luha ko nang unti unti niyang inangat ang kanyang kamay na may hawak na matulis na kutsilyo.

Bago niya pa isaksak iyon sa akin ay mariin akong pumikit at mahinang nagdasal.

Ayoko na. Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng lumaya.

"HALEY! HALEY!"

Bigla akong napadilat ng mata. Kasabay non ay ang pagyugyog ng kung sino sa katawan ko. Humihingal akong napatitig sa taong nasa ibabaw ko.

"Haley, ok ka lang ba?"

Jaime.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi habang nag-a-alala niya akong tinitigan. Para akong nilulunod habang nakatitig sa kulay abo niyang mga mata.

Yung epekto 'non sa akin, wala pa ring kupas. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko at parang may kuryenteng biglang dumaloy sa mga ugat ko sa tuwing hinahawakan o tinitignan ako ng malalim.

"Babe.."

Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay na nasa pisngi ko at marahang ngumiti sa kanya.

"Ok lang. Nauuhaw lang ako."

Tumango siya at marahan akong inalalayan para maka upo ng maayos. Sumandal ako sa headboard ng kama at siya naman ay bumaba.

"Kukuha muna ako ng tubig sa baba, ok?"

Hinalikan niya ako sa noo saka nagmamadaling tumungo sa pintuan at lumabas. Napa buntong hininga na lang ako at tumingin sa paligid.

9:12 pm

Umiling ako nang makita kung anong oras na. Napadako ang tingin ko sa likod ng digital clock. Kinuha ko iyon at tinignan. Napangiti ako habang hinahaplos iyon.

Dalawang litrato sa iisang picture frame. Sa kaliwa ay litrato naming dalawa ni Jaime noong nasa college palang kame. Sa kanan naman ay noong kasal namin, isang taon palang ang nakakalipas.

"Babe, inumin mo muna 'to."

Pagkalapit niya sa akin ay agad niyang pinainom sa akin ang isang baso ng tubig. Pagkatapos ay inilapag niya iyon sa bedside table at marahang hinaplos ang buhok ko. Napatingin ako sa kanya.

"Nanaginip ka na naman?"

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Bumaba ang haplos niya sa kamay kong magkahawak at marahan niyang pinag hiwalay 'yon at pinalitan niya ng kanyang malambot na kamay.

"Masyado kang nababad sa pag re review kaya nakatulog ka na sa table mo, inilipat kita dito sa kama. Masakit ba ang likod mo?"


Umiling ako saka mahigpit na humawak sa kamay niya. Napatingin ako sa gitna ng mga daliri namin.


Wedding ring.


Napangiti ako habang unti unti ng lumabo ang paningin ko dahil sa nakaipong luha na handa ng bumagsak.


"Thank you."


Halos walang lakas kong ibinulong iyon sa kanya. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Napatingin ako sa kanya ng mahina siyang tumawa.


"Mas thankful ako kasi ikaw 'yong binigay sa akin."


Nasa magkabila kong pisngi ang mga kamay niya. Kahit pa nanlalabo ang paningin ko dahil sa nakaipong luha ay pinipilit ko pa rin siyang tignan.


Napaka swerte ko pa rin pala kahit na ang daming kamalasan ang nangyari sa akin. Si Jaime na lang ang nagbibigay ng direksyon ngayon sa buhay ko. Hirap na hirap akong bumangon noon pero tinulungan niya ako.


"SANDALI lang!"


Iniwan ko ang ginagawa ko sa kusina nang marinig ko ang mahihinang katok mula sa labas. Palabas na sana ako sa island counter nang hindi sinasadyang nasiko ko ang flower vase at nabasag ang lalagyanan. Basang basa ang sahig at nagkalat ang mga bubog.


"Sandali lang!"


Sunod sunod na kasi ang pagkatok kaya iniwan ko muna iyon at nagmamadaling tinungo ang pintuan pero pag bukas ko ay walang tao. Tumingin ako sa paligid pero wala namang tao. Nahagip ng tingin ko ang nakalapag na itim na box sa baba.


Natataka ko 'yong kinuha. Hindi naman mabigat. Para ngang walang laman pero noong inalog ko, may tumunog. Tumingin ulit ako sa paligid pero nang wala na akong makita ay dahan dahan ko ng sinarado ang pinto at nagtungo sa sala.


Inilapag ko ang hindi kalakihang itim na kahon sa center table at umupo sa sofa. Para lang itong maliit na regalo na ginamit ang tela para hindi agad mabuksan. Dahan dahan kong hinila ang dulo nito at nang matanggal na ay inalis ko ang takip.


Kumunot ang noo ko nang makita ang isang maliit na color blue na notebook, mga bulaklak ma patay na at isang crystal cube na may naka engraved na glasswing butterfly.


Marahan kong tinignan iyon at namangha sa ganda nito. Parang buhay na buhay ito dahil sa tingkad ng kulay ng pakpak nito.


Blue.


