Prologue
This is a work of fiction. Names, characters, places, company, events and incidents are either the products of the author’s imagination. Actual person/events, living or dead is purely coincidental.
Warning❗️❗️❗️: Unang beses ko palang po magsusulat, I’m trying my best to write a story and still collecting ideas from the other authors. Thank you!! Kaya kung may mga pagkakamali sa english, at pagiging typo. Pasensya napo.
Feel free po na mag private message po kayo sakin, to give advice, suggestions or comment lang po. :)
open po ako sa mga ganung message. Thank you so much po!!!
Sana po magustuhan niyo❤️
~*~
Rhett’s POV
Papunta ako ngayon kung saan ako madalas isama ng aking Ina, kung saan ako madalas pumupunta pag gusto ko ng tahimik na paligid at kung saan ako madalas pumunta pag gusto kong makapag isip ng mabuti. Sa Cafe Adelina bandang Silang, Cavite.
Pababa na sana ako ng aking kotse ng makita ko ang babaeng lagi kong napapansin sa school ko noong college ako. Ang ganda ganda niya talaga, hindi siya katangkaran siguro mga nasa 5′3 ang height niya, morena ang kulay ng kaniyang balat, bagay na bagay sakaniya ang mga bilugang mata niya at naging dagdag sa ganda niya ang mahabang buhok. Napapansin ko siya dahil isa siya sa c-singer ng school namin. Parehas kaming course which is BA in Communication. 4th year ako nun 3rd year college siya, So I bet graduating student siya ngayon.
Tuluyan na akong lumabas ng kotse at ng malapit na akong makarating sa kinatatayuan nila narinig ko ang lalaking lagi kong napapansing kasama niya nung college pa ako. BF niya siguro ’to.
“Hindi kaya mapagalitan tayo ni Tita?? Ang layo ng narating natin Farrah” sabay tawa ng lalaking kasama niya. Ahh so Farrah pala pangalan niya.
“Hayyy nako Jax! hindi yan lagi ka nalang takot kay Mama parang bago ka naman ng bago!!! hindi kapa ba sanay sa mga gala moments natin na sobrang layo na di nalalaman ni Mommy?” Siguro nga mag jowa tong dalawang to.
Nilagpasan ko na sila, pumunta ako dito para makapag isip isip kung tama paba mga desisyon ko sa buhay lagi nalang din kasi kami nagtatalo ng Dad ko dahil gusto niyang sundin ko ang pangarap niya para saakin, nag sasawa na ako katwiran ng aking Ama nasunod na daw ako sa gusto kong course noong college ako ngayon sundin ko naman daw siya sa gusto niyang mangyari ang ipagpatuloy ko ang pamamalakad ng Coffee shop namin, oo kilalang Coffee shop ang pag mamay ari ng aking pamilya, my iba’t ibang branch na din kami ng Coffee shop, may kapatid ako ngunit ito ay isang babae kaya hindi ipinapaubaya ng aking Ama ang aming business.
Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng Cafe Adelina nag request ako sa waiter na i-save ang favorite spot ko at dumiretso na ako sa restroom para makapag hilamos manlang, mukhang lantang lanta na kasi ako sa buhay. Hindi pa ako tapos mag ayos ng sarili ng may naririnig akong isang babaeng nagrereklamo at isang lalaking panay ang paliwanag, kaya’t tinapos ko na ang pag aayos at lumabas na ako.
“May nakareserved na po kasi sa taas Ma’am kaya hindi po talaga pwede” paliwanag ng waiter kay.... Farrah???
“Miss anong nangyayari dito?” Sabi ko sakaniya ng nagtataka. Tinignan niya lang ako ng nakapamaywang at binalik niya ang tingin niya sa waiter ng magkasalubong ang kilay.
