All About Her

All Rights Reserved ©

Summary

Si Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng pang-aabuso at may takot sa dugo. Kung iisipin ay nakapahinang babae nya pero hindi 'yun naging balakid para magmahal sya kahit na hindi sya kailan man kinilala ng asawa. Nang sa wakas ay natutunan na ng asawa nya ang mahalin sya ay saka naman dumating ang hindi inaasahan at nakapalaking problema sa buhay nila. Dapat bang sumuko kapag bumitaw na ang isa? Dapat bang iwan sya para lumiga habang wala ka? Istorya ng babae kung paano tinanggap at sinugal ang lahat para sa pag-ibig.

Status
Ongoing
Chapters
4
Rating
n/a
Age Rating
16+

Intro

“Sorry na Jared! Hindi ko naman sinasadyang mahawakan ang cellphone mo eh!” Pagmamakaawa ko pero mukhang hindi nya ako naririnig dahil kinaladkad nya ako papasok sa kwarto namin. Napaupo na lang ako sa sahig.

“Sorry? Ilang beses ko ng naririnigsayo ′yan! P*tangina mo kang babae ka!” Hinaklit nito ang buhok ko kaya napatingala ako sa kanya. Nasalubong ko ang namumulang mukha nya, marahil sa galit.

“I-Inilipat ko lang kas inilinis ko ′yung lamesa.” Pagpapaliwanag ko. Isa kasi sa pinaka ayaw nya ay ang pakialaman ang gamit nya.

“Tanga kaba o ano? Malinaw na sinabi ko sayo, umpisa pa lang na wag na wag mong papakialaman ang gamit ko! Lalo na ang cellphone ko!” Sigaw nya sa mukha ko kasunod ng isang malutong na sampal.

Para akong nabingi sa impact ng sampal nya. Kusang tumigil ang luha ko, napatitig ako sa kanya. Bumubuka ang bibig nya pero wala akong marinig na kahit anong salita.

Sana ganito na lang. Sana mabingi na lang ako ng tuluyan.

Hinila nya na naman ang buhok ko patayo. “A-Aray!” Muli ng bumalik ang pandinig ko.

"Tandaan mo ’to p*tang babae ka! Kapag nakita ko pang pinakialaman mo ang mga gamit ko, itatali ko ’yang mga kamay mo!” Pabalya nya akong binitawan kaya tumama ang braso ko sa kahoy ng gilid ng kama.

Ininda ko ang sakit saka tumango ng sunod-sunod.Sinipa pa nito ang paa ko bago lumabas ng kwarto.

Umiyak na lang ako ng tahimik, niyakap ko ang sarili ko. Wala akong kakampi, karamay, sarili ko lang ang tutulong sa akin.

Tumayo ako at tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. May kalmot ako sa leeg, namumula ang kaliwang bahagi ng mukha ko, may pasa ako sa binti, at malamang magkakapasa na rin ako sa braso.

Pinilit ko pa ring ngumiti sa kabila ng lahat. Kailangan kong magpakatatag.

This is me, Elaisa Sandoval-Montefalcon, and this is my story.