BACK FROM HELL
Share with your friends
Customize readability

BACK FROM HELL

Escapade0105

All Rights Reserved ©

Summary

Buong alam ko ay totoo ang mga tao sa paligid ko pero dahil sa isang bagay na hindi ko dapat malaman ay lahat ng mga yun nag bago at naging sanhi ng pagkitil nila sa buhay ko. Now that I'm back, in a different body, different name, different face. I will take the revenge, and i will bring them one by one from place where they throw me. I will show them what the hell is.

Status
Complete
Chapters
2
Rating
n/a
Age Rating
16+

BACK FROM HELL PRT. 1

"Love.." sweet na tawag sa akin ng aking boyfriend at marahang hinawakan ang aking mga kamay tsaka tinitigan sa mga mata.


"Mahal mo ko diba?" He out of nowhere asked.


Naguguluhan ko syang tinignan at tsaka tumango sa kanya.


"You will do everything for me right?" He said.


"Of course." Deretsa kong tugon sa kanya at hinalikan sya sa labi.


"Come with me, I'm gonna show you something." He said while leaning his head on mine.


Di na ako nagtanong pa sa kanya, dahil alam ko namang mahilig sa surprises ang boyfriend ko.


Kumuha sya ng panyo at mabilis itong itinakip sa aking mga mata.


"Another surprise ha?" I said, pero wala akong nakuhang sagot sa kanya. Kinabahan man ako pero inignore ko nalang.


I trust him. I know he wouldn't do anything to hurt me.


Inalalayan nya akong maglakad. Nakaramd ako ng takot nang may maramdaman akong iba sa bandang binte ko.


Ilang sandali pa ay huminto na kami sa paglalakad.


"We're here." He said.


Nangtanggalin nya ang pagkakapiring ng aking mata ay ganun na aking gulat nang makita ang buong lugar.


Isang abandunadong maliit na bahay na may matataas na damo.


"AHHHH!!!" Sigaw ko nang bigla nalang nya akong itulak pasubsub sa sahig.


"I know you're going to enjoy this, Love." He said, and this time pakiramdam ko hindi na sya ang boyfriend ko. Ibang iba na ang aura nya, para na syang naghihintay na may mangyaring kakaiba sa harap nya.


Isa isa nang naglabasan ang mga taong andoon.


Ang mga kaibigan nya,


At ang mas nakapagpagimbal sa akin ay ang…


Best friend ko na nakangisi sa akin.


"T-Tanya?" Lito kong sabi dito.


Dahan dahan itong lumapit sa akin, at paupong humarap sa akin at hinawakan ko sya agad na pinandidirian nyang tignan.


"T-Tanya, A-Ano bang na-nangyayari?" Utal kong tanong dito at malakas akong tinabig palayo sa kanya.


"A-Ano bang problema mo!!" Sigaw ko sa kanya. Natatakot na ako pero tinatagan ko ang sarili kong tignan sila isa isa.


"Problema ko? Ikaw." Malamig na tugon sa akin ng best friend ko.


"A-ano bang ginawa ko sayo! Sa inyo! L-Love, help me Please!" Sigaw ko sa kanya pero tinitigan nya lang ako at lumapit kay Tanya at hinalikan na parang wala ako sa harap nila.


"Mga hayop kayo!!!!!!" Malakas kong sigaw sa kanila at tumayo pero mabilis din akong bumagsak ng biglang may humampas na malakas na bagay sa binti ko.


"AHHHHH!!!!" Sigaw ko. Naramdaman kong parang unti unting namanhid ang binti ko at tignan ko ito ay nadislocate na ang binti ko.


"AHHHHHH!!!" patuloy kong sigaw at iyak.


"T-TULOOOONG!!! TULUNGAN NYO KO!!!"


"HAHAHAHAHA!!" tawanan ng lahat ang umalingawngaw sa buong lugar.


Pinipikit kong gumapang palayo sa kanila pero naabot ako ng isa na malapit sa pwesto ko.


Marahas nya akong sinabunutan at pinaharap sa kanya.


"Alam mo ang ganda mo, kaso sayang ka." Sabi nito sabay sampal sa akin ng malakas kaya napaling ako sa kanan.


"AHHHHH!!!!!" sigaw kong muli. Sa lakas ng sampal nya sa akin ay halos mahilo ako at parang namaga pa ang kaliwang pisnge ko.


"Cathy, Cathy, Cathy.. matalino ka nga, pero sa iba mo ginagamit. Ginagago ka na wala ka paring kaalam alam! HAHAHA!" Sabi ni Tanya sabay tapak saking pilay.


"AHHHH!!! HAAAAHH!!! AHHHH!!!" patuloy kong sigaw.


Wala na akong ibang dinasal kundi sana ay may makakita sa amin o may makarinig man lang sa sigaw ko, pero mukha malabo dahil napaka tago ng pinaglalagyan ko ngayon.


"Bakit kasi di nalang natin tuluyan? Dun din naman punta nyan eh," sabi ni Darryl na kaibigan ni Tyron, ang demonyo kong Ex boyfriend na ngayon ay kinakalantari na ng best friend ko!


Damn! Bakit, di ko napansin! Bakit di ko naramdaman na ginagago na pala nila ako harap harapan! And now, balak pa nila akong patayin? Matapos kong pakitaan sila ng mabuti, itrato na mga kaibigan at kapatid, at gawin ang gusto nila then ito ang gagawin nila sa akin?


"Shut up!! Kung ayaw mong ikaw ang iuna ko!" Sigaw ni Tyron sa kanya.


"A-ano b-ang ka-sa-la-nan k-o s-a i-inyo? B-ak-it n-yo g-ina-gaw-a t-oh?" Kahit hirap na hirap na magsalita ay pinilit ko parin.


Biglang bumaling sa akin si Tyron at lumapit.


Marahan nyang iniangat ang aking ulo at tsaka marahang hinaplos ito.


"My love, kawawa naman ang love ko, tsk! tsk! tsk! I lov--"


*Pweee*


Naputol ang sasabihin nito ng bigla ko syang duraan sa mukha at dahan dahan itong pinunasan.


"Mga baboy kayo!! Mga demonyo!! Mga buhay pa kayong lahat, sinusunog na ang mga kaluluwa nyo sa empyerno!!!! AHHHH!" Sigaw ko dito Tsaka ako malakas na sinapak sa bandang panga.


Pakiramdam ko ay nabali din ang panga ko sa pagkakasapak sakin ni Tyron. Malakas din ang pagkakabagsak ko sa semento kaya parang nahilo ako at paikot ikot ang paningin.


"Bago kami makarating doon, UUNAHIN NA KITA!!!" sigaw nito at mabilis na tumayo at paulit ulit na pinagsisipa ng malakas.


