TALENTO: Aziah Rumia
Share with your friends
Customize readability

TALENTO: Aziah Rumia

Aaanghel

All Rights Reserved ©

Summary

Talentong sa kaniya'y ipinagkait, taong dalawang libo't labing tatlo, at sa pagdaan ng pitong taon, kaniyang nakamit ang matagal na inaasam, ang magkaroon ng TALENTO. Talentong siya lamang ang mayroon. Talentong magiging isang palaisipan sa maraming tao, ang kakaibang talento ni Aziah Rumia. ALL-RIGHTS-RESERVED ©2020 */ Tue, June 9 */ Fri, June 12

Status
Complete
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
13+

Talento

LUMIPAD sa labas ng kanilang bahay ang kaninang iginuguhit ni Aziah sa isang malinis na kulay puting papel.

"Walang mararating 'yang mga ginagawa mo! Nag aaksaya ka lamang ng papel! Ang mabuti pa ay tumulong ka rito sa bahay ng may pakinabang ka naman!" Malakas na sigaw ng kaniyang ama, na nakapagbigay takot sa batang si Aziah.

Tahimik lamang ito at walang kibo, hindi malaman kung pupulutin ba ang pinaghirapan niyang iguhit na napatapon na sa labas ng kanilang bahay o hahayaan na lamang iyon.

"...Lagi na lang, nakapaglinis naman na ako kanina ah?" Sa isip ni Aziah bago dali-daling tumalima at kinuha ang panlinis sa banyo.

"GISING na, ala-sais na ng umaga. May pasok pa kayo, gisingin mo na 'yang kuya mo at baka tanghaliin sa trabaho." Panggigising ng ama kay Aziah, na nasa bukana ng kuwarto habang may hawak na sandok.

"Opo..." Mabigat ang pakiramdam nito dahil lampas hating gabi na siya nakatulog, sa panonood ng Thai-drama na kinababaliwan ng halos lahat ngayon, ang 2gether the series.

Agad na bumangon si Aziah at nag impis ng kaniyang hinigaan.

Nang matapos ay tumingala siya sa itaas ng double-deck, bago niyugyog ang kaniyang kuya na mahimbing pa rin ang tulog.

"Hoy! Gising na!" Malakas na sigaw ni Aziah, dahil hindi sapat ang malamyos na boses sa panggigising ng mga ito sa binata. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hangga't maaari ay ayaw na raw sumigaw ng ama ni Aziah kaya ito na ang nangigising sa kaniyang kuya.

"Hmmm..." Ungot nito bago bumaling sa kabilang side ng higaan.

"Pa, pahingi nga ng tabong may tubig." Pakisuyo ni Aziah sa ama na agad naman nitong iniabot.

"Ayaw mong gumising ha?" Mala-demonyong usal sabay ngiti ni Aziah, bago isinawsaw ang kamay sa tabong may tubig at iniwisik sa mukha ng natutulog nitong kapatid.

"Putang-?" Napabalikwas ng bangon si Cairo, habang mamataymatay sa kakatawa si Aziah na nakasalampak na sa sahig na kulay puting tiles.

"Lintek ka talaga, Iah!" Iritado na sigaw nito sa kapatid bago bumaba sa higaan at padabog na lumakad sa kusina.




"Papasok na 'ko." Paalam ni Aziah, habang isinusukbit ang kaniyang kulay itim na backpack.

"Osige, ingat pagpasok. Mag aral ng mabuti." Sagot ng ama nito habang nag gagayak na rin papasok sa kaniyang trabaho.

Tanging ismid lamang ang nakuha ni Aziah sa kaniyang kapatid na nag sisintas ng kaniyang itim na sapatos.

Mabilis na naglakad paalis ng bahay si Aziah.

"Sumabay kana," offer sa kaniya ng kaniyang kaibigan habang nakasakay sa bisekleta na mabagal ang pagpapatakbo dahil sa sinasabayan s'ya nito.

"Gav, sa tingin mo... May pag asa pa ako?" Makungkot itong tumingin sa kaniyang kaibigan na napatigil sa pagtipa bago siya hinarap at tinitigan sa mata.

Ngumiti si Gav bago hinimas ang tuktok ng ulo nito na ikinangiti ni Aziah, "Oo naman! Ang galing-galing mo kayang magdrawing!"

