THREE WISHES

All Rights Reserved ©

Summary

One shot story only.

Status
Complete
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
16+

Three Wishes

* THREE WISHES *


Genre: FANTASY

Tamad akong bumangon sa kinahihigaan ko at halos pikit-matang naglakad patungo sa pinto at binuksan ito.

“Happy birthday, Leona!”

Napakusot ako ng mata ko at kunot-noong tiningnan ang kapatid na may dalang isang cake at nakangiti sa harapan ko.

“Hey! Blow your candle, litte sis!” magiliw na utos ni Ate Leah at inilapit sa akin ang hawak na cake.

“Ate, stop,” mahinang wika ko at tinalikuran ito. I’m not blowing that thing!

“Leona! It’s your birthday today! Let’s celebrate!" Ani Ate Leah at sinundan ako.

Napailing ako dito at naupo sa gilid ng kama ko. Kita kong nawala ang ngiti nito at napabuntong-hininga na lamang.

“Iiwan ko itong cake dito,” sambit nito at inilapag ang hawak na cake sa study table ko. “Make a wish, Leona. Someone’s might listening to you. And it’s your birthday anyway. Maybe this time, your wish will be granted.”

Nanatili akong nakatitig sa cake at sa kandila nito. Nakalabas na si Ate Leah at ngayon at para akong tangang nakatunganga dito. I sighed. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad patungo sa study table ko.

“Wish,” mahinang bulalas ko habang pinagmamasdan ang apoy mula sa kandila. “I wish to disappear. Ayaw ko na dito.”

Ikinuyom ko ang mga kamao ko pagkatapos kong sabihin iyon. Dahan-dahan, inilapit ko ang sarili sa cake at mabilis na hinipan ang apoy sa kandila.

Umatras ako palayo sa mesa at nagsimula nang mag-ayos para sa eskwela. Pagkalipas ng isang oras ay handa na akong pumasok. Isinukbit ko bag sa balikat at bago ako tuluyang makalabas sa silid, napabaling ako sa cake na iniwan ng kapatid ko.

May nakarinig kaya sa hiling ko?

Nagsimula na akong maglakad patungo sa pinto ng silid ko. Akmang pipihitin ko na ang doorknob nito noong biglang natigilan ako. Napatingin ako sa kabuuan ng silid ko at napailing na lamang. I sighed then opened the door.

Mabilis kong inilagay sa isang kamay sa tapat ng mga mata ko noong bigla akong nasilaw. What the hell? Kailan ba naging ganito kaliwanag ang bahay ng kapatid ko?

“Leona, ilag!”

Agad kong inalis ang kamay sa mga mata ko at binalingan ang nagsalita di kalayuan. Napaawang ang labi ko noong makakita ako ng isang bola na mabilis na bumubulusog patungo dito sa kinatatayuan ko. Shit!

Akmang gagalaw na ako para maiwasan ang bola noong may biglang humawak sa bewang ko at hinigit ako paatras. Napaawang ang labi ko at tiningnan ang bolang dumaan sa harapan ng mukha ko.

“That was close,” mahinang bulalas ng taong humigit sa akin at binitawan ako.

“Leona! Ayos ka lang? I’m so sorry. Namali ako nang pagsipa sa bola. Hindi ko namang aakalaing lalabas ka!” anito at nilapitan ako.

Napatanga ako sa harapan nito at hindi kumibo.

“Hoy, ayos ka lang ba?” tanong muli nito na siyang ikinailing ko.

“Leona,” tawag ng humigit sa akin at naglakad patungo sa harapan ko. Ngayon ay dalawa na sila na estranghero sa harapan ko!

“S-sino kayo?” I finally uttered the words. “Nasaan ako?” tanong ko pang muli at inilibot ang paningin sa paligid! This is definitely not my sister’s house! Ni hindi ito ang subdivision na tinutuluyan ko!

“Nako po!” sinapo nito ang noo at napailing. “Tatawagin ko na ba si Kuya Dylan?” tanong nito sa isa pang lalaki.

“Don’t,” maiklang sambit ng isa habang hindi inaalis sa akin ang paningin.

“Pero Matt, hindi niya tayo maalala!”

“Shut it, Neo. Ako na ang bahala kay Leona,” anito sabay higit sa akin papasok ng bahay.

Hindi na ako nakaangal pa. Nagpahila ako dito hanggang sa makapasok kaming dalawa sa loob. Akmang magsasalita na sanang muli ako para magtanong noong natigilan ako.

“What the hell?” I cursed. This is definitely not my room! “Nasaan na ang kama ko? Iyong mga gamit ko at iyong...” napabaling ako sa puwesto kung saan inilagay ni Ate Leah iyong cake na bigay niya. “...cake.”

