CHAPTER ONE
CHAPTER ONE:
MARQUEZ POV
It's been 2 years na nakakalipas matapos ang karumal dumal na pangyayare sa buhay ko.
"Tama na po!! Parang awa niyo na!!" impit na sigaw ko habang onti-onti nilang inaalis ang saplot ko.
Wala ako magawa non tanging pagpupumiglas, sipa at siko na ang aking nagawa pero hindi sila nag papatinag.
"Dahil sayo nakipaghiwalay sakin si Elaine! Tagal na kitang binalaan pero binalewala mo ako!. Bilisan niyo naman ang babagal niyo!!"
Malinaw pa sa akin lahat lahat yung pang baboy nila sa aking katawan halos tatlo sila hindi ko kaya.
"Tam? Huy? !" Kalabit sa kin ng katabi ko
Tumingin ako sakanya na may luha sa aking mga mata.
"Naalala mo na naman ba yung nangyare sayo?" Pag-aalalang tanong neto sakin at sabay neto niyakap ako para pakalmahin ako.
"Shhhhh tahan na tam, Alam ko mahirap mag move on sa nangyare sayo nun salamat nalang tayo nung araw na yun matapos ka galawin may pulis na dumaan at nahuli yung hampaslupa na yun". Pagaalala niyang sambit sakin habang nakayakap pa.
Mahirap para sakin kalimutan yung bagay na yun lalo na sa loob ng dalawang taon paulit ulit sa isip ko lahat.
Kahit sabihin natin nakamit ko ang hustisya hindi pa din maalis yung trauma sa katawan ko lalo na sa pagiisip ko.
Nakulong ang mga taong bumaboy sa katawan ko, kaso sa maliit na panahon na lamang makakalaya na sila.
"Oh tara na? Nagiintay na sila tita sa Paliparan punasan mo muna yang mukha mo baka mapansin sabihing pinaiyak kita hahaha" tawang sambit niya maski ako natawa na din.
Ngayon na pala alis nila mommy papuntang Osaka at dun na maninirahan.
Ako hindi pa pwede kaya maiiwan ako dito sa pinas kasama si Elaine, tapusin muna namin Kolehiyo ko, isang taon nalang din naman at makakapagtapos na ako sa kursong Accountancy. At si Elaine sa Kursong Fine Arts.
"TAM BILISAN MO DYAN !! ANDYAN NA PALA SI KUYA MANONG SA LABAS!" Sigaw ni Elaine mula sa kwarto.
Dali-dali kong hinilamusan ang mukha ko at naglagay ng Balm, Wala lang trip ko lang lagyan.
Lumabas ako ng kwarto at wala na dun si Elaine, pagkadungaw ko mula sa bintana eh andun na agad sya sa Sasakyan. Lumabas na din ako at nilock ng maigi ang pinto.
"BILISAN MO TAM!!" Sigaw neto
*chuckle*
Bagalan ko kaya hahaha joke lang.
-------------------------
Ninoy Aquino International Airport
"Tam. Gising na andito na tayo sa Airport" tapik sakin ni elaine.
Nakatulog pala ako di ko namalayan, paano ba naman kasi maling way si kuya manong natagalan kami tapos naipit pa sa traffic buti nalang 1 hour pa bago flight nila mommy nakarating kami sakto dito ng 1:30PM.
So we only have 30 mins nalang.
Dali dali na ako bumaba at tumakbo patalikod, si Elaine pababa palang pero ako nauuna ako sakanya.
"Unang makakita kila mommy manglilibre ng star--- *thugg*
Isang matigas akong nabangga nakapikit ako dahil hinahanda ko yung impact ng katawan ko sa Sahig kaso wala ako naramdaman para akong nakalutang sa Ere.
"TAM! Hindi ka kas-!" Nawala yung rinig kong sigaw ni Elaine at nabigla ako sa nakikita ko pag kamulat ng mata ko
Isang lalaki ang nakayakap sakin at ang posisyon namin is sinalo ako.
*binitawan*
"Hindi kasi tinigtignan ang dinadaanan, sa susunod nga magingat ingat ka nga!" Sumbat neto at naglakad na ito paalis.
Nakatingin padin ako sakanya ni hindi ko naramdaman yung pagbagsak ko dahil sakanya lang ako nakatingin.
"Okay ka lang Tam? Ano masakit sayo?" Lapit sakin ni Elaine at itinayo ako.
Nakatingin pa din ako dun sa lalakeng sumalo sakin. Pamilyar yung boses niya pero di ko alam saan ko to narinig.
"O-Okay lang ako" utal kong sambit sa kanya
"TARA NA NGA!! KALOKOHAN MO DIN EH!" Sabi niya sabay hila sakin.
Wala ako sa tuliro habang hila hila ako ni Elaine. Pamilyar kasi yung tao.
Hindi ko alam saan ko sya nakita, or saan ko narinig boses niya.