“Farrah pwede naman tayo sa ibang upuan eh dito, ayaw mo ba dito?? Ang ganda ng view, Oh” Ika ng lalaking kasama niya Jax yata ang pangalan niya ayon ang narinig kong tawag niya kanina sa lalaking kasama niya habang tinuturo ang upuang malapit sa malaking salamin at kitang kita ang view kung saan pumapasok at lumalabas ang mga customers.
“Ayoko nga don eh gusto ko sabi sa taas! First time kong pumunta dito tapos ganito pa may reservation palang nalalaman! Gusto ko sa taas!!” Inis na sabi ni Farrah sa kaibigan niya
“Ma’am si Sir Santiago po ang nakareserved diyan at lilinawin ko lang po na pinareserved po ni Sir Santiago ang itaas dahil dumaan pa po siyang restroom” Paliwanag ng waiter na kanina pa yata nag papaliwanag. Tinignan ako mabuti ni Farrah, yung tingin niya parang may sinasabi siya pero hindi niya masabi. Siguro pinapatay na niya ako sa isip niya. Hahahaha napangiti ako sa iniisip ko :D
“Anong nginingiti ngiti mo diyan??” Sabi ni Farrah saakin habang tinititigan akong mabuti. Nagkibit balikat nalang ako tutal hindi ko naman pwedeng sabihin sakaniya ang iniisip ko. Hahahaha
“Farrah, tara na kahit dito nalang tayo okay naman dito diba? Nakakahiya na ang dami ng nakatingin satin, wag mo na palakihin ’to” Singit ni Jax sakaniya.
“Sige Miss sa taas nalang kayo, dito nalang ako” sabi ko na nakapag pabago ng ekspresyon niya.
“Hindi pre okay lang doon kana, ikaw ang nauna dun nag iinarte lang ’tong kaibigan ko” tanggi ni Jax sa offer ko, buong akala ko girlfriend niya si Farrah dahil lagi ko silang nakikita sa campus nung nag aaral pa ako at lagi silang sweet kung hindi mo sila talaga kilala hindi mo iisiping magkaibigan lang sila.
Habang nagsasalita si Jax umalis nalang bigla si Farrah sa harapan namin at nagsimula ng mag martsa pataas ng Cafe Adelina. Wow! Just wow! Salamat Rhett ah? Pero hindi ko naman siya masisisi dahil nakakarelax naman talaga sa taas lalo na kung ikaw lang mag isa, marami namang upuan sa itaas kaso nag request akong iclosed dahil gusto kong mapag isa yun nga lang biglang dating naman nitong mga ’to. Hayyy
Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Jax.
“Pre salamat salamat, pasensya kana sa kaibigan ko ah nakakahiya man pero salamat at pinagbigyan mo” Paumanhing sabi ni Jax saakin, tinapik niya balikat ko at dumiretso na sa itaas kung nasaan ang kaniyang kaibigan.
Nag kibit balikat nalang ako dahil mukhang mas emergency pa yata ang problema ni Farrah at mas kailangan niya ang tahimik na lugar dito sa Cafe Adelina.
Umupo nalang ako sa red na round sofa at nag simula na akong tumingin sa menu dahil na din sa haba ng byahe ko papunta dito at nagsimula ng kumalam ang tiyan ko. Hahaha
Sumenyas ako sa waiter at sinabi ko na ang napili para sa tanghaling ’to.
“Yes, Sir?” Tanong ng waiter na sinenyasan ko
“Tuna Aglio Olio, 1 Ham Croissant and Hazelnut Macchiato, that’s all” Parang trip ko kasi ngayon kumain ng pasta.
“Ayy Tim, 1 Java chip frappe pa pala pero pwede iserve mo sa taas tapos lagyan mong note na “DON’T LET YOUR MOOD CONTROL YOU, SMILE” then tell me what’s her reaction” Pahabol ko sa waiter na kumuha din ng orders ko
“No problem, Sir Santiago”
Siya si Tim, ang paborito kong waiter dito dahil naabutan niyang nabubuhay ang Lola Adelina ko, napakabuti at napaka tapat nitong si Tim sa pamilya ko kaya siya na din ang tumayong head waiter dito sa Cafe Adelina. Oo isinunod sa pangalan ng Lola ko ang Coffee shop namin na gusto ng Dad kong ako na ang mamahala.