“Cake? What are you talking about, Leona?” tanong ng lalaki at namewang sa harapan ko. What the hell is happening? I’m a hundred percent sure na nasa kuwarto ko ako bago ko buksan ang pinto!

“Leona...”

“Nasaan ako?” kinakabahang tanong ko dito. Kita ko ang pagtaas ng kilay ng lalaking nasa harapan ko. “A-anong nangyari? Bakit ako napunta dito?”

Kita ko ang pagkunot muli ng noo nito. Mayamaya pa’y tila may naisip ito na siyang nagpaiba sa ekspresyon nito.

“I think we need Dylan now,” wika nito at noong akmang aalis ito sa harapan ko ay mabilis ko itong pinigilan.

“Answer me. Where am I? Anong lugar ito? I know for sure na wala ako sa bahay ng kapatid ko!”

“Kapatid? Stop talking nonsense, Leona. At para sa kanina mo pa tinatanong, nasa Zhepria ka. Isa sa apat na bayan ng Tereshle,” aniya na siyang lalong nagpagulo sa akin.

“Zhepria? Tereshle? May ganoon bang lugar?”

“Yes.”

Mabilis akong napabaling sa nagsalita. Kakapasok lang nito sa bahay na kinaroroonan ko ngayon. Mataman itong nakatingin sa akin habang naglalakad papalit sa puwesto ko.

“Welcome to Zhepria, Leona.”

“Anong sabi mo, Dylan?” ramdam ko ang tensiyon sa palagid. Mayamaya lang ay bumaling muli sa akin ang lalaki at bahagyang umatras palayo sa puwesto ko. “Don’t tell me there’s someone inside Leona’s body? Again?”

“I am Leona!” ani ako at napairap dito. “This is my body!”

“You’re not her. You don’t even know where the hell you are.”

“Matt, stop it,” ani Dylan at mahinang umiling sa lalaki. “Leona, listen. You are here because you wished to be here.”

Natigilan ako dahil sa narinig. Wished? Kailan ako humiling na mapunta sa isang lugar na hindi ko man lang alam?

“I want to disappear. Ayaw ko na dito.”

Bigla akong nanlamig noong maalala ang mga katagang binitawan ko kanina bago hipan ang apoy sa kandilang nasa cake na bigay ng kapatid.

No way!

“I am here because of that stupid wish?” wala sa sariling tanong ko.

“Yes, Leona. You wished to be here,” sagot ni Dylan na siyang ikinailing ko. No. I wished to disappear not to be in some unknown place! Is this a kind of joke? A dream? Damn!

Zhepria. Tereshle. Ano ba kasing kalokohan ito?

“You’ll stay with her, Matt. Make sure that she’s safe and sound,” ani Dylan sa kay Matt. “She’s a human from the opposite side of the portal,” dagdag pa nito at muli akong binalingan. “And Leona, if you want to leave this place, you know what to do.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Akmang magtatanong muli ako dito noong biglang nawala ito sa paningin ko. Mabilis akong inilibot ang paningin para hanapin ito ngunit hindi ko na ito namataan.

“He’s gone,” ani Matt sabay kamot sa batok nito. “Gawin mo na ang nais mong gawin sa mundong ito, Leona. And when you’re done, go home. You don’t belong here.”

“Anong klaseng lugar ba kasi ito?” tanong ko sa kanya.

“A magical one,” sagot nito sa akin. “Tara. Sa sentro tayo.”

Hindi na ako nakapagsalita pa. Mabilis na lumabas sa bahay si Matt kaya naman ay napasunod na ako dito.

Halos hindi ko maitikom ang bibig ko dahil sa pagkamangha. This place is lit! Nasa sentro na kami ng Zhepria at gaya nang sinabi ni Matt, talagang mahiwaga ang lugar na ito! I can see people flying all over the town. Napatingala ako at napakurap-kurap noong makakita ng iilang maliliit na bagay na lumilipad din.

“Those are Xiers. From Lynus division,” narinig kong sambit ni Matt sa tabi ko. Marahil ay tinutukoy nito ang tila mga fairy na lumilipad sa paligid. “At lahat ng mga Zheprian na nakikita mo dito ay wind attributers. We manipulate the wind.”

“Awesome,” ani ko at napangiti noong makakita ng mga batang naghahabulan. Tumatakbo ang mga ito habang lumulutang sa ere. “I wish to have that attribute, too.”

Natigilan ako sa sinabi ko at mabilis na napabaling kay Matt.