Kinuha ko rin ang ang pamilyar na notebook at ang patay na mga bulaklak na nakatali. Binuksan ko iyon pero walang laman. Tinignan ko pa ang mga pahina pero walang kalaman laman. Mukhang bagong bili ito. Napatigil ako sa pag iisip nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko na nasa kusina.


Nagmamadali akong nagtungo doon at kinuha ang phone ko sa island counter. Si Jaime ang tumatawag. Sinagot ko 'yon.


"Babe?"


"Hello, babe, napatawag ka?"


Tinignan ko ang hawak kong patay na mga bulaklak habang pinapakinggan si Jaime. Itatanong ko sana kung siya ang nag iwan ng box sa labas nang bigla akong matigilan.


Sa harapan ko mismo. Yung nabasag na flower vase, maayos na nakalapag pero wala na ang mga bagong bulaklak.


"So, we need to show up sa gathering. Bukas magde day off ako para samahan ka bumili ng dress na gusto mo and let's buy gifts na rin."


Unti unti kong naibaba ang cellphone ko. Bumilis ang tibok ng puso dahil sa realidad na biglang napagtanto ko. Napatingin ako sa sahig na wala manlang bakas ng bubog o ng tubig. Wala na rin ang nagkalat na bulaklak na ibinigay sa akin kanina ni Jaime bago siya umalis.


"Babe? Haley? Are you still there? Babe?"


Dahan dahan akong napatingin sa mga patay na bulaklak na hawak ko. Kaya pala ito pamilyar ay dahil parehas na parehas ito sa bulaklak na binigay ni Jaime kaninang umaga.


Itong mga klase ng bulaklak ang laging binibigay sa akin ni Jaime kahit noong bago pa lamang kame sa relasyon. Nanginginig ko 'yong tinapon at napahawak ako sa dulo ng counter nang sumakit na naman ang ulo ko.


"Haley? Haley? Babe? May problema ba diyan? Babe?"


Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at tumikhim. Umupo ako sa high stool at huminga ng malalim.


"I-I'm ok. Nahilo lang ako ng konti."


"Really? Nag over cleaning ka na naman diyan? I already told you na hayaan mo nalang diba? May cleaner naman every week. Magpahinga ka muna, please, Haley."


Ramdam ko ang pag a alala niya pero wala na akong maisagot dahil nakatuon ang pansin ko sa itim na papel na nakalagay sa loob ng flower vase. Kahit nanginginig pa ay kinuha ko 'yon.


Itim na itim ito parehas sa itim na kahon sa sala. Marahan kong binuksan iyon na sana ay hindi ko nalang ginawa.


Sa puting tinta ay nakasulat ang mga salitang kahit ilang beses kong basahin at maranasan ay hindi ko pa rin lubos maunawaan.


"Sa apat na konsepto, san mo nakuha ang ideya?"










Next Chapter

Let Sierra Thallassa know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

Twisted Carnage MC *** MOVING TO GALATEA ***

Nuggy: This story had me hooked from start to finish. It's hard to put down once you start reading it.Looking forward to reading Snakes story & any other stories you write

Read Now
Rules of Fatals

Ingibabes511: Loved it. Thank you for an unusual read that was beautifully put together. Every tick box was covered somewhere within the story. Your way of creating a world that felt as if it could actually exist is breathtaking, where the descriptions brought it to life. Thank you again 🥰💜

Read Now
Her Shifter Bodyguard (Shifter World Novella - Book One) (SERIES OF 13 SHORT STORIES)

user-uM9wJ56A3j: I really liked the first part of this Shifter world and was astonished when I realized this was an entirely new, unfamiliar concept of other animals besides wolves. I immediately liked that idea and sped through this first chapter ready to read more of this fascinating world.

Read Now
The Baby Contract (A Werewolf Surrogate Romance)

hkktabor82: I’m extremely disappointed that I have to pay to finish...why can’t you say that in the beginning so I wouldn’t waste my time. The book was pretty good but I very disappointed in you. Very poor of an author to do this.

Read Now
The Lycan King's Second Chance

Sherry: It is not fair to the reader when the Author does not finish the book. It would be nice to have an appropriate ending to let us know what happens to Atlas' mate, her father, and herself. Does she learn to use all of her powers?

Read Now
Skyheart Ranch

legsnroads: After going through horrible experiences, Katie escapes to Cash’s ranch. I want a Ruby in my life too.There’s character growth, found family, and a heck of a comeuppance to a horror from her past. A best friend we all wish we had. This story moved at a really good pace and I enjoyed reading it.A few...

Read Now
The Alpha's Bargain

Karen Nagy: Great story with strong characters well done. There are a few issues with continuity. Seline changes to Celine and Kenzies wolf changes name a couple of times. Overall an enjoyable read. Can't wait for more.

Read Now
The Dragon's Hoard

Cynical Optimist : Nothing I post will do justice to this story. Suze Wilde's mastery of storytelling is only surpassed by her character development. She keeps her readers guessing and on their toes.

Read Now
His Accidental Billion-Dollar Bride

Nana: I like this genre of style as its a world of the wealthy where not many people can envisage what goes on behind closed doors....

Read Now