"Heh! Tabi nga diyan, aangkas ako." Ngiting aso si Aziah dahil sa positivity ng kaniyang kaibigan.

Mabilis na sumakay si Aziah sa likod ng bisekleta ni Gav, atsaka kumapit sa baywang nito.

"Tsansing ka, ah?" Malokong sabi ni Gav kay Aziah kaya nakatanggap ng isang kurot sa tagiliran.

"Tungunu! Baka mabaliktad tayo!" Mura ni Gav, pero agad din namang natawa.

"Good morning class!" Malakas na bati ng philosophy teacher nang class A/1.

Agad namang tumayo ang mga estudyante at sumagot, "Good morning Mr. De Guzman!"

"You may take your seat, open your textbook's... Page 203 and answer the given questions."

"You will be given 15 minutes to answer them all." Pahabol ng kanilang teacher atsaka prenteng umupo sa unahan.

Makalipas ang labing-limang minuto...

"Finished or not finished, pass your papers." Anunsyo nito ngunit walang sumunod.

"One!" Malakas na bilang nito kaya dali-daling nagpasa ang mga estudyante ng class A/1.

"Two..."

"Three! Alright see you next week! Mag advance reading kayo, para naman may kausap ako habang nag l-lecture. Hindi yung tanong ko eh sagot ko pa." Bago tuluyang lumabas ng classroom.

"Thank God! Tapos na ang klase!" Inat ni Ashianna atsaka masiglang tumayo mula sa pagkakaupo.

"Ano guys? Tara?" Nagmuwetra si Klay na parang tumatagay ng alak, agad namang nagtanguan ang lahat maliban kay Gav.

"Oh Gav, di ka sasama?" Takhang tanong ni Klaire, dahil kadalasan naman ay sumasama ito sa kanila.

"Nah, pass ako ngayon. Busy ako e." Malamya itong ngumiti, bumaling ang tingin sa katabi niyang si Aziah.

"Ah... May date kayo?" Mapanuksong tanong sa kanila ng halos buong klase.

"H-ha?" Gulat na nasambit ni Aziah, walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Wala," tanggi ni Gav na lalo lamang nakaani ng mapanuksong mga salita.

Palihim namang napangiti ang binata dahil sa mayroon itong natatagong pagtangi sa kaniyang kaibigan.

Ngunit sadyang madhid lamang ang dalaga, dahil halos sampung taon na silang magkaibigan at siyam na taon na siyang nagpaparamdam dito ngunit hindi pa rin nakakahalata.

"Ang manhid mo, Aziah!" Malakas na sigaw ni Mae mula sa kabilang parte ng silid, ngising aso ito, habang sinang-ayunan naman ng buong klase.

Kamot ulo na lamang ang nagawa ng dalaga dahil sa wala itong naintindihan sa nangyayari.

Napabuntong-hininga na lamang si Gav,"Let's go." Pag aaya nito Kay Aziah na agad namang tumayo mula sa pagkakaupo atsaka sumunod sa nauuna ng maglakad papalabas ng silid na si Gav.

"Ayieeee..." Pahabol ng mga kaklase nila.

Isang butil luha ang pumatak sa pisngi ni Aziah, na agad naman nitong pinahid.

Mag isa siya ngayon sa kanilang bahay, nasa trabaho ang kaniyang ama habang ang nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay nasa galaan kasama ang mga barkada nito.

Mabuti na rin iyon dahil kahit papaano ay magiging tahimik kahit sandali ang buong bahay, at mas makakapag relax siya.

"...Nakakapagod namang maging miyembro ng pamilyang ito... Kung hindi lang dahil kay mama, baka matagal na ako'ng nag rebelde o di kaya'y nag suicide." Isip nito habang hinahalungkat ang damitan.

Doon niya itinago lahat ng mga ipininta niya, may nakatabi rin siyang isang balot ng vellum board na hindi pa niya nagagamit dahil natatakot siyang baka pagbawalan na naman siya ng kaniyang ama.

Ito lang naman kasi ang laging tutol sa gusto niya. Ultimo ang pagsusulat sa wattpad ay hindi nito sinang-ayunan, pati ba naman sa pag guhit?

