PROLOGUE
Bakit ba sinama pa ako ni tita Brenda rito? Hindi pa naman ako sanay sa ganitong klaseng party.
“Happy 50th birthday, Karina!”
Sabay-sabay na bati ng mga tao bago nagpalakpakan. Nakipalakpak nalang din ako at pilit na ngumiti, habang iniikot ang tingin sa paligid. Nasaan na ba yun si tita Brenda? Sabi niya pupunta lang siya saglit sa powder room, pero limang minuto na ata lumipas ’di pa niya ako binabalikan dito sa kinatatayuan ko. Ang dami pa namang tao.
Muli kong inikot ang paningin sa paligid. Maliban sa mga taong ’di ko kilala na nakasuot ng magagandang pormal na damit, isang pamilyar na likod ang aking nakita.
Si Kelysses, yung babaeng nakipagkaibigan sa’kin kanina!
“Hi, Seraphine!” nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko ang isang magandang dilag, “Madalas kang ikwento sa’kin ni ninang Brenda! Totoo nga ang sinabi niya, ang ganda ng mga mata mo!”
“A-ahh..” nahihiya akong ngumiti, “Salamat?”
Lumawak ang ngiti niya bago nilahad ang kanyang kamay, “Ako nga pala si Kelysses!”
Nanlaki ang mga mata ko, “Kelysses Martillano? Mommy mo si tita Karina?”
Nakangiting tumango-tango siya, “Mismo! At oo, ako yung nakekwento sa’yo ni ninang Brenda. For sure nabanggit na niya ako sa’yo, haha!” Woah, kaya pala nung unang tingin ko sakanya ay parang carbon copy lang ni tita Karina! Bumagay sa kutis niya ang pink ball gown na may disenyong pink roses! Ang ganda niya. “Nice to meet you, Sera!”
Tsaka ako natauhan at muntik nang makalimutang tanggapin ang nakalahad niyang kamay, “N-nice to meet you too, K-Kelysses..”
Muli siyang ngumiti, “Magkaibigan na tayo, ha?”
And just like that, may kaibigan na ako ngayong gabi rito sa birthday ball ni tita Karina, ang matalik na kaibigan ni tita Brenda. Kaya siguro ako sinama ni tita ngayong gabi ay para makilala ko ang anak ni tita Karina na matagal na niyang kinekwento sa’kin. Mabuti nalang pinaalala sa’kin ni tita na dalhin yung prom dress ko, na hindi ko naman nagamit ever since, para may masuot ako ngayong gabi. Naalala ko pa, nabanggit sa’kin ni tita na kaya raw ganito ang set-up ng birthday ni tita Karina ay dahil gusto niya raw balikan yung prom night nila noong highschool, kung kailan naging sila ni tito Ursel, ang asawa niya ngayon at ang daddy ni Kelysses. Ang sweet!
Gusto pa nga sanang sumama ni Sylvester, ang bunso kong kapatid, sa’min ngayong gabi kaso sabi ni tita hindi pwede ang bata rito haha! Kaya ayon, na sa bahay lang siya at nakikipaglaro sa mga pinsan namin na kaedad niya. May mga dalaga’t binata akong nakikita na sa tingin ko’y hindi nalalayo ang edad sa’kin. Mukhang magkakaibigan o magpipinsan ang ilan sa kanila.
Nakumpirma kong si Kelysses nga ang babaeng nakita ko nang mag side view eto. Hinahanap kasi siya kanina ni tita Brenda dahil kailangan daw siya ni tita Karina, kaya ayon at iniwan niya muna ako. Nagulat at natuwa pa nga si tita dahil nagkakilala na pala kami at naging magkaibigan na agad.
Kaso ayon, matapos ang halos dalawang minuto ay iniwan din agad ako ni tita para pumunta sa powder room. Iniwan nila akong mag-isa, huhu.
“Kel-” bago ko pa matuloy ang pagkuha ng atensyon niya ay natigilan ako nang makita kung sino ang kausap niyang matangkad na binata.
WHAT. THE. FUDGE.
OMG, OMG, OMG!
Sa gitna ng mabilis na tibok ng puso ko ay pinaliit ko ang mga mata ko para tignan at mukhaan nang maigi ang mukha ng binata. Nang lumipas ang halos limang segundo ay napa- “Shuta,” nalang ako nang makumpirma ko kung sino nga ’yon.
ANONG GINAGAWA NIYA RITO?!
“Seraphine!” biglang tawag ni Kelysses
Mas lalong tumindi ang tibok ng puso ko nang bigla siyang mapalingon sa gawi ko, at nagtama ang tingin namin. Fudge, fudge, fudge, fudge! Bakit ngayon mo pa ako nakita, Kelysses?!
Sa sobrang taranta ay mabilis akong napatalikod at patakbong naglakad papalayo. Hindi naman niya siguro ako namukhaan, ’no? AAAAAAAH!
