Prologue
Prologue
“I’m sorry. Kailangan na nating maghiwalay. Hindi ko kayang iwan ako ng pamilya ko kaya I’m sorry. Hiwalay na tayo” huminga ako ng malalim bago ko klinick ang send button.
Naghintay ako sa magiging sagot mo. Wala akong pangamba dahil alam kong ipaglalaban mo ako. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi mo ko basta basta iiwan.
Nangako ako,
Nangako tayo.
Ngunit akala ko lang pala iyon..
Dahil gumuho ang lahat nang mabasa ko ang reply mong “Ok” …
Ok? Yun na yun? Pumayag ka? Payag kang mawala ako sayo? Anong nangyari sa pangako? Napako nalang?.
Nangako ako, tayo…... na magsasama tayo hanggang dulo, Nangako ka na kahit mahirap lalaban tayo, Na kahit masakit, titiisin natin, Na kahit mundo ang makalaban natin, lalaban tayo…..
Nangako tayo nang magkahawak ang kamay….
Nangako tayo na nakatingin sa mga mata nating puno ng pagmamahal…
Nangako tayo nang magkayakap at takot na may bumitaw….
Nangako tayo pagkatapos ng sarap na nangyari sa atin…
Pero bakit bumitaw ka agad? Hindi na ba ako importante sa iyo? Hindi mo ba kayang harapin ang pamilya ko? Sa lahat ng nangyari sa atin, ngayon ka pa bumitaw?
Totoo nga ang kasabihang ‘Promises are meant to be broken’…..
They say that it takes a lot of effort and time to build someone’s trust…
Binigay ko ang lahat sayo. Pinagkatiwala ko sayo ang kaisa isahang bagay na importante sakin..
But it only takes one word to end it, ok.
That moment I thought that you are my first and last...
And yet the world surprise me with unexpected plot twist.
And I ask myself, ’Is this worth it?’
Nakakatawang isipin na hindi sumagi sa isipan natin na ito ang magiging ending natin…
Nakakatawang isipin na ang laki ng tiwalang ibinigay ko sa iyo…
Nagbago ako…
Hindi dahil gusto ko kundi dahil nagbago ka rin….
Nasanay tayo…
Nasanay tayo sa mga lumang gawain na sa tagal ng panahon ay napagod tayo at nawalan ng excitement sa isa’t isa….
Nagkulang ako…
Nagkulang ka….
Wala sa ating dalawa ang naglakas loob na ayusin ang pagbabago…
Wala sa ating dalawa ang naglakas loob na magsalita…
Dahil natatakot tayong humantong sa hiwalayan..
Ngunit saan tayo dinala ngayon?
Masaya ako na masaya ka na….
At ang tanging hiling ko nalang na sana…
Sana ipaglaban mo siya hanggang dulo…
Dahil kahit na gusto kong bumalik sa iyo…
May lamat na ang relasyon natin…
Lamat ng nakaraan…
Lamat ng kasalanan…
Lamat ng pagmamahalan natin
“My wish for you is that you never give up hope. Take risks and make mistakes because sometimes what we remember most are those very things that took our breath away. The madness, the unexpected in life. Always love with vulnerability, love with passion because only this kind of love makes you feel truly alive.”
After 6 years, nagawa ko pang sabihin sa iyo ang matagal ko nang gustong sabihin. Ngunit aaminin ko, ikaw pa rin ang hinahanap ko.
Pagkatapos kong banggitin ang mga katagang iyon ay napatingin ako sa mga mapupula mong labi..
Naiinis ako na nanunumbalik na naman ang nakaraang may karapatan pa akong hawakan iyan…
Ang pakiramdaman na halikan iyan nang puno ng pagmamahal..
Ngunit ngayon ay hanggang sulyap nalang…
“And one more thing… Kiss...” oo halik mo lamang ang magpapatunay na…
“Kiss someone you have been dying to kiss” tunay ang iyong pagmamahal…
Nakakalungkot na hindi na ako iyon. Pero masaya ako na maranasan ang mga bagay kasama ka.
Handa na akong umalis nang magsalita ka bigla..
“Or… you will be left wondering about all those drop-dead kisses meant only for you.” Namamaos mong pagkakasabi na nagpahinto sa akin.
Shiittt!! Ang sakit!! Please help me God!!! Magiging makasalanan ako kung hihilingin kong muli siyang halikan…...
