Chapter 1
KAIA
Pabilis ng pabilis ang aking pagtakbo lalo na nang maaninag ko ang aking pakay sa hindi kalayuan. Bahagya akong tumalon sa isang sanga ng puno at tumalong muli sa isa pa. Nang makarating sa mismong lugar kung nasaan ang aking pakay ay dahan dahan kong inilabas ang aking palaso at saka ito itinapat sa aking puntirya at saka ito pinana.
Agad na nawalan ng buhay ang usang kanina lamang ay nakapirmi sa gitna ng kagubatan.
Nilapitan ko ito at saka itinali upang hatakin papunta sa aking tahanan hindi kalayuan sa kagubatan. Nang makalabas ay agad akong sinalubong ng mga kapwa mangangaso at panay ang papuri nito sa akin dahil daw sa galing kong manghuli, tinanguan ko lamang ang mga ito at saka dire-diretsong pumunta sa pamilihan upang ipagbili ito kapalit ng salapi.
"Kaia, mukhang magandang klase ng usa ang iyong nahuli." Bahagya naman akong napangiti dahil paniguradong malaking salapi ang aking makukuha dahil dito.
"Magkano nyo ho iyan bibilhin Mang tasyo?" Tanong ko sa matandang nais bilhin ang aking nahuli.
"Dahil suki naman na kita dito at magandang klase ito ay bibilhin ko iyan sa halagang limang daang salapi." Ang ngiti ko ay nauwi sa ngiwi dahil sa presyo nito.
Kahit naman sino ay mapapangiwi talaga dahil ang normal na halaga ng usa pangit man o hindi ay pitong daang pilak, samantalang ang magagandang klase naman ay umaabot ng isang libo o higit pa na may kasamang tatlong ginto. Sinamaan ko ito ng tingin kaya naman agad nitong binawi at sa halip ay binili ito sa halagang sampong ginto at dalawang daang pilak.
Hindi narin masama. Agad nakong umalis sa pamilihan at dumiretso sa aking tahanan kung saan naroon ang aking tiyahin-isang masamang tiyahin.
"Aba hoy! Kaia magbigay kanaman ng salapi sa akin hindi yang palamunin kalang dito sa bahay ko, nabalitaan kong nakahuli kadaw ng magandang usa ah. Nasaan na nag salapi? Abay tumanaw kanaman ng utang na loob hindi yang puro ka pasarap sa buhay! Kung hindi lang ako naawa sayo ng bata kapa ay aba hindi kita kukupkupin lalo na--" hindi kona pinatapos pa ang pagsasalita nito at iniabot kona sa kanyang ang dalawang ginto. Yun lang naman ang nais nito tsk.
Hindi ko man ito kaano ano ay masasabi kong may utang na loob ako dahil kinupkop niya ako. May utang na loob ako kahit na ako ang nagbabayad ng renta sa aming maliit na tahanan, may utang na loob parin ako kahit na ako ang humahanap ng pera para may pang kain sila ng pamilya nya at oo may utang na loob parin ako sa kanya kahit na ginagawa nila akong katulong sa kanilang tahanan. Ang bait ko diba? Sila kaya ang panain ko? Tsk.
Pumasok ako sa aking kwarto, sa bodega, at saka inilabas ang aking mga gamit na dadalhin. Aalis na ako sa bahay na ito dahil masyado ng nakakasakal, may sapat nakong salapi para sa aking sarili at kayang kaya na nitong tustusan ang aking pangangailangan.
Sa totoo lang ay plano kong pumunta sa kaharian ng Ventres at sumali sa isang grupo na tinatawag nilang Xeagalle, isa itong grupo ng mga bampira at tao na umuubos sa lahi ng mga masasamang rogue, werewolf, vampire etc.
Ang mga Rogue ay ang masasamang bampira na pumapatay at umiinom ng kanilang kapwa bampira. Isa sa dahilan kung bakit gusto kong mapabilang sa Xeagalle, upang matapos na ang kasamaan nila, at ang isa pa ay para maipaghiganti ko ang aking mga magulang na pinatay ng mga Rogue.