Mabuti na lamang at kahit papaano ay suportado si Aziah ng kaniyang Ina na nasa ibang bansa, sinabihan siyang gawan na lamang ng paraan kung talagang gusto nitong gumuhit at sumulat. Kaya t'wing mag isa siya at tapos na ng gawaing bahay ay tsaka niya ginagawa ang maalin sa dalawa.

"Hello? Ito po ba si Miss Aziah Rumia?" Tanong ng lalaki na kausap niya sa telepono.

"Yes po." Magalang na sagot ni Aziah sa lalaki, alam niyang dumating na ang i-n-order niya sa online.

"Ma'am, saan po kayo? Dala ko na po yung order ma'am."

"Ay, sandali lamang po. Doon lang po kami pagkalampas ng isang karinderya malapit sa Barangay Hall."

"Sige po ma'am."

Pinatay na nito ang tawag bago dali-daling kinuha ang pitaka sa kaniyang school bag at tumakbo papalabas ng bahay, hindi alintana at nagtatakang mukha ng kaniyang kasama.

"Five hundred two, po." Magalang na sabi sa kaniya ng lalaki na nagde-deliver.

"Ito po," abot niya sa bayad bago tinanggap ang kaniyang i-n-order. "Salamat po."

Agad na bumalik sa bahay nila si Aziah.

"Ano 'yan?" Tanong ng ama ni Aziah, na ikinakaba naman nito.

"Papel at paint," maiksing sagot nito bago pumasok sa kuwarto.

Ini-expect na kasi nito na pagsasabihan na naman siya na kesyo huwag mag aksaya ng pera sa mga walang kwentang bagay.




"Announcement," pagbasa ni Gav sa bulletin board ng school.

"Art jam? June... Fifteen... Ano'ng araw na ba ngayon?" Usal niya habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa bulletin board.

"June ten ngayon, bakit? Sasali ka ba?" Tinig ng isang lalaki, agad namang napalingon sa kaniyang gilid si Gav. Wala pa kasi ito room kanina, kaya nagulat ang binata ng bigla na lamang itong sumulpot at nagsalita.

"Ah, hindi. Pero yung kaybigan ko, panigurado. Mamaw 'yun e." Proud nitong sabi sa lalaki, na napangiti naman.

"Sino ba 'yang kaybigan m—" sandaling naputol ang sasabihin ng lalaki ng biglang sumulpot si Aziah sa gilid ni Gav ng malapad ang ngiti.

"Oh, hello Ziah!" Masayang bati ng lalaki sa dalaga na naging dahilan ng pag kunot-noo ni Gav bago pabalik-balik ang tingin sa lalaki at sa kaibigan.

"Woah, Andrew. Dito ka pala nag aaral? How come hindi kita nakikita?" Masayang tanong ni Aziah, hindi alintana ang madilim na tingin na ibinabato ni Gav.

"Kaka-transfer ko lang naman a week ago, nabalitaan ko kasi kay tita na dito ka nag aaral. So, I followed you here." Paliwanag ni Andrew kay Aziah, atsaka matamis na ngumiti.

Naramdaman naman agad ni Gav na mayroong gusto itong si Andrew kay Aziah kaya agad itong gumawa ng hakbang.

"Mag i-start na ang klase," sabay akbay ni Gav kay Aziah na hindi na nakaimik ng bigla siyang hatakin ng kaibigan. Lumingon na lamang ang dalaga bago kumaway kay Andrew na naiwang nakangisi.

"Bakit mo ginawa yon?" Simangot na tanong ni Aziah kay Gav na hanggang ngayon ay walang imik at matalim ang mata.

"What?" Iritado itong bumaling sa kaniya na s'ya naman nitong ikinagulat. Umiwas na lamang ng tingin si Gav dahil mismo sa sarili niya ay hindi n'ya nagustuhan ang naging tono ng kaniyang pananalita.

"I'm sorry..." Mahinang usal ni Gav bago inalis ang pagkaka-akbay kay Aziah, at nauna ng maglakad papasok ng kanilang classroom.

Napailing na lamang ang dalaga dahil hindi nito pansin na may pagtangi ang kaniyang kaibigan sa kaniya.

"Ziah! Sasali ka sa art jam, this coming June fifteen." Tanong ng kanilang vice president sa classroom na humahangos at tagaktak ang pawis.

