Always Coming Back to You

All Rights Reserved ©

Summary

Maraming tao ang sumubok sa paniniwala ni Jane Ramirez sa pag ibig. Ang pagmamahal ng higit sa isa ay isang panloloko para sa kaniya. Kaya naman maraming lalaki ang naisantabi niya dahil sa pag ibig niya kay Jayson Sarmiento. Ngunit nagbago ang lahat dahil sa isang transferee, si Marco Dela Fuente. Dahil sa kaniya natibag ang ang matagal ng pinanghahawakan ni Jane ni paniniwala. Paano ito nagawa ni Marco? At anong mangyayari kay Jane at kay Jayson dahil sa pagdating nito?

Status
Ongoing
Chapters
2
Rating
n/a
Age Rating
16+

Prologue

"Pa, gusto ko na pong lumipat ng school." mahina lamang ang boses ko habang binabanggit ang mga salitang yan. Natatakot ako na baka hindi pumayag si Papa sa gusto ko.

"Ipaasikaso mo na lang yan sa ate mo. Hindi ko mahaharap yan." ani Papa. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil doon.

Sa wakas makakalipat na rin ako ng school.

Isang taon palang ako sa SJNHS pero hindi agad maganda ang nangyayari sa akin sa loob ng paaaralan. At walang alam doon sila Papa.

Kaschoolmate ko rin ang ate ko at ang dalawa ko pang kuya pero tila may malas akong dala dahil ako lang ang hindi maganda ang karanasan doon.

"Andito na tayo." ani tricycle driver ng makatapat na kami sa gate ng BHS.

Matagal ko ng gustong mag aral sa BHS.

Konti lamang ang nakakaalam ng school na yun dahil tago ang kanilang pwesto. Medyo creepy para sa iba dahil napapalibutan ito ng mga puno. Pero hindi naman talaga ito nakakatakot. Hindi maayos ang gate nito at natatanggal ng ang kulay asul nitong pintura. Dadaan ka muna sa ilang mga kabahayan na pag mamay ari ng mga nagtatrabaho dito bago ka makarating sa mismong school. Konti lamang ang mga pasilidad at maliit lang rin ang basketball court. Hindi tulad ng ibang paaralan iisa lang ang canteen dito na kasinlaki lamang ng normal na classroom.

"Maam, paki fill up na lang po itong papel." sabi nung isag babae na nakausap namin kanina.

Matapos kong mag fill up, may saglit pang interview para sakin ang Principal. At pagkatapos kinunan na ako ng picture para sa ID ko.

"Ma'am, pwede po bang maglibot dito?" tanong ko dun sa babaeng kausap namin kanina.

"Yes ma'am. But before that kumuha po muna kayo ng libro sa library." aniya sabay turo sa hagdan patungong library.

Ang library nila ay nasa taas lamang ng canteen. Parang two-storey house lang yun kung titignan at ang laki ng silid sa taas at baba ay kasing laki lang ng classroom.

"Ma'am ito na po yung mg libro niyo. Pakiabot nalang po ito sa cashier para maidagdag itong mga books sa bills niyo. Thank you!" pagpapaliwanag nung librarian sabay abot ng limang libro.

Kadalasan sa mga librarian masungit ngunit ang librarian na ito ay hindi. Maamo ang mukha at maganda. Mukha siyang nasa edad 23 palang.

Pagkatapos gawin ang lahat ng kailangan namin, agad akong naglibot sa loob ng campus.

Mabilis lang akong naglibot dahil maliit lang ang school na ito.

Mula sa faculty makikita mo na ang kabuuan ng school.

Katabi nito ang TLE laboratory at katabi naman ng TLE lab ang canteen at library. Ilang hakbang lang mula dito ay makakapunta ka na sa tatlong magkakadikit ng room. Sa unang room nagkaklase ang mga grade 12 students. Sa kabilang room naman ang grade 11 students at ang huling classroom naman ay para sa mga pre-elementary students. Matapos ulit ang ilang saglit na lakaran ay makakarating ka na sa isang building. Ang ground floor ay may limang silid para sa grade 7, elementary and IPED students at isang comfort room. Sa itaas naman ang grade 8, 9 and 10.

Nasa tapat ng building na ito ang mini chapel ng school kung saan may short mass every Monday. Nasa harap nito ang basketball court at katabi naman ang ICT.

"Ano maganda ba sa school na yun?" tanong ni kuya pag uwi namin.

Hindi siya nag abalang magpalipat dahil masaya naman ang buhay nya sa SJNHS. "Ayos lang naman. Maliit pero okay na."

"Goodluck nalang. Sana hindi ka malasin." sabi niya bago umalis.

Sana nga hindi ko malasin sa school na yun.

Sana...