Customize readability
Aa

TAKSIL (Part 2)

All Rights Reserved ©

Summary

Ang Ikalawang libro ng Pagtataksil.

Status
Complete
Chapters
12
Rating
5.0 11 reviews
Age Rating
18+

“Feeling Good.”


Kabanata 36


Richard

“Diyan mo na lang ihinto, Kuya. Sabi naman kasi sayo ay wag mo na akong ihatid, eh. Naabala ka pa tuloy.” Sambit kong ng iparada na sa gilid ni Kuya Theo ang sasakyan nito.

“Ang sama ko naman kung hindi kita ihahatid matapos kitang pagurin. Isipin mo na lang na bayad ko ito sa pagtulong mo sa akin kagabi.” Sagot nito sa akin. Napangiti ako ng makita ko ang puti at pantay-pantay na ngipin nito ng ngumiti sa akin. Sarap talaga.

“Ay ganun! Akala ko ay bayad sa pagkantot mo sa akin kagabi. Hahaha.” Pagbibiro ko rito na pinatulan naman nito.

“Parang ganun na nga. Hahaha. Sorry ulit, ah. Medyo nakantot kita ng malala kagabi.” Paghingi muli nito ng paumanhin sa akin. Ang inosente lang ng pagkakasabi nito sa akin.

“Ayos lang iyon, Kuya Theo. Ang sarap nga, eh. Nag enjoy ako sa pag barurot kantot mo. Sana hindi talaga ito ang una at huli. Hahaha.” Sambit ko pa rito na ikinatawa lang nito.

“Wag kang mag alala. Tiyak na hindi ito ang huli.” Makahulugan naman nitong tugon sa akin. Natuwa naman ako sa sinabi nito.

“Ahhhmmm… Gusto mo bang umakyat muna sa condo para makapag kape, Kuya. Para makilala mo na rin ang mga kaibigan ko.” Paanyaya ko rito. Umiling ito sa akin.

“Next time na lang siguro.” Tugon nito sa akin.

“Ok. Sige, Kuya. Anyway, Salamat uli kagabi at sa pag hatid mo sa akin ngayon dito.” Pasasalamat ko ulit rito.

“Ano ka ba? Wala yun. Ako nga ang dapat na magpasalamat sayo. Ikaw ang nag alaga sa akin kagabi. I’m really glad that I met you last night. Hindi lang dahil sa pagtatalik natin.

Kung wala ka roon, baka kung ano na ang nagawa ko at nangyari sa akin. Basta sana alagaan mo palagi ang sarili mo ha. Ipagdarasal ko na sana kapag dumating na ang araw na sumugal ulit tayo. Ipanalo na sana tayo ng taong pinili natin. Para naman hindi na tayo muling masaktan.

Kaya kung ano man ang plano mo in the future, mag ingat ka. Lagi mong po-protektahan ang sarili mo, okay? At kung may kailangan ka ay huwag mag atubili na kontakin ako. Don’t be a stranger. Deal?” Mahabang saad nito sa akin. Natawa pa nga ako sa sinabi nitong deal. Lakas maka Deal or No Deal.

“Deal, Banker.” Natatawa ko tuloy na sagot rito.

Natatawa na lang din ito sa sinabi ko. Akmang bababa na sana ko sa sasakyan nito ng maalala ko na wala pa akong numero nito. Paano ko siya mkokontak at matitikman ulit.

Yun talaga ang concern ko ang matikman siya ulit.

“Pero, Kuya Theo. Hindi ko pa alam ang cellphone number mo? Paano kita mako-contact?” Sambit ko rito.

“Oo nga pala. Hahaha. I-follow na rin kita sa twitter at IG mo.” Tugon nito sa akin. Inabot nito ang cellphone sa akin.

Sinimulan kong itipa ang numero ko roon. Pagkatapos ay binalik ko na sa kanya iyon. Tinawagan agad nito ang numero ko.

“Salamat ulit, Kuya Theo. Una na ako. Mag ingat ka.” Paalala ko pa rito. “Wag bata ka pa..!” Sambit nito na ikinatawa ko. Nagyakapan muli kami at bumaba na ako ng sasakyan niya.

Hinintay ko muna siyang makaalis bago na ako pumasok sa building ni Samjo. Hindi mawala ang ngiti ko sa mga labi. May nadagdag na naman kasi sa Blue Book ko na mga natikman na masasarap na lalaki.

