After All, It's You: Darice

All Rights Reserved ©

Summary

Darice Noelle is the oldest among the Hirade sisters. She is a Registered Medical Laboratory Technologist, together with her best friend Trevor Angelo Factuar. They're childhood best friends and been working at the same hospital, but in a different department. Akala nila, pagkakaibigan nalang ang meron sila sa isa't-isa, knowing Darice have a feelings for her best friend for so many years but just scared to confess her feelings, especially, Trevor is in a relationship. One drunk night came, and eventually, things are different. Different, that it can shake their stable friendship, than may or may not ruin their relationship.

Status
Ongoing
Chapters
2
Rating
n/a
Age Rating
16+

Prologue

After All, It’s You: Darice

PROLOGUE

Nandito ako ngayon sa cafeteria ng hospital dahil it’s my last break. I’ve been working for 10 hours now for this 12 hour shift as MLT. Off ko na bukas kaya yun nalang ang nagpapa-motivate sa aking mag-trabaho ngayon. Though, alas cinco na ng hapon, alam kong wala na akong magagawa dahil punong puno na ng pagod ang katawan ko paniguradong gusto ko nalang humimlay.

“Oy, Darice!” rinig kong sigaw sa gilid ko kaya napatingin ako. Sus, si Trevor pala, best friend ko. “Kaka-simula mo lang ba?”

Tumingin ako sa orasan ko at umiling, “Nakaka-sampung minuto na ako dito.”

Naupo siya sa bakanteng upuang katabi ko at hinuhupa ang kaniyang pagka-hingal. Nakaka-ilang oras palang siya sa shift niya kaya hanggang mamaya pa ito dito.

Bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko ng biglaan at nasaktan ako. Muntik ko na siyang itulak dahil masakit talaga yung pagkakasandal niya sa balikat ko. Walang hiya.

“Pagod na ako, Darice.” aniya, at tumingin ako sakaniya, siya’y nakapikit.

“Nakakahiya naman sa may 12-hour shift ano.” sabi ko, “Dapat nga may mas lakas ka pa sa akin dahil kakasimula mo palang.”

Tumingin ako sakaniya at minulat niya ang kaniyang mata, nakatingin lang sa kawalan. “Hindi yun. I mean, pagod na ako sa relasyon namin.”

It is my time to look out of nowhere. Ah, pinag-uusapan pala niya yung relasyon niya with Leila. Tatlong taon na silang magka-relasyon pero para bang sobrang roller coaster ang mga pinagdaanan.

“Hindi mo na ba mahal?” tanong ko.

“Alam mo naman ang sagot ko diyan, Darice.” aniya, at inangat niya ang kaniyang ulo mula sa aking balikat. Hindi parin umaalis ang sakit ng balikat ko dahil sa ginawa niya kanina. “Mahal na mahal ko si Leila, ayaw ko siyang mawala sa akin.”

“Yun naman pala, bakit kamo pagod ka na sa relasyon niyo?”

Tumingin siya sa akin, at tumingin din ako sakaniya “Sobra narin kasi akong nagpapaubaya sa kaniya. Hindi ko na nararamdaman ang pagmamahal niya sa akin, hindi gaya noong mga bago palang kami sa relasyon.”

“Nag-usap na ba kasi kayong dalawa ng masinsinan?” tanong ko.

Umiling siya sa akin, at tumingin muli sa kawalan. “Masyado siyang busy na sa kaniyang trabaho simula noong lumipat siya doon sa kabilang hospital. Palaging nauwi sa apartment late na, tapos aalis ng maaga. Feeling ko nga ako nalang ang nakatira doon sa apartment eh.”

“Alam mo yung pakiramdam na lumalabas lang ang pagka-clingy mo sa isang tao kapag mahal mo? Yung naghahanap ka ng lambing sa kaniya?”

Syempre hindi. Hindi ko pa yun nararanasan. Wala naman akong boyfriend e. I mean, may mga nanliligaw, pero sa tuwing iniisip ko si Trevor, hindi ko sinasagot. Ang boba ko no?

Pagiging martyr na ba ang tawag dito sa ginagawa ko? Ever since elementary kami, naging magkaibigan na kami and at the same time, nagkagusto na ako sakaniya. Hindi ko pa inaamin sakaniya kasi natatakot ako. Natatakot ako baka mawala yung pinagsamahan namin dahil lang sa gusto ko siya.

Bago pamandin ako makapag-salita ay tumunog na ang alarm ko, hudyat na tapos na ang aking break. Tinapik ko ang balikat niya at tumayo na ako. Tinignan niya ako at nginitian.

“Pasensya ka na, love life ko na naman ang pinag-uusapan natin. Parang everytime ata na magkasama tayo sa trabaho e, love life ko na ang bukang bibig ko.” aniya, at umayos siya ng upo.

