FIVE MORE MINUTES
Share with your friends
Customize readability

FIVE MORE MINUTES

HazelynM

All Rights Reserved ©

Summary

Sabi nila "ANG GREATEST LOVE NG ISANG TAO AY DADATING ISANG BESES LANG SA BUHAY NITO". Ang korni pero totoo naman di ba? Hi! I'm Romeo Aquino Javier and this is my story on how I met my greatest love at kung paano nakisali ang langit sa pagmamahalan naming dalawa. Langit na ang gumawa ng paraan para magtagpo kami at langit din ang gumawa ng paraan para mapaglayo kami. Limang minuto lang hinihiling ko para makasama pa sya, mapagbibigyan kaya? -------------------------------------------------------------------------------------------------- DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ©️All Rights Reserved PS: I do NOT own the photo. I just found it on pinterest. Credits to the owner. :)

Status
5yrs ago
Chapters
17
Rating
n/a
Age Rating
18+

Prologue

"Bakit ba kailangan pa na pumunta ka sa kanya at kailangan sa bahay pa talaga nila? Kailan ka pa naging sunod-sunuran sa babaeng yun? Eh hindi mo naman girlfriend yun di ba? Sabihin mo nga sakin Romeo?"


"Kaibigan ko lang yun Juliet! Pang-ilang beses ko na tong sinabi sayo pero hanggang ngayon hindi mo padin naiintindihan!"


Nagsisigawan na kaming dalawa dito sa loob ng sasakyan dahil lang sa pagpunta ko sa bahay ng kaklase kong babae na alam daw nyang may gusto sa akin at hindi daw sya boto dun. Nababaliw na talaga tong si Juliet. Napakababaw ng dahilan nya para magalit ng husto sa akin. Noong isang linggo pa yan ganyan eh! Nakakapikon na. Bigla na lang nagbago yung ugali nya after ng birthday ko at sa birthday ko pa talaga nag-inarte ng ganun.


"Hindi din naman kita girlfriend, tska kahit palagi kong sinasabi sayo na huwag kang sama ng sama sa Tommy na yun eh ginagawa mo padin. Sinabi ko na sayo noon pa na manyak yung lalaking yun!" Sabi ko sa kanya.


"You know what! Stop the fucking car!"


"Nababaliw ka na ba? Sobrang lakas ng ulan Julieta! Para kang tanga jan"


"Ihinto mo na nga sinabi yung sasakyan, bababa na ako at pumunta ka na sa babaeng yun"


Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa kanya. Inihinto ko na yung sasakyan para hindi kami madisgrasya. Galit ako at galit din sya baka mabangga kami kapag nagkataon. Hindi ko na alam kung nasaan parte na kami ng mundo dahil mula ng nag-away kami hindi ko na alam kung saan ako lumiliko. Basta ang alam ko hindi ko pwedeng ihinto ang sasakyan dahil takot din naman ako sa mga pwedeng mangyari.


Lumabas na sya ng sasakyan at syempre lumabas din ako para pigilan sya. Lintik talaga na babaeng ito! Napakatigas ng ulo! Sobrang lakas ng ulan. May bagyo pa yata kasi.


"Pumasok ka na sa loob Julieta! Utang na loob naman! Magkakasakit ka nyan eh."


"At bakit kita susundin?" Sabi nya sa akin. "Ikaw nga nung sinabi kong huwag ka ng tumuloy sa bahay nila Cindy eh gagawin mo padin, so bakit kita susundin?"


Napipikon na ako sa babaeng toh, ano bang nangyayari sa kanya? "Sinabi ko naman sayo diba, kaibigan ko lang sya at walang namamagitan samin! Bakit ka ba nagkakaganyan? Tska ano bang problema mo kung pumunta ako sa kanya? Ano bang pakealam mo kung may gusto sya sa akin? Bakit parang nagseselos ka?" Hindi ko na napigilan yung sarili ko, gusto ko sanang bawiin yung mga sinabi ko kasi alam kong masakit yun at alam kong nasaktan ko sya pero wala na akong nagawa. Dala na siguro ng inis, pagod sa school at work at sumabay pa talaga sya.


Andito kami sa labas ng sasakyan, sobrang lakas ng ulan, nagsisigawan, galit sa isa't-isa at hindi ko na talaga alam kung nasaang lupalop na kami ng mundo.


"Romeo mahal kita."