“You better think before uttering your wishes, Leona.” Napakagat ako ng labi. “One wish to go, Leona. Use it properly. Hindi ikaw ang unang taong napagbigyan ng ganitong pagkakataon. He’s the guardian between human world and portal towards our world, Kingdom of Tereshle. One more wish, Leona. If you use it without even thinking, you’ll end up staying here.”

Biglang akong kinabahan sa mga salitang binitawan nito. Staying here in Tereshle was a good idea for me. Pero may kung ano sa loob ko ang pumipigil sa akin ngayon.

“You can use your attribute now,” sambit nito at ngayon ay lumulutang na sa ere. “Come on. Use what you’ve wished for.”

Kahit nag dadalawang-isip, ginawa ko ang nais nito. I took a deep breath then concentrate. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang mahinang ihip ng hangin sa akin. Mayamaya pa’y naramdaman ko na ang paglutang ko sa ere. Mabilis akong napamulat at napabaling kay Matt!

“Lumulutang na ako!” I exclaimed.

“Fly, Leona,” anito at mas tumaas pa ang paglipad. Napangiti ako at sinundan ito sa taas.

Halos nalibot namin ni Matt ang buong Zhepria. At noong napagod kami, tumigil na kami at naupo sa may parke.

“Why did you wished to disappear from your world?” mahinang tanong nito sa akin. Napaayos ako nang pagkaupo at napabuntong-hininga.

“I don’t think I deserved to be there,” sagot ko at malungkot na napangiti.

“Why not?”

“Mas may deserving pang mabuhay kaysa sa akin,” napaawang ang labi ko noong makaramdam ako nang kirot sa puso ko.

“Your mother give you another life, Leona,” anito na siyang ikinagulat ko. “It was not your fault. It was her choice.”

“Please, don’t say that. Wala kang alam.”

“You’re so vulnerable, Leona. I can read your thoughts.” Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. Mabilis akong napabaling muli sa kanya. “I can clearly read you, Leona. That’s my special ability.”

This is unbelievable!

Ano pa ang mayroon sa lugar na ito? Ano pa ang kayang gawin ng mga taong naninirahan dito?

“Tereshlians can do extra-ordinary things,” ani Matt at ngumiti sa akin. My thoughts! Nababasa nga talaga niya ito!

“Gaya nang pagtupad ng hiling ng isang tulad ko?”

“We don’t usually do that,” anito. “In your case, I think you need time for yourself. Kaya naman ay ibinigay sa’yo ang pagkakataong ito.”

“I don’t know if I deserved this chance.”

“Everybody deserves a chance, Leona.”

“But I don’t.”

“Stubborn,” Matt tsked. Mayamaya pa’y tumayo na ito at hinarap ako. “Your time is up, Leona. You need to make your final wish.”

“My final wish?”

Natigilan ako dahil dito. Final wish. Ang ikatatlong hiling ko.

“Pag-isipan mong mabuti ito, Leona.”

“Hindi ko alam kung anong ang huling hihilingin ko,” naiiling na sambit ko. “Hindi ko alam.”

“Someone’s waiting for you to come back, Leona.”

Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi nito. Someone. I think I know that someone.

“Leona! Look at this! Bagay sa’yo ito!”

“Little sis, come on! Smile! Mas maganda ka pagnakangiti ka!”

“Leona! Wake up, please. Don’t leave me too. Please!”

“Ate Leah!” napasigaw ako at mabilis na napaharap kay Matt. “What was that? Bakit umiiyak ang kapatid ko?” takang tanong ko dito noong makita sa isipan ang imahe ng kapatid ko. She’s crying and begging for me to come back!

“Your final wish, Leona.”

Napapikit ako noong marinig muli ito kay Matt. Si Ate Leah na lang ang natitirang pamilya ko. Siya lang ang natatanging taong nagtiyaga sa pag-uugali ko. Siya lang at wala nang iba.

“I wish,” mahinang sambit ko at mariing tiningnan si Matt. “I wish to be with my sister.”

I saw a smile on Matt’s lip. He nodded then extended his hand on me. Inabot ko ito at muling ipinikit ang mga mata. At noong imulat ko itong muli, napatanga ako noong bumungad sa akin ang nakasarang pinto ng silid ko. Mabilis akong napatingin sa kamay kong nakahawak sa doorknob.

Napaatras ako.

Home.

I’m finally home!

“Ate Leah!” Mabilis na sigaw ko at lumabas na sa silid ko. “Ate!”

“Oh, Leona?” Takang hinarap ako ng kapatid ko.

“Someone heard my wishes, ate,” I said then hugged her tighter. “I’m home.”

Zhepria. You are beautiful pero mas gugustuhin kong manatili sa tabi ng kapatid ko.

* E N D *