Random Stories

All Rights Reserved ©

Summary

Hi! Ramdom Filipino Stories here! Hope you enjoy reading!

Genre
Other/Drama
Author
DiiChaan
Status
Ongoing
Chapters
2
Rating
n/a
Age Rating
16+

Chapter 1

"Ara jata mind... Markus. Ara jata mind, palun? Palun?" kasabay ng malakas na pagpatak ng ulan ay ang luha niyang mabilis na nag-uunahan sa pagtulo.


"Ma tulen tagasi. Luban, Et tulen tagasi, Sebastian." Tugon niya.


Wala na siyang nagawa kundi bumitiw mula sa pagkakahawak sa minamahal. Kahit pa alam niya na pag bumitiw siya sa oras na iyon, posibleng hindi niya na makikita ang minamahal ulit kailanman.


Wala siyang ibang magawa kundi umiyak ng umiyak habang nagdadasal na sana, sana puwede pang maayos ang lahat. Mali man sa paningin ng iba ngunit hanggat wala silang naaapakang iba ay walang mali sa ginagawa nila. Nagmahalan lang namin sila at wala silang ginagawang masama.


—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•


Pagkalipas ng maraming araw, linggo, buwan, at taon ay wala pa din siyang naririnig na balita tungkol kay Markus. Ngunit sa kabila nito ay umaasang babalik pa ito muli kahit malabo na. Marrin niyang hinihiling na sana kilala at naaalala pa siya ng lalaking iniibig niya.


"Sana nga ay hindi pa ako tuluyang nawala sa isipan mo, mahal ko." Sabi niyang nakatingin sa langit habang pinagmamasdan ang ganda ng butuin.


"Hindi ko inaasahang mangyayari ito sa atin. Bago ka umalis ay masya pa tayo. Hindi minsan sumagi sa isipan ko na hahantong tayo sa ganito. Sana katulad ko ay mahal mo pa din ako. Hindi sana ako mawala sa isipan mo dahil aasa pa din ako na tayo pa din hanggang sa huli... Mahal kong Markus." Puno ng pag-asang sabi niya.


Ngunit makalipas ang limang taon ay hindi pa din bumabalik si Markus. Madalas tuloy isipin ni Sebastian kung buhay pa ba ito o hindi na. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi pa din sya nawawalan ng pag-asa. Hanggat nabubuhay siya sa mundong ito ay patuloy siyang aasa na babalik pa si Markus.


Pagkalipas ng marami pang taon ay tuluyan na ngang nawalan ng balita si Sebastian tungkol kay Markus. Hindi niya halos maisip na ganito pala talaga kayang maghintay ng pag-ibig. Ngunit sa mga oras na iyon ay pagod na siyang maghintay. Akala niya ay kakayanin niya kahiy pa gaano katangal ngunit hindi. Sa mga oras na iyon, kahit mahirap ay maluwag niyang tinanggap na hindi na muling babalik ang minamahal. Hindi na kailan pa. Unti-unting nawalan ng pag-asang mabuhay pa si Sebastian. Dahil sa pag-iisip na wala ng silbi kung mabubuhay pa siya, agad niyang kinuha ang lubid na nakalagay sa ilalim ng kanyang kama at naghanap ng lugar kung saan niya puwedeng gawin ang binabalak.


Tumungtong na sa upuang kahoy si Sebastian at dahan-dahang nilagay ang lubid sa kanyang leeg.


"Mahal na mahal kita Markus. Ngunit sana ay patawarin mo ako kung ako'y napagod na. Alam kong makapaghihintay ang pag-ibig gaano man ito katagal ngunit ako na mismo ang napagod. Pagod na akong umasang muli kang babalik. Pagod na akong magdasal na sana ay naaalala mo pa ako. Pagod na akong magtanong sa sarili ko ng paulit-ulit kung nasaan ag kamusta ka na ngayon. Sana ay masaya ka kung nasaan ka man. Hangad ko ang kaligayahan mo. Kung sakaling mayroon ka ng iniibig ay masaya ako para sa iyo. Sapat na sa akin na minsan mo akong minahal kahit pa hindi tayo ang naging dulo. Hinding-hindi kita makakalimutan mahal ko, maging sa susunod na buhay ko ay ikaw at ikaw pa din ang hahanapin ng puso ko. Sana sa susunod na pagkakataong mabuhay ako, hiling ko na sana hindi na maulit pa ito. Nais ko na sa pangalawang pagkakataong magiibigan tayo ay wala ng hahadlang sa relasyon nating dalawa. Huwag na huwag mong papabayaan ang sarili mo kahit pa wala na ako sa tabi mo. Kung sakaling iibig kang muli sa iba ag tatanggapin ko na din, basta't hanggang masaya ka ay masaya na din ako. Kahit pa hindi na ako ang magiging dahilan ng mga ngiti mo ay ayos lang din. Patawad kung hindi ko na kayang maghintay pa, patawad mahal ko. Ginawa ko ang lahat upang kayanin ang lungkot ngunit mismongsarili ko ay sumusuko na din. Patawad. Siguro habang binabasa mo ito ay wala na ako. Patuloy kitang mamahalin maging sa hukay ko. Hanggang sa muli, mahal ko."


Muli niyang binasa ang isinulat niyang ito kanina bago niya naisipang magpakatiwakal. Iniwan niya ito sa isang maliit na kahon at inilagay niya sa kanyang kama upang kung sino man ang makakita sa kanya ay makikita din ang huling sulat na iniwan niya.


"Sana sa susunod na pagkakataong magmahalan tayo ay hindi na tayo muling magkakahiwalay. Mahal na mahal kita, Markus." Huli niyang sambit bago tuluyang winakasan ng buhay ang sarili.