Nagulat ako, mali yata yung narinig ko.


Bigla kaming natahimik. Tanging tunog lang ng malakas na ulan ang naririnig ko. Ano na ba ang nangyayari ngayong gabi?


"Anong sabi mo?"


"Mahal nga kita, mahal na nga yata kita. Hindi ko din alam kung paano nangyari kaya wag mo ng itanong."


Teka ano ba tong mga sinasabi nya sakin? Nababaliw na nga sya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinabi nya.


Parang bumagal ang oras ng mga sandaling iyon. Alam kong parehas na kaming basang basa sa ulan pero hindi padin ako makapaniwala at makagalaw dahil sa sinabi nya sa akin ngayon.


"Pero ang sabi mo sa akin noong birthday mo last year na hindi mo ako mahal di ba? Na wala kang nararamdaman para sa akin? Julieta ano na naman yan ha?" Tanong ko sa kanya kasi baka dinadahilan nya lang yan para hindi ako tumuloy kila Cindy.


"Hindi ko din alam Romeo, hindi ko alam. Basta alam ko sa sarili ko na ngayong oras na toh, totoo ang mga sinasabi ko at ang nararamdaman ko."


Nanghihina ako. Nalilito ako. Natatakot ako. Kasi hanggang ngayon mahal ko padin pala talaga sya. Shit! Bumalik lahat. Bumabalik lahat. Oh God. Sobrang salamat po pero bakit ngayon lang? Bakit ngayon nya lang naramdaman at sinabi na mahal na pala nya ako?


Biglang nagulo yung mga iniisip ko dahil bigla syang nagsalita.


"Romeo, mahal pala kita. Oo alam ko na sa sarili ko ngayon at sigurado na ako. Mahal kita. Mahal na ma-"


Hindi ko na sya pinatapos magsalita at hinalikan ko agad sya. God, I really love this woman. Hindi ko alam kung may nakakita sa amin. Nasa labas kami ng sasakyan at hindi pa humihinto ang malakas na ulan at bukas ang headlight ng sasakyan ko kaya meron mang tao sa kung saang parte na malapit sa amin at surebol na makikita talaga kami.


"Sobrang saya ko at sa wakas mahal mo nadin ako Juliet." Lord maraming maraming salamat ang sabi ko sa sarili ko.


"Mahal na mahal din kita Juliet. Mahal na mahal."

Let HazelynM know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

Mystic Wolf

Teresa: The book is well done, brilliant in fact! Z

Read Now
Bear Shifter Secrets

tatianne Ingrid: Adorei cada capitulo! parabens

Read Now
To Catch a Ghost, Part 1

Wendy Salvo: I really liked this story but now that I’ve read all three I wanted to come back with a thought, the forward on this story talks about a reverse harem and not having to choose, but there isn’t any choice, or thought of a harem until the moment she connects with them, there is only foreshadowing of o...

Read Now
Going For The Goalie

S.TYTECA: I really enjoyed reading this book! The story was engaging and kept me interested throughout. There were a few minor spelling errors here and there, and some parts felt a little drawn out for my personal taste, but that’s purely subjective. Overall, it was a lovely read, and I genuinely enjoyed the ...

Read Now
The Easter Bunny

Talia Kendrick : Honestly I love the book. Here is how I feel about each character: Detective Kayla is an Idiot, I can't stand this lady and I feel so bad for braelyn and Phoenix because after everything they have been through it makes me angry that they have to go through this again. Sure Phoenix doesn't know about...

Read Now
The Iron Crown

Danielle_Anderson: Kira's training yard and her mirror feel like two different women, and the gap between them is where this opening does its best work. The clean arc of the sword, the shock running up through her wrists, the bright singing moment when only the blade exists, all of that is undone by the practiced soft...

Read Now
The Contract Wife

waiy: I genuinely loved reading The Contract Wife! The storyline is engaging and keeps you interested, making you want to continue reading and discover what happens next.One of my favourite moments was when she discovered that she was pregnant in Chapter 23. Interestingly, I had already started suspecting...

Read Now
My Blacksmith Savior

Beth Wagner: I enjoyed the building of relationships.

Read Now
IVAN

MelindaChase111: Hey! I came across your work and genuinely enjoyed what you’ve been creating. The more I looked through it, the more a creative idea started coming to mind. I actually have a specific concept I’d love to bring to life, and I think it could be something really special based on your work. I’d love to ...

Read Now