The Writer's Ride
Share with your friends
Customize readability

The Writer's Ride

All Rights Reserved ©

Summary

Hindi maiiwasan na mayroong hindi maniniwala sa kakayanahan at talento mo. Hindi rin maiiwasang hilahin ka din nila pababa. Napakapait ng mundo, hindi ba? Bakit hindi na lang kaya ito makisama at umayon sa ninanais na ikot? Gayunpaman, sa taong may pangarap lahat ay kanyang hahamakin. Lahat ay susuungin. Hindi lamang ito kwentong pag-ibig na madalas nating kinagigiliwan. Kwento din ito ng isang buhay na madalas nakikipag-sapalaran at laging nabibigo. Tunghayan si Zyra Nicollete Abriza at ang kanyang paglalakbay bilang isang manunulat. (I respectfully give all the credits to the rightful owner of photo used as cover of this story. I found it on pinterest.)

Genre
Romance,Other
Author
berrie
Status
6yrs ago
Chapters
3
Rating
n/a
Age Rating
13+

Prologue

"Hala naman malelate na ako"

Ilang minuto na lang, mahuhuli na ako sa usapang oras namin ni Ms. Isabel, hindi pwede yon! Hindi!

Ano ba naman kasi tong napakahabang traffic na to, lagi na lang eh pero kasalanan ko din naman kasi tanghali na din ako nagising. Wala eh, napuyat ako kakaedit ng manuscript na ipapasa ko sa kanya. Actually idlip lang talaga yung dapat gagawin ko pero napadiretso na tulog ko.

"15 minutes na lang argh." mahinang bulong ko sa sarili ko kasi 30 minutes na din ata akong naipit dito.

Nakakaimbyerna na kasi bukod sa late na nga ako, langhap na langhap ko pa ang usok ng mga sasakyan. Pero wala naman akong magagawa dahil isa akong dakilang maralita lamang. Oh maralita, kaya mo yon?

Napabuntong-hininga na lang ako dito nang bumagsak sa balikat ko ang ulo ni ate girl na napasarap na ang tulog dito. Sana all ate nakakatulog pa.

12 minutes

Sa wakas! Umandar din tong jeep na sinasakyan ko. Siguro kung magtutuloy-tuloy to mahuhuli lang ako ng mga 10 minutes. Keri na yon, maiintindihan naman ako siguro ni Ms. Isabel. Pero iba pa din pag nakarating ako on time, baka pagbigyan na ako this time.

11 minutes

WATDAHEK

Kastress naman talaga to, akala ko malayo na mararating namin pero parang benteng hakbang lang.

Kung pwede ko lang talaga tong lakarin, kanina pa ako naglakad pero hindi eh. Isang barangay pa siguro yung layo ko eh di naman keri ng ganda ko yon.

Manong driver please paliparin niyo na lang po itong jeep niyo, habang buhay ko susuportahan pamilya mo pag etong manuscript na to ay naapprove.

Ewan ko ba pero parang sira akong nag-aabang kung tutuparin ba yung hiniling ko.

Walang kwenta. Walang kwenta yung hiniling ko pero desperadang desperada na ako!

Napatingin na lang ako sa labas. Ang pogi naman ng figure netong lalaking to. Di ko makita mukha niya kasi nakahelmet, nakamotor lang kasi.

Wait, naka-motor? Eto na ata yung substitute sa hiling kong lumilipad na jeep!

Dali-dali akong bumaba sa jeep na hindi pa din talaga umaandar at nilapitan ko si kuyang nakamotor.

"Kuya, manong, please pwede niyo po ba ako ihatid sa Empire? Late na po kasi ako, kailangan ko na makapunta don" pagmamakaawa ko sa kanya.

Ilang segundo akong naghintay ng response pero wala. Okay lang ba to?

"Kuya nagmamakaawa na po ako pwede niyo po ba akong ihatid sa Empire?" pag-ulit ko at this time nilakasan ko na boses ko kasi baka di niya ako narinig kanina.

Binuksan niya yung visor ng helmet niya at tsaka tiningnan ako. Shet ang pogi pero late na ako.

"Who do you think you are?" pogi din yung boses pero di ko gusto tabas ng dila nito ah.

"Mamaya na kuya malelate na po ako." sagot ko sa kanya at saka sumampa sa motor niya pero watdahek di siya gumagalaw kahit pwedeng-pwede naman siya sumingit sa mga sasakyan.

"Kuya di mo ba ako narinig? Late na ako. 5 minutes na lang oh." naubos na pasensya ko sa lalaking to. Di makaintinding kailangang-kailangan ko lang.

"Lumayas ka nga dito. Shoo!" pagtataboy niya sakin na parang aso. Aba nahihighblood na ako dito.

"Maka-shoo ka tao ako, TAO KAYA BILISAN MO NA!"

"Psh, you'll regret this." rinig kong bulong niya at saka humarurot. Anak ng tupa! Di man lang ako sinabihan.

Gusto ko pa pong mabuhay, gusto ko pa pong maipasa itong manuscript na to. Wag niyo po akong hahayaang mamatay sa harurot ng motor na to.

Ilang beses na ba akong humiling ngayon?

"Baba." utos niya sakin. Unti-unti kong iminulat ang mata ko dahil sobrang natakot ako don sa pagpapaharurot ng lalaking to.

Omaygulay! Nandito na ako!

Agad kong tinanggal yung kamay kong nakapulupot sa bewang niya. Sorry naman di ko na namalayan.

2 minutes

Bumaba na ako at mabilis na tumakbo papasok buti second floor lang office ni Ms. Isabel. Di na pala ako nakapag-thank you don sa lalaki pero basta alam niya na yon.