Muli akong lumingon, at nakitang hinahanap ako ni Kelysses. Umatras ako nang ilang hakbang, sinisiguradong hindi siya mapapalingon sa gawi ko, hanggang sa laking gulat ko nang mabunggo ako sa kung anong bagay. Gulat akong napalingon, pero mas nagulat ang nabunggo kong binata.
“I’m sorry!” mabilis kong saad bago binalik ang tingin kay Kelysses. Sa tabi niya ay si kuya Uriah, ang dahilan kung bakit ako nagtatago, na kapwa iniikot ang tingin sa paligid. Bago pa mapunta sa gawi ko ang tingin nilang pareho ay mabilis akong tumalikod at muling patakbong naglakad papalayo. Nang makita ang isang malaking pintuan ay binuksan ko iyon para pumasok at magtago.
Hinihingal kong sinandal ang noo sa nakasaradong pinto, habang nakakapit pa rin sa doorknob. “Bakit siya nandito?” bulong ko sa sarili
“Hindi ko rin alam.”
Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang may biglang bumulong sa tainga ko. Lumingon ako sa likod ko, at isang binata ang nakatayo. What the fudge?
Sa sobrang gulat, pagtataka at hingal ay nautal na ako, “S-sino..— ? Paanong—” natigil ako sa pagsasalita nang i-angat niya ang ribbon ng suot ko, na sumabit sa prong ng sinturon niya, “Ha?”
“Sumabit yung ribbon ng suot mo nung nabunggo mo ako kanina. Huli ko na ring napansin, kaso bigla kang nag madaling umalis kaya hindi na ako nakaimik para sabihin sa’yo.” tinanggal niya ang pagkasabit neto, “Kaya heto’t nahila mo ako.”
Natahimik at natameme ako nang ilang segundo, bago tumango-tango, “A-ahh, he he.”
Tumango-tango lang din siya at pilit na ngumiti, halatang hindi rin alam kung anong sasabihin.
Okay, this is awkward.
Tumalikod nalang ako sakanya para sumilip nang onti sa labas. Marami pa ring tao tulad kanina, at nandoon pa rin silang dalawa, mukhang hinahanap pa rin ako. Pasensya na, Kelysses. Baka isipin niya iniiwasan ko siya, kahit hindi naman talaga.
Pasensya na rin, tita Brenda, kung sakaling hinahanap mo na rin ako. Huhuhu!
Mahina akong napabuntong hininga bago umayos nang tayo. “I’m sorry, nahila pa kita rito.”
“Ayos lang,” napalingon ako sakanya, “Wala rin namang maghahanap sa’kin sa labas.” Tsaka ko lang napagtanto na isang study room ang pinasukan namin. Naroroon siya sa may bookshelves at tinitignan ang mga libro roon. May maliit na sofa set sa gitna, sa unahan ay isang office table, at may malaking bintana kaya kitang-kita ang liwanag ng buwan, na siyang nagsisilbing ilaw namin dito sa silid. “Mahilig ka ba sa mga libro?”
Medyo nagulantang ako sa tanong niya, “Medyo..?”
Tumango-tango siya bago ako nilingon, “May humahabol bang masamang tao sa’yo kaya ka nagtatago?” pag iba niya sa usapan.
“Hindi, talagang may iniiwasan lang ako.”
Tumango-tango lang ulit siya habang nakatingin sa’kin. Tipid ko lang siyang nginitian. Hindi ko masyadong maaninag ang itsura niya dahil nakatalikod siya mula sa liwanag ng buwan.
Saglit kaming natahimik habang nakatingin sa isa’t isa, hindi alam kung anong pwedeng sabihin. Okay, this is awkward.
Ako na ang unang pumutol sa katahimikan, “Uhh.. mauna na ako. Pasensya na sa paghila sa’yo.”
“H-hindi! Ako nalang,” naguguluhang kumunot ang noo ko, “Ako nalang ang aalis, baka na sa labas pa yung pinagtataguan mo, eh.”
“Nako, baka gusto mo pang manatili rito sa loob, kaya ako nalang.”
“Hindi, ayos lang talaga. Mas kailangan mong manatili rito sa loob.”
“Pero baka nakaalis naman na siya, kaya ayos lang. Tsaka isa pa, mukhang nagustuhan mo ang katahimikan dito, kaya ako nalang.”
Natahimik siya at saglit na napatulala, hanggang sa bigla siyang bumulalas ng tawa. “Pfft hahahaha!”
Kahit ako ay natawa na rin dahil sa naganap, “Hahaha!”
Ilang segundo kaming natawa sa isa’t isa, hanggang sa bigla niyang nilahad ang kamay niya, “Lancelot nga pala.”
Masayang tinanggap ko ’yon, “Seraphine,” at nakipagkamay kami sa isa’t isa. Bumitaw din kami pagkatapos.
Tumikhim siya, “Seraphine,” at napakamot sa batok, “Maaari ba kitang isayaw?”
Natigilan at nanlaki ang mga mata ko, “Eh?!”
— END OF PROLOGUE