NINETEEN

All Rights Reserved ©

Summary

It was the most beautiful and tragic story for me.

Status
Ongoing
Chapters
5
Rating
n/a
Age Rating
18+

Prologue

Summer.


Ito ang pinakapaborito kong season sa buong taon. Taon-taon, ito palagi ang inaabangan ko. Bakit? Una, bakasyon. Walang pasok sa school. Stress free. Pangalawa, beach. I always inloved with the sea water, the calmed waves and the beautiful sunset. Pangatlo, kaarawan ko. Pang-apat....


"Happy birthday, Rae!"


"Ate! Happy birthday!"


"Happy birthday, my big princess!"


Napangiti ako noong mabungaran ko ang pamilya ko. Lahat sila nakasuot ng children's party cap. May hawak na cake si mommy samantalang may isang box naman na hawak si daddy. Rianne, my sister, is holding a ballon while jumping and dancing with excitement.


"Ate, make a wish and blow the candles na!" masayang utos ng kapatid ko kaya naman ay napangiti na rin ako. Bumangon ako sa kama ko at nilapitan ang tatlo. I closed my eyes. Pinagdikit ko rin ang mga kamay ko sa aking harapan at tahimik na nanalangin. Pagkadilat ko ay ngumiti ako sa tatlo at matamang tiningnan ang tatlong kandila na nakatusok sa gitna ng cake.


Every year, lalo na noong nasa teenage year pa ako, palaging may lihim na kahilingan akong hinihiling. I always prayed and hoped na one day, matupad lahat ang mga iyon. Na isang araw, diringgin Niya ang mumunting hiling ng bata ako. Of course, kasama naman lagi sa mga dasal at hiling ko ang aking pinakamamahal na pamilya. Sila ang pinakauna sa listahan ko ng mga kahilingan ko.


Sa dami ng hiling ko noon, hindi ko alam kung naririnig Niya ba lahat ang mga iyon.


I prayed for my families safety and health, always, at alam kong palaging pinapakinggan iyon. I prayed for guidance about my chosen career and yes, He guided me and now I can say I'm a successful one.


For six years, every birthday I had, I stop praying about this particular wish. Bakit? Mukhang hindi naman para sa akin ito. Hindi naman Niya dinirinig ang lihim na hiling ko. Umasa ako noon. Umasa na isang araw, sa loob ng anim na taon, kahit hindi ko hilingin, kung para sa akin naman, matutupad iyon. But I guess I was wrong. Marahil ay hindi lang dapat hiling ang kailangan at dapat gawin ko. I need to move. I need to take a risk and make it happen.


Humugot ako ng isang malalim na hininga at hinipan ang mga kandila sa harapan. Naghiyawan ang tatlong pinakamahalagang tao sa buhay ko. They all cheered and greeted me again. Niyakap ko ang mga magulang ko at nagpasalamat sa ginawa nila.


Mayamaya pa ay napatingin ako sa kapatid ko noong biglang yakapin ako nito sa bewang ko. Nginitian ko ito at niyakap na rin.


"What's your wish, ate?"


Natigilan ako.


My wish?


Isang hiling na matagal ko nang itinigil na hilingin noon ang hiniling ko ngayon. And I hoped this time, sana, matupad ko na iyon.


"

God, if you're listening to me, I know how much I am blessed right now and I am thankful for that. Thank you for the wonderful family you've given to me. Thank you for being so patience with my nonstop talk with you. Father God, you truly know what's my heart desired and I am so sorry for not having faith in your perfect will. Now, I surrender myself to you. I know, if it's our time, then it's our time. I believed in you. I trusted you. Please, let me see him again. For the last time. Let me meet him."