“Magkaroon ka na kasi ng boyfriend, Darice.” natatawang sabi niya, at inirapan ko nalang siya matapos ko siyang tangkaing hampasin ng malakas. Akala naman niya ganon lamg kadali.

“Hinihintay ko lang namang magkaroon ako ng pag-asa sayo, Trev.”

“Whatever, Trevor.” sabi ko at naglakad palayo skaniya, kumaway siya pabalik.

Nasa 3rd floor ang Microbiology department kaya nagpunta ako sa elevator. Kasalukuyang naghihintay ako ng bakanteng elevator kaya nagkatipon kami sa paghihintay. Sa totoo lang, unti unti ko na ngang natatanggap na hanggang dito nalang ako eh, ang pagiging kaibigan ni Trevor, yung palaging nasa tabi niya kapag kailangan niya ng kausap, o yung taong nagpapasaya sakaniya kapag malungkot siya. Wala na kasi ata akong puwang sakaniya talaga kundi ang matalik lang na kaibigan, na handang makinig sa anomang merong saloobin siya.

Nakabalik ako sa realidad ng tumunog ang elevator, hudyat na magkakaroon ng bakante. Pumasok kaming lahat sa loob at ako naman ay pumindot sa aking perspective floor. Mabuti nalang at off ko na bukas, masyadong madrama ang buhay ko kasama ’tong si Trevor.

Lumabas ako ng elevator matapos makarating sa 3rd floor. Bago ako makauwi ay dapat makatapos ako ng pag-te-testing ng mga specimen. O kung hindi naman ay itutuloy ito ng ibang MLT na katrabaho ko bukas samantalang off ko.

“Darice, pwede bang makipag-trade sayo ng shift bukas?” tanong ni Jenny, kasama kong MLT sa shift ko ngayon.

“Anong oras ba?” tanong ko at nagsimulang mag-double check ng mga specimen. “May appointment kasi ako sometime tomorrow.” Lie.

“4 hour shift lang naman siya, from 0700 to 1100.”

Kukunin ko ba? Ugh. Off ko eh, tapos makikipag-trade siya :(

Kaso, isa kasi siya sa mga pinapakiusapan ko 'ding makipagtrade sa akin whenever I needed it. Nakakahiya namang hindi tanggapin hindi ba?

“May iba ka pa bang option bukod sa akin?” tanong ko. Hindi naman sa ayaw ko tanggapin diba, nasa akin parin naman ang alas ko eh, yung may appointment ako bukas.

“Si Clarisse sana, kaso mamaya ko pa siya matatanong pagka-off natin eh.” YAS.

“Tanungin mo muna si Clarisse mamaya, tapos message mo ako mamaya kung ano ang sagot niya. Titignan ko pa kasi kung ma-adjust ko yung schedule ko bukas sa appointment ko eh.”

Bumalik na kami sa trabaho ni Jenny.

Sa wakas! Natapos na ako sa trabaho ko. Tumayo ako matapos kong iligpit ang lahat ng mga instruments na ginamit ko sa analysis. Itong sample na ito ay pwede ko nang itawag sa Pathologist, pero sabi ni Yohanne, siya na daw bahalang magreport sa Patholigist.

Nag-clock out na ako at nakita kong muli si Trevor; may kausap sa phone.

Naglakad ako malapit sa kaniya at napansin niya agad ako. Mukha siyang bothered, parang may nireresolba na problema. On my part, hindi ko tuloy alam kung mananatili lang ako doon para hintaying matapos ang usapan nila ng kung sino mang kausap niya, or hahayaan ko nalang siyang makipagusap sa kausap niya at maghihintay nalang ako ng kwento niya?

In the end, naupo ako sa bakanteng upuan at hinintay ko siyang matapos, hopefully na kkwentuhan niya ako?

Naalala ko tuloy yung kailangan ni Jenny ng ka-trade bukas sa shift niya. Kukunin ko ba kung hindi available si Clarisse? Kaso pagod na talaga ako eh?

Napatingin ako sa gawi niya na nakapamewang, at nakatitig sa aming glass window. Sino kaya ang kausap niya? Si Leila ba? Sila Tita? Bigla niyang inilagay ang kaniyang kamay at hinilot ang kaniyang sentido. Nako, si Leila ito.

Gutom na ako, gusto ko ng umuwi. Pagod na ako, gusto ko ng umuwi.

Tumingin sa gawi ko si Trevor. Kahit sobrang problemado niya, nagawa parin niyang ngumiti. Kahit alam ko, o nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan na siya.

Hay, ganito ba ang magkaron ng love life? Palaging problemado? Parang ayoko na tuloy umibig ah?