Chapter 1

HAISLEY
Another day has come. Isang mahabang pagkukulong na naman sa bahay ang gagawin ko. Kumain, magbasa, manood, maglaro at matulog. By the way, I'm Haisley Summer. A teenage girl with a really rare genetic disorder.
Bawal akong lumabas ng bahay kapag may araw.
Sanay na akong ma-bully when I was like seven? pero I don't care. Vampire ang tawag ng mga tao sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit sa dinami-dami ng tao sa buong mundo eh ako pa 'tong napili na magkaroon ng sakit na 'to. It's called xeroderma pigmentosum. Bawal akong ma-expose sa any type of sunlight dahil magkakaroon ako ng problema sa utak na sanhi ng matagal kong pag-tulog. Sabi nila, pwede naman daw akong mag-cover ng buong katawan pag-lalabas ako pero kahit anong tago ko sa katawan ko, nangyayari pa rin sa akin yun so I guess, wala ng way para makalabas ako ng hindi matatamaan or maeexpose sa sunlight. Last episode siguro is when I was thirteen years old. That's when my father died due to cancer.
That day was unimaginable.
Daddy's girl ako. Nung namatay siya, hindi ko na ma-imagine ang buhay ko. Worst part? Hindi ako pwedeng lumabas ng bahay at umattend ng burol nya. Nailibing na lang sya lahat-lahat, hindi ko pa sya nakikita kahit sa kabaong man lang. Hindi na ako ma kapag-isip ng maganda at laging nasa utak ko na lang ay sundan sya sa heaven. Ilang beses ko na ring na-attempt ang suicide pero lagi akong pinipigilan ni Mommy. Sobrang tirik na tirik ang araw nun at naisipan kong tumakas sa bahay at pumunta sa sementeryo para makita ko si Daddy.
Pagkatapak na pagkatapak ko pa lang ay tumapat na sa akin ang sobrang liwanag na sikat ng araw. Nang-hina ang buong katawan ko at unti-unting nagfa-flashback sa utak ko lahat ng masasayang alaala namin ni Daddy. Ngunit bawat segundo, nawawala ang mga ito sa utak ko at unti-unti itong nabubura at kasabay nito ang pagkalimot ko sa mga alaalang yun. Bumigat ang mga mata ko at unti-unti akong nakatulog. Nagising na lang daw ako nang sumapit ang 14th birthday ko and its around 11:12 in the evening.
"Haisley! Kumain ka na ng breakfast." sigaw ni Mommy sa baba.
It's already 5:30 ng umaga. Pasikat na rin ang araw kaya binaba ko na ang window ko na puno ng black cartolina and other black cloth para matakpan at maprotektahan ako sa araw. Sinuot ko ang hoodie ko at bumaba na ako.
"What are your plans for today?" tanong ni Mom na nakaupo na sa dining room at kumakain.
"As usual." I shrugged. Kumuha na ako ng plato at kutsara at pumunta na sa dining room.
"Bakit ayaw mo kasing magpa-home school para naman hindi ka puro laro, tulog at kain. Kapag nag-home school ka, may matututunan ka at para ka na ring nag-aaral." I just rolled my eyes. Sanay na ako sa mga ganyang linyahan ni Mommy.
"Wala ka ring kaibigan. Paano mo masusurvive ang teenage life kung nakakulong ka na nga dito buong buhay mo at wala ka pang kaibigan." my god! nag-iisip ba 'tong nanay ko? Bawal nga akong lumabas tapos papaghanapin nya ako ng kaibigan!?
"Mom, bawal nga akong lumabas makipag-kaibigan pa kaya!?" binalik ko ang atensyon ko sa bacon at kanin na kinakain ko.
Natapos akong kumain at hinugasan ko ang pinagkainan ko. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagsimulang maghanap ng pwedeng panoorin na movies.
"Really? Manonood ka na naman?" napatingin ako sa pintuan at nakasilip pala si Mommy habang dala-dala yung basket ng nilabhan nya. Magtutupi ata ng mga damit.
"What do you want me to do then?" tanong ko rito.
"Tulungan mo akong mag-tupi ng mga damit." sagot nito. I just let a big sigh. Really? Folding clothes!?
"No thanks." I gave her a fake smile. Binalik ko ang atensyon ko sa paghahanap ng movies.
I decided to watch The Fault in our Stars. Medyo relate ako kay Hazel. May sakit, dying, depress and no friends. Kailangan niya ng doble ingat dahil delikado ang sakit niya at ganun din sa akin. Pero sya, nakilala nya na ang lalaking nagmamahal sa kanya. Ako? Kaibigan nga wala ako, boyfriend pa kaya.
Dito ko rin narealize na hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya lagi. May mga taong kailangang magpaalam. May mga taong akala nila sapat na ang pagmamahalan nila para maging masaya. May mga taong pinipilit na lang magpakatatag dahil alam nila na may umaasa at may nagtitiwala na gagaling sila. I don't even know kung bakit ako naiinggit sa mga sakit nila pero iniisip ko rin na buti pa sila nakaranas magbilad sa arawan, buti pa sila nakakapaglaro sa labas, buti pa sila naeexpose sa araw.
Aaminin ko, sobrang hirap na ng sakit ko. Gusto ko ng sumuko at magpabilad na lang sa araw. Gusto ko na lang lumabas ng walang paalam at i-welcome sa sarili ko ang init na matagal ko ng gustong maramdaman. Gusto kong mawala na 'tong sakit ko kasi ayaw ko na. Or kahit hindi na lang mawala 'tong sakit na 'to basta may kaibigan ako. Yung may magpaparamdam sa akin na worth it akong mahalin kahit ano pa 'tong sakit ko. Yung may magpaparamdam sa akin na nandyan lang sya sa tabi ko hanggang sa nabubuhay pa ako. Kahit yun na lang.
Nasa kalagitnaan na ako ng panonood ng biglang may nag-doorbell. Hindi ko alam pero bigla na lang ako na-curious kung sino yun. Sinamahan ko si Mommy pababa pero nag-tago na lang ako sa sulok dahil nga bubuksan nya yung pinto at papasok ang liwanag ng araw.
"Hello! bagong lipat nga pala kami dito sa subdivision na tinitirahan nyo. Sana maging magkaibigan tayo. Ayun lang pala yung bahay namin, katapat ng inyo." masayang sabi nung babae habang nakaturo dun sa katapat na bahay namin. May kasama syang lalaking naka-headphones. Mukhang kaedad ko lang din ito.
"Siya nga pala, si Casper. Only son ko." nagwave naman si Mommy dun sa Casper pero tiningnan lang sya nito at bumalik sa phone.
"Tutal nandito na kayo, sabay sabay na tayong mag-lunch mamaya. Magluluto na lang ako." nakangiting sabi ni Mommy.
Sumilip ako ng kaunti sa pinagtataguan ko. Hindi ko alam na nakatingin pala sa akin si Casper. First time kong makakita ng ibang mukha na nakatingin sa akin kaya nginitian ko na lang sya ng matamis.