Excited na akong isali sila sa iniisip kong pasabog na ikawiwindang ni Emmet. Lalong lalo na si Stephen.

Papasara na sana ang elevator ng habulin ko iyon. Nagkagulatan pa nga kaming apat nila Andrei, Marikit at Samjo. Kakauwi lang din ba ng mga ito?

“Wow, ha! Shuta.. Ngiting ngiti, ah. Mabuti pa ang isang ito ay mukhang naka Happy Ending kagabi. Amoy na amoy ko pa sa kanya ang amoy ng kagagaling lang sa matinding pagtatalik. Umamin ka, Senpai.” Wika ni Marikit.

“Paano mo naman nasabi iyon? Punyeta ka. Ano ka ba, aso?” Wika ni Andrei rito. Ngumiti na lang ako at sumakay sa elevator kasama sila. Paakyat kami sa Penthouse.

“Iyon ang madalas kong maamoy kay Samjo, Boss. Kaya hindi ako pwedeng magkamali. Tama ba ako, Senpai. Yun ba ang kasama mo kagabi at nakatalik ng matindi?” Tanong sa akin ni Marikit na nakangiti. Nahiya pa akong sumagot pero sa huli ay sinabi ko rin.

“Hmhmhmhmhm… Oo. Kung hindi nga lang siya busy ay baka ipinakilala ko na kayo sa kanya. Siya pa nga ang naghatid sa akin rito.” Pag imporma ko sa kanila.

“Sayang naman. Hindi naman siguro kantot kalimot yan, Senpai?” Muling tanong ni Marikit sa akin. Nagugulat pa rin talaga ako sa mga choice of words nito kung minsan.

“Hindi naman. Nagpalitan naman kami ng numero at tiniyak niya na wag kaming maging estranghero sa isa’t isa. Kaya sigurado ako na magkikita pa kaming muli.” Tugon ko rito. Tumango-tango lang ito at ngumiti sa akin ng nakakaloko.

“Ano na nga pala ang nangyari sa lalaking nakahalikan mo, Boss Andrei?” Tanong ko rito pagkaraan. Sumimangot ito.

Mukhang hindi naging maganda ang nangyari sa gabi nila.

“Sabi ng wag mo kong tawagin na Boss, eh. Hindi ako, Boss. Okay. Andrei lang.” Sagot nito sa akin. Ngumiti lang ako bilang tugon.Bumukas na ang elevator. Sabay-sabay silang naglakad palabas. Nakabuntot lang ako sa kanila. Habang inaalala pa rin ang masayang nangyari sa akin kagabi.

Iba talaga ang naidudulot na saya sa kantot noh. Nakaka good vibes lang. Parang ang saya lang ng paligid.

Naputol lang ang pag iisip ko ng bumulaga na naman sa akin ang ganda ng lugar na tinutuluyan ko. Malulula ka talaga sa ganda ng building na ito. Kahit ilang buwan na akong nakatira rito ay hindi ko pa rin mapigilan ang di mamangha. Basta sumisigaw ng karangyaan ang lugar na ito. Ganoon kayaman ang pamilya nila Samjo.

Magka gayunman, kahit kailan talaga ay hindi mo kakakitaan ito ng pagiging mayabang. Ang simple pa rin nito at hindi nakaka intimidate.

“Ano na ang plano natin ngayon, Boss?” Tanong ni Marikit kay Andrei ng isa-isa na kaming nag siupuan sa mahabang sofa.

Agad na binuksan ni Samjo ang laptop niya at agad na may kinalikot doon. May kung ano itong ginagawa habang nakikinig lamang sa usapan namin. Palagi naman itong ganoon. Nasasanay na rin ako kahit paano sa ugali nito.

“Sa ngayon ay hahayaan muna natin siya. Hayaan natin na isipin niya na nakumbinse niya tayo na hindi nga siya si Isaiah. Ramdam ko kasi na may tinatago siya na ayaw niyang malaman natin. Yun ang kailangan nating tuklasin. Sa ngayon ay hayaan na lang muna natin siya.” Sagot nito kay Marikit.

“Shuta. Ibig bang sabihin nito ay mapapadalas ang punta natin sa Moaning Star. Seryoso? OMG… Ang saya-saya naman..!” Masayang sambit ni Marikit.