"AHHH!! TYRON!! TAMA NA!! PLEASE!! AHHH!!"


"ANO PA TINUTUNGANGA NYO!!" sigaw ni Tyron sa mga kasama nito at nakisabay din silang pinagsisipa ako.


Nakita ko naman ang Best friend ko na nakatingin lang at mukhang masayang madasaya sa ginagawa sa akin.


Patuloy lang ako sa pagiyak at pagdadasal na kung sakaling ito na ang huling araw ko sa mundo ay sana malaman nila mama at papa na mahal na mahal ko sila.


Patawarin sana nila ako sa mga kasalanang nagawa ko noon, dahil wala akong ibang inuna kundi si Tyron kesa sa kanila.


Nang magsawa sila sa pagsisipa sa akin ay isa isa naman nila akong pinaghahampas ng dos por dos sa katawan pati na din sa ulo.


Wala na ako halos maaninag na kulay kundi pula nalang. Pati ang mga demonyo nilang pagmumukha ay isa isa kong tinandaan.


Sinusumpa ko, magkikita kita tayo sa empyerno!


Mga ilang sandali silang tumigil at yung dalawang kasama nila ay hinawakan ako sa dalawa kong braso at pinilit akong itinayo.


Halos parang lantang gulay na ang itsura ko, ang balat ko na puno na ng sugat halos maglaban na ang kulay itim at violet. Ang mga sugat at hiwa ko sa braso, at ang bali kong panga at binti ay halos kitang kita na.


Nilapit nila ako kay Tanya.


"Napakalaking istorbo mo na sa buhay at relasyon namin ni Tyron, I don't have a choice to rid you out of my sight and also to our lives! Madami ka na ding nalalaman kaya, i think this is it?" Sabi ni Tanya at tinapat sa aking ang isang baril.


Natigilan ako sa sinabi niya, at unti unting inalala lahat ng ibig nyang sabihin.

Mabilis nagunahang tumulo ang mga luha ko.


Wala akong masabi kundi lihim nalang akong nagdasal na sana once malaman ng pamilya ko ang mangyayari sa akin, ay sana ipakulong nila sa lalong madaling panahon ang mga taong gumawa sa akin nito.


At sana malaman nilang mahal na mahal ko sila.


"Para to sa pagiging epal mo sa buhay ko!!" Sigaw nito sa kin


*BANG!!*


"Para to pang aagaw kay Tyron sa akin!!"


*BANG!!*


"At ito, para sa pangaagaw kung ano ba talaga ang akin!!!"


*BANG!!*:


Tatlong putok ng baril ang tanging maririnig sa lugar.


Una bala ay sa tsan, pangalawang bala ay sa puso at pangatlo ay sa ulo.


Naramdaman ko nalang na umangat ang aking ulo sa malakas na impact ng bala sa akin.


Unti unti din nagflashback lahat ng nangyari sa amin ni Tanya, Tyron at ang Kompanyang pinagtatrabahuhan namin.


Dahil sa nalaman kong kalokohan nila at nalaman ng mga nakakataas sa amin ang pagnanakaw at pangunguha ng mga shares ng kompanya.


Masakit pa ay, kompanya iyon ng pamilya ko. Na pinaghirapan ng magulang ko para sa akin. Para sa amin sana ni Tyron, but now this happened.


I think this is it.


Pinabayaan na akong bumulagta ng mga lalakeng humawak sa akin, tsaka tumulo ang luhang kanina pa umaagos.


Nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin, at ngumiti.


"Alam nyo na ang gagawin dyan, itapon nyo na yan dun sa likod! Make sure na wala kayong kalat na ititira." Tanya said. Tsaka hinila si Tyron and kissed him torridly in the front of them, and after few minutes they left.


"Pare nakadilat pa yan oh? Buhay pa ata?" Sabi ng isa.


"Tanga!! Nakita mo namang tatlong bala ang tumama sa kanya, tapos mabubuhay pa? Kahit kailan bobo ka talaga!" Sagot ng kasama nito.


"P-Para kasing--"


"Ano? Naduduwag ka na?! Don't tell me titiklop ka din? Baka gusto mong magaya sa kanya?" Putol nito sa kasama nya.


Di na ito nakasagot, at mabihili akong kinaladkad papunta sa pinakalikod bahagi ng bahay.


Tinalian nila ng kadena ang mga paa ko. Naglabas ng cellphone ang isa nilang kasama at tsaka ako kinuhaan ng video. Nagtatawanan pa sila, at halatang gustong gusto nila ang nangyari.


"Bye Cathy, ikamusta mo nalang ako kay San Pedro, HAHAHA!!"


"Paki sabi kay Lucifer idol ko sya! HAHAHA!!"


"I-Im so sorry Cathy," bulong ng isang kasama nila na inilingan lang ng tatlo.


Tsaka nila hinagis sa tubig ang pampabigat sa kadena, hangang sa unti unti itong bumaba at mabilis na hinatak ang katawan ko.


*BOGSSSHHH*


habang nasa ilalim ako ng tubig ay pinipilit kong ipikit pa ang aking mga mata pero tanging pandinig nalang ang natitira sa akin pakiramdam. Wala na akong makita kundi kadiliman.


Bago ako malagutan ng hininga ay nangako ako sa aking sarili.


Na lahat ng ginawa, at sinabi nyo sa akin ay dadalhin ko hangang kabilang buhay.


Hinding hindi kayo magiging masaya habang buhay.


Sinusumpa ko, once magkita kita tayo sa Empyerno, ako mismo ang magwewelcome sa inyo.


"Wag!!!"


Habol ko ang hininga at mabilis na bumalikwas ng bangon. Basang basa din ako ng pawis.


Napatingin ako sa bedside table ko at nakitang ala una palang ng umaga.


"Nightmare." Bulong ko sa aking sarili tsaka natatawang umiling. nagpasyang bumangon at magtungo sa CR.


Matapos kong gumamit ng CR ay nagpasya naman akong pumunta agad sa kusina para uminom ng tubig tsaka ako ulit bumalik sa aking kama.


Huminga ako ng malalim at pinasyang matulog muli.


*BZZT!!*


*BZZT!!*


*BZZ--*


Nagising ako sa alarm, it's 6 am kaya dahan daha na akong bumangon at do my everyday routine id took a quick shower dahil papasok nanaman ako.


Makakaharap ko nanaman ang napakabait at maasahang kong best friend. Tanya.


Nang matapos akong maligo ay may kakaiba akong napansin sa aking repleksyon sa salamin. Napuno kasi ito ng fog galing sa moisture ng shower, tsaka ko inislide pababa ang kamay ko dito.


Natigilan ako ng makita ang repleksyon ko sa salamin.


Nakailang pikit at kusot ako sa aking mga mata pero hindi ako nagkakamali ng nakikita.