Ipinilig ko ang aking ulo upang alisin sa aking isipan ang mga magulang at itinuloy ang pagaayos ng gamit.
Pagsapit ng hating-gabi ay isinukbit ko na ang aking kagamitan at saka walang tunog na lumabas ng tahanan. Saglit kopa itong nilingon bago tuluyan tumakbo papasok sa kagubatan, gamit ang aking kakayahan bilang isang bampira ay maliwanag kong nakikita ang aking tinatahak na daan kahit na ang liwanag lamang mula sa buwan ang siyang nagsisilbing liwanag sa buong kagubatan.
Magtatatlong oras na akong tumatakbo at kasalukuyan nang nasa pusod ng kagubatan, tahimik kong hinihiling na sana ay wala akong makasalubong na kalaban dahil tiyak na mauubos ang aking lakas na para sana sa paglalakbay lamang. Mahalaga din ang aking oras dahil may sampong araw na lamang akong natitira bago mag sara ang training camp ng Xeagalle. Kapag hindi ako umabot duon ay tiyak na wala na akong pag asa pang makasali at maghihintay pa akong muli ng limang taon para sa panibagong training camp.
Sa training camp ginaganap ang pagpili ng mga bago at malalakas na miyembro ng Xeagalle, maaari karing makapasok duon kung may isang mataas na miyembro ng Xeagalle ang nag-recruit o nag pasok sa iyo sa loob ng organisasyon. Ngunit para sa katulad kong galing sa hindi kilalang pamilya ay kailangan na lamang umasa sa Training camp upang makapasok at mapabilang dito.
Makalipas pa ang ilang oras ay narating kona ang aming karatig bayan, binagalan ko na ang aking liksi at bilis at naglakad na lamang. Kakaunti pa lamang ang mga bampirang pakalat kalat sa bayang ito dahil papasikat palamang ang araw, karamihan sa mga naglalakad ay kagaya kong manglalakbay ngunit hindi kona ito pinagtuuan ng pansin at sa halip ay dumiretso na lamang sa White House ng bayan.
Maliban sa pangangaso ay kumukuha din ako ng mga misyon kagaya ng panghuhuli ng mga pasaway na bampira at kapalit nito ay salapi, pero kung rogue ang nahuli ko ay benteng ginto o higit pa ang ibinabayad sa akin ng gobyerno. Ang ganitong trabaho ay isa lamang sikreto, para mas madaling makadakip ng mga rogue's na pakalat kalat sa kalsada at isa pang dahilan ay masyado itong delikado para sa mga katulad namin at trabaho ng mga Hunter/Huntres ang panghuhuli nito. Pero dahil sa patuloy na pagdami ng mga rogue sa bawat bayan ay hinayaan na kaming kumuha ng mga misyon ngunit kapag kami ay napahamak dahil dito ay walang kasalanan ang gobyerno, dapat ay labas sila sa issue.
Sa panahon ngayon talagang masasabi kona napaka-walang kwenta ng mga opisyal sa itaas, sarili lamang nila ang iniisip nila wala silang pakielam sa mga mahihirap na katulad namin na nangangailangan ng tulong. Siguro kung isa lamang akong ordinaryong bampira at mamamayan ay aakalain mong may silbi at napaka buti ng mga opisyal ngunit hindi, ginagamit lamang nila ang mga bampira para sa kanilang sariling kapakanan kagaya ng mga kumukuha ng misyon kagaya nito. Kung titignan ay parehong makikinabang ang bawat partido, mamamayan man o opisyal, kapag napatay ang rogue maganda ang dulot nito sa mga opisyal at mamamayan kasabay nito ay may matatanggap pang salapi ang bampirang nakahuli dito ngunit kung ikaw ay mapahamak dahil sa iyong misyon ay hindi ka tutulungan ng gobyerno dahil nga sa labas sila sa ganitong issue upang hindi masira ang kanilang iniingatang mukha sa madla.