“Ano pa nga ba. Teka, paano mo ba nalaman ang lugar na iyon? Dinaig mo pa ako. Samantalang mas nauna ako sa inyo rito. Kung saan-saan ka talaga nakakapunta. Punyeta ka..!

Baka kung sino-sino na rin ang tinitikman mo, Marikit. Safe ka ba? Nagcocondom ba kayo kapag nakikipagtalik? Mag PrEP ka nga. Ikaw din, Richard. Ganyan na masyado kayong aktibo ay dapat umiinom na kayo nun. ” Sambit ni Andrei na nadamay pa ako.

“Kami lang talaga ang malibog? Nakakahiya naman sayo, Boss. Saka, nalaman ko lang ang lugar na iyon sa naka trip ko sa dressing room ng mall. And FYI, hindi kung sino-sino lang ang tinitikman ko, noh. Mga gwapo at nagsasarapan mga lalaki na may malaking burat. Saka safe ako lagi. Naka Prep na ako, remember. Itong si Richard lang ang hindi ko sure. Naka PrEP ka na ba, Senpai?” Saad ni Marikit at napatingin sa akin. Tumingin din tuloy sa akin si Andrei at Samjo.

“Mukhang hindi. I-schedule mo nga ito, Samjo. Iba na yung safe lagi. Hindi yung puro sarap lang. Isipin niyo din ang katawan niyo. Wag yung Sex Now, Die Later.” Sermon ni Andrei sa amin.

“Done. Sinend ko na ang details sa phone mo, Richard. Nandyan na rin ang appointment mo kay Doc Enrique Cruz. Alam na niya yun. Wala naman pasok ngayon. Kaya mamaya pag nakapag pahinga ka na ay pumunta ka na agad sa kanya.” Sambit ni Samjo.

Kakasabi pa lang ni Andrei rito pero nagawa na nito agad ang inutos dito. Nakakabilib talaga ito.

Napatango na lang tuloy ako. Ganun kabilis mag isip at kumilos ang grupo nila Andrei. Saka kailangan ko rin naman iyon. Since, tama ito na active nga ako sa pakikipagtalik.

Although, may condom naman ang mga nakakatalik ko. Pwera na nga lang noong nag gate crash ako sa birthday party ni Stephen. Speaking of that, Kumusta na kaya si Migs at Patrick? I hope nakatakas sila sa kamay ng grupo nila Stephen.

“Sige, mamaya pupunta ako. Tutal ay wala naman akong gagawin ngayon araw. Salamat, Andrei at Samjo.” Wika ko sa dalawa.

“Samahan kita, Senpai. May ipapacheck din kasi ako kay Doc Enrique. Feeling ko matutulungan niya ako sa ikukunsulta ko.” Nakangising sambit ni Marikit. Mukhang may kalokohan na naman itong gagawin.

“Tigilan mo, Marikit. Tantanan mo na. Utang na loob. Hindi ka makaka score dun. He’s not into that. Nakakalimutan mo yata.” Pagtutol agad ni Samjo.

“Paano ka naman nakakasiguro? Saka naniniwala ako sa kasabihan na try and try until you SUCK-ceed. Hahaha. Kaya hindi ko susukuan si Doc. Bibigay din yun sa akin. Makikita mo.” Natawa ang bruha sa pag emphasized ng suck.

Nacurious tuloy ako sa itsura ng doctor na sinasabi nila. Malamang gwapo ito. Si Marikit pa. Hindi ito pipili ng pucho-pucho lang. Tatanungin ko na lang siya mamaya tungkol doon.

“Hayaan mo siya, Samjo. Para mag dusa siya lagi sa rejection. Matigas ang ulo niyan. Anyway, salamat sa inyong tatlo sa pasorpresa niyo sa kaarawan ko. Grabe, na sorpresa talaga ako ng malala. Lalo na kay Isaiah. Thanks, guys.” Singit ni Andrei.

“Walang anuman, Boss. At Least may bago na tayong tambayan. Shuta. Hahaha. Saka aminin. Masasarap talaga ang mga lalaki ng Moaning Star. Sayang nga lang at hindi ako nakapag take home ng isa. Sabagay, may next time pa naman.” Sambi pa ni Marikit.

“Napaka libog mo talaga.” Komento pa ni Andrei na tinawanan lang ni Marikit.