Unti unti kong hinawakan ang aking mukha, ang aking kamay at ang aking buong katawan.


"What the--"


Ibang iba ang mukha ko, hindi ako ang nakikita ko sa salamin.


This woman in my reflection is more beautiful, she has a beautiful grey eyes, long lashes, tall nose, and a pink soft lips.


Mas nagagandahan pa ko dito sa may ari ng katawan na to kesa sa totoo kong itsura.


May itsura naman ako, pero di kasing ganda at dyosa ng kaharap ko.


Bakit napunta ako sa ibang katawan?


Paano nangyari to?


Kaninong katawan to?


Ibig sabihin,


totoo ang panaginip ko?


Mabilis akong pumunta sa kwarto at tinignan maiigi ang buong repleksyon ko sa salamin.


"No.. no.. no-no-no.."sabi ko sa aking sarili.


Hinanap ko ang bag ng may ari ng katawan na to at nakita ko itong nakapatong sa isang vanity table dito sa loob ng kwarto. Kinuha ko ito, mabilis na binuksan at binuhos ang laman nito sa kama.


Hinanap ko ang wallet nito at tinignan kung may mga IDs ba ang taong to, at di nga ako nagkamali. Meron.


Kinuha ko ito at binasa ang nakaregister doon.


"D-Diana Jane E. Quiroz, 29 years old, filipino." basa ko dito at may nakita pa akong isa pang id na naka kalat din sa kama na may id lace na nakalagay ay 'St. Andrew's Hospital at kinuha din ito.


"Dr. Diana Jane E. Quiroz OB and CEO of St. Andrew's Hospital." Basa kong muli sa ID.


Napatakip ako ng aking bibig. Isa syang may ari ng Hospital, at ibig sabihin hindi basta basta ang babaeng to. muli kong hinawakan ang aking noo at Di ako makapaniwala na yung akala kong panaginip ay totoo pala.


Those people really killed me, they really sent to hell.


"S-Si T-Tyron, T-Tanya, t-their f-friends, s-silang lahat, totoo." Nanginginig kong sabi sa aking sarili.


Nagitlat ako ng marinig kong magring ang phone malapit sa bedside table.


Dahan dahan akong lumapit at tinignan kung sino ang tumawag. Mas lalo akong nagimbal ng mabasa ang pangalan na nakita ko sa screen.


'Mrs. Tanya Sevilla'


Mrs? So they got married.


Hinintay kong matapos ang pag ring nito at kinuha ang phone tsaka tinignan kung anong taon na ngayon.


"2025, so it's-- it's been five year, l-limang taon na akong patay." Out of nowhere i said. muling nagring ang phone at si Tanya parin ang tumatawag.


Nanginginig ang kamay kong sinagot ito at pigil hininga kong pinakinggan ang boses nya sa kabilang linya at pinipigilang gumawa ng ingay.


I force my self to be calm. Dahil baka mamaya ay makahalata ito.


"Hello? Doc? Good morning, Doc. Ipaparesched ko sana yung check up ko today, may emergency lang kasi sa company okay lang ba?" Sabi nito


Madiin kong Naikuyom ko ang aking kamay, at tuluyan nang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.


So buntis na sya kay Tyron? Nice.


Mala anghel nga ang boses nya, pero mas demonyo pa siya sa demonyo.


"Doc?" Tawag muli nito sakin sa kabilang linya.


Huminga ako ng malalim tsaka sumagot.


"S-Sure. I-ireresched k-ko nalang, just--just take care okay?" I said. Plastic kong sagot dito.


Sh*t bakit ba ako naiiyak sa demonyong babaeng to! Sya ang may kasalanan bakit ako namatay! Sila ni Tyron!


"Really Doc! I will take care, Thank you so much! Dadalahan kita ng madaming pasalubong. I promise. Bye, thank you again." She said at di na ako sumagot at hinayaan ng mamatay ang tawag nya.


So, Tanya is Diana's patient. Unti unting sumilay sa akin ang isang ngisi at pinunasan ang luhang lumalandas sa aking mukha.


"Now, i will show you what the hell is." Sabi ko sa aking sarili.


At unti unting bumuo ng plano para sa kanilang lahat.


Nilapag ko ang cellphone sa bedside table ko at nagpasyang magbihis na.


Matapos kong magbihis ay nagtingin tingin pa ako ng ibang inpormasyon sa may ari ng katawan na to.


May nakita akong maliit na box na may nakalagay, "IMPORTANT".


Kinuha ko ito sa ibabaw ng cabinet at Binuksan.


May mga nakalagay doon na importanteng documents like receipt ng driver's license, diploma, other certificates at birth certificate. May ilang larawan din akong nakita doon na tingin ko ay mga kaibigan nito. may mga nakalagay din na graduation photos at medals sa loob nito.


Kinuha ko ang mga certificate na nakalagay doon at binasa.


Graduate sya as a scholar ng kompanyang pagmamay-ari ng mga magulang ko at dati rin syang naging employee nito. She took a med course sa st. Andrew's university, kung hindi ako nagkakamali ay kaibigan ni Dad ang may ari ng school na yun.


Kung nagtatrabaho sya sa kompanya namin noon, while nagaaral as a scholar ibig sabihin nakikita ko na sya noon pa pero di ko lang napapansin.


Dahil kagaya nya ay habang nagaaral ako ay nagtatrabaho din ako sa kompanya namin, para kahit papaano ay may idea ako para patakbuhin ito, like what my father really want me to do.


Di nga ako nagkamali dahil may iilang letrato akong nakita na kasama nya si Dad.


Pero sa Graduation photos lang, pinagtataka ko bakit si Dad lang? Wala kami ni mommy?


Napahimas ako ng aking ulo sa dami ng ng nalalaman ko ngayon, unti unti rin akong nahihilo.


*Ding*


*Dong*


Nabalikwas ako ng tayo nang may nagdoor bell sa labas ng bahay.


Naglakad ako palapit doon, binuksan ang pinto at marahang sumilip kung sino ang nasa pinto.


"G-Gerald?"


My suitor way back 5 years ago. Si Tyron ang sinagot ko kesa sa kanya, and he is very close friend of mine.


"Hi babe good morning? Akala ko may appointment ka today kay Mrs. Sevilla?" Tanong nito sa akin at marahan akong hinalikan sa labi. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa ginawa nyang iyon.


Naramdaman nya siguro kaya nagaalala itong huminto at tumingin sa akin.


Hinawakan nya ang magkabilang mukha ko at tinitigan sa mga mata.


"Babe, what's wrong? Is there anything happened?" He said.


Mabilis akong umiling at inalis agad ang kanyang mga kamay sa aking mukha.


Di ko alam pero parang naginit ang mukha ko nang makita ko sa malapitan ang mukha nya. Gwapo pala talaga sya, di ko lang agad naappriciate kasi nakafocus ako noon kay Tyron.


