Prologue
Si Mr. Cromwel ay isa sa pinakamayaman businessman sa buong asia, lahat ng tao tinitingala siya, karamihan sa mga ito gustong mapalapit sakanya ang iba naman gusto maging kaibigan siya.
Masasabi mo na perpektong tao na siya para sayo, maraming din mga babae na ngangarap na maging kasintahan siya meron ding gustong gusto siyang maging asawa.
Akala din ng karamihan mabait, maginoo at masayahing tao si Mr. Cromwel pero hindi nila alam iyon ay isa lamang sa likod ng makapal ng maskara niya.
Dahil isa siyang mabangis na hayop na walang sinasanto kahit na sino. Dahil simula nung bata siya may isang babaeng nanakit at iniwan siya.
Nangako silang hindi nila iiwan ang isat-isa pero nagbago ang lahat ng malaman niya na ang nakakabatang babae na minahal niya umalis ito at sumama sa ibang lalaking.
Simula nun nag-iba ang paningin niya sa mga babae. Tingin niya dito Mapanakit, Gold Digger at Cheater.
Sa ngayon ang gusto lamang ni Mr. Cromwel ay mahanap ang babaeng nanakit at nang iwan sakanya, dahil kapag nahanap niya yung babaeng gusto niyang makipaghiganti sakanya.
Gustong gusto ni Mr. Cromwel na maranasan ng babaeng yun kung ano ang pinaranas sakanya ng babaeng iyon.
"If i find that woman who left me 10 years ago... I will not hesitate to ruin her life" He said










