Prologue
Tumingin ang lalaki sa babae at yinakap siya ng mahigpit. Parehas nilang pinipigil ang pagtulo ng luha nila.
Nasa tapat sila ng isang café, mabuti nalang at unti lang ang nakakapansin sa kanila.
Humihikbi ang babae “Hanggang dito nalang ba tayo?” Di siya makatingin sa lalaki. Tumango lamang ang kasama niya “Bakit?! Napakalayo na ng narating natin! Tapos ngayon pa tayo susuko?!” Sigaw niya at patuloy na umiyak
Kusang naglakad palapit sa kanya ang lalaki pero pinigilan niya lang ang sarili niya. Hindi siya pwedeng magpa-apekto. Mahihirapan siyang lumayo sa kanya kung ganoon.
“Hindi ko na kaya...” Inamin ng lalaki “Sorry.... Suko na ako...” Naiinis siya sa sarili niya, dahil siya ang dahilan kung bakit nasasaktan ang babaeng pinakamamahal niya ngayon, pero wala siyang magagawa, ito na lang ang kaya niyang gawin bago mas lalo pa silang masasaktan.
“Kaya kitang ipaglaban, basta nandiyan ka lang sa tabi ko... Wala akong pakialam kung masaktan pa ako, basta ’wag mo akong iwanan” Mahinang sinabi ng babae, parang dinurog ang puso ng lakaki nang marinig ito mula sa kanya
Tinignan ng lalaki ang babae “Buo na ang desisyon ko. Titira na rin ako sa ibang bansa para hindi mo ako mahanap. Kailangan natin itigil ’to.” Huminga siya ng malalim “Paalam” Sabi niya bago tumalikod sa babae at lumakad ng palayo
Unti-unting sumakit ang puso ng babae habang prinoproseso ang nangyari. Lahat ng pinaghirapan nila, sinayang. Lahat, binigay niya para lang hindi masira ang kung anong meron sila. Lahat, nawala na.
“Magkikita rin tayo muli, at sa oras na iyon, hindi ako susuko, pangako ’yan” Bulong ng lalaki