"GOOD MORNING MS. ISABEL!" napasigaw na lamang ako dahil hingal na hingal ako sa pagtakbo papunta dito sa office niya.

This is it Zyra!

"Himala di ka late, saktong-sakto at pasigaw pa greet mo." sagot niya sakin. Psh, di man lang pinansin good morning ko.

"So ano tong bago mong kahibangan?" tanong niya sakin. Di ko din ata gusto tabas ng dila nito ah. Kalma Zyra, dapat lambingin mo siya. Si Isabel yan, boss mo sa ngayon.

"Ms. Isabel patawa naman po kayo sa kahibangan. Eto po, bagong masterpiece ko. Baka mamangha kayo sa skills ko pag nabasa niyo to." sagot ko na lang at tsaka ko inabot yung manuscript.

"Siguraduhin mo lang."

Habang binabasa ni Ms. Isabel yung manuscript ko, naalala ko bigla yung lalaking naghatid sa akin. Hay kung di siya dumating, naiipit pa din siguro ako sa napakahabang traffic na yon.

Di na ako nakapagpasalamat sa kanya pero pwe mukhang suplado.

Tumayo ako dito sa aking kinauupuan at nagikot-ikot sa office ni Ms. Isabel. Hindi ako echosera, sadyang close na kami nito ni Ms. Isabel kasi ilang beses na akong kumunsulta sa kanya. Ilang taon na din akong nagtatry pero sa limang naipasa ko sa kanya, isa pa lang yung naipublish pero waley, di bumenta. Ito na yung pang-anim ko at sana, sana naman ay pumasa na to at bumenta sa masa.

Ang cute lang nitong office ni Ms. Isabel. Pastel pink yung color. Halos magkasing-edad lang naman kami neto ni Ms. Isabel kaya pang-bagets pa din ang bet.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pangengeelam ng mga bagay-bagay dito, nagawi ang tingin ko sa isang picture.

Teka, ito yung naghatid sa akin kanina ah!

Kitang-kita sa picture na masaya si kuyang nakamotor at si Ms. Isabel. Omaygulay wag mo sabihing boyfriend ni Ms. Isabel yon? What a small world!

Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko kaya bumalik na lang ako sa kinauupuan ko. Sakto namang tapos na atang basahin ni Ms. Isabel yung story description at prologue.

"Musta Ms. Isabel? Ang ganda no!"

"Zy, kulang." maigsing banggit nito sa akin.

"Kulang?" nalilito kong tanong sa kanya

"Kulang sa emosyon, sobrang dull. Magaling yung pagkkwento pero di ako nahook." komento niya.

"Zy, itong ginawa mo ay tungkol sa love. Love, Zy pero di ko ramdam."dagdag niya pa.

"Ms. Isabel, todo-todo ko na po yan, kahit di ko pa po nararansang mainlove binigay ko na lahat-lahat para dyan." sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi. Ginawa ko ang lahat para dyan. Gusto ko kasing maging successful na to.

"Hay Zy. Sige bibigyan kita ng pagkakataong iedit to. Bibigyan kita ng pagkakataon kasi nagimprove yung pagsusulat mo pero sa isang kondisyon."

"Ano pong kondisyon?" nalilitong tanong ko sa kanya.

"Isama mo si Gio sa pag-eedit mo. I mean, mag-tulungan kayo." sagot niya sakin. Tela si si Gio?

"Teka naman po muna Ms. Isabel. Sino po si Gio?"

"You'll know. Wag kang mag-alala. Di nangangagat yon." tugon niya at saka inabot ang manuscript pabalik sa akin.

Pagkatanggap ko nung mga papel ay dumiretso na ako palabas. Wala naman na akong rason para mag-stay don. Di ko siya pwedeng daldalin kasi may trabaho siya at pangalawa, sobrang apektado ako dito sa manuscript ko. Nanlalambot lang ako kasi etong novel na to, gusto ko sanang paghirapan ko to mag-isa pero wala naman akong magagawa. Isali ko daw yung Gio na yon.

Di naman sa ano pero duh di ko kilala yung taong yon! Baka mamaya kung anong ipagawa niya sakin dito sa novel ko, baka lalo pumalpak to.

Pero bat kaya binigyan ako ni Ms. Isabel ng partner? Parang dati naman diretso reject na yung pinapasa ko.

Gio sino ka ba? Bat di ka na lang mawala?

Medyo di pa din nagsisink in sa akin yung mga nangyayari. Pero para sa pangarap at pamilya ko, kakayanin ko to. Pagsubok lang to. Ako si Zyra...na maganda.

Next Chapter

Let berrie know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

The Alpha's Exiled Mate (ON HOLD)

Catherineb83: Story good just would have liked her not to wear a mask

Read Now
An Irish Match

readingtoday77: This story is so very sweet. I really like each main character's emotional evolution, especially Liam working through difficult past betrayal and tragedy to be able to take a chance and love again. The sex scenes were fiery and tender and so very moving, especially the scene when Maeve says that she...

Read Now
My Blacksmith Savior

apolloavr04: I love it. It's a great story.

Read Now
The Alpha Without a Wolf

kriffindor: Interesting story with twists and turns - fun read!

Read Now
Ruthless Lord

susiebear2012: Realy enjoyed this so looking forward to more.great story line hope they can achieve getting away from the kings burden. Truly amazing well written well done.

Read Now
Bloodlines

Read4Free16: Fantastic development of characters and story line

Read Now
Light at the End of the Track

Sonya: This was a lovely gripping and emotional storywith a brilliant ending

Read Now
His Silent Luna

freyia101163: Loving this book! Let me read more!!

Read Now
Alpha’s Claim

Anna Lezoray: Easy to read, good plot!

Read Now