"May art jam?" Gulat na tanong nito pabalik.

"Oo, ano sasali ka ba?"

"Yep, may form ba?"

"Mag fill-up ka na lang ng form dun sa faculty office," atsaka ito tumakbo muli papalabas ng classroom.

"Nag super sayan na naman si Ken," ta-tawa-tawang sabi ni Klaire habang nagpupulbo ng kaniyang mukha.

Mabilis na nag ayos ng gamit si Aziah at lumabas ng classroom, hindi na ito nag abala pa'ng magpaalam sa kaibigan dahil alam nitong galit ito sa kaniya, sa hindi malamang dahilan.

Nakatingin sa sahig si Aziah, mabagal ang lakad at malalim ang iniisip. Agad na humarang si Andrew sa dinadaanan nito upang mabangga siya ng dalaga.

"S-sorr— Andrew?" Bahagyang namilog ang mata ng dalaga at napaturo pa sa lalaking kaharap.

"Lutang kana naman, san punta?" Naka ngiti nitong tanong kay Aziah, nakapamulsa.

"Sa faculty, mag f-fill-up ako ng form." Maiksing sagot nito sa tanong ni Andrew, "ikaw?" Pahabol tanong nito.

"Mag uuli lang sana, kaso... Mas gusto kong sumama sa'yo. Pwede ba?" Ngiting-ngiti ito at bahagya pang ikinurap ang mata.

Isang tango ang isinagot ni Aziah kay Andrew, na napa-"yes", na lamang dahil walang pagsidlan ng tuwa.

"Baliw..." Nangingiting bulong ni Aziah sa hangin, pasimpleng sinulyapan ang guwapong mukha ng binata.

May mapupula itong labi na parang korteng heart, makapal na kilay, at matangos na ilong. Nakakadagdag pa sa kaguwapuhan nito ang adams apple, na tunataas-baba sa t'wing umi-imik ang binata. Hindi maipagkakaila ang katangkaran ni Andrew, mayroong matipunong katawan, tipong suki ng gym.





JUNE 15, 2020

Tahimik lamang sa isang tabi si Aziah, hinihintay ang pagdating ni Andrew. Sumali rin kasi ito sa art jam na gaganapin ngayong araw.

Isang college student ang lumapit sa kaniya, galing sa ibang school, nakasuot ito ng uniporme kaya hindi naging mahirap para sa kaniya na kilalanin ito sa pamamagitan ng tingin.

"Hi, bago ka ba dito?" Nakangiting tanong sa kaniya ng lalaki, naglahad ito ng kamay kaya agad namang napatingin doon si Aziah.

"I'm Kiro, 1st year college student." Pagpapakilala nito kay Aziah, agad namang tinanggap ng dalaga ang kamay na nakalahad sa kaniya.

"Aziah, grade 12 student."

"Oops, hands off dude." Wika ng isang pamilyar na boses, "Gav?" Gulat na gulat na sambit ni Aziah.

"Miss me, little minion?" Wika nito kay Aziah ngunit hindi iniiwas ang tingin sa lalaki.

"Sorry, I didn't know na mayron na pala s'yang boyfriend." Taas kamay nitong sabi habang humihingi ng paumanhin.

"U-h, hind k—" naputol ang sasabihin ni Aziah ng bigla siyang akbayan ni Gav, ngunit mas ikinagulat pa nito ang sinambit ng binata...

Halos tumigil ang ikot ng mundo para sa kanilang dalawa, parang naglaho ang lahat ng taong nasa paligid. Nawala ang ingay, tumahimik ang paligid... At tanging si Gav lang ang kaniyang nakikita.

"She's not my girlfriend, she's my fiance, so back off."

'She's not my girlfriend, she's my fiance, so back off.'

'She's my fiance, so back off.'

'She's my fiance, so back off.'

'SHE'S MY FIANCE...'

"ZIAH!" Isang malakas na sigaw ang nakapagpabalik kay Aziah sa ulirat.

"Utak mo lumilipad na naman, san kana ba nakarating?" Kamot ulong tanong ni Gav, pilit itinatago ang hiya at panimula ng tainga.

"H-huh?"

