BROKEN
John’s POV
Early in the morning, here I am walking down the halls while listening to my favorite song and artist. Napapikit ako at tila dinadama ko ang emosyon sa kantang Ulan ni Cueshé, napaka-broken talaga ng lyrics.
Habang naglalakad ako ay napatingin-tingin din ako sa paligid ko na kung saan ay kakaunti lang ang nakikita kong mga kapwa kong estudyante na animo’y kakapasok lang sa paaralan. Ang iba naman sa kabilang building ay abala naman para sa kanilang Physical Education na subject dahil sa sinusuot nilang P.E Attire.
Kung tutuusin, sobrang aga pa lang naman talaga. Malamang ang iba ay tulog pa o ’di kaya ay kumakain pa ng almusal ang ibang estudyante.
Tinignan ko ang oras sa relo ko at napagtanto kong alas singko kwarenta-otso pa ng umaga. Alas sais magsisimula ang klase namin dahil na rin sa kakulangan ng mga classroom para sa aming mga Senior High sa isang Public School sa Butuan City.
Patuloy lang ako sa paglakbay at nang patungo na sana ako ng gate patungong Senior High Building ay nahagilap ko sa kabilang silid ang girlfriend kong si Kate.
Akala ko namalik-mata lang ako pero sigurado ako sa nakikita ko na siya nga iyon, ang girl friend ko at kasama niya pa ang isa naming kaklaseng lalaki na si Kurt.
Hindi ko alam na magkaibigan pala sila talaga kasi bihira lang naman silang nag-uusap sa room, pwera nalang na magkasabay sila palaging pumasok at late pa sila ng ilang minuto kung pumasok.
Wala na nga kaming komunikasyon ni Kate dahil sobra rin ako naging abala sa Basketball Team namin habang si Kate naman ay abala rin sa Cheerleading Team.
Balak ko silang sundan at gulatin nang napahinto ako ng marinig ko ang salitang binitawan ni Kate.
“Mahal na mahal kita, Kurt. Pasensya ka na at ganito pa ang sitwasyon natin ngayon.”
Napahawak ako sa dibdib ko na parang tinusok ng isang daang karayom dahil sa rebelasyong natuklasan ko. Ang sakit-sakit pala talaga kung matuklasan mong niloloko ka lang ng babaeng minahal mo, babaeng pinagkatiwalaan mo.
Hindi na ako nagda-dalawang isip at sinalubong ko sila, “Hi, Kate.”
Napalingon si Kate sabay panlalaki ng mga mata niya at tila nanginginig sa takot nang makita ako, “John,” Napatawa siya ng marahan ngunit hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata ko, “Anong ginagawa mo dito?”
“Hindi ba’t ako dapat ang magtatanong n’yan sayo?” Malamig na tanong ko sa kanya, “Ano ang ginagawa mo dito kasama ang lalakeng ’yan?”
“Wala naman,” Napapikit siya sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko ngunit marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya na ikinagulat niya.
“Kate, alam ko na ang lahat, narinig ko na sinabi mo,” Tugon ko kasabay na pagtulo ng luha ko, “Kayo naman pala ni Kurt, it means wala na tayo, hindi ba?”
“I’m sorry, John pero si Kurt na ang nilalaman ng puso ko ngayon. Patawarin mo ako.”
Napatango na lamang ako at ngumiti ng peke, “Sana maging masaya kayo.”
Tumalikod na ako at nag-simulang humakbang paalis pero sa bawat hakbang ko ay tila para akong namatay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN
Bakit kaya halos lahat ng babae ang hilig magpasakit?
Now I know kung bakit LADIES FIRST ang naging tawag sa kanila at dahil pala sila ang unang nagpapasakit.
Nakakawalang-gana pang pumasok pag-nakikita ko lang naman ang pagmu-mukha ng dalawang iyon sa kahit saang sulok ng eskwelahan. Syempre, magkaklase pa kaming tatlo.
It’s Thursday evening and as usual ay nasa harap ako ng laptop ko para tapusin ang essay na gagawin namin. Ayaw na ayaw kasi ng teacher namin na naka-hand written at dapat encoded ang mga essays.
Sa sobrang lutang ko, mag-i-isang oras ng nakabukas lang ang laptop pero wala pa akong nasimulan sa mga balak kong gawin.
Mag-iisang buwan na din simula nung naghiwalay kami ni Kate at hindi naging madali sa’kin ’yun.
