Chapter 1
PROLOGUE
“Sandali!”
Kandatakbo ako sa kahahabol kay Sagan. Ang haba-haba kasi ng biyas niya kaya’t ang isang hakbang ko’y katumbas ng tatlong hakbang niya.
“What do you want?”
Sa wakas ay tumigil siya sa paglalakad. Akala ko ay hindi niya ako naririnig. Kanina pa kaya ako habol nang habol sa kanya.
“Ahhh....ehhh...”
Napahawak ako sa aking dibdib. Ano nga ba ulit ang sasabihin ko?
Pastilan! Nakaka-amnesia talaga ang kaguwapuhan ng Dela Vega na ’to. Ang mga mata niya’y parang may mga fireballs na nakatingin sa akin. Parang kailan lang naghuhugis-puso ang mga iyon habang nakatingin sa ’kin. Ngayon ay parang gusto na niya akong ipasok sa loob ng pokemon ball kung makasama ng tingin.
“Stop wasting my time, Miss Nicolas!”
Dumagundong ang kanyang boses na parang kulog. Tila inip na inip siya. Nagbago na talaga siya. Dati kahit sampung dekada pa siyang maghihintay sa labas ng bahay ay kaya niyang tiisin makita lang ang kagandahan ko, ngayon parang isa na lamang akong bida sa isang flop na pelikula na ayaw niyang makita.
“Correction, it’s baby. Nakalimutan mo na ba ang endearment natin?” patay-malisyang tanong ko. Sinundan ko pa ng isang nakakaakit na ngiti na siyang lalong ikinakunot ng kanyang noo.
Nagsalubong din ang kanyang mga kilay at anumang oras ay magsasabong na ang kaliwa sa kanan.
“Are you nuts? What the hell are you talking about?”
Tila nandidiri siya sa kanyang narinig. Hindi ko maiwasang malungkot. Siya kaya ang nakaisip mg endearment na ’yan.
“Baby naman, ang aga-aga ang sungit mo--”
“Cut the crap, Miss Nicolas!”
Umigting ang kanyang panga at kitang-kita ko ang paglitid ng kanyang ugat sa leeg. Patay! Mukha nagalit ko nga yata siya nang totoo.
I really hate my name today. Ayaw niya talagang tawagin akong baby. Malapit na talaga akong mabuwisit sa kanya. Haist!
“Anong kailangan mo?” mariin niyang tanong.
Humakbang si Sagan papalapit sa akin at mariin nitong hinawakan ang aking baba. Napangiwi ako. Halos maduling na rin ako sa lapit ng aming mga mukha.
“Ahhh...”
Shit! Nakalimutan ko na talaga ang sasabihin sa kanya. Lalo na ngayong amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga. Parang hihigupin niya ako anumang oras.
Napatungo ako sa matigas nitong dibdib. Lalo yata siyang kumisig sa loob ng ilang taong hindi namin pagkikita. Sa loob-loob ko.
“K--kailangan ko ng...”
Napalunok ako.
“Kailangan ko ng... ng trabaho.”
Marahas niyang binitiwan ang aking baba. Napaigik ako. Medyo na-hurt ako roon pero keri lang. Ang mahalaga makapasok ulit ako sa buhay niya.
“I didn’t know where you got that guts to ask for a job from me. Are you sure about this, Miss Nicolas?” mapang-uyam niyang tanong.
“K--kahit ano’ng trabaho tatanggapin ko.”
He smiled dangerously. Alam kong may binabalak ito sa klase ng kanyang ngiti ngunit wala na akong pakialam. This is my last card. Gagawin ko ang lahat para magkabalikan kami.
“Good. Be my wedding planner.”
Nanlaki ang aking mga mata. Tama ba ang pagkakarinig ko? Wedding planner? Ikakasal na siya? May ipinagpalit na siya sa akin? Wala na talaga akong pag-asa?
“Cat got your tongue, Miss Nicolas?”
Napalunok ako sa mapanghamon nitong tanong. Tiyak na babagsak ang aking mga luha sa sandaling kumurap ako.
“What a pleasant surprise! I didn’t know you’re getting married. My pleasure is all mine, Mr. Dela Vega...”
Bagama’t nanginginig ay nagawa ko pa ring ilahad ang kamay sa kanya.
“You will be working with my assistant,” aniya pa.
Tumango ako. Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan. Ang akala ko’y mapapadali lang ang misyon kong pagbawi sa kanya. Iyon pala sa simula pa lang ay talo na ako.
But I am Sadie Thalia Nicolas. Wala akong inuurungan. I will win him back by hook or by crook, even if it means this will hurt me bad.
©GREATFAIRY