Nang dumating na ang mga pagkain, inuna kong higupin ang mainit init na hazelnut macchiato napakasarap lasang lasa ang halong vanilla at gatas na lalong nakapagpadagdag ng sarap, halos napapapikit pa ako sa linamnam na dala ng macchiato, hayyy all time favorite ko talaga, napabalikwas ako ng may maramdaman akong malamig sa mukha ko at hindi siya basta lamig, may kasamang crushed ice, hindi kaagad ako napadilat dahil nadamay pati mata ko sa pagkakabuhos.
“Wala kang pake kung bad mood ako ngayon, madami akong iniisip at sino ka para bigyan ako ng frappe?? Manyak!!! Ano akala mo sakin, easy to get?!!!” Sigaw niya saakin, akala ko pa naman magugusutuhan niya kadalasan kasi sa mga babaeng kakilala ko Frappe ang gusto. Nang natanggal ko ang java chip sa mata ko nahagip ng mata ko si Tim na dadaluhan sana ako pero patago ko siyang pinahinto sa kinatatayuan niya.
“Miss first of all, it’s not my intention na mangielam sa mood mo it’s just hindi lang bagay yung itsura mong nakabusangot sa maganda mong mukha” Pinilit ko talagang ngumiti kahit papaano, I’m trying to be sarcastic, dahil sobrang lagkit na lagkit na ako pinilit ko padin ngumiti para mabawasan naman pagkapahiya ko. Hayyy
“Wala akong pake ku——” hindi na natapos ni Farrah ang sinasabi niya dahil nag riring ang cellphone niya, nang makita niya ang tumatawag kumunot ang noo niya at para siyang nagtataka kung sino ang nasa kabilang linya.
“Hello? Who am I speaking? Huh?! Anong hospital?? Saan!? Wala akong maintindihan sorry saan ulit??” Natatarantang sagot ni Farrah. Bigla naman kinuha ni Jax ang cellphone niya at siya ang nagtanong, nakita ko si Farrah biglang umakyat sa taas ng Cafe Adelina, muntikan pa siya matalisod dahil sa pagmamadali.
“Okay okay sige po, thank you for informing us. We’ll be there as soon as possible” sagot ni Jax at nasa tabi na niya si Farrah na parang nawala na sa sarili. Umupo siya sa mahabang sofa na malapit sa kinauupuan ko.
“Excuse me, may I ask what is happening here?” Pero hindi nila ako pinansin, bagkus umupo si Jax sa tabi ni Farrah hinawakan niya ang balikat at hinarap niya sakaniya si Farrah.
“Cass, magiging okay si Tita okay? Wag kang mataranta, you got me. Mag bobook lang ako ng lalarentcar umupo ka muna saglit lalabas lang ako para malakas signal” ani ni Jax kay Farrahh, kahit hindi ko pa alam ang nangyayari pero pakiramdam ko urgent at hindi ko kailangan maghintay pa sa isasagot nila sakin, bago pa man tuluyang lumabas si Jax nagpunas ako ng mukha ko at nawalan nalang din ako ng pakielam sa damit kong sobrang lagkit tumayo na ako agad at nagsalita
“Let me drive for the both of you, matagal makapag pabook ng lalarentcar dito medyo looban pa kasi ’tong lugar, tara na!” Tumayo ako at tumingin ako kay Farrah na wala padin sa sarili, nakatitig lang din siya saakin na tila nagtataka sa mga sinabi ko, ano ba ’to hindi ba siya naniniwala??