“Basta samahan kita, Senpai. Mag beautyrest lang tayo. Para naman magandang-maganda at maging kaakit-akit tayo mamaya. Kapag chinecheck up na tayo ni Doc Enrique.” Wika nito sa akin. Tumango na lang din ako dahil medyo pagod at inaantok pa rin talaga ako.

“Oh siya at mauna na ako. Tinext na ako ni Kuya Jack at nandyan na raw siya sa baba. Happy Weekend, guys.” Sambit ni Andrei at tumayo na para umuwi na. Akala ko mag stay pa ito rito.

“Maliligo na rin muna ako bago mahiga para mas mahimbing ang tulog. Amoy usok pa ako. Ang baho ko, shuta. Mga alas tres na lang siguro tayo ng hapon umalis, Senpai.” Wika nito na nag lakad na papunta sa silid namin.

Tatayo na rin sana ako ng mag vibrate ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Pietro sa screen. Mukhang kukulitin na naman ako nito. Hindi ba ito napapagod. Amp.

Hindi ko na lamang pinansin iyon at tumayo na papasok sa silid namin ni Marikit. Masakit pa ang katawan ko. Ayoko muna makipag usap at alam kong pipilitin lang naman ako nito na tumira sa condo niya. Mamaya na lang din ako maligo pag paalis na kami ni Marikit. Baka kasi mawala ang antok kapag naligo pa ako.

Doc Enrique Cruz Private Clinic

“Mabuti na lang at ginandahan ko ang damit na sinuot ko. Napaka ganda naman pala sa clinic na ito. Hindi mo man lang sinabi sa akin. I’m sure ang mahal-mahal rin ng bayad dito, Marikit.” Sambit ko rito na nasa tabi ko.

Umupo muna kami sa may waiting area. Kami lang ang tao dun since by appointment pala ang pag punta rito. Gaya ng building ni Samjo. Sumisigaw rin sa karangyaan ang lugar na ito.

“Hayaan muna at hindi naman tayo ang mag babayad. Walang-wala naman ito kay Samjo. Barya lang ito. Kaya wag kang kwenta ka ng kwenta.” Sambit nito sa akin na parang balewala lang talaga na ginagastos namin ang pera ni Samjo.

“Yun na nga eh. Mas lalong nakakahiya dahil libre lang. Sa ibang clinic na lang kaya tayo magpunta. Yung pang masa lang. Ako na ang magbabayad. Nakakailang naman kasi rito. Hindi ako bagay dito, Marikit.” Pagpipilit ko pa rito.

“Ano ka ba, Senpai. Okay lang yan. Saka nandito na tayo. Inaasahan na tayo ni Doc E. Saka uulitin ko. Mayaman naman sila Samjo. Kaya niyang bayaran ang utang ng pilipinas. Kaya wag ka ng makulit dyan. Magugustuhan mo rito. Promise.” Sagot nito sa akin.

Wala na lang akong nagawa. Dinampot ko na lang tuloy ang magazine sa ilalim ng mesa at nag basa-basa. Hinahanda pa kasi ang mga kagamitan na gagamitin para sa amin. Mag papatest na rin kasi kami ni Marikit.

Mayamaya ay may lumapit sa aming lalaking nurse. Mukhang kilala na ito ni Marikit. Base na rin sa pagtawag ng lalaki sa pangalan nito.

Pota lang. Ang gwapo naman ng lalaking ito. Naputok ang suot na uniform nito sa braso dahil sa laki ng muscle nito roon. Mukha nga itong modelo o artista.

Kapansin-pansin rin ang nakabakat na kargada nito sa pantalon.

Doon na kasi ako tumingin pagkatapos kong makita ang mukha nito. Automatic naman kasi iyon diba? Ang linis din nito tignan. Mukha mabango. Hmhmhmhm… Natikman na kaya ito ni Marikit.

“Marco, ready ka na?” Tanong ng poging Nurse kay Marikit. Abot tenga ang ngiti ng gaga.

“Palagi naman akong ready sayo, Chadly. Ikaw pa ba?” Wika ni Marikit na ikina ngiti lang ng Nurse na lalaki. Pansin ko na parang lumaki pang lalo ang pagkaka bakat ng kargada sa suot na pantalon nito. O guni-guni ko lang iyon.

“Halika na ng masimulan na natin at mabilis tayong matapos.” Malalim na boses na sambit nito at inaya na si Marikit na pumasok sa isang silid.

