Chapter One
Magkakasunod na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jade habang nakatingin sa mga magulang na busy sa pakikipag-usap sa mga taong kasama nila sa table na nakatalaga sa kanila sa party na nagaganap. Isa iyong Wedding Anniversary ng business partner ng kanyang mga magulang.
Halos matatanda at mga kasosyo ng mga magulang sa negosyo ang kasalo nila sa table kaya ganun na lamang ang pagkabagot na nararamdaman ni Jade.
Ito ang unang beses na sumama siya sa lakad ng mga magulang sa ganitong okasyon kaya hindi niya napaghandaan ang ganitong pangyayari.
Nang aktong magpapakawala na naman siya ng malalim na buntong-hininga ay binalingan na siya ng kanyang ina. Nagtatanong ang matang tinitigan siya nito.
"Jade honey, are you okay?" may pag-aalalang tanong nito sa kanya habang nakahagod ang kamay sa kanyang likuran.
Dahil sa tanong ng ina ay hindi na nagsayang ng pagkakataon si Jade at nagpaalam ditong lalabas na muna upang ikutin ang buong lugar. Nang mapapayag niya ito ay agad siyang tumayo at nilisan ang kanilang table at inikot nga ang buong lugar.
Napakalaki at magara rin ang mansyong pinangyarihan ng nagaganap na party kaya hindi na nagtaka si Jade kung bakit napakaganda rin ng fountain na nasa gitna ng hardin.
Namangha si Jade lalo na nang mapagmasdan niya ang naggagandahang bulaklak na nakapaikot sa fountain. Ang mas lalong kumuha sa kanyang atensyon ay ang mga mapupulang rosas na nakahilera sa gilid ng daan papuntang gate ng naturang mansyon.
At dahil natural ang pagkahilig niya sa bulaklak lalong-lalo na ang rosas ay hindi nakatimping nilapitan niya ang mga ito at sinamyo ang amoy ng bulaklak. Pinuno niya ng amoy ng mga rosas ang kaniyang dibdib at muling nag-ikot sa hardin.
Nang makakita ng bench ay agad siyang naupo duon at pinagmasdan ang mga taong nagkakasiyahan sa bukana ng malaking mansyon.
Tahimik ang pwestong kinaruruonan niya kaya hindi niya napansin ang pasimpleng paglapit ng isang binata sa kanyang likuran. Nagulat na lamang siya ng dambahan siya nito.
"Ay kabayong bakla!"
Sa gulat niya ay hindi napigilan ng kanyang bibig ang salitang namutawi galing sa kanya na umani ng katatawanan sa binatang nanggulat sa kanya.
Inis na hinarap niya ang lapastangan at handa na sana itong bulyawan nang makilala niya kung sino ang lalaking nasa harapan.
"Isahn." mahinang bigkas niya sa pangalan ng binata.
Tawa parin ito ng tawa at hindi manlang narinig ang kanyang sinabi. Hindi na lamang siya umimik at hinintay munang humupa sa kakatawa ang lalaki. Bagkos malayang pinagmasdan niya ang lalaking nasa harapan.
Hindi parin siya makapaniwalang nakikita niya ito at masasabi niyang napakalaki ng ipinagbago nito mula sa binatilyong pilyo na nakilala niya nuon.
Tumigil narin ito sa pagtawa at hinarap siyang may ngiti sa labi. "Kumusta kana Sofie Jade?"
Hindi agad nakasagot si Jade sa tanong ng binata. Hindi niya inakalang makikilala parin siya nito at matatandaan pati pangalan niya sa loob ng mahigit limang taon mula ng makilala niya ang lalaki.
At kung pagbabasehan ang araw nang makilala niya ang lalaki ay napaka-imposibleng nakikilala parin siya nito.
Kung tutuusin ay oras lang naman ang pinagsamahan nila ng lalaki kaya hindi niya inakalang sa loob ng maiksing oras na iyon ay natatandaan parin nito ang kanyang mukha lalo pa at madilim ang lugar kung saan niya nakilala ang lalaki.
Nang makabawi sa pagkakatulala ay dagling naibaling ni Jade ang paningin sa ibang direksyon nang maalala ang unang pagkikita nila. Napapalunok na tumikhim siya bago hinarap ang lalaki at sinagot ito sa malumanay na salita.
"Mabuti naman, ikaw?" balik tanong niya dito.
"Mabuti naman din, teka ano palang ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ng binata nang mapansin nitong nag-iisa lamang siya.
"Wala, nagpapahangin lang. Ikaw anong ginagawa mo dito?" nagtataka ring tanong niya. Hindi niya inaasahang magkikita sila ng lalaki sa ganitong tagpo lalo na at alam niyang puro mga negosyante ang taong naruruon.
Hindi agad nakasagot ang binata sa kanyang tanong. Tila may pagdadalawang isip ito kung sasagutin ba ang kanyang tanong. Ngunit sa huli ay sinagot din nito ang kanyang tanong.
"A-hm actually it's my parents Wedding Anniversary today kaya ako nandito."
"Talaga!" hindi naiwasan ni Jade ang mamangha sa sinabi ng lalaki. Mabagal na tumango ang lalaki.
"Oh! So you were the unico hijo of Mr. and Mrs. Gonzales who owns this big mansion?"
"Yeah, sort of." nahihiyang pag-amin nito habang napapakamot na lamang sa batok.
"Wow! How come i didn't know you when our family is a business partner. Kunsabagay minsan lang akong makialam sa business ng mga magulang ko and I never met you in any acquaintance together with your parents. Were you away?"
"Yeah, I live in America for almost 4 years that's why."
"Ah! Kaya pala hindi na kita nakita ulit." Napatango-tango niyang sabi dito. Nagtaka nga siya nuon kung bakit hindi na niya ito nakita ulit kasama ang mga barkada nito na madalas pumunta sa kanilang lugar.
"Why? Were you looking for me before?" may pilyong ngiting tanong nito sa kanya.
Napaiwas ng tingin si Jade dahil sa tanong ng binata. Totoong hinanap niya ito nuon kinabukasan nang magkakilala sila pero nahiya siyang magtanong sa mga kabarkada nito dahil kahit buong pangalan ng lalaki ay hindi niya alam.
Isahn lang ang tanging pangalang ipinakilala nito sa kanya kaya hindi niya rin alam na ito pala ang nag-iisang anak ng kasosyo ng kanyang mga magulang sa negosyo.
Nahihiya mang umamin sa katotohanan ay hindi naman niya magawang magsinungaling dito.
"Yeah. I was looking for you but i really don't know you that much kaya nawalan din ako ng pag-asa. Ni buong pangalan mo ay hindi ko alam kaya paano kita mahahanap."
Marahang natawa ang binata sa kanyang sagot.
"My bad. Anyway I'm Isahn Kaizer Gonzales, it's nice to finally meet you again." nakangiting pagpapakilala nito sa kanya na tila ba iyon ang una nilang pagkikita. Iniumang nito ang kanang kamay sa kanya tanda ng pakikipagkamay. Natatawang kinamayan naman niya ito at ipinakilala rin ang sarili.
"I'm Sofie Jade Willford, it's nice to meet you too again."