Miski si Jax nakatingin lang saakin, ano ba masama sa sinabi ko? I just want to help may mali ba don?? Sa halip na makipagtitigan lang ako sakanilang dalawa ultimo si Tim at ibang customers na nakatingin din sakin hinila ko si Farrah na nakaupo lang din sa harapan ng kinatatayuan ko, ni hindi ko narinig na umangil o di manlang niya binawi ang kamay niyang hawak ko ngayon, tinanguan ko si Jax at kinuha naman ni Jax ang bag ni Farrah na naiwan niya sa sofa. Nauna na kaming lumabas ni Farrah habang hinihintay si Jax.
“Let’s go! I just want to help wala naman akong lakad ngayon kaya ako na mag hahatid sainyo kung saan man kayo pupunta” sabi ko kay Farrah at nakita ko ang reaction niyang paiyak kaya ako nataranta, sa sobrang taranta ko niyakap ko siya bigla. ’Di naman siya nagpumiglas, wala siyang reaction siguro nga sobrang seryoso ng nangyayari para mawalan nalang siya ng pakielam sa paligid niya.
“Everything will be fine, just relax and pray to God it will help you more” Nakayakap pa din ako sakaniya, hindi ko man naramdaman ang ganti niyang yakap naramdaman kong kahit papaano nakatulong sakaniya yun at nakita ko na sa gilid ko si Jax kaya tinanggal ko na ang sarili ko sa pag kakayap sakaniya at hinarap ko ang kotse ko.
Si Jax ang nasa passenger seat at si Farrah ay nasa backseat, nang mapasadahan ko ng tingin ang rear mirror ko kitang kita kong mugtong mugto ang mata niya. Nasa byahe na kami pa Maynila pero hindi ko pa din alam ang nangyayari at hindi ko din alam kung saan kami pupunat sinabi lang sakin ni Jax na Maynila wala padin nagsasalita sakanilang dalawa.
“Hmm, excuse me, just want to ask anong pupuntahan natin sa Maynila papasok na kasi tayo ng Manila but I don’t know what the exact location” Basag ko sa katahimikan, tinignan ko ng mabilisan si Farrah sa likod at si Jax na nasa gilid ko.
“Bro, salamat nga pala pasensya na din kasi naabala ka pa namin sa Immaculate Hospital tayo pupunta tumawag kasi yung Mom ni Farrah sinugod daw ng kapitbahay kasi inatake kaya emergency talaga hindi na kami nakapagpasalamat at hindi na kami nakapagpakilala. Ako nga pala si Jax Zane Oliver, but you can call me Jax or Zane” Sagot ni Jax sakin, tinignan ko si Farrah at laking gulat ko ng nakatingin din siya sakin sa rear mirror. Waaaaa kinikilig ako!! Sorry na agad gandang ganda kasi ako sakaniya. Hahahaha
“I’m Farrah, Farrah Cassandra Elliott. You choose what name you want to call me” sagot niya sakin na nakatingin padin siya sa rear mirror.
“Anyway, thank you sa pagmamagandang loob samin, highly appreciated! I’m sorry sa kaninang ginawa ko wala kasi talaga ako sa mood dahil sa dami ng problems ko tapos eto pa nangyari kay Mommy” sabay iyak niya, inalo agad siya ni Jax
Kitang kita ko mula sa rear mirror ang mata ni Farrah na lumuluha na may halong pagsisisi, hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil naalala ko si Mom sa nangyayari ngayon. Gustong gusto namin siyang iligtas ngunit hindi namin alam kung paan, tanging Dios lang ang nakakaalam at sakaniya lang kami humihingi ng miracle dahil sa stage 4 na ang cancer ng Mom ko. Nawala siya dahil sa leukemia, kaya bata palang ako ulila na kami ng kapatid ko sa Ina.
“Siya nalang ang meron ako, please sana makarating tayo sa ospital agad please please please!!” Hagulgol ni Farrah kaya kinuha ni Jax ang tissue sa likod ng upuan niya at iniabot kay Farrah.
Hindi naman mapigilan ni Jax na umiyak na din siguro ganun na din talaga katagal ang pagsasamahan nilang dalawa kaya kilalang kilala na din ni Jax ang Mom ni Farrah.