Ako lang ba ang nagbibigay ng ibang kahulugan sa sinabi ng lalaki o talagang may gagawin talaga ang dalawa sa loob na pang SPG.

“Una na ako, Senpai. Ibibigay ko muna si Doc E, sayo. Ingatan mo siya, ah. Since, first time mo lang dito ako na ang magpapaubaya. Sa akin na muna itong si Chadly. Galingan mo kay Doc E, ah. Wag mo akong ipapahiya. Aja, Senpai.” Nakangisi nitong sambit sa akin.

Ano ba ang sinasabi nito na galingan ko. As if naman na matatype an ko yun. Saka sinabi na ni Samjo na hindi nga nag papatikim ang sinasabi nitong Doctor. Puro talaga kalokohan itong si Marikit.

Itinuon ko na lang muli ang atensyon ko sa pagbabasa. Grabe talaga si Cristy. Nananahimik si Amihan ay ginugulo niya. Wala talagang utak ang isang iyon. Nasa dapit hapon na pero puro ka negahan pa rin ang nasa utak. Mahilig mamuna at makialam ng buhay ng iba. Wala bang salamin sa bahay nila para makita niya ang sarili niyang itsura sa salamin. Gigil din talaga ako rito, eh.

“Mr. Richard Legaspi… Mr. Legaspi…” Narinig kong pagtawag sa pangalan ko. Sa sobrang stress ko sa nabasa kong chismis ay hindi ko na namalayan na tinatawag na pala ako. Pag angat ko ng ulo para tingnan kung sino ang tumawag ay napanganga na lang ako.

“Oh… My… Daaaaaad..!” Yun na lang ang nasabi ko ng makita ko ang itsura nito.

Shit…! Napaka gwapo. Kaya naman pala ganun na lang ang dedikasyon ni Marikit na akitin at makuha ito. May K naman pala.

Ang sarap mag lambitin sa napakalaking mga braso nito. Samahan mo pa ng malaking hita rin nito. Higit sa lahat ang bakat nitong pagkalalaki. Bukol na bukol iyon sa masikip na pantalon nitong suot.

Bakit ba kasi sobrang fit naman nun. Ganun ba talaga yun o sadyang malaki lang talaga ang kargada nito kaya naging ganun kasikip iyon.

“Mr Legaspi?... I’m Doctor Enrique Cruz. Pasensya ka na at ngayon lang ako natapos sa pasyente ko. Nag extend kasi ng nag extend ang session namin. Ready ka na ba? Tara na sa loob para naman mabilis tayong matapos.” Sambit nito sa akin.

Nakatanga lang ako habang nagsasalita ito. Parang musika kasi sa aking tenga ang pagsasalita nito. The way na dalhin nito ang sarili ay nakaka nganga talaga. Malakas ang kumpiyansa nito. Kaya naging malakas din ang dating nito. Lumalabas iyon.

Yung feeling na kahit wala ng kwenta ang sinasabi niya ay ayos lang at makikinig ka pa rin. Kahit hindi mo na iyon maintindihan kasi nakatanga ka lang sa mukha niya. Ganun ang nararamdaman ko ngayon.

“Mr. Legaspi, Are you okay?” Tanong nito tuloy sa akin. Kinalabit pa ako nito dahil nga natulala na lang ako sa angking kagwapuhan nito. Shit! Nakakahiya.

“Choke me, Daddy…” Hindi ko na namalayan na naisatinig ko pala iyon. Nangunot naman bigla ang noo nito sa sinabi ko.

“Huh?” Wika nito na halata ang pagkalito.

“Ano pong huh?” Tanong ko rito ng tila matauhan ako.

“Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi mo kanina.” Tugon nito sa akin.

“Ah, wala po yun Doc. Pasensya ka na. Medyo kulang pa kasi ako sa tulog. Hehehe.” Sagot ko.

Putang ina..! Muntik na ako roon. Nahahawa na ako talaga kay Marikit. Nawawala na rin sa katinuan kapag may gwapo sa paligid

“Okay, tara na sa loob para mabilis tayong matapos. Para naman hindi na natin maabala pa ang oras ng isa’t isa.” Wika nito sa akin at iginiya na ako sa isa ring silid.

