The Book
"Ma! Bakit hindi mo ako ginising ng umaga! Late na ko sa class ko!"
Agad na bumangon at nag asikaso na ang dalagang si Yeni dahil sa pangalawang araw ng klase nito ay late nanaman siya.
"Hay nako Yeni! Puyat ka kasi ng puyat sa gabi, tapos pag na-late ka sa class mo eh sakin mo isisisi! Simula ngayon puro pag aaral nalang ang atupagin mo't--
"Alis na ko ma! mamaya nalang tayo mag usap! late na ko sa bus!"
"Yeni! Ang baon mo--
Bago pa man maibigay ng nanay ni Yeni ang kaniyang lunch box ay nakasakay na ito sa bus. Napangiti na lamang ito at pumasok na lamang sa kanilang bahay.
"Dahil pangalawang araw palang ito ay gusto kong mag pakilala kayong lahat-- Pero bago ang lahat. Ako nga pala ang inyong Filipino Teacher. Isa isa ko kayong tatawagin para ang lahat ay may pagkakataong mapakilala ang sarili."
Habang nag papakilala ang ibang kaklase ni Yeni, Siya naman ay tumatakbo sa hallway para umabot sa klase nito. Pawis na pawis at hingal na hingal na si Yeni, ngunit wala pa ito sa pangatlong palapag na kung saan ay naroon ang kaniyang class room.
"At ang pang huling mag papakilala ay si Ms. Ye--
"Goodmorning ma'am! Wait lang po, Hihinga lang ako--"
Napatingin ang lahat ng kaklase nito sa kaniya, maging ang kaniyang guro. Ang iba ay natulala at ang iba naman ay tumawa ng bahagya.
" Yan okay na! Ako nga po pala si Yeni Alegre. 18 years old, i mean labing walong taong gulang at hilig ko pong mag basa ng mga kasaysayang kwento ng iba't ibang bansa."
"Maraming salamat sa iyo, Ms. Alegre. Muli ay huli ka nanaman sa iyong klase."
Nagtawanan ang iba nitong mga kaklase habang siya ay nakatayo parin sa likod na pinto ng kanilang classroom.
"Maaari ka nang umupo sa iyong upuan. Tayo ay mag uumpisa na sa ating..
Habang nag sasalita ang kaniyang guro ay napatingin ito ng bahagya sa bintana, malapit sa kaniyang tabi. At doon ay napansin niya ang isang lalaki na nag babasa sa tabi ng puno. Napabuntong ito ng hininga at binaling na niya ang kaniyang tingin sa kaniyang guro.
Lumipas ang isang oras ay natapos na rin ang klase ng bawat section. Nagsilabasan na ang mga estudyante at nag kaniya kaniyang gala dahil binigyan sila ng isang oras upang mag tour sa kanilang School.
"Uy Yeni!"
"Trishia? Hoy long time no see!"
Nag tilian ang dalawa at nag yakapan. Si Yeni at Trishia ay mag childhood friend. Ngunit naghiwalay ang kanilang landas ng umuwi si trishia sa ibang bansa at doon nagpatuloy sa pag aaral.
"Kumusta ka na Yeni?! Sobrang na miss kita huhuhu naiiyak ako!"
"Iyakin ka na talaga since bata ka! Tara nga dito, gala tayo!"
Habang nag lalakad ang dalawa't magka akbay sa hallway ay napag kwentuhan nito ang mga pangyayari sa kanilang buhay. Mga balak, plano at pangarap nila para sa kanilang sarili.
"Ang laki ng campus na ito. Parang pwedeng pwede ka talaga maligaw. Nga pala Yeni, May ipapakilala ako sayo. Tara!"
Hinila ni Trishia si Yeni na siya namang kinatakbo nito.
"Alam mo ba, nung umuwi kaming state. Dun ko lang nalaman na may kapatid ako. Sinama ko rin siya rito para makapag aral din. Disclaimer lang ha! Filipino rin yun. Wala pa siyang kaibigan kaya ikaw na muna ipapakilala ko sa kaniya." Ani Trishia.
"Oo na, oo na hahaha. Nasaan ba siya? Isang oras naman tayo makakagala kaya wag kang mag madali riyan."
"Charan!! Siya si kuya Guo. Mahilig din mag basa ng mga Ancient Stories like you. So feeling ko mag kakasundo kayo."
"Th-that Man?!" Napalunok ito ng laway dahil ang lalaking tinuturo ng kaniyang kaibigan ay ang lalaking nakita niya sa bintana kani kanina lang.
"Ye-yeah why? May problema ba? Tara na! Wag ka na diyan tumulala hahaha"
"Kuya! This is Yeni, my Childhood friend. Yeni, this is kuya Guo."
"Hi. Nice to meet you." Inilahad ni Guo ang kaniyang kamay at nakipag shake hands kay Yeni.
"Hmm okay! Order muna akong Foods sa Canteen. Usap muna kayo! Bye bye!!"
"Trishia--
"Ikaw ba yung nasa bintana?" Pag tatanong nito kay Yeni.
