Unexpected Affection

All Rights Reserved ©

Summary

Jaella Camazon, a scholar of UP Diliman never expected to fall in love with another guy. She has already a boyfried though they're in a long distance relationship. But she can't deny the fact that she's falling to that bad playboy. She hates him until she realized, hating him turns into affection. And it's really an unexpected affection. Scholar Series #1 - Unexpected Affection Scholar Series #2 - (Coming Soon) Scholar Series #2 - (Coming Soon)

Status
Ongoing
Chapters
11
Rating
n/a
Age Rating
16+

PROLOGUE

"Sorry, I'm late."

Napaayos ako ng tingin nang masilayan ko siya muli. After five years, ngayon ko lang siyang muling nakita.

Kaharap namin siya ngayon habang pinag-uusapan ang tungkol sa mga pagkain na dapat niyang lutuin together with his team. Siya ang head cook na kinuha ni Gleim, fiancé ko. Marami kasi ang nag-recommend na best cook daw siya, malamang magaling na chef eh. Kaya siya ang caterer sa bonggang engagement party namin.

Nang matapos na kaming mag-usap ay agad siyang nagpaalam. Pumunta na rin ako sa carpark dahil uuwi na ako ng maaga at hindi sasama sa akin si Gleim dahil may mga i-memeet pa siya.

Napahinto ako nang makita siya sa carpark na may kausap na babae. Akala ko nakaalis na siya.

"Hey soon to be Mrs. Gumaod!" Tawag sa akin ng babae. I rolled my eyes in annoyance at napipilitang lumapit sa kanila.

"Yes?" I innocently asked.

"Congrats, engaged ka na pala." Nakangising sabi ng babae.

Duh, you're smiling like you did nothing wrong. The reason why I really hate her dahil siya ang dahilan ng lahat. Oh well, ginusto rin naman ni Rex Cremer Galmer, my ex-boyfriend.

Tumaas naman ang kilay niya nang biglang tumingin ako sa kanya.

"Congratulations Jaella." He said in a monotone.

Like it wasn't a big deal.

Like he doesn't give a fuck if I'm going to marry someone.

Like he didn't love me for those years.

Maybe, he already forgot about it? About what he did.

Nagpaalam na silang dalawa na aalis na.

Or maybe he's already happy and contented to be with the girl he really wanted to be with?

Ang babaeng kahalikan niya habang kami pa.

Hindi talaga ako nagkamali sa pagdedesisyon, dahil ang pakikipaghiwalay sa kanya ang dahilan kung gaano siya.. kasaya ngayon.

And, I'm happy for him.

He already had a happy ending together with that girl.