Nang medyo mainit na sa balat ay napagdesisyunan kong maghanap muna nang makakainan at mabibilhan ng bote ng dugo para sa aking paglalakbay, ang bayang ito ay hindi katulad ng bayan namin na kahit sino ay maaaring mangaso sa kagubatan dahil dito ay kailangan munang may permiso ka mula sa mga opisyal at kung wala ka nito at nahuling nangangaso ay pagbabayarin kanang mahigit limapung ginto kung kaya't walang nangangahas na mangaso ng walang permiso at mas magandang maging sigurado ako sa aking bawat galaw. Bawal akong magkamali dahil masyado nakong nauubusan ng oras.
Magdadapit hapon na nang magpatuloy ako sa paglalakad sa kagubatan dala ang limang bote ng dugo na aking nabili. Kasalukuyan akong nakabalabal at natatakpan ang aking mukha upang hindi ako makilala ng kahit na sino, alam kona ang mga daan dito dahil ilang beses nakong nagpapabalik balik sa bawat bayan tuwing ako ay tumatanggap ng misyon, katulad na lamang ngayon naglalakbay ako kasabay nadin nito ay ang paghahanap konang mga rogue na pakalat kalat sa kagubatan at naghihintay ng mabibiktima.
May ibinibigay sa aming mga Secret Huntres na kwintas kung saan kapag isinuot sa isang rogue ay agad nilang natatrack ito, ganuon lagi ang aming gawain, kapag may isang rogue na napatumba ay sinusuotan namin ito ng kwintas at mananatili itong paralisado upang hindi makagalaw at iiwan na lamang ito duon para kunin ng mga Hulton. Hindi nila kami maaaring makita dahil nga sa sikreto lamang ang aming trabaho. Ang bayad naman ay kusa na lamang napupunta sa aming kagamitan pagkatapos ng misyon at sa kasalukuyan ay may hawak akong sampong kwintas na magagamit para sa mga rogue na aking ha-han-ti-ngin.
Ang mga Secret Huntres ay iba sa nga secret hunters ng gobyerno, dahil kaming mga secret Huntres ay talagang walang pagkakakilanlan sa mga opisyales, tanging mga pinagkakatiwalaan at matataas na uri ng hunter lamang ang nakakaalam at mga masasamang rogue ang hina hunt samantalang ang mga secret hunter naman ay mga mild o mahihin at masasamang bampira lamang ang hinuhuli, lantaran din nila kung ipakita na sila ay secret hunter sa mga opisyales.
Ang mga Hulton naman ay ang nakatoka sa pag kuha ng mga rogue na iniiwan at nahuhuli naming mga Huntres, sila rin ang naglilinis ng aming kalat sa parte ng bayan kung saan ay minsan madugo ang laban na naganap, ngunit kahit mga hulton ay hindi kami kilala kaya kailangan naming umalis kaagad pagkatapos namin itong patumbahin at suotan ng kwintas.
Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ng kaluskos sa di kalayuan, nangunot ang aking nuo at saka maingat at tahimik na tumakbo patungo sa pinagmumulan ng ingay. Huminto ako sa isang puno at bahagyang sumilip upang makita ang nangyayari. May isang lalaki ang duguan habang nakikipaglaban sa isang rogue, matiim kong pinagaralan ang bawat galaw ng lalaki, masasabi kong magaling itong makipaglaban sa pisikalan ngunit madaling basahin ang bawat galaw nito. Kitang kita ko din kung gaano na ito kapagod pero lumalaban padin. Mabilis ang pang yayari at nakita konalamang na hawak kona ang kamay ng rogue na akmang ipapasok nito sa dibdib ng nanghihinang lalake, binigyan ko ito ng sipa sa tyan at pinilipit ang kamay, inundayan ko din ito sumod sunod na suntok at mabilis na pumaikot sa likod nito bago pinilipit ang leeg kaya tuluyan na itong nawalaan ng malay. Sinuotan kona ito ng kwintas at mula sa pagiging pula ng pendant nito ay naging luntian na ang kulay.