Naramdaman mong nahihirapan na akong magpatuloy kaya ikaw nalang ang dumugtong
“Pay attention to the things that make you feel. They somehow, will give meaning to your life. Keep dreaming and always remain hopeful, because hope…”
Someone’s POV
“I’m sorry. Kailangan na nating maghiwalay. Hindi ko kayang iwan ako ng pamilya ko kaya I’m sorry. Hiwalay na tayo”
‘Mas kakayanin mo bang iwan ako?’
‘Tinanong mo ba ako kung kaya din ba kitang iwan?’
“Ok”
Mga huling linya natin na walang nakakaalam sa atin na ito ang katapusan natin.
Oo, aaminin kong hindi ko kayang mawala ka. Ayokong iwan mo ako. Dahil hindi ko alam kung paano magsisimula nang wala ka. Magsisimula nang hindi ka kasama.
Pero hindi ako tanga para pagpilitan pa ang sarili ko sa taong ayaw na sa akin. Sa taong sumuko na sa akin.
Ganun ba kadaling sumuko? Bakit ba lagi nalang akong sinusukuan? Ako ba ang mali?
Ako ba ang may pagkukulang?
Sa katahimikan niya ay pinagmasdan ko ang pagbabago niya.
Ako ba ang dahilan kung bakit siya nagbago? May pagkukulang ba ako kaya siya bumitaw?
Ang sakit lang isipin na sa likod ng pagmamahal at saya ay ito ang tatapos sa atin…
Sa hinahaba haba ng panahong pagsasama natin ay dito lang tayo hahantong…
Sa likod ng paghihirap natin ay ito ang nakuha nating kapalit…
In darkness, I will be your light...
Even if it’s only temporary…
At least once in my life, someone notice me….
I hope I left even just a flicker of light to stay with you for the rest of your life…
But in the end, I know that I still have no match from who shines the brightest…
That you will eventually forget about me…
Sometimes, it’s hard not to be affected. You get angry in every demeaning words you hear from them, but use this to motivate yourself and prove them wrong on who you really are.
I need to let go not because it is the most appropriate thing to do…...
Holding onto someone which is not truly mine to claim is absolutely an act of stupidity!
I am not that stupid…. I know my worth and I deserve not just the better but the best.
Iyan ang natutunan ko sa kanya...
Joanna…
Ang babaeng handa kong alayan ng dugo at pawis ngunit ang isinukli ay lungkot at sakit…
Joanna has a heart bigger than the universe (Huwag nating gawing literal HAHA!)
She’s a natural leader, but she has no time for drama queens and fakes. She would give her last breath to keep her loved ones safe and happy.
Kahit na ang kapalit ay masaktan ako….
She’s a girl na hindi maluho, she’s a girl na hindi mo kailangan gastusan para lang makuntento sayo, she’s a girl na all she wants is to be with you and all she asks is your time and effort.
Keep mo yung ganyang babae dahil bihira nalang yung hindi maarte.Yung hugs and kisses mo lang ay masaya na siya. The way na pag respect at care mo lang sa kanya sapat na, because they’re rare in this world na puro kaartehan at puro pabibo lang sa social media. Hanapin mo yung babaeng may takot sa diyos, mapagmahal sa pamilya, at may pangarap sa sarili…...
But if someone breaks her trust, she’ll make them regret causing her pain.
“My wish for you is that you never give up hope. Take risks and make mistakes because sometimes what we remember most are those very things that took our breath away. The madness, the unexpected in life. Always love with vulnerability, love with passion because only this kind of love makes you feel truly alive.”
Sa tagal ng panahon na magkawalay tayo ay nakakatawang isipin na heto pa rin ako’t nakatayo sa harapan mo…...
Pinapakinggan ang mga hinaing mo….
Umaasang babalikan mo ako….
“And one more thing… Kiss...” Natagilan tayong dalawa. Akala ko nanghihingi ka pero…
“Kiss someone you have been dying to kiss” pahabol mong sinabi.
“Or… you will be left wondering about all those drop-dead kisses meant only for you.” Nakita ko kung paano ka napahinto sa sinabi ko.
Wala na akong ibang labing hahalikan dahil sa labi mo lamang ako nababaliw ng ganito.
At sa sandaling ito ay may natanto ako. You are braver than before. I know she has faced dark times in her past, but she overcome every obstacles and is stronger now than ever.
‘At the end of the day, what you all did was to love sincerely... minahal lang kita… but it is your choice if you will reciprocate your love. We speak healing to their broken hearts and restoration to their decisions.’
Alam kong nahihirapan ka na kaya ako nalang ang nagpatuloy “Pay attention to the things that make you feel. They somehow, will give meaning to your life. Keep dreaming and always remain hopeful, because hope…”
“Hangs the stars in our night sky.”










