Prologue
©All Rights Reserved 2017
Name of persons, place and etc. are for fictional use only
Any resemblance in reality is innocently and purely coincidental
Nothing in this story may be reproduce in any manner, either part or whole, without the written permission of the author
PS. Kung may mga typos, wrong grammar po ay libre po kayong mag comment then the rest enjoy the story
Prologue:
Matapos mailibing si Mama kanina ay may binigay sa akin ang kapitbahay namin na liham galing 'daw' sa aking ina.
Binasa ko ito ng maigi at sa lahat mg letra at pangungusap na nabasa ko sa sulat ay yung lilipat ako ng school.
Bakit kailangan kong lumipat?
Kris,
Anak kung nasa iyo na itong liham na ito panigurado wala na ako sa mundong ito pero ito ang pakakatandaan mo.
Mahal na mahal ka ni Mama kaya wag lang iiyak at pababayaan iyang sarili mo atsaka gusto ko kapag nakuha mo na ang liham na ito ay lumipat kan g eskwelahan.
Sa ngayon ayos at panatag na akong mawawala dito sa mundo dahil ligtas ka pero sa paglipat mo ng eskwelahan alam kong magiging ligtas ka doon.
Tandaan mo mahal na mahal kita kaya wag na wag mong kakalimutan yan.
Red Blood Academy ang lilipatan mong eskwelahan at lahat ng kakailanganin mo sa paglipat ay naayos ko na noon pa man kaya ang gagawin mo na lang ay ang mag impake.
I love you anak Mama
O di ba ang weird ng letter ni Mama sa akin pero susundin ko na lang sya at wala akong choice kung hindi sumunod sa kanya.
Ngayong araw ma ito ay mag iimpake na ako at bibyahe papunta sa kung saan mang ponchapilatong eskwelahan na yan.