Naglakad na ako papasok dahil mukhang istrikto at suplado ito.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang modernong opisina nito. Akala ko sa labas ay bongga na sa ganda. Maging sa loob pa pala ay sumisigaw rin ng kayamanan. Magkano kaya ang ginastos ni Samjo dito para lang macheck up kami. Pota talaga. Nakakahiya.

“Maupo ka, Mr. Legaspi.. Pasensya ka na at konti lang ang staff namin dito ngayon. Actually, ay dalawa lang kami ni Chadly. Nagkaroon kasi ng emergency ang mga empleyado namin rito ng sabay-sabay.

Sa ibang araw na lang nga sana namin tatanggapin ang appointment niyo. Kaya lang ay hindi naman namin mahindiin si Master Samuel.” Saad nito sa akin ng makaupo na ako.

Samuel. Sino yun? Si Samjo, ba ang tinutukoy nito? Teka. Samuel ba ang totoo niyang pangalan. Ilang buwan na akong nakatira sa kanila pero tunay na pangalan man lang ng lalaking libre na nag papatira sa akin ay hindi ko pa alam. Ang ungrateful ko naman. Saka, Master talaga?

“Okay lang. Wala pong problema.” Tipid na sambit ko rito. Nawawalan ako ng boses sa harapan nito. Ang gwapo kasi talaga. Nakakapanghina ang lakas ng dating nito.

“May mga tanong lang muna akong itatanong sa iyo bago tayo mag simula. Okay lang ba iyon?” Tanong nito sa akin pagkaraan maayos na nito ang dapat ayusin. Tumango lang ako rito.

Nagsimula ang tanong nito sa kung gaano ako kadalasan makipag sexual intercourse. Kung isang partner lang ba o multiple partner ang nakaka anuhan ko. Kung gumagamit ba ako ng condom o kung ano ano ang mga ginagawa ko kapag nakikipagtalik ako. Nasagot ko naman iyon ng maayos.

Pagkatapos ay kinuhaan ako nito ng dugo. Ilang saglit lang din ay lumabas na ang resulta ko.

“Good news. Negative ka naman sa mga test na ginawa natin sayo kanina. Now, alam mo ba kung ano ang PrEP at para saan ito ginagamit?” Tanong nito sa akin pagkaraan.

Sinabi ko lang dito kung ano ang nalalaman ko. Tapos ipinaliwanag na lang nito ang mga kulang sa sinabi ko. Ipinakita rin nito ang pill na maaring ipainom sa akin.

“PrEP, or pre-exposure prophylaxis is an HIV prevention method in which people who don’t have HIV, take HIV medicine to reduce their risk of getting HIV.

Since, active ang sex life mo. Bagay na bagay talaga ito sayo. Kasi if ever na may nakatalik ka na meron sakit. PrEP ang nagsisilbing proteksyon mo para protektahan ang katawan mo sa pagkalat ng virus sa katawan mo.” Mahabang paliwanag nito sa akin.

“Is it safe?” Tanong ko rito. Actually nag search na ako pero syempre, tanga tangahan tayo para mas humaba ang pag uusap namin dalawa ni Doc Enrique. Nakakatuwa kasi ito pagmasdan habang nagpapaliwanag ito,

“Yes, safe na safe. Wala naman itong side effects sa mga taong umiinom nito.” Sambit pa nito sa akin. Tumango-tango ako rito. Marami pa itong ipinaliwanag sa akin at nakinig lang ako rito ng mabuti. Isinapuso ko talaga ang lahat ng sinabi nito.

“So, pwede ko ng simulan na uminom nito ngayon?” Tanong ko pa rito. Sinabi kasi nito na araw arawin ko ang pag inom, kasi masyado nga daw active ang sex life ko at maraming lalaki ang pumasok na sa butas ko.

“Pwede naman. Bukas para hindi mo makalimutan ay itabi mo sa lalagyan ng toothbrush mo. Para pag mag sesepilyo ka na ay makita mo itong bote agad at hindi mo na makakalimutan ang uminom.” Tugon nito sa akin.

Tumango tango na lang ulit ako sa sinabi nito. Ilang sandali lang ay natapos na rin kami. Nanghinayang nga ako. Binigyan ako nito ng maraming condom at lubricant.

“That’s it. Tapos na rin tayo. May mga tanong ka pa ba? *umiling ako* Kung ganun ay hintayin mo na lang ang kaibigan mo sa labas.” Wika nito sa akin.