"Oh you're thank god!" Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko boses ni mama.
Si papa tanaw ko sa malay habang may kausap sa Call.
"Ma! Magiingat kayo dun ah? Tatawag ako palagi sainyo okay?" Pagaalala kong sabi kay mama.
Hinawakan ko ang kamay ni mama at nilagay ko sa pisngi ko. Mahaba haba ang 1 year na wala sila sa tabi ko.
"Aww. Ikaw din anak magiingat ka ah? " she said and started to cry.
Mababa ang luha ni mama kaya pati ako nahawa at niyakap na sya ng tuluyan.
Nakaramdam din ako ng bisig at si papa iyon at niyakap kami ni mama
"Pakatatag ka Anak ah? Wala man kami ng Mommy mo kelangan mo maging matapang sa lahat ng oras . Mahal ka namin ng mama mo" sabi ni papa at hinalikan ako sa Noo.
Sobra ang makikita mong pagmamahal nila sakin. Ako lang kasi ang nagiisa nilang anak kaya sobra ang pinapakita nilang pagmamahal.
*FLIGHT 4675 PROCEED NOW AND WE WILL CHECK ON YOU AND WE ARE LEAVING IN 10 MINUTES.*
Rinig kong sabi ng Announcer sa Airport, lalo ko hinigpitan ang yakap ko sakanila dahil kakaonting oras nalang ang natitira.
"Osya anak. Kami ay lalakad na. Magiingat ka ah?" Sabi ni mama at kumalas sa yakap at hinalikan din ang noo ko
"I love you ma, pa magiingat din po kayo" pagkasabi ko sabay lapit din sakin ni Elaine at hinawakan ako sa braso.
"Iha! Ikaw na bahala sa anak ko ah? Pakisabi na din kah Robert na paalis na kami." banggit ni papa kay elaine
"Opo Tito ako na po bahala. Makakaasa po kayo!" Sambit niya.
"Tara na? " yaya ni papa kay mama
Tinignan ako ni mama, kita sa mukha niya ang lungkot at sa huling pagkakataon niyakap niya ako uli ng mabilisan at kumalas din at naglakad na.
Sa loob loob ko gusto kong sumabog dahil mapapalayo sakin sila mama at papa.
Nang hindi ko na matanaw sila mama at papa doon na bumuhos ang mga luha ko. Para akong bata na naiwanan ng school bus o parang naagawan ng lollipop ng mga bully.
Nakaramdam ako ng yakap mula sa gilid ko at hinihimas ang likod ko.
"Isang taon nalang Tammy magkakasama din kayo ng mga magulang mo." Sambit neto
"Tara na ? Nagaantay si kuya manong sa labas. At mukhang uulan na din" sabi niya at nagsimula na kami maglakad habang alalay niya ako.
Tama nga mukhang bubuhos ang ulan ngayon. Bakit parati ganyan pag emotion ako emotion din ang kalangitan.
-
Habang tinatahak namin ang daan palabas ng Paliparan biglang bumuhos ang malakas na ulan udyat na ang mga tao nagsisitakbuhan palapit dito sa silong na kinatatayuan namin.
Kita ko rin si kuya Manong tumatakbo at may hawak na dalawang payong para saamin.
Hindi rin sa kalayuan makikita mo ang isang lalake na naglalakad sa Gilid at dala dala ang maleta at ito ay nasa ulan. Nakayuko lamang ito.
"Kawawa naman yung guy baka magkasakit ." rinig ko mula sa likod mga grupo ng babae na nakatingin din sa Lalake.
Maya maya lumingon to sa gawi namin at tinanggal ang sumbrero at Salamin.
Maputi ito at masasabi mong may itsura ang lalake.
Sa kakatitig ko sakanya nag tama ang mga mata namin tamang tama lang upang makita niya ako. Kita sa mga mata nya yung lungkot. At napagtanto ko din na sya yung lalake na sumalo sa kin sa loob ng paliparan.
"TARA TAMMY !" rinig kong sigaw ni elaine at binuksan ang payong at nagmadaling pumunta sa sasakyan.
Pagkapasok na pagkapasok ko kinuha ko yung twalya sa likod at pinunas sa bahaging katawan ko na basa.
"May pupuntahan pa po ba kayo sir tam?" Tanong sakin ni kuya manong.
"Wala na kuya manong diretsobna tayo sa bahay para makapagpahinga ang lahat" sabi at sabay tango ni kuya manong.
Pinaandar na niya ito at ililiko na sa u-turn at doon madadaanan namin yung lalake.
Muli nagtagpo uli mga mata namin parang bumagal ang oras at tamang tama makikita ko at masisilayan ko ang Mukha niya.
Parang may gusto syang sabihin sa pamamagitan lamang ng emosyon sa mga mata niya.
Inalis ko na lamang ang tingin ko sakanya at isinandal ulo ko para makapagpahinga habang nasa byahe.
----------------










