Special Chapter #40
Special Chapter #40 – Turn Back Time And See
[Emi's POV]
I'm gone in this world by the time you've read this letter.
Wala na siya, and with this thought, tumulo ang luha mula sa aking mga mata.
Gumising ako excited the may date kami only to be greeted by this news na dala-dala ng sulat na nasa tabi lang ng unan ko.
Napaka-unfair. Hindi ko matanggap.
Paanong naging Anime character siya? Sinong Anime? Madalas ko siyang nakakasama pero ni hindi man lang pumasok sa isipan ko na isa rin siya sa mga Anime characters na na-trap dito.
Tumingin ako sa mga tiles. Hindi ko binilang dahil alam ko na kung ilan.
Twenty plus one. One of these tiles is from Xavier.
Anong sunod kong gagawin maliban sa magluksa na parang namatayan? Alam kong hahanapin ko siya. Pero paano?
Nang hindi ko na alam ang gagawin mas lalo na lang akong naiyak.
But I realized tears won’t do anything good. Hindi maibabalik ng pag iyak si Xavier. Hindi maibabalik nito ang oras na magkasama kami.
Oras.
Sudenly I know what to do.
I grabbed all of the tiles and then once they are on my hand, binulong ko,
“Help me.”
Nagdaan ang ilang segundo na walang nangyari. Bigla muli akong naiyak dahil nawawalan ng pag asa.
Pinagmasdan ko ang pagpatak ng aking luha sa mga tiles na hawak-hawak ko.
“Please, kung may nakikinig man diyan. Please! Help me! I love him! I only felt a love like this the first time I realized I'm in love with the Anime world. Hindi ko kayang maimagine ang buhay na kung saan hindi dumating ang Anime sa buhay ko. Ganoon din kay Xavier. Mahal ko siya. Mahal na mahal.”
Mas lalo akong napahagulgol.
“Katulad ng Anime, hindi ko kayang mabuhay sa isang mundo na wala siya. Kaya pakiusap, tulungan mo ako—”
There’s a flash of light. Naging black and white ang paligid. Tila huminto ang oras maliban sa oras na meron ako.
Timeless space.
My bed's gone, even the twenty one tiles I was holding, and I am standing. Mayamaya, may nakita akong mga paa sa harapan ko. Iniangat ko ang aking tingin and someone is standing in front of me.
A small girl with blue hair and a soft smile greeted me,
“Konnichiwa, Emi.” Malambing ang boses niya.
“Who are you?” tanong ko. Hindi siya pamilyar. I never know an Anime character who look like her.
“I am Anima and I'm here to help you.
Ne, Emi, tell me what is your wish?”
“Wish? Genie ka ba?”
Napatawa siya,
“Uhmm no. But I do grant wishes occasionally. Lalo na ngayon as you deserve it. You have collected all tiles. These tiles constitute a map leading to me and one wish is the prize you've won after you saved all those trapped Anime in your world.”
Marami ng kababalaghan ang nangyari sa buhay ko pero hindi pa rin ako sanay!
“I can wish…for anything?”
Nagkaroon ako ng pag asa. Please say yes, Anima. Kahit ngayon lang, kahit minsan lang, kahit isang beses lang 'to mangyayari sa buhay ko, na makaka-meet ako ng isang wish granter at tutuparin niya ang kahit anong kahilingan na hihingin ko.
“Oo. Ano ang hiling mo, Emi? Sabihin mo lang at matutupad ito.”
“Gusto kong ibalik ang oras, sa oras na narito pa si Xavier sa mundo ko.”
Anima grinned at me.
“Amazing how there is another path, and yet, this time, this is the path you chose. Are you sure, Emi? Ito ba talaga ang kahilingan mo? Think of this, Emi, I could give you the chance to visit the Anime world. To be with all of the Anime characters you love.”
What? Kaya niya 'yon?
“Isipin mo 'to, Emi. There’s another path. You could have another adventure. An adventure where you go looking for Xavier in the Anime world.
In this adventure, you will meet more Anime characters. Isn’t that’s what you want? To have a chance to live in the Anime world? Just change your wish, Emi. Just tell me this is your wish at ito ang mangyayari.”
A chance to meet the Anime characters who helped me be me? Who saved my life when I have no one? Who made me realized that I'm never alone? These Anime characters who made me happy when others just can’t?
A chance to meet these Anime characters who taught me what real love is?
Maybe in another life, pipiliin ko ang adventure. Maybe another Emi somewhere out there will choose to go to the Anime world para hanapin si Xavier.
But that Emi isn’t me.
Maraming bagay ang itinuro sa akin ng Anime, isa na rito ay ang magmahal. And this love is telling me I shouldn’t prolong this. I should act now to bring back Xavier. It is telling me na may masamang mangyayari sa kaniya kapag nagtagal si Xavier sa Anime world.
Siguro, 'yung ako na pinili yung suggestion ni Anima ang nagsasabi nito sa akin. Wala ng impossible ngayon kaya gusto kong maniwala na baka ito nga ang nangyayari, and this Emi is whispering to me,
“Select the choice I didn’t choose, Emi. Make a different choice.”
Ano kayang mangyayari sa akin kung mas pinili ko ang adventure na hanapin si Xavier sa Anime world?
“There will be a search, Emina, and there will be death. Search and Death. The person you love will die.
He will die for you.”
NoNoNoNoNo! Hindi 'yon pwedeng mangyari.
Sinabi ko kay Anima,
“I have told you my wish, Anima, stop manipulating me! That’s my wish and it’s final. Send me back to time Xavier is still here.”
Anima pouted and said,
“Kill joy. We would have so much fun together if you made the other choice. Anyway, wala na akong magagawa. The time on which Xavier is still here huh.
Your wish is my command, Emi.
You will go back to the time, two minutes before your Xavier is completely gone.”
“Ano? Wait, that’s too fast—”
“Sayonara, Emina.”
There was a blinding flash of light at napapikit ako dahil sa sobrang lakas.
Dapat mas ginawa ko pang specific! That Anima twisted my words!
Nang binuksan ko ang mga mata, nasa kwarto ako ulit, sitting on the bed. Dali-dali akong lumingon sa gilid ng unan. No letter. No tiles. Tumingin ako sa bintana.
Madaling araw.
Naaalala ko na two minutes lang ang binigay ang mayroon ako and then Xavier will be gone.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa rooftop. Nakarating ako sa ibabaw at nagsimulang tumapak sa yero habang patuloy sa pagtakbo. Mayamaya, may mga tumusok sa mga paa ko at nakadama ako ng sakit.
Ngunit hindi ako tumigil.
Halos maiyak ako sa sobrang sakit. Napapako ata ako at nagasgasan ang mga paang walang suot na tsinelas ng matutulis na gilid ng yero.
Ramdam ko rin ang pagdurugo nito. Hindi na lang ako tumingin sa baba.
Ayos lang. Ayos lang na masugatan ako. Na masaktan ako ng gan'to. Hindi maiikumpara ang sakit na 'to kapag si Xavier ay nawala sa buhay ko.
I saw Xavier’s room. Kita ko sa bintana ang paggalaw ng mga anino sa loob.
Si Tito Zilan…
At si Xavier.
May portal. Pumasok si Tito Zilan dito. Naglaho siya.
Kita ko ang paghakbang ni Xavier para sundan ang ama.
No.





![Fated to My Ex- Best Friend [Moving to Galatea]](https://cdn-gcs.inkitt.com/vertical_storycovers/ipad_49edb1dbf9a28b50b9c4d68d8598359b.jpg?width=1920&quality=75)