“Jax paano na ako? Paano pag may nangyari kay Mommy? Sana pala hindi tayo umalis, sana pala sa bahay nalang tayo, sana pala hindi na ako nag inarte, sana pala hindi ko inisip muna yung problema ko sa acads”
Problema sa acads? Ang daming tanong sa isip ko, pero hindi naman ako makapagtanong sakanila dahil hindi naman ito yung oras para magtanong ako ng mga ganung bagay. Pumunta kaya sila ng Cafe Adelina dahil sa gusto ni Farrah mag unwind dahil stress siya sa acads niya? Ah so, 4th year college na nga siya tama nga ako.
“Paano nalang ako, hindi ko maisip ang bukas ko ng wala na akong magulang pag gising ko. Hindi ko maisip yung gigising ako ng walang halik ni Mommy sa noo ko, hindi ko maisip yung sarili kong mag isa sa bahay. Sana pa------” hindi ko na siya pinatapos magsalita, sana macheer ko up ko siya kahit sa salita lang.
“You know what, you did nothing wrong. Aksidente ang nangyari at ni isa sainyo walang may kasalanan. Just relax yourself, you need to be strong for your Mom” sabi ko na parang hindi siya nakumbinse.
“Hindi ko alam gagawin ko!!! Paano nalang ako?? Parang awa niyo na bilisan natin!! Ple-please ayokong mawala si Mommy, sana nasa tabi niya lang ako. Ku—kung alam ko lang mangyayari ’to hindi na sa—sana ako umalis para mag unwind dahil sa prob-problema ko sa acads. Paa-paano nako Jax?? Alam mong bukod kay—-kay Mommy wala na akong pamilya, hindi ko ma---manlang naisip si Mommy all this time si----siya lagi nalang siya ang nakaa---lalay sakin, hindi ko ma---manlang nagantihan na---ng pag alalay ko sakaniya. Tap---tapos hindi pa ako tapos sa pag aaral da---dahil sa tuition fee na nagtaas hindi pa nga kami bayad sa midterm ko tapos lumaki pa ngayon ang babayaran ni Mommy kaya hi---hindi pa ako kasama sa mga gagraduate, ayokong malaman ni Mommy hindi naman sa madidisappoint siya pero dahil ayo---kong alalahanin niya ako na nasstress, kilala ko kasi siya ayos lang sakaniya ka---hit hindi pa ako makagraduate pero ako gusto ko na siya matu---lungan. Lagi nalang ako yung iniisip niya hindi ko alam may dina---dinaramdam na pala siya kanina wala akong kaalam alam.” Iyak na sabi ni Farrah.
Hindi pa ako nakapagpapakilala sakanila pero hayaan na saka nalang pag okay na sila parehas. Nasa isip ko nalang nitong mga oras na ’to na sana walang traffic pa UN para mabilis kaming makarating.
“Naiintindihan kita Cass, kaya nga nandito ako diba? hindi kita iiwan that’s our promise nandito lang ako ayon ang lagi mong tatandaan, kailan ba naman kita iniwan? Mahal kita Cass hindi ako mag sasawang ipaalala sayo yun. Wag kana umiyak kailangan ka makita ni Tita na matatag ka, na malakas ka. Ikaw nalang din ang pinagkukunan niya ng lakas kaya tahan na malapit na tayo ayusin mo na sarili mo” sabi ni Jax kay Farrah. Nakatingin pa siya sa likod at pilit niya inaabot si Farrah at nakita ko sa rear mirror na kinissan niya si Farrah sa noo.
I salute Jax for being her comfort. Namimiss ko tuloy sakanila yung bestfriend ko, ganyan na ganyan din siya saakin nung mga bata kami, lalo na nung araw na nawala si Mom saaming pamilya.
“You’ll be okay Cass, you’ll be okay” dagdag pa ni Jax habang nakahawak siya sa kamay nito.
