Pagtungtong ng alas singko ng umaga, ang mga mata ay unti unting didilat at maaaninag ang konting liwanag na nanggagaling sa uundap undap na ilaw na kikindat kindat. Sa aking pagbangon dala dala pati ang kumot at makikita ang bakas sa unan na pinaghigaan. Sa kabilang parte ay puno ng tuyong likido na nagmula sa bibig ng naghilik. Hinanap ng aking mga paa ang tsinelas upang maging kaakibat ng aking paglalakbay patungo sa silid ng mga dumi at panghe.
Matapos kong magawa ang mga bagay sa unang pagbungad ng umaga, bigla kong maiisip na ngayon pala ay Lunes at araw ng pagbabanat ng buto at paghahanap ng pagkakakitaan. Sa bandang huli, mapapagtanto ko na isa pala akong palamunin at pabigat sa lipunan kaya ako ay muling hihiga at matutulog upang ipagpatuloy ko ang panaginip na aking tinatangi.
Dumilat muli ang mga mata at habang ako ay patayo dumampi ang sa aking mga balat ang lamig ng hangin at dun ko napagtanto na pagabi na pala. Rinig na din ang kalam ng siknura na badyang ako ay nagugutom na.
Bumaba ako at nagtungo kung saan maaari akong makakita ng makakain. Binuksan ko ang reprigireytor at laking gulat at panlulumo ko dahil ang tanging laman lamang ay mga tubig, ngunit ang mas nakakagulat ay hindi malamig ang tubig. Yun pala sira ang reprigireytor. Nanatili akong naghanap ng nakakain ngunit sa kasamaang palad wala akong nahagilap. Sumilip ako sa bintana upang malaman ano ang makikita ko sa labas. Bukod tanging liwanag ng ilaw sa poste ng kapitbahay at dilim ng gabi ang naghahalo sa aking paningin.
Nabighani sa langhap sarap ng hangin na dumadampi sa aking mga balat. Ngunit may kakaibang halimuyak pumapasok sa aking pang amoy na di mawari kung saang burak nanggaling.
Hindi ko na ninais na madiit sa aking matangos na ilong ang amoy na umaabot hanggang sa aking lalamunan.
Sa maghapon na iyon ay wala akong naiambag kundi ang pinakamaliit na bahagi ng aking pagkatao..ang aking atom.
Muling hihiga at titingin sa kawalan ng kisame na may mababanaag na mga sapot at dumi. At mapapapikit ang marikit na mga mata at tuluyan ng magbubuo ng panibagong mota.
so much fun..I can’t believe that the story could be like so interesting..i learned a lot..i can share this to all of my friends..