Chapter 1: UNANG PAGKIKITA
Ipapakilala natin si Brave,si Brave ay isang matapang at matipunong lalake halata naman sa pangalan diba,kaya nga Brave. Mayroon siyang aso,simula pagkabata ni Brave ay kasama niya na ito. mahal na mahal niya ang kanyang aso dahil regalo ito ng kaniyang nanay sa kaniyang kaarawan nung siya ay 10 years old palamang.
Kay Ward naman tayo..Si Ward naman ay pasaway at kalog na tao kung saan gagawin niya ang lahat ng gusto niya...pero pag dating naman sa aso, napakamaalaga at mapagmahal nito. Ni kahit sino nga hindi alam ang dahilan kung bakit siya malapit sa aso,maski pamilya niya hindi alam.
°Kinaumaghan
Ngayong araw nakaschedule ang kaniyang aso sa deworming...ngunit 10:00 am na ay hindi pa rin gising si Ward....makalipas ang ilang minuto
°10:57 am
WARD: Tae!!! Anong oras na ba?!! 10:57?!!!
War naman eh,bakit 'di mo ako ginising?!!
Ngayong araw ka nakaschedule para sa
deworming mo,malalate na tuloy tayo,
11:00 am ka nakaschedule,tatlong minuto na
lang,ikaw na.maliligo pa ako,papaliguan pa
kita....paano ba 'to?!! haysss,halika na sabay
na tayo maligo WAR.
alam niyo ba kung bakit WAR ang pangalan ng aso niya? WAR is short for Wendy Agoncillio Reyes,
Yan alam niyo na kung bakit War pangalan niya.
°Vet
Dadalawa lang ang pasyente ni doc iyon ay ang unang matanda sa kaniyang harapan at sumusunod naman si Brave.
BRAVE: Yes!! buti na lang pangalawa tayo,at buti na lang medyo maaga aga ang pinagpunta natin dito.
THUNDER:*awwwww*awwww*
BRAVE:naiihi ka na ba Thunder?
THUNDER:*awwwwww*awwww*
Pinaihi saglit ni Brave si Thunder sa labas ng Vet at sa di inaasahan akala ni Brave ay iihi lamang si Thunder ngunit medyo napakain kaninang umaga si Thunder kaya may sumama.
°Phone rings°
BRAVE: Yes,Dad?I'm here at Vet,is there anything you need?Yes Dad saglit lang kami kasi pangalawa naman si Thunder.Okay Dad bye.
Bumalik na si Brave sa kaniyang pila at hindi parin tapos ang nasa loob ng opisina ni doc kaya pangalawa pa rin siya.napatingin si Brave sa may pintuan dahil sa halaman na kaniyang nasilayan.
BRAVE:Thunder,tignan mo ang ganda ng halaman
nila noh?
THUNDER:*awwwwww*awwwww*
habang nakatingin si Brave sa may bandang pintuan hindi niya napansin na may pumasok na lalake,at sumingit ito sa kaniyang unahan.
BRAVE: Tekaa?!
at napansin ni Brave na iba na ang nasa kaniyang unahan.
BRAVE: Did you ask permission?
WARD: ahmmm...ako ba kinakausap mo?
BRAVE: at sino naman sa tingin mo ang kakausapin ko bukod sayo?
WARD:malay mo aso mo?tskkk!
eh bat mo ba ako kinakausap?Do I know you?
BRAVE: hindi ka ba marunong pumi.....
WARD:Shhhh!! Stop talking nonsense! I'm not talking to strangers.
BRAVE:Wag mong subukan ibahin yung topic.
WARD:Anong topic ka diyan?close ba tayo?
BRAVE:Teka?! parang ako pa yung nakakaperwisyo haaa.Gusto ko lang naman sabihin na wala kang karapatan sumingit...and stop acting na parang ako pa yung may kasalanan.
WARD:ahhhmm...tapos ka na?,wala akong pake sayo kaya tigilan mo ako.
BRAVE:Tigilan mo rin ako,I'm in a hurry my dad is waiting for me,so could you step back right there and get out of my line.
WARD:Edi yan na yung line mo,dami mong sinasabi,pakain ko pa 'yan sa'yo eh.
BRAVE:Kung hindi ka sana sumingit edi hindi na ako nagdadadaldal,sinayang mo pa laway ko.
WARD:Sino ba kasi nagsabi sayo na dumaldal ka?
BRAVE:Ayusin mo pananalita mo kung ayaw mong mapalabas sa vet na 'to ng wala sa oras.
WARD:Ahhhh...hinahamon mo ba ako?tskkk!!
hindi kita aatrasan.
BRAVE:wait nga lang...ang dami mong palatastas,sino ka ba haa?!
WARD:I am WA...
BRAVE:nevermind...wala naman talaga akong pake sayo ehh,sinasayang ko lang oras ko sayo....umalis ka na nga diyan.
tinulak ni BRAVE si WARD papunta sa likod nito at pumangatlo sa pila.
WARD:wag mo nga ako hawakan.
BRAVE:pasensya na haaa,mukhang pati pagpunta kasi sa tamang pila di mo alam gawin,kaya nagkusa na akong paalisin ka.tskkk!!
WARD:Bwisit toh haaa,kala mo naman kung sino pasalamat ka at mahaba pasensya ko ngayong araw.
nang dahil sa maliit na alitan ni Ward at Brave ay di nila napansin na tapos na pala ang nasa harapan ni Brave.
VETERINARIAN:WAR!
BRAVE:WAR?!! bat War? hindi ko aso 'yon ha,
saglit doc bakit Wa....
at nakita ni Brave na papasok na si Ward sa opisina ni doc.
BRAVE:Wait,whyyy?!! ako yung nasa unahan ng pila ah,and then bat siya yung nauna kaysa sa akin?
VETERINARIAN:I'm sorry po can you just wait,kasi kanina pang 11:00 appointment ni War..nalate lang po sila.
BRAVE:Do I even care?kasalanan ko pa ba kung bat sila late?Responsibility niya yan,right?
WARD:ahmmm....thank you nga pala,
tskk!!(in a sarcastic way)
at pumasok na nga ang veterinarian at si Ward.
BRAVE:Shiaaa! why would I take those responsibilities? masasayang pa yung ilang minuto ko dito my dad is waiting.
Thunder,are you hungry?
THUNDER:*awwwww*awwww*
°after 10 mins°
VETERINARIAN:Thunder!!
BRAVE:yes!
WARD:HAHHAHA,what a name? THUNDER?BOOM!! BOOM!! may aso ka pa ba bukod kay Thunder panigurado pangalan nun Lightning. joke!!malapit ako sa aso since bata pa ako pero sa aso lang ha, 'di sayo,pero kung gusto mo magiging mabait din ako sayo,pero kailangan mo muna maging aso.HAHAHA!!
BRAVE:Tskkk!! eh ano naman sa aso mo? War?!
ahyyyy...kaya pala WAR pinangalan mo eh "giyera!!" mahilig sa away parang ikaw palaaway,
Now I Know!
by the way...bago ka makipag-away kilalalanin mo muna kung sino kinakalaban mo.
WARD:ano naman?
VETERINARIAN:Thunder!!
BRAVE:Oh paano ba yan? mauna na ako ha.
at pumasok na nga si Brave sa opisina ni doc.
WARD:may araw ka din sa akin,pero sana di na kita makita!
end of Chapter 1
-UNANG PAGKIKITA-