“Sige, Doc. Salamat po.” Tugon ko rito at lumabas na ng silid. Bitbit ang sangkatutak na binigay nito sa akin.

Paglabas ko ng silid na iyon ay sakto naman na bubuksan sana iyon ng lalaking hindi ko inaasahan na makikita ko roon. Nagkagulatan pa nga kaming dalawa.

“B-Braiz?!” Sambit ko rito na nanlalaki ang mga mata.

“Richard… Teka anong ginagawa mo rito?” Wika nito agad sa akin.

Napatingin ito sa condom at lubricant na hawak ko. Sabay napangisi ito ng makahulugan. Sa dami-dami ng lugar na pwede namin pagkakitaan dito pa talaga sa lugar na ito.

“Ah, nagpatest lang ako kay Doc E. Kumonsulta na rin tungkol sa PrEP. Ikaw ba, Anong ginagawa mo rito.?” Balik tanong ko. Sabay pasimpleng tago ng mga condom na hawak ko. Hiyang hiya ako sa nakita nito.

“Oh Braiz, ang aga mo naman yata ngayon?” Boses ni Doc Enrique na nanggaling sa likuran ko.

“May date kami ni Celine, Tito Enrique. Baka kasi makaligtaan ko.” Sambit nito sa kay Doc E.

Hindi ko tuloy malaman kung ano ang gagawin ko. Ginawa kasi akong sandwich ng dalawa. Mabuti sana kung sa kantutan ang eksenang ito. Mas masaya sana.

Kaya lang nag usap na pinagigitnaan ako. Ang awkward tuloy. Ayaw pa akong padaanin ni Braiz. Tila gustong-gusto nito na nandoon lang ako sa gitna nila.

“Ganun ba? Halika na rito at ng macheck na natin yang braso mo.” Sagot ni Doc E. Hindi pa rin umalis si Braiz sa daanan ko. Paano naman ako makakalabas.

“Wag ka muna umalis. Hintayin mo ako. Saglit lang ito, Richard.” Sambit nito sa akin ng tignan ko ang mukha nito. Tumango na lang ako rito. Pagkatapos ay saka pa lamang ito umalis sa harapan ko para bigyan ako ng daan. Doon na ako nakalabas.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Hinintay si Marikit na pagka tagal-tagal bumalik. Ano pa kaya ang ginawa nun at tila natagalan naman ito. Ako nga na nahuli ay una pang natapos.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Braiz. Nakangisi ito ng lumapit sa akin.

“Kumain ka na ba, Richard?” Tanong nito sa akin matapos umupo sa katapat ko. Sa tapat ko talaga siya umupo.

Talagang nakabuka pa ng malala ang mga hita nito. Ibinu-buyangyang sa akin ang kalakihan ng alaga nito na nakabakat sa pantalon nito ngayon. Syempre, hindi ko talaga maiiwasan na mapatingin roon. Tao lang ako na natutukso.

“H-Hindi pa. B-Bakit, Magpapakain ka ba?” Tanong ko na nabulol pa rito. Ang lakas ng loob kong biruin ito pero nabulol naman. Nakakahiya tuloy. Nakita kong napangisi ito sa akin ng wagas.

“Kung kakainin mo, bakit ko naman ipagkakait iyon sa taong nagugutom?” Balik tanong naman nito sa akin. Napaubo tuloy ako.

Nakakalusaw naman ito masyadong tumingin. Saka bakit ba ang gwapo nito. Tila mas naging gwapo pa ito ngayon.

“Kaya lang may date kayo ng girlfriend mo, di ba?” Wika ko rito. Yun kasi ang narinig ko na sinabi nito kay Doc E.

“Sinabi ko lang yun, pero wala naman talaga. Baka kasi utusan na naman niya ako. Hehehe. May hinihintay ka pa ba? Tara na at kumain na muna tayo bago mo ako kainin. Hahaha.” Natatawa pang sambit nito sa akin.

Akala mo naman nakakatawa ang joke niya. Ang corny kaya…! Hindi ko tuloy mapigilan na hindi kiligin. Shit. Ang arte ko.

“Baliw..! Wala kong pera. Saka hinihintay ko pa ang kasama ko.” Sagot ko rito.

“Sino ba kasing may sabi na magbabayad ka? Ako ang nag aya, kaya treat ko. Tara na, Richard. Itext mo na lang yung kasama mo na nauna ka ng umuwi. Makakauwi naman siguro iyon ng hindi ka kasama.” Pandedemonyo pa nito sa akin.