Maraming nagbago sa’kin tulad ng napabayaan ko na ang sarili ko, kahit activities ko sa school. Pumapasok nga ako sa paaralan ngunit para naman akong zombie sa itsura ko na halos walang tulog at kain.
Buhay nga ako, pero patay ang puso.
Isang buwan na rin akong hindi dumalo sa basketball practice namin alam ko na hindi rin naman ako makakapag-focus lalo na’t makikita’t makikita ko lang si Kate doon kasama ang Cheerleading Squad.
Ang daming tanong sa isipan ko, "Am I not enough?”
Baka nga ay hindi ako importante para kay Kate tapos ako lang ang nag-sa-sayang ng oras sa relasyon namin. May pa flex-flex pa ako sa social media, maghihiwalay rin pala.
Biglang may kumatok ng pinto kaya tumayo ako para maibuksan ’yon. Napagtanto kong si Mama pala ’yon.
“Bakit, ma? Anong kailangan mo?”
“Hindi ka na naman kasi kumakain kaya dinalhan kita ng pagkain,” Napatingin ako sa hawak niyang tray na may lamang mga pagkain at isang basong tubig.
Napangiti naman ako at kinuha iyon, “Sige po, kakain na lang ako dito. May ginagawa pa kasi ako.”
Ngumiti rin siya pabalik, “Kumain ka ng marami. Nag-alala na rin kasi ako sayo at baka magkasakit ka. Hindi ka na kumakain at lumalabas sa kwarto mo simula noong nangyari sa inyo ni Kate,” Napabuntong hininga si Mama kaya inilapag ko muna ang tray sa mesa at niyakap siya.
“Huwag ka mag-alala, ma at aayusin ko na ang buhay ko ngayon. Salamat sa pagti-tiis sa akin.”
“Syempre naman, anak kita e. Atsaka nga pala,” Kumalas naman siya sa yakapan session namin at nagsalita, “May bago tayong mga kapit-bahay at napakabait nila. Naging kaibigan ko na nga si Judy at bukas ng gabi ay dito sila magha-hapunan kasama ang buong pamilya niya.”
“I guess inimbita mo sila, ’no?”
“Oo, atsaka gusto ko rin na makilala sila ng husto. Nabalitaan ko nga rin na ’yung anak nilang babae na ka-batch mo pa nga at sa Agusan High rin pala papasok. Bukas nga siguro papasok na yun.”
“Bukas na papasok agad? Biyernes na kasi e, parang ang lugi naman nun.”
“Hayaan mo na basta nabalitaan ko lang din naman,” sabi ni Mama at inayos ang sarili niya bago tumungo sa pinto, “Inaantok na ako. Kumain ka ng marami at huwag mong kalimutan ang mga bilin ko. Good night!”
Napailing na lamang ako nung nakalabas na siya ng kwarto ko. If I know sinadya ni Mama na imbitahin sila para lang makisalo sa kanila.
Isang buwan na rin akong hindi masyado lumalabas at nakiki-bonding sa kanila pero sigurado na rin ako na aayusin ko na ang buhay ko. One month is enough for the pain she caused me.
Bumalik ako sa harap ng laptop at nagsimula ng mag-trabaho habang kinain ’yung mga pagkaing pinadala ni Mama.
Nang makaramdam ako ng antok ay na-desisyunan ko muna na mag-lakad lakad sa kwarto ko at baka may mga bago pa akong madiskubre sa paligid.
Tumungo ako sa may bintana ko and in the first time sa isang buwan ay binuksan ko na rin ang mga kurtina at bintana ko.
Napatingin ako sa kalangitan at kitang-kita ko ang ganda ng mga bituin at saktong napatingin ako sa kabilang bahay katabi namin.
Napatingin ako sa kabilang bahay nang may nakita akong may nakabili na pala dito. Sila ata ’yung bagong kapit-bahay na kwento ni Mama dahil sa mga package at kahon na hindi pa nabubuksan.
Nakita ko naman sa bintana nila na may mag-asawa ata and I find them sweet and happy. Sa tapat naman ng bintana ko ay mayroon ding isang malaking bintana na may kuna, ibig sabihin ay may sanggol sila sa pamilya.
“Siguro maging maayos din ang dinner na ’to bukas,” Sabi ko sa sarili ko at isinara ko na ang kurtina sabay ligpit ng mga pinagkainan ko para hugasan sa kusina.
Nang paakyat na ako ay hindi mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina.
Ayoko mang aminin, pero I think I’m attracted to that girl who passed from that window while carrying a baby.