Kung hindi mo talaga sila kakilala? Mararamdaman mo talagang sila, makikita mo talagang parang sila. Gustuhin ko man na itanong sakanila ’to ngayon pero ayokong sirain ang awra sa loob ng kotse ko.
Nang makarating na kami sa IH, tinigil ko sa harapan ng emergency room ang kotse at nagmamadali na sila bumaba. Maghahanap akong mapag paparkingan.
Dali dali na din akong sumunod sakanila sa emergency room at nakita ko silang dalawa don iyak ng iyak, nakita ko si Farrah na kinuha ang kamay ng Mommy niya at pinaghahalikan niya ’to. Hindi pa ako nakakalapit sa pwesto nila ng bigla kong narinig na may tumawag saakin nabosesan ko agad kung sino yun. Dito pala siya ngayon kung alam ko lang pinaasikaso ko na agad yung Mommy ni Farrah, akala ko kasi ay nasa Taguig pa siya naka assign.
“Rhett!! Anong ginagawa mo dito??” Nakalapit na ng tuluyan sakin ang pinsan ko, si Vanessa Eli Santiago, isa siyang ER Doctor.
“Nandito ka pala? Akala ko nasa Taguig ka naka assign, nandito yung Mom ng friend ko ayun o’ nasa bed 5” sabi ko at tinuro ang pwesto nila Farrah ngayon
“Aww hala, Mom pala ng friend mo yun, actually ako ang Doctor niya kanina kaso nung dinala siya dito dead on arrival na sinubukan siyang irevive kaso wala na talaga, condolence Rhett, ang dungis mo ah!” sabi ni Van na nakapagpatigil sakin, nakalimutan ko na ayusan ang sarili ko, tinapik niya ang balikat ko at pumunta na ako kung nasaan sina Farrah.
“I’m sorry, I’m so sorry for your loss” sabi ko kay Farrah, tumingin siya sakin at nginitian niya akong bahagya.
“Thank you, thank you kasi naabutan ko pa Mom ko dito sa ER, thank you kasi naa-naabutan ko pa siya bago siya takpan ng kumot tha—thank you kasi nakita kong nakangiti ang Mom ko hanggang sa hu——huling hininga niya kahit hindi ko siya nakausap” umiiyak na sabi ni Farrah, niyakap siya ni Jax.
Naramdaman kong nag vvibrate ang phone ko sa bulsa ko, hindi na ako magtataka si Dad ’to. Haaaayyy siguro alam na niyang nasa Manila ako ngayon.
“Wag kayo magpasalamat sakin, ayos lang at hindi kayo naging abala sakin. Gusto kong makatulong sainyo, lalo na emergency ang nangyari kaya no need for me to hesitate the help” hayyy ang kulit vibrate padin ng vibrate ang cellphone ko siguro nga talaga si Dad ’to. “Excuse me, sasagutin ko lang ’tong call” Sabi ko sakanila, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng makita ko ang caller, lalo kong naisip na si Dad ang tumatawag kasi mahilig siyang magbago ng cellphone number, sinagot ko na lang ang tawag baka kasi emergency kaya ibang number nanaman ang gamit niya.
“Yes, Dad?”
“Uhm, Royce??”
“A--mara?? Amara?? are you here?? God! I miss you! I know it’s you”
“Royce!!!! Yes, I really missed you too!! medyo kani kanina pa kami nakauwi nagkaroon lang akong jetlag kaya nagpahinga muna ako bago ako tumawag sayo at medyo nahirapan din akong maghanap ng number mo dahil hindi ko alam number ni Tito Martin, anyways where are you?”
Sagot ni Amara na nakapag pangiti saakin. Amara Lianne Garcia, siya ang kababata ko. Mag bestfriend ang parents namin 10 years old ako, 9 years old naman siya ng magpasya ang parents niyang dalhin siya sa Italy at doon na magtapos ng pag aaral hanggang kolehiyo. Dahil na din sa para mabantayan nila ang business nila sa Italy. Buhat ng mawala si Mommy saamin, nag decide si Dad na every summer pupunta kaming Italy para mabawasan ang lungkot namin ni Lia ang kapatid ko. Kaya every summer nalang din kami nagkikita ni Amara.