Nabaling ang tingin ko sa lalaking kalaban ng mabangis na rogue kanina at nakita ko itong literal na nakanganga habang nakatingin sa akin. Hindi ko sana ito papansinin nang makita ko ang mga galos nito sa katawan na mabagal na humihilom, kinuha ko ang isang bote ng dugo sa lalagyan at iniabot sa kanya iyon, agad naman ito iyong tinanggap habang hindi padin inaalis ang tingin sa akin.
"S-salamat." Tinanguan ko lamang ito at tumalikod na, akma pa sana itong may sasabihin ng makarinig ako ng mga yapak, nasisiguro kong mga hulton ito kaya naman ginamit kona ang aking bilis sa pagiging bampira at maliksing tumakbo't tumalon sa mga sanga ng puno palayo sa kinaruruonan ng lalake.
Nang alam kong malayo na ako ay tumigil nako sa pagtakbo at sandaling nagpahinga, ngunit hindi paman ako nakakailang segundo sa paghinto ay napatalon ako sa gulat at ako naman ngayon ang napanganga ng makita ko ang lalaking kalaban ng rogue kanina na hinihingal sa tabi ko at panay ang reklamo dahil daw sa bilis kong tumakbo.
"Anong ginagawa mo dito!?" Nagugulanang kong tanong dito
"Sinundan ka, alangan" pamimilosopo nito kaya naman tinignan ko ito ng masama, kasabay nito ay ang paghagod kona din ng tingin sa pisikal na anyo nito.
Sa totoo lang ay may itsura ang lalake, may makapal itong kilay, medyo singkit na mga mata, perpektong tangos ng ilong at mamula mulang labi yun ngalang ay kinulang ito sa aruga este sa tangkad dahil hanggang leeg kolang ang lalake.
"Masyado kanamang seryoso nakakatakot ka tuloy." Hindi ko ito pinansin at tinitigan lang.
Bumuntong hininga ito bago inilahad ang kamay. "My name is Theodhore Mandrin, im 20 years old and yes i am handsome with full of awsomeness." Hindi ko maiwasang napangiwi dahil sa pagbubuhat nito ng sariling bangko.
Hindi ko tinanggap ang kamay nito at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
"Ay hindi moba naintindihan? Sige tatagalugin konalang gusto mo?" Inosenteng tanong nito.
Hindi koparin ito pinansin at hinayaan nalamang kung ano man ang iniisip nito ngayon tungkol sakin. Pero naisip kong baka isa itong maharlika kung kayat dapat ko itong layuan, hindi naman sa minamaliit ko ang sarili ko pero ayaw kolang makisalamuha sa kanila, basta ayoko lang.
Ang mga maharlika o di kaya'y angat sa buhay na bampira lamang ang nakakapag aral ng pagsasalita ng ingles gayun din sa pagsusulat at pagbabasa pero dahil sa aking mga magulang ng ito ay nabubuhay pa ay sila mismo ang nagturo sa akin ng pagbabasa at pagsusulat ganun nadin sa pagsasalita ng ibat ibang lenggwahe.
Madami pang kadaldalang pinagsasabi ang lalaking nagngangalang Theodhore ngunit hindi kona iyon pinag tuonan ng pansin.
"Saan kaba paparuon?" Kagaya kanina ay wala itong nakuhang sagot sa akin.
"Aish ano nalang ang pangalan mo? Bakit ayaw monang magsalita? Alam mo, alam konamang gwapo ako pero hindi yun sapat na dahilan para ma pipi kana dyan binibini." Walang kapaguran ang bunganga nito sa kakasalita at hindi nawawalan ng sasabihin.