"Babe, im serious. What is it? May pumasok ba dito? Ninakawan ka ba? Bakit parang kinakabahan ka?" Sunod sunod nyang tanong sa akin at tinignan ang paligid ng bahay.


"W-wala," tangi kong sagot at pumunta na sa kusina at uminom ng tubig. Naramdaman ko namang nakasunod sya sa akin kaya di ko na sya tinawag pa para sumunod.


Nilapag nya ang mga dala dala nyang gamit at lumapit sa akin.


Nakatalikod ako sa kanya kaya di ko kaagad nagawang humarap ng bigla nya ako yakapin galing sa likod.


"Are you sure, okay ka lang? Kumain ka na ba? O di ka nananamn nakatulog? Sabi ko na eh, dapat dito nalang natulog kung alam--"


"Im fine, Gerald. I promise, i-im fine." Sabi ko dito at humarap sa kanya. Ganun nalang ang laki ng mata ko ng magkalapit na pala ang mga mukha namin.


Amoy na amoy ko ang panlalake nya pabango na sobrang bumagay sa kanya. Ang mga mata nya na kulay brown, ang mga kilay nya na makakapal, at ang maninipis nyang labi na sobrang sarap din halikan.


I want to kiss him again, but there's something na pumipigil sa akin. Maybe the truth about me and the owner of this body, di ko sya pagaari kaya di ko dapat iyon gawin.


"O-Okay, " then kumalas sa pagkakayakap sa akin at naglakad patungong sala at umupo sa sofa.


Nagalit yata? Bakit anong ginawa ko?


Sinundan ko lang sya ng tingin, pero hinabol ko sya papunta doon at tumingin sa kanya.


Napansin nyang tinititigan ko sya kaya tinignan nya din ako, na parang nagtatampong bata.


"What? Sabi mo okay ka lang diba?" He said at inirapan ako. Gusto kong matawa dahil ang cute nya.


Di ko pwedeng basta basta ipaalam sa kanya ang totoo, kailangan kong dahan dahanin lahat ng to. Siguro sasakyan ko nalang sya, tama! Ganun nalang.


"D-dito ka ba matutulog? Galing ka na ba sa trabaho?" Tanong ko dito. Shoot, sana tama tong pinagtatanong ko.


"Yes i am. Why? May iba ka bang hinihintay?" He said. Is he jealous? Ang cute.


Umiling ako agad, lumapit sa kanya at umupo sa tabi nya.


"Good. Kanina pa ako may napapansin." Malamig nitong sabi sa akin, bigla naman akong kinabahan.


"A-Ano yun?" Utal kong tanong sa kanya.


"Nakalimutan mo na talaga." He said and gave me a heavy sigh.


Napaisip ako bigla. Ano bang meron ngayon? Sh*t mahahalata lalo ako nito!


"Really, Babe? Ganun ka na ba kabusy sa trabaho mo kaya nakalimutan mo na kung anong araw ngayon?" This time may halong galit na ang tono ng pananalita nito. Lalo akong kinabahan, dahil nanumbalik sa akin yung takot at kaba sa akin, yung ginawa sa akin nila Tyron at Tanya.


"H-Happy anniversary b-babe, s-sorry ma-madami lang ako ininiisip, alam mo naman sa hospital, may mga nagpareschedule pa ng appointment kaya medyo na-- stress ako." Dahilan ko agad dito. Pinipilit kong ikalma ang sarili ko para di nya mahalata.


Nagpout naman ito na parang bata at bigla akong niyakap.


"I really prayed for this day babe, na sana kahit isang araw lang makasama kita. Lalo na anniversary pa natin." He said and then again gave me a kiss, this time it's a long kiss. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at sinakyan ang ginagawa nya.


Unti unti na akong nadadala ng mga halik nya, nang bigla syang tumigil, pinagdikit ang mga noo namin at huminga ng malalim.


Naguguluhan ko syang tinignan. Parang akong nabitin sa halik nya na yun, i didn't realize that he is a good kisser. D*mn!


"M-May dala akong pwede nating lutuin dyan, but this time! it's all me, ako magluluto ng dinner natin tonight and you, you need to relax okay babe?" He said at parang pinipilit pakalmahin ang sarili tsaka tumayo.


Tumango naman ako agad at pinagmasdan syang tumungo sa kusina.


Ang swerte ni Diana kay Gerald. Mabait, masipag, napakabuting tao, matalino, at higit sa lahat mapagmahal ito. Napaka malas ko bakit di ko sya sinagot at mas pinili pa ang taong sumira at kumitil sa buhay ko.


Unti unting tumulo ang mga luha ko. Kung pwede lang ibalik ang oras at ang araw, sana ako ang nasa posisyon ni Diana ngayon.


Ang daming sana sa utak ko na hindi naman mangyayari at hindi na mangyayari. Napaka imposible lalo na hindi nya alam ako si Cathy, na ginagamit ang katawan ni Diana.


"Di kita pwedeng idamay dito Gerald, laban ko to at ayokong pati ikaw mapagdaanan ang pinagdaanan ko." Bulong ko sa aking sarili.


Part 5 )


#W_RBP

#W_FAM

#CREEPY


Habang nagpreprepare si Gerald ng magiging dinner namin ay sinubukan kong bumalik sa kwarto at iligpit lahat ng nagawa kong kalat doon.


"Babe.." sigaw ni Gerald narinig ko din na palakad sya papunta dito sa kwarto kaya nagmamadali akong iligpit pa ang ibang natitirang gamit sa cabinet.


"Babe? Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nya habang naabutan nya akong palabas na ng kwarto.


"I-Inayos ko lang yung kama, kasi nagmamadali akong maligo kanina, akala ko matutuloy appointment ko today, kaya inayos ko yung kwarto sandali." Palusot ko nalang dito.


"Hmm.. Pupunta ako ng grocery, sasama ka ba? Oh may ipapabili ka nalang? Naubusan kasi tayo ng wine sa fridge." He said at kita ko sa mga mata nya na parang may tinitignan sya sa likod ko pero sakin parin sya nakapaling.


Kaya lumakad pa ako papunta sa kanya para madistract sya, and it work.


"Sige, sama ako. Magpapalit lang ako ng damit." I said and smile.


Marahan nyang hinawakan ang mukha ko at hinalikan ang noo.


"Okay, I'll wait on you downstairs." He said.


"Okay." At umalis na sya sa harap ko. Sinundan ko ito ng tingin nang masigurado ko nang wala na sya ay sinara ko na ang pinto at nilock ito. Mahirap na mamaya pasukin nya pa ako dito sa kwarto.


Pagharap ko ay nakita kong may bagay pa pala akong nalaglag sa sahig, nang lapitan ko ito ay isa pala itong box.