"A-ano—" naputol na naman ang sasabihin ni Aziah ng biglang umugong ang speaker sa may stage.

"Hello, mic test... Mic test, hello-hello..." Sabi ng isang babae na nasa stage.

"Magsisimula na po ang art jam natin ngayon, pumunta na po tayo sa ating mga upuan, at ihanda ang dinala nating gamit." Pagpapatuloy nito bago bumaba sa stage at naglakad sa gitna ng court na mayroong malalaking lamesa na mahahaba at pinagdugsong-dugsong.

Mabilis namang tumalima si Gav, at hinigit papunta sa karamihan ang kanina pa walang kibo na si Aziah.




Makalipas ang tatlong linggo...

Mas naging malapit pa si Gav at Aziah sa isa't-isa, hindi lang bilang magkaibigan, dahil mayroon nang namamagitan sa dalawa.

"Gav-vyyyy~" tili ni Aziah ng bigla s'ya nitong buhatin na parang sako nang bigas.

"Wag kang maingay, pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Suway ni Gav kay Aziah na walang ibang ginawa kundi ang hampasin siya sa likod at pag nagsawa na ay bigla itong titili.

"Eh, bakit mo ba kasi ako ginaganito?" Lumukot ang mukha ni Aziah, tumigil na sa kakapalo sa likod ng binata.

"Ang bagal mo kasing maglakad, atsaka, baka... Afgsywvsusbsiosk," pahina ng pahina ang boses ng binata, namula ang tainga nito at hindi maitago ang naglalarong ngiti sa labi.

"Ano?" Takhang tanong ni Aziah, "kailan mo ba ako ibababa? Nangangawit na 'ko."

"Later," maiksing sagot ni Gav.

Ilang minuto pa bago siya ibaba ng binata, sa tapat ng pintuan nang kanilang classroom, first period nila ang Arts ngayon. Kaya naman mas excited pa si Gav kaysa kay Aziah.

Nakangusong pumasok ng classroom si Aziah, hindi alintana ang mapanuksong tingin ng kaniyang mga kaklase.

Mabilis na naupo sa kani-kaniyang upuan ang lahat, natunugan kasi ng mga ito na paparating na ang kanilang teacher.

Iniluwa ng pinto ang isang lalaki, mayroong matipunong pangangatwan, maamong mukha, at naglalaro ang edad sa bente singko.

"Good morning class," masiglang bati nito sa lahat.

"Good morning sir pogi!" Malakas na bati pabalik ng mga estudyante, kay Mr. Fuentez.

"Mga batang ito talaga, tinuruan ba kayo ng mga magulang nyo na wag mam-bola? HAHA," biro nito na mas lalong nagpasigla sa klase.

"Osige, sige, tama na. Magsisimula na tayo ng klase," ngiting suway nito sa lahat.

"May mga ilan akong katarungan bago ang lahat, sino dito ang may talento o hilig ang pag guhit?" Nakahalukipkip ang guro habang isa-isang tinatapunan ng tingin ang kaniyang mga estudyante.

Agad na nagtaasan ang kamay ng anim na estudyante, "Aziah... Maaari ka bang magbahagi ng kuwento?" Malumanay na tanong ni Mr. Fuentez bago tuluyang tumuwid ng pagkakatayo.

Isang tango ang isinagot ni Aziah, bumuga ito ng hangin at tumayo ng matuwid, naglakad papunta sa harap ng klase.

"Bata pa lang ako, nahilig na ako sa pag guhit ng mga larawan. Kaso hindi payag si Papa, wala daw akong mahihita sa pagguhit, nag aaksaya lamang daw ako ng oras, pera at papel. May time pa nga na pati pagsusulat ng kwento at tula ay pinasok ko na, pero hindi ako gaanong naging masaya. Sa huli, tumigil rin ako sa pagsusulat kasi hindi talaga sang-ayon si Papa. Ewan ko nga kung anong gagawin ko." Lumunok ito, bago nagpatuloy sa pagkukwento.

"Patago akong gumuguhit at nagp-paint, hindi ako tumigil, may mga tao naman kasing suportado ako, tulad ni Mama... At Gav."