Kung normal lang siguro ako at ang araw na ito ay kakaibiganin kona ang nilalang ngunit hindi, malayo sa pagiging normal ang lahat kahit ang utak ng lalaking to hindi na normal.
"Ano ba kaseng pa--"
"Kaia. Kaia Vernon." Yun lamang at hindi kona muli itong kinibo.
Nakarating kami sa kalapit bayan ng Santorina- ang bayan na kalapit ng sa amin- bayan ng Misla at ngayon ay nasa bayan na kami ng Koplan. Ang Kaharian namin ay tinatawag na Kovishdzi, ito ay may anim na bayan at iyon ay ang; Santorina, Misla- pinagmulan ko, Koplan- kasalukuyang tinatahak ko, Limpar, Hillia at Moska. Ang bayan ng Santorina, Misla, Koplan at Moska ay nasa silangang bahagi ng Kaharian samantalang ang Limpar at Hillia ay siyang nasa kanluran. Ang kaharian nang Ventres ay nasa silangang bahagi kung kayat dito ako dumaan, ang boundary ng Moska ay kalapit ng boundary ng Ventres kung kayat mas mabilis kung duon ako dadaan yun ngalang ay masyadong delikado - para sa mga normal na bampira ngunit gaya nga nang sabi ko, malayo ako sa pagiging normal.
"Kaia, saan ba ang iyong destinasyon?" Pagtatanong ni Theo- yung madaldal na lalake, masyadong mahaba ang pangalan nya at tinatamad akong banggitin iyon lahat.
"Saan ba patungo ang kagubatang ito?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Umakto itong nagiisip kapag kuwan ay sumagot. "Uh... Aha sa bayan ng Moska!" Tuwang tuwa pa ang hangal na nasagot ang aking katanungan.
Tumango ako. "Ngayon ay alam mona kung saan ako patungo."
Ngumiwi ang binata ngunit hindi na nakipag argumento pa sa halip ay nag tanong na lamang ito nang nagtanong na kagaya ng kanina ay hindi ko sinasagot. Hindi ako maaaring makampante sa lalaking ito, malay koba kung nililinpang lamang niya ako upang kumalap ng impormasyon. Sa panahon ngayon hindi na tayo dapat basta basta nagtitiwala kung meron man tayong dapat pagkatiwalaan iyon ay walang iba kundi ang sarili natin dahil sa ano mang sitwasyon ang sarili lang natin ang karamay natin.
Inabot na kami ng dilim sa gitna ng kagubatan at nagbabadya pang umulan dahil sa biglaang pagkulimlim ng kalangitan.
Gumawa ng apoy si Theo upang kahit papaano ay mainitan ang aming katawan. Alerto ang bawat parte ng katawan ko na para bang handa sa kahit na anong pag atake, maliban sa atake ng bunganga ng kasama ko. Napapabuntong hininga na lamang ako sa sobrang ingay nya at dahil sa nayayamot nako ng sobra ay pinatulan kona ito dahilan upang mawala ang atensyon ko sa kapaligiran.
"Alam moba nung bata ako nahulog ako sa kanal" binuntunan pa nito iyon ng tawa, bagot na tinignan ko ito ngunit siguradong mababakas ang iritasyon sa aking mukha.
"Alam mo?"
"Ano?"
"Wala akong pake sa sinasabi mo." Hindi kona napigilan na barahin ito.
"Ayos lang wala din akong pake kung wala kang pake basta magkukwento ako HAHAHAHAH." KUNG SINO MANG MAGULANG NITO NGAYON PALANG KINAKAAWAAN KONA SILA! HAH!
Ngali ngali kong palipitin ang leeg nito kung hindi kolang nadinig ang mga yapak na pumapalibot sa amin. Agad akong naalerto ngunit mahinang napamura ng makitang napapalibutan na kami ng mahigit sampung Rogue na animo'y handang handa nang sumabak sa laban makakuha lamang ng pagkain.