Kaya ganito nalang ang ngiti ko ng marinig ko ulit ang boses niya, akala ko summer ko pa siya makikita. Napaaga pa pala ang pagkikita namin.
“Nasa Immaculate Hospital ako, may emergency kasi. Do you have plans today? Can you wait for me? Saan kayo nag sstay?” sabi ko kay Amara sa kabilang linya.
“Kaya nga ako umuwi dito dahil ayoko ng hintayin pa ang summer para sa pagpunta niyo. Plus, kaya ako tumawag sayo because I want us to catch up!! Ang dami kong gustong sabihin in person that’s why I’m here in Makati. Kinulit ko si Dad na umuwi kami since may plans din naman sila ni Tito Martin ’bout Cafe Adelina, Dad told me that Tito Martin wants you to be there, pag meron silang meeting kasi sayo na pala ipapasa ang korona ng Cafe Adelina. HAHAHAHHAHAHA” her laugh, nakakainis siya tumawa kasi may halong pang aasar palagi pero ayan lagi ang namimiss ko pag uuwi kami dito sa Pinas.
“Hahahaha ka jan!!! As if na pumunta ako sa “MEETING” na yon? Okay sige, i’ll be there around 30 minutes. Magpapaalam lang ako sa mga kasama ko then i’ll go there”
“Yea, sure! Take care okay? don’t get in a hurry, it’s okay I can wait even if it’s toooooo long” ramdam ko padin ang pag alala niya sakin lalo pag babyahe ako.
“Copy Ma’am! See you later Lianne” Pagpapaalam ko
Nang maibaba ko ang tawag lumapit na ako agad sakanilang dalawa.
“Hmm Farrah, Jax? I’m really sorry but my bestfriend called me, do you mind if I excuse myself?” I don’t want to be rude sa awra na nangyayari ngayon, I need to respect them especially the situation they’re going through. I’ll just give them the space they need.
“Sure sure, salamat ulit pre sa paghatid samin dito. Ano nga ba ulit ang pangalan mo??” Tanong sakin ni Jax
“You are most welcome! Btw, I’m Rhett. If you need me or if you want to have a little chitchat, someone to talk to, call me by this number. I’m all ears. Again, I’m really sorry” sabi ko sakanila, sabay abot ko sa business card ko.
Tinapik lang ako ni Jax sa balikat para sa kaniyang pag papaalam sakin, at si Farrah tinanguan ako na may halong pilit na ngiti sakaniyang labi ang ginawad saakin. Napangiti naman ako kahit papaano nakita kong gumaan ang pakiramdam niya.
Napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng marinig kong tinatawag ako ng Fiancè ko, 5 taon na din ang lumipas ang lalim na pala ng iniisip ko. Wala eh, hindi ko maiwasan talagang balikan ang nakaraan kung saan kami nag umpisa. Ang sarap niyang titigan lalo ngayon kinikilig akong nakikita siyang kausap na ngayon ang wedding planner namin.
Kung hindi siguro siya pumunta noon wala kami ngayon, kung hindi ko siya nakausap noon wala siguro kami ngayon. At mas wala kami ngayon, kung hindi niya ako tinawagan noon.
Ang saya ng pakiramdam ko na mapapangasawa ko siya. Ilang buwan nalang.
~*~
ang tanong? Sino kaya ang napangasawa ni Rhett at ano pa kaya ang mga susunod na mangyayari? Kakayanin kaya ng “soon to be wife” ang mga susunod na pag subok na darating sakanilang dalawa? Paano kaya nila mahahandle ang relasyon nila kung mangyari ang di dapat mangyari?
curious na kayo???
my Chapter 1 is already up!!!