"Alam nyo bang kaya lagi akong may dalang ini-paint sa isang papel dahil kodigo ko iyon sa exam? Bago ako mag enroll sa school na'to, ginagawa ko na iyon. Sa isang simpleng guhit, o tuldok alam ko kung ano'ng inilagay ko doon, kaya kung mapapansin nyo, hindi ako nagsusulat sa notebook at puro doodles lang." Sumulyap ito sa guro, na tinanguan lamang siya, senyales na ipagpatuloy ang kaninang sinasabi.

"Kaya kong malaman kung ano'ng emosyon ang nararamdaman ng isang tao, sa isang tingin lamang sa iginuhit nito o kulay na napiling gamitin."

"Jae, isang kang artist na nakakaranas ng matinding stress, maaari itong humantong sa depresyon, kaya magpa-check up kana... Hanna, inlove ka hindi ba? At ikaw naman, Claire... Ang babaeng sobrang mysterious, alam kong sobrang gulo ng buhay mo base sa mga iginuguhit mo."

Tumingin si Aziah sa kanilang guro, bago nagsalita na ikinagulat ng lahat.

"Mr. Fuentez, nakita ko na ang ilan sa mga obra mo. Masasabi kong, sa likod ng maamo mong mukha, ay nakakubli ang pagkainggit mo sa iba."

"Magpapaalam na ako, nag transfer ako sa US ng scholarship. Ngayon ang araw ng pag alis ko," pagpapaalam nito sa lahat bago mabilis na kinuha ang bag.

"Teka, intayin mo ko." Pigil ni Gav kay Aziah, "after a week or two, don na rin ako mag aaral, inaayos ko lang ang mga papeles ko. Susunod ako don, Aziah." Ngiting sabi sa kaniya ni Gav, tumango ang dalaga bago kumaway sa lahat.

'Susundan kita kahit saan, Aziah... Hindi man bilang isang kasintahan mo, kahit na isa na lamang na matalik mong kaibigan na mayroong palihim na pagtingin sa iyo... Gusto kita Aziah, at gagawin ko ang lahat, makasama ka, at mapasaya kita sa abot ng aking makakaya...'

Continue reading in the app

Scan the code to open this book in the Inkitt app and keep reading on your phone.

Did you enjoy my story? Please let me know what you think by leaving a review! Thanks, Aaanghel

Let Aaanghel know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

Mystic Wolf

Teresa: The book is well done, brilliant in fact! Z

Read Now
Bear Shifter Secrets

tatianne Ingrid: Adorei cada capitulo! parabens

Read Now
To Catch a Ghost, Part 1

Wendy Salvo: I really liked this story but now that I’ve read all three I wanted to come back with a thought, the forward on this story talks about a reverse harem and not having to choose, but there isn’t any choice, or thought of a harem until the moment she connects with them, there is only foreshadowing of o...

Read Now
Going For The Goalie

S.TYTECA: I really enjoyed reading this book! The story was engaging and kept me interested throughout. There were a few minor spelling errors here and there, and some parts felt a little drawn out for my personal taste, but that’s purely subjective. Overall, it was a lovely read, and I genuinely enjoyed the ...

Read Now
The Easter Bunny

Talia Kendrick : Honestly I love the book. Here is how I feel about each character: Detective Kayla is an Idiot, I can't stand this lady and I feel so bad for braelyn and Phoenix because after everything they have been through it makes me angry that they have to go through this again. Sure Phoenix doesn't know about...

Read Now
The Iron Crown

Danielle_Anderson: Kira's training yard and her mirror feel like two different women, and the gap between them is where this opening does its best work. The clean arc of the sword, the shock running up through her wrists, the bright singing moment when only the blade exists, all of that is undone by the practiced soft...

Read Now
The Contract Wife

waiy: I genuinely loved reading The Contract Wife! The storyline is engaging and keeps you interested, making you want to continue reading and discover what happens next.One of my favourite moments was when she discovered that she was pregnant in Chapter 23. Interestingly, I had already started suspecting...

Read Now
My Blacksmith Savior

Beth Wagner: I enjoyed the building of relationships.

Read Now
IVAN

MelindaChase111: Hey! I came across your work and genuinely enjoyed what you’ve been creating. The more I looked through it, the more a creative idea started coming to mind. I actually have a specific concept I’d love to bring to life, and I think it could be something really special based on your work. I’d love to ...

Read Now

Newest Collections