"Ye-yeah. That's me."
Pano naman niya ko nakita sa taas?
"Um, pwedeng malaman kung ano yang binabasa mo?"
Napangiti ang binata at agad naman nitong binigay ang librong kaniyang hawak.
"The Guardians."
"What?"
"The Guardians ang title. They said na Curse daw yang libro na yan, eh mahilig akong mag basa dahil na rin sa curiosity ko. So i read it."
Bahagya namang napalingon si Yeni sa libro at kitang kita na ang ganda ng cover nito sa labas. Pati narin ang mga papel na nakapaloob dito.
"Mukha ngang mamahalin ang libro na 'to. Saan mo nabili?" Pag tatanong ni Yeni.
"Di ko binili yan. Nakita ko lang yan sa isang pulubi bago ako pumasok dito sa School. He gave it to me. And he said i need to finish this."
"Medyo ang creepy. Pero, I hope you finish that one. Baka nga kasi curse book yan."
Nagkatitigan ang dalawa at bahagya silang napangiti ng patago.
"Yeni! Eto na, may dala na kong pag kain! Tara kainin na natin!" Pag sigaw ni Trishia.
"Sige na, samahan mo na yang babaeng yan. Baka umiyak pa haha."
Ngumiti siya. Ang cute ng smile niya--
"Yeni ano ba! Di mo ba ko sasamahan! huhuhu mag tatampo na ko sayo! Bilis na kasii!"
"Umm, Bye Guo. It's nice meeting you. I'll go ahead." Pamamaalam ni Yeni.
"Haaayyyyy nakoo! Natapos na rin yung Second day of Class! Nakakatamad yung Prof namin." Pag rereklamo ni Trishia.
"Hahaha, Di ka parin talaga nag babago. Isip bata ka parin talaga Trish." Pang aasar ni Yeni.
Habang nag lalakad ang dalawa ay sinalubong sila ni Guo sa Hallway. Natulala naman si Yeni at nailang.
"Trish, Hanap ka ni papa. May pupuntahan daw kayo." Seryosong sambit nito.
"Osiya Yeyen, Mauna na muna ako. Nandiyan naman si kuya Guo, may sariling Car yan! Kuya Ihatid mo yang si Yeni ha! Byebyee!!" Masiglang pamama alam nito sa dalawa.
Naiwang nakatayo ang dalawa sa tabi ng locker. Habang winawagayway ni Yeni ang kaniyang kamay kay Trishia ay bigla na lamang siyang napahinto dahil sa pag buntong hininga ni Guo.
"Hey, May problema ba? Medyo namumula yung mukha mo eh."
"Meet me at the Wishing Well." Sabi ni Guo bago umalis. Naiwan namang tulala ang dalaga sa tabi ng mga locker.
Nakaka-kaba naman 'tong lalaking ito.
Matapos ang ilang minuto ay napag desisyonan ni Yeni na sundin na lamang ang sinabi ni Guo.
Habang papalapit ito sa Wishing Well ng School ay nakita nito si Guo na nakaupo, kasama ang librong binabasa nito kanina.
"Im here. Pwede na ba tayong umuwi?" Pag tatanong ni Yeni kay Guo.
"About the book. Everything that is written here, will do come true."
"G-Guo, Stop tricking me. Di nakakatuwa." Kinakabahang tugon ni Yeni kay Guo.
Napaatras ng bahagya si Yeni ng siya ay lapitan ni Guo.
"Okay. Pano kita nakita sa bintana kanina, eh hindi naman ako nakatingin sayo?"
Nagulat si Yeni sa narinig. At doon ay tyaka niya lang naisip na hindi nga pala tumingin si Guo sa kaniya.
"N-No, This can't be! I- I'll go ahead." Tumakbo si Yeni dahil sa takot nito kay Guo at sa librong hawak nito.
"Y-Yeni!!" Pasigaw na tugon ni Guo.
"Damn. Mukhang natakot ko si Yeni." Napatingin si Guo sa librong hawak nito at doon ay nabasa niya ang nakasulat.
Accident. Yeni's going to--
Agad na tumakbo si Guo ng napaka bilis at hinanap si Yeni ngunit hindi nito matagpuan ang dalaga.
Nag punta sa iba't ibang department at exits si Guo pero walang Yeni ang nakita. Napahinto ito sa isang upuan at huminga ng malalim.
I think, i should never believe in this book.
Ilang saglit pa ay napansin nitong may nag kukumpulang mga estudyante sa tapat ng Admin Department. Dahil sa kaba ay tumakbo ito ay nakita nitong nakahiga't duguan si Yeni.
Si Yeni ay nasagasaan ng isang kotse dahil sa ito ay tumatakbo at hindi napansin ang paparating na sasakyan.
Yeni! This can't be happening. The book is true!!
Tumakbo si Guo papalapit sa nakahalandusay na katawan ni Yeni at agad nitong binuhat ang walang buhay na katawan nito.
"YENI!!" Sigaw nito habang buhat ang katawan ni Yeni.