Out of curiosity ay kinuha at binuksan ko ito.


"A key?" Tanong ko sa aking sarili. Para saan to?


Binalik ko nalang ito sa box at tsaka nilagay sa drawer ng bedside table ko. Mamaya ko nalang siguro titignan.


Nagsuot ako ng pants at plain t-shirt lang at converse na shoes tsaka bumaba.


Pagkababa ko ay nakita ko kaagad si Gerald na may kausap sa phone, nakasimangot ito at parang may kaaway sa kabilang linya.


"Whatever-- do what you need to do!" He said at ibinaba na ang phone.


Lumingon ito sa gawi ko at ngumiti.


"Im sorry, babe. May nangyari sa trabaho kasi, are you ready?" He said.


medyo nagulat ako sa pagsabi sa akin ng nangyari sa kausap nito.


Ganun ba sila kaopen ni Diana? Wala pa akong sinasabi pero, alam agad nya kung ano gusto ko malaman.


Di ko kasi naexperience to kay Tyron noon. Super silent lang ng treatment nya sa akin.


Minsan pag tinatanong ko kung sino kausap nya kundi sya magagalit, di nya ko papansinin o kung minsan sasabihin nya lang wala.


Mabilis akong tumango at nagtaka dahil sa way nya tumitig sa akin.


"W-Why? Is there's something wrong?" Sabi ko at tumingin sa aking suot na parang may mali.


"Nothing--babe, nothing di ko kasi iniexpect na nagiba ka na pala ng style ngayon." He said.


Medyo natigilan ako doon, at naalalang di ko nga pala katawan ito. Mas prepare ko kasi mag pants at tshirt pag lumalabas at kung pupunta lang sa grocery o kung saang malapit lang.


"Ahm-- sige, magpapalit--"


"No, it's fine. Your still beautiful babe." He said at biglang lumapit sa akin para pigilan ako.


I really love how the way he holds me. I feel like im safe with him.


"C'mon, baka matraffic tayo at baka sa daan na tayo mag dinner date nito." Biro nya. Still the same Gerald that i used to know, joker parin.


Napangiti ako doon at tumango sa kanya.


While bumabyahe papunta ng grocery ay di nya talaga binibitawan ang kamay ko. Nahihiya naman akong tanggalin kasi baka magtaka naman sya. Halos ilang beses nya din sinisiilan ng halik ang kamay ko at sinasabihan ako ng "i love you".


Sinasagot ko parin naman yung "i love yous" nya pero, naninibago ako.


Pagkarating namin doon ay pinigilan nya akong bumaba.


"What are you doing? Dyan ka lang." He said at mabilis na bumaba at takang sinundan sya ng tingin.


Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng sasakyan. Ayon lang pala, akala ko naman kung ano na.


"Akala ko naman kung anong gagawin mo?" I said.


"Diba napagusapan na natin yan? Ako dapat magbubukas sayo ng pinto, hindi ikaw." Sabi nito habang hawak parin ang pintuan ng sasakyan.


Napakurap ako sa sinabi nito.


Bakit ang cute nya ang gentleman pa,


"Kaya ko naman--"


"No. I am the man, you're my queen. So wag ka na makipagdebate, matatalo ka lang." Sabi nito at tinitigan ako ng malamig, tsaka hinawakan ang aking kamay.


Our hands are intertwined together, and it makes me smile.


I really not feel this way of treatment before. Ibang iba sya kay Tyron.


'ang swerte mo talaga Diana,' sabi ko sa king isip.


Pagpasok namin sa grocery ay hindi nya prin binibitawan ang kamay ko. Tumungo sya sa kuhaan ng mga trolley baskets.


Napansin ko ding pinagtitinginan kami ng mga tao. Maybe because of him. Ang gwapo ba naman ng kasama ko ewan ko nalang talaga di ka mainlove dito.


"San ba tayo mauuna? Wines? Or sa snacks muna?" He asked while looking for some stuffs na sa tingin nya ay pwede namin kunin.


"Ikaw," tanging sabi ko tsaka ako hinila papunta sa snacks.


Di ko maiwasang magtingin tingin din doon. Mga favorite ko kasi halos mga nakadisplay, like chocolates, at ibat ibang klaseng chichirya.


Lumapit ako sa isang part doon ng chocolates na shaped of heart ang design ng lagayan. Tinitigan ko ito at nagulat ako ng may biglang may kumuha.


"What? Gusto mo to diba?" He said at nilagay agad sa basket namin.


Di na ako umimik. Baka mamaya magsungit na to, dami ko nang strikes dito sa mamang to, mahahalata na ko eh.


After namin kumuha ng mga snacks namin ay lumakad na kami papunta sa wines section. Kumuha na si Gerald ng 3 pieces of different wines. Di ko na sya kinuntra kung masasarap ba yun o hindi.


Napaling ang tingin ko sa kabilang side mg isle, nang mapansin ko yung dalawang tao na nakatayo doon. Babae at lalake, di ako pwedeng magkamali kilalang kilala ko ang mga hubog ng katawan nito.


"T-Tyron? T-Tanya?" Bulong kong sabi.


Bigla naman akong nilapitan ni Gerald ng mapansing di na ako nakasunod sa kanya.


Biglang lumingon sa side namin ang dalawa at ipit ang aking hininga ng unti unti nila akong nakilala, tatalikod na sana ako pero malakas nya akong tinawag kaya napahinton ako.


"DOC!!" Tawag ni Tanya sa akin.


"Omygod! You're here!"she said at bineso beso pa ako pagharap sa kanya.


Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng biglang lumapit na din sa amin si Tyron.


"Hon! This is our OB, sa kanya na ako nagpapacheck, and sa kanya na ako nirecommend ng dati nating OB." Sabi nito at yumakap pa kay Tyron.


Naglahad ng kamay si Tyron at tinitigan ko lamang ito.


"Babe-- Tyron?" Sabi ni Gerald. Naramdaman ko bigla ang paghawak sa akin ni Gerald sa bewang at dumiin din ang pagkakahawak nya sa akin, but di naman masakit.


Dahan dahang binaba ni Tyrom ang kanyang kamay at tinitigan ng malamig si Gerald. Di nakaligtas sa akin ang pagtitiimbagang nito.


"Oh, hi Gerald? What a small world, you're both here! Sya ba yung girlfriend mo na sinasabi mo sa amin last family dinner na di makakapunta dahil busy?" Tanya asked.


Tumango si Gerald bilang sagot.


"Tignan mo nga naman, sya pa naging OB ko!" Sabi nito at hinimas pa ang kanyang medyo umuumbok na tsan.


I am trying my best para di nya mahalatang gustong gusto na syang bigwasan. Kaya lihim kong kinuyom aking kamay.


"Yeah, what a small world" Gerald said at inilapit pa ako lalo nito sa kanya.


