Chapter 1
One
"You can’t blame me Sis. Mas kailangan ka dito kaysa doon sa Italy. Plus it’s just a side job right? Dito ikaw yung may-ari.” Athos grinned at me while he was carrying my luggage. Kusang umikot ang aking mga mata dahil sa kanya.
Kararating ko lang kasi sa Pinas at isang nakamamatay na tingin na agad ang ipinukol ko sa kanya. And guess what? Ito ang bungad niya. Won’t blame him huh? Eh siya itong doktor tapos ako ang gusto niyang mamahala ng Pharmaceuticals.
"And woah! look at that! Dalawang taon kang nawala sa Pinas at ganyan na agad ang itsura mo pagbalik! You’ve grown a lot. Tumangkad ka na rin.” puri niya. Isang sapak sa braso ang iginawad ko sa kanya.
"Damn! Athena Carella! Hindi ka na naawa sa akin.” He hissed. Tumawa ako at saka ikinawit ang braso ko sa kanya.
"You know I love you Athos kaya ’wag ka ng magtampo. Papangit ka lalo niyan.” I teased. He rolled his eyes like a woman and grinned at me.
"Porke’t naging model ka na ganyan ka na agad manglait. Edi ikaw na maganda. Marami bang umaaligid sa’yo doon? Tell me Sis...”
"How could they even court me eh mas strikto pa yata sa’yo si Mommy.” natatawa kong sabi. We walked out of the airport at lumapit sa naghihintay naming sundo.
Harris Dominique Fortuno. My favorite cousin. Kumaway ako sa kanya at patakbong lumapit leaving Athos behind.
"Nique! Oh my gosh! Wow! Gumwapo ka lalo.” I exclaimed. He laughed and throw his head back.
"Ikaw rin Athena.”
"What? Gumwapo rin ako?” nakangisi kong tanong. His face became stoic because of my question.
"Gumanda ka nga Athena, naging slow ka naman.” He rolled his eyes. Tinalikuran niya ako at binuksan niya ang pinto ng kanyang Montero.
I smacked his arm. "I was just kidding Harris Dominique. ”
He tsked and shooked his head. Mahina niya akong itinulak para makapasok na ako sa loob ng kanyang kotse. Sumunod namang pumasok si Athos pagkatapos niyang ilagay ang aking mga dala sa likod.
He sat beside me in a slouching position. Parang napagod dahil sa pagdadala ng mga gamit ko. Kahit kailan ay ang arte ni Athos. He haven’t change.
Habang nasa biyahe ay panay naman ang usap namin ni Dominique. We talked about my life in Italy for two years. And we talked about his life too. Buti nga at nakahanap na siya ng girlfriend niya and he said he loves her very much. Masaya na ako para sa kanya because he finally found his forever. If that’s what he call it.
I never found my Mr. Right in between those two years. Yes, I dated few men pero hindi pa rin siya nawawala sa puso’t isip ko. Kahit naman siguro kahit anong gawin kong pagpatay sa kanya sa mga ala-ala ko ay babalik pa rin siya doon.
He’s a part of it and he will never disappear inside those memories. Siya at siya pa rin talaga.
I sighed. How could I even removed Ashton Lemmuel Creight in my life?
After what he did, mahal ko pa rin siya. After all those fucking pain he caused me, I still love him.
"So how’s Italy’s Fashion Week last week?” tanong ni Dominique nang tumigil kami sa harap ng hotel na pagmamay-ari ng pamilya namin. I will be staying here for a while since hindi pa daw ready ang kwarto ko sa bahay. Athos said he renovated the house so sa condo siya nananatili.
" Exhausting!"
Tumingin sa rearview mirror si Dominique para matingnan ako.
"You don't look exhausting to me.”
I rolled my eyes. ” Yeah right, cousin.”
Tumawa si Dominique at bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto habang ginigising ko si Athos na nakatulog na sa biyahe. Buti na lang at hindi siya nagising dahil sa kaingayan naming dalawa ni Dominique.
Geez. Kapag kasama ko si Dominique ay nagugulo ang araw ko. He’s like the crayon that gives color to my life. Sa kanya ko noon nakuha ang kapilyuhan na taglay rin ng kapatid kong si Athos. Hindi katulad ni Dad noon na sobrang seryoso sa lahat ng bagay. Haaay, I miss him. Kumusta naman kaya yung life niya above?
"Welcome home, Athena. Sana magustuhan mo ang stay dito sa Louvr Hotel.” He grinned. Ngumisi ako pabalik bago ako pumihit para humarap kay Athos na gising na at nakangisi sa akin.
"Yeah. Fucking welcome home, Athena.”