Nakaramdam ako bigla ng bigat sa aming apat. Kaya ako na bumasag ng tensyon sa amin.


"Ahm, we need to go I'm sorry, m-may pupuntahan pa kasi kami." I said at ngumiti ng peke sa mga ito.


"Sure! Basta doc, yung schedule natin ah paki ayos nalang and dadalhan nalang kita ng pasalubong. We juts need to go in vacation for a while, okay. See yah!" Sabi nito at hinila na palayo si Tyron.


Kumaway din ako dito at unti unting nawala ang ngiti nang makatalikod na sila.


Tignan mo nga naman, tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para mapalapit kami ulit.


"Babe, c'mon uwi na tayo baka di na masarap tong wines paguwi natin." Gerald said. Tumango ako bilang pagsang ayon at hinila na ako papuntang counter.


Sa huling pagkakataon ay malamig kong sinulyapan ulit sila at nakitang nakatingin din sa amin.


Isang ngisi ang binigay ko ng magtama ang mga mata namin na kanilang ikinagulat.


' we're just getting started, and i know you're going to enjoy this game. ' sabi ko sa aking isip.


Nang makauwi kami ng bahay buong byahe lang kami tahimik ni Gerald. Maybe because of our encounter with Tyron and Tanya. Gusto ko man sya tanungin pero minabuti ko nalang na wag na, baka mas lalong mabadtrip sya at baka masira lang anniversary namin.


Syempre while driving hawak nya parin kamay ko.


Naamazed nga ako pag ginagamit nya yung panghawak sa kamay ko while naka intertwined parin mga kamay namin sa isat isa. Halatang lagi nya itong ginagawa kay Diana.


Nang marating namin ang bahay ay dumeretso na ako sa kusina at isa isa na namin inihanda ang mga pinamili namin at inasikaso ko na din mga kakainin namin.


Ang daming niluto ni Gerald, may roasted chicken, steak with mashed potatoes na may asparagus. For dissert, is apple pie na isa din sa mga favorite ko. May mga candle din na nakadisplay sa gitna ng lamesa, na hindi pa nakasindi.


Kahit sobrang simple ay napaka special na sya tignan. Napakamaeffort talagang tao ni Gerald, lalong lalo na sa mga mahal nya.


Di ko na namalayang napapangiti na ako at nagulat nalang ako ng bigla nya akong yakapin galing sa aking likod.


"Ganda ba?" Bulong nito sa akin.


His husky voice gave me shivers down to my spine. Ang sarap nya sa tenga, mariin akong napapikit at tumango ng mabilis.


Iba talaga epekto ng taong to sa sistema ko, but i need to stop this dahil di ako ang taong mahal nya, hindi ako si Diana.


Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at lumapit sa may malapit na maliit na speaker na nakapatong sa counter. sa tingin ko ay Bluetooth speaker ito kaya kinonek nya ang phone nya doon at pinatugtug ang kantang paburitong paburito ko din.


You and me by Lifehouse.


Nilapag nya muna ang kanyang phone sa counter at dahang dahang lumapit sa akin tsaka nya inabot ang aking kamay at marahang hinalikan ito while not stopping looking into my eyes.


And says


"Can i have this dance?" He asked.


Napangiti ako ng di ko namamalayan at tumango bilang pagsangayon dito.


Dahan dahan syang tumayo ng tuwid, nilagay ang kanang kamay ko sa kaliwang kamay nito tsaka naman nya inabot ang kaliwang kamay ko at pinatong ito sa kanyang kanang dibdib.


Di namin inaalis ang mga tingin namin sa isat isa. Di ako makapaniwalang naeexperience ko ito sa taong pinagtabuyan at tinalikuran ko noon.


Natatakot ako na baka once malaman nya ang totoo ay baka magalit sya sa akin, na baka layuan nya ako, o di kaya di na sya magpakita pa. Di ko alam pero natatakot ako na mangyari yun.


Unti unti kaming gumagalaw at sinusundan ang bawat indak ng tugtug.


Marahan nyang nilapit ang mukha nya sa kanang pisnge ko.


"I really happy that my wish came true. Sana di na matapos to Diana, ayokong mawala ka din sa akin. Kung mangyayari yun ay hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ayoko din masira ang pinangako sa iyong ama." Bulong nito sa akin. Medyo natigilan ako sa huli nyang sinabi.


Sinong ama ang sinasabi nyang tatay ni Diana?


Medyo inilayo ko ang aking mukha at tinitigan sya sa mga mata.


Magsasalita sana ako ng bigla nyang hawakan ang dalawang kamay ko.


"Babe, i need to ask something." He said and looking directly into my eyes.


"A-Ano yun?" Kabado kong tanong dito. Di ko alam if nararamdaman nyang nanlalamig ang kamay ko pero kinakabahan ako.


Ganun nalang ang gulat ko nang dahan dahan nyang ibinaba ang isa nyang tuhod at may kinuha sa likod ng kanyang bulsa at dahan dahan itong binuksan.


A rose gold diamond ring is flashing in front of me.


Natulala ako sa aking nakita at halos pabalik balik ang tingin ko kay Gerald at sa sing sing na ipinapakita nito sa akin.


"Diana Quiroz, babe its been two years and i am ready to be with you at the rest of my life.."


Unti unti nang bumubuo ang luha sa aking mga mata.


"Babe, will you marry me?" Sabi nito ng di inaalis ang mga tingin sa akin.


Halo halo ang nararamdaman ko.


Natatakot ako sa maaring maging resulta kapag pumayag ako sa gusto nya.


Ayoko naman syang saktan, Dahil alam kong mahal na mahal nya si Diana.


Mariin akong pumikit at dahan dahan syang hinila patayo.


Nagtataka syang tinitignan ako.


Hinawakan ko ang mga kamay nya na hangang ngayon ay hawak ang box na naglalaman ng sing sing.


Tinignan ko ito atsaka sya tinitigan sa mga mata.


"Hindi ko deserve yan Gerald." Nanginginig kong sabi sa kanya.


Naguguluhan nya akong tinignan at unti unti ring gumuhit ang kunot sa kanyang noo.


"W-What? A-Anong-- Anong ibig mong sabihin??" Tanong nito sa akin. Ramdam ko ang pagpiyok ng boses nya dahil sa pagpipigil ng iyak nito.


"G-Gerald, gusto kong malaman mo ang totoo. At gusto ko pakinggan mo ako maiigi, gusto ko intindihin mo tong sasabihin ko sayo." I said and mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay.


Di parin sya sumasagot at hinayaan nya akong ituloy kung anong sasabihin ko.


Huminga ako ng malalim bago sinabi sa kanya ang dapat nyang malaman.


"Ma-Mahirap man na paniwalaan, P-Pero Gerald h-hindi a-ako si D-Diana." Pikit mata kong sabi dito. Dahan dahan kong inangat ang tingin dito at kitang kita ko ang gulat at lito sa kanyang mga mata.


"A-Ako si--ako si Cathy, hindi ko-- hindi ko alam paano nangyari pero, nag-reecarnate ako sa katawan ni Diana. I'm sorry, di ko-- di ko sinasadya na paniwalain ka all this time. Sasabihin ko na dapat sayo kanina per---"


Naputol ang sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit na mahigpit. Ang kaninang luha na pinipigilan ko ay naguunahan nanamang lumandas sa aking mukha.


"I-I knew it, kanina ko pa nararamdaman na may iba sayo, kanina ko pa nararamdamang ikaw yan, but im just ignoring it. god! Cathy, what Happened? A-Anong nangyari sayo? Bakit bigla ka nalang nawala? Bakit napunta ka sa katawan ni Diana?" Sunod sunod nyang tanong sa akin.


"H-Hindi ko alam, basta pag gising ko nandito na ako sa katawan nya and hangang sa dumating ka na dito at lahat sinakyan ko nalang i-im very sorry, di ko talaga sinasadya---"


"Shh.. its okay, i understand at least andito ka na may makakatulong na para malutas ang kaso mo. Malalaman na kung sino may pakana ng pagkawala mo." He said at hinawakan ang magkabila kong pisnge.


"Yeah, but i need to know about Diana first. Who is she?" I said. Medyo nag aalangan akong tumingin sa kanya dahil sobrang lapit nanaman ng mukha nya sa akin.


Nang mapansin nya yun ay medyo natawa ito kaya tumayo sa ng maayos at hinawakan ang mga kamay ko.


"She's your half-sister. Anak sya ng father mo sa ibang babae." Deretsang sabi nito sa akin.


Lalong nagimbal ang buing sistema ko.


How?


Bakit hindi namin napansin at nalaman yun ni mommy?


Bakit nilihim sa amin ito ni dad?


Isa isang nagsyn-in sa utak ko lahat. Pati na din ang mga litratong nakita ko sa box na nakatago sa loob ng cabinet nito ay mga evidences na anak sya ni dad.


"Nilihim ng daddy mo ang lahat, dahil na din sa mga nangyayari noon sa kompanya five years ago. After mong mawala ay di sya tumigil na hanapin ka, even your Mom, she did everything to find you but they didn't. You went missing for over five years. At yung kaso mo hindi umusad, the reason is lack of evidence." He said.


"Si Tyron and Tanya? Anong ginawa nila? Did they stay at the company?" Sunod sunod kong tanong dito.


"Yes, and Tyron is now the President of the company. Kasal na din sila ni Tanya, They got married three years after you lost." Sagot nito.


Mariin kong naikuyom ang aking kamay sa galit.


Mga halang talaga ang kaluluwa! Mga wala silang respeto! Maske pagkawala ko di man lang nila pinagluksaan lalong lalo na si Tyron!


"What about my parents? What happened to them?" Pagiiba ko ng usapan.


"Ang mommy mo ay nagkasakit after ng nangyari sayo, ang daddy mo naman nawalan na ng gana pumunta sa kompanya, di na rin nya inaasikaso ito tanging sila Tyron na ang namahala ng kompanya na pagmamay ari nila. Unti unti na nila itong kinukuha sa kanila ng di nila nalalaman. Walang nagsasalita dahil natatakot na kalabanin sila." Sabi nito.


Marahan akong natawa at unti unting nabuo ng plano sa utak ko.


Kailangan kong makausap sila mom and dad, kailangan nila akong makita, kailangan nilang malaman ang totoo.


"I need your help." Malamig kong sabi sa kanya.


"Kahit ano pa yan, tutulungan kita." He said.


Hawak nya parin ang kamay ko at nagaalangang tignan sya.


"Thanks Gerald, maraming maraming salamat." I said.


"Anything for you." He said at niyakap akong muli ng mahigpit.


"I'm very glad that you're back. I'll promise you, this time i wont anyone hurt you again, i will protect you this time." Sabi nito habang yakap yakap ako.


Sinubsub ko ng tuluyan ang mukha ko sa balikat nito. Napakasarap sa pakiramdam na may taong tanggap ka kahit ano pa ang nangyari sayo at higit sa lahat ay tulungan ka sa kahit bagay.


"Salamat Gerald, for accepting and giving me a chance to take what's really mine. Thank you so much." Sabi ko dito.


Matapos masabi lahat sa akin ni Gerald ang mga nangyari five years ago, ay mas lalo akong nagkakadahilan para gawin ang pinaplano ko sa kanila.


Nung time na nawala ako ay kinausap din sila ng awtoridad pati na din si Tyron, pero dineny nila na kasama nila ako lahat at wala silang alam kung saan ako napadpad o san ako nagpunta. Malala pa, they're not guilty about what happened dahil nga sa kakulangan ng ebidensya.


Nagpakasal pa ang mga hayop na si Tyron at Tanya na parang walang nangyari at ngayon buntis pa si Tanya, na lalong nakapagpainit ng dugo ko. Don't get me wrong, im not angry on their child, galit ako sa mga magulang ng batang iyon at naawa ako bakit yun pa ang naging magulang nya.


I hope and praying na sana di nito nakuha ang paguugali ng mga magulang nya.


Ang mga kaibigan naman ni Tyron na sila Spencer, Daniel, Erikson, at Edward ay namamahala ng sikat na sikat na bar at ang sabi ni Gerald alam nyang may mga iligal din itong ginagawa sa mismong Bar na yun pero walang makapagsalita dahil nga ipinapapatay nila, at wala silang ebidensyang iniiwan sa krimen.


Lahat sila ay nakakapagsaya matapos ng ginawa nila. Great.


Gerald is still working on our company. Dahil nangako sya kay dad na hinding hindi nya iiwan ang kompanya. Kagaya ng pinangako din nya kay Dad na mamahalin at aalagaan nya si Diana.


Gerald is the Vice president of our company na pinigilang gawin umano ni Tyron si dad, but luckily he didn't get a shot. Walang nagawa si Tyron kundi hayaan si Dad sa gusto nito.


Him and Diana meet nang malaman ni Gerald na nawawala ako at si Diana mismo ang laging nasa tabi nito. Hangang sa magkamabutihan sila at niligawan nya ang kapatid ko, tinutulungan din ni Diana si Gerald na makakuha ng mga ebidensya sa nangyari sa akin.


Diana knows that I'm her sister pero hindi nya lang ako nagawang lapitan o ano, dahil baka ano pang isipin ko sa kanya, na syang ikinalungkot ko. Kung alam lang ni Diana na gustong gusto ko syang yakapin at gusto kong magpasalamat sa ginawa nyang pagalaga kay Gerald.


And I'm so happy na napunta sya kay Gerald, he is a very kind, sweet and gentlemen guy. Alam kong magugustuhan nya talaga ito, but here we are, ako naman ang gumamit ng katawan nya.


What happened to her? Bakit ako ang pumalit sa katawan nya?


Gusto ko man alamin ang nangyari sa kapatid ko But for the maintime, kailangan kong kausapin muna sila mom and dad, kailangan kong sabihin na buhay ako at andito ako ngayon sa katawan ng kapatid ko.


Nagaalangan si Gerald sa plano ko, pero alam ko at malakas ang kutob kong maiintindihan nila ito.


Hangang ngayon ay di ko parin sinasabi kay Gerald kung sino ang may pakana ng pagkamatay ko. Di ko sya pwedeng idamay dito, sigurado akong kikilos din sya, kilala ko sila Tanya lalong lalo na si Tyron. Ibang iba sya pag dating sa oras na kayong dalawa nalang, at baka idamay pa nila si Gerald at yun ang ayokong mangyari.


Laban ko ito, at ako lang mismo tatapos sa kademonyuhan nila. They sent me anyway in hell, like i said ako mismo ang magwewelcome sa kanila sa empyerno.


Matapos ang gabing masabi ko kay Gerald na hindi ako si Diana ay di parin nagbabago ang trato nya sa akin. Mas lalo pa syang naging cautious sa bawat galaw at kilos ko.


Minsan ko naman syang pinipigilan na wag na nya gawin pero sya na talaga mapilit.


Andito parin sya sa bahay at dito na din daw sya magi-stay. Mahirap na daw at baka ako naman ang balikan ng dalawang demonyo na yun.


Nagaasikaso na ako papuntang hospital dahil kailangan ko parin gampanan ang trabaho talaga ni Diana, being a Obygene.


Nagdecide na din na ihatid ako ni Gerald sa hospital at di na muna ako pinagamit ng sasakyan.


"Would you mind?" He asked and medyo nagets ko naman ang ibig nyang sabihin. Ang hawakan ang kamay ko while he is driving.


"Sige." I simply said at inabot sa kanya ang kamay ko.


"Alam ko, mahirap at di ka parin makapaniwala pero naiitindihan kita." Sabi ko dito saka ngumiti.


"Thank you Cathy." He said and hold my hand like he always do, pero mas mahigpit na ngayon kesa dati. Di naman masakit, yung sakto lang.


Yung feeling na ayaw ka na nyang pakawalan.


Pagkarating namin doon ay hininto nya na ang sasakyan sa tapat ng hospital.


Medyo natigilan kami kasi di na magawa ni Gerald ang usual na ginagawa nila ni Diana as a couple. Like kissing each other na di ko alam pero ikinalungkot ko. Ayoko naman sabihin sa kanya na halikan nya ako at imaginin nya na ako si Diana, ang hirap naman nun. Tsaka respeto nalang din sa kapatid ko diba?


"I-I need to go."sabi ko sa kanya ng di nya parin binibitawan ang kamay ko.


Ilang sandali pa ay kinabig nya ako palapit sa kanya at niyakap.


"I'm really happy you're back. Please wag ka nang mawala ulit." Sabi nito na ikinagulat ko.


Ramdam na ramdam kong natatakot syang mawala ako ulit pero paano ang kapatid ko?


Paano kung sandali lang ako sa tabi nila?


Ayokong mangako, pero lahat gagawin ko maging masaya lang sila ulit.


Di ko napansing naluluha na pala ako kaya mabilis ko itong pinunasan gamit ang daliri ko.


"I won't, i am always be by your side i promise." I said at dahan dahang kumalas aa pagkakayakap namin.


Hinawakan nya ang magkabilang pisnge ko at dahang dahang nilapit ang aking noo sa kanyang labi, saka marahang hinalikan ito.


"Tara na at baka malate ka pa, may appointment ka pa kay Tanya." Sabi nito at mabilis na lumabas ng sasakyan.


Like before, sya parin nagbubukas ng pintuan para sa akin.


"Thanks." Sabi ko pagkababa ko ng sasakyan.


"Call me pagkatapos ng duty mo ah. Susunduin kita agad. Okay?" Sabi nito.


"I will." And gave him a pick on his cheeks. Nakita kong nagulat sya kaya medyo natawa ako doon.


"Sige na, baka malate ka pa." Sabi ko dito at sabay kamot nya sa batok.


Naglakad na ako papasok ng entrance mg hospital tsaka kumaway sa kanya.


Hinintay ko muna syang pumasok ng sasakyan at tuluyang umalis, bago din ako pumunta ng aking clinic.


"Now, the games begin." Bulong ko sa aking sarili tsaka dinial ang number ni Tanya.


Nang magring ng tatlong beses ay nasagot na nya agad ito.


"Hello?" She said.


"Hi? Good morning, i just wanted to remind about your appointment today." I said while walking forward to my clinic. May ilang mga bumabati sa akin at nginingitian ko lang.


"Ah~ yeah, sige doc im on my way na. Thank you!" She said


"Okay, see you. Take care." I said and pinindot ang up button sa Elevator.


"I will. Thanks again doc." She said at binaba na ang tawag.


'See you in a bit, old friend.' i said at the back of my mind.


Isang ngisi ang sumilay sa akin bago magsara ang pinto ng elevator.


Continue reading in the app

Scan the code to open this book in the Inkitt app and keep reading on your phone.

Next Chapter

Let Escapade0105 know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

His to protect: Major's therapist

Susan Morris: Loved this story! You have done it again. GReat character, romance and the right amount of HOT!

Read Now
Unmated

ludiw1999: Great story. Great characters. Enjoyed it

Read Now
Rules of Fatals

Ingibabes511: Loved it. Thank you for an unusual read that was beautifully put together. Every tick box was covered somewhere within the story. Your way of creating a world that felt as if it could actually exist is breathtaking, where the descriptions brought it to life. Thank you again 🥰💜

Read Now
The CEO's Secret Obsession

ja1628: Very sweet good plot did not add extra stuff to keep the story line going which is great.

Read Now
Where the Tide Finds You (Book #1 in Saltwater Creek Series)

Alicia: Always love a good romance story ❤️

Read Now
Heated Circuits

emmylee.p.: I absolutely loved this read, funny and emotional, loved the characters so much.

Read Now
His Accidental Billion-Dollar Bride

Nana: I like this genre of style as its a world of the wealthy where not many people can envisage what goes on behind closed doors....

Read Now
Leather and Legacy

Sylvia: I can honestly say that I have read this story at least three times, and I enjoyed it every single time! It is exceptionally well-written, with a great plot that keeps you entertained from beginning to end. There are very few grammatical errors, and the author’s vivid descriptions made it easy to pi...

Read Now