Tinitimbang ko kung sasama ba ako rito o hindi. Baka kasi magalit si Marikit kapag iniwan ko ito. Subalit ng tignan ko ang gwapong mukha nito na naghihintay sa sagot ko mula sa akin ay wala na akong nagawa pa. Nakakapanghina naman kasi tumitig ito.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Marikit. Hindi nito iyon sinasagot. Naka ilang tawag pa ako bago nito iyon sinagot.

“H-Hello, S-Senpai.. Uuuggghhh.. Shuta… Ganyan nga, Chad..ly Isagad mo pa.. AHHHHHhhhhhhh... Ay, s-sorry Senpai, andyan ka pala… Uuuggghhh… May kailangan k-ka?” Tanong nito.

Napatigil na lang ako sa sasabihin ko ng marinig ko ang pag ungol nito at ng halinghing ng isa pang boses na naririnig ko.

“S-Senpai… A-Andyan ka pa… Oh shuta… AHHHHHHHhhh..” Untag sa akin ni Marikit ng hindi ako sumagot sa tanong nito.

“Mauna na ako, Marikit. Mukhang matatagalan ka pa dyan. May pupuntahan lang ako saglit.” Sagot ko rito ng matauhan.

“S-Sige lang, Senpai. AHHhhHHHhhhh.. Shuta..! Hardfuck.. Uuuggghhh... Sa c-condo na lang tayo magkita.. AHHHhHHHhhhhhh. Shutainames…! AHHHHHhhHHHhhhh… Ang sarap ng pagkantot mo.. AHHHHHHHHhhhhhhh.. Baon na baon.. Shuta.. AHHHHHHhhhhh…” Wika pa nito na narinig ko.

Mukhang nabitawan na nito ang phone nito sa tindi ng pagbirada rito. Walastik talaga itong si Marikit. Hindi na ze-zero sa kantot. Ang usapan ay test lang. Hindi kantot. Nakakainggit tuloy.

Kung sa bagay ay parang ako lang din ito. Mukha kasing mapapalaban na naman ang dalawang butas ko sa gwapong lalaki na nakaupo sa harapan ko. Putang ina. Bakit ba kasi ang hirap tumanggi sa mga gwapo? Ang dali nilang mang uto.

“Okay na. Mauna na lang daw ako. Ano, Tara na?” Sambit ko rito at ibinalik na sa lalagyan ng magazine ang hawak ko. Napangiti ito at napatayo na rin sa upuan.

Sabay kaming naglakad palabas ng clinic ni Doc Enrique. Akala ko pa naman ay makakaisa ako kay Doc E. Pero gaya nga ng babala ni Samjo, ay mailap at hindi ganun trip ng lalaki.

Hanggang pantasya na lang yata ako sa kagwapuhan nito. Di bale, may pumalit naman sa kanya. Si Braiz. Hindi na rin ako lugi.

“Teka nga pala, Braiz. Kaano-ano mo nga pala si Doc Enrique? Bakit kayo magkakilala?” Tanong ko rito ng nakasakay na kami sa loob ng sasakyan nito.

Naglagay muna ito ng seatbelt sa katawan bago lumingon sa akin at sinagot ako. Ito na rin ang naglagay ng seatbelt ko. Nanuot tuloy sa akin ang pabangong gamit nito.

Versace Eros. Shit! Lalaking-lalaki ang amoy nito.

“He’s my Step Dad.” Swabeng wika nito sa akin. Pagkatapos ay pinaandar na nito ang sasakyan. Hala! Seryoso ba?

Ang gwapo talaga nito. Saka mas lalo yata itong naging fit. Hinahanda talaga nito ang sarili nito para sa magaganap na Mr. Le Grande University, Next Year.

“Bakit ang sarap-sarap mo ngayon?” Mahinang wika ko na sa sarili ko lang sinabi iyon pero narinig pa pala ng hayop. Napangisi tuloy sa akin ito ng sulyapan ako.

“Kasi kailangan kong manalo. Kasi may usapan tayo, di ba. Kahit anong place ang makuha ko ay tutuparin mo ang hihilingin ko. Akala mo siguro ay nakalimutan ko na.” Sagot nito sa akin.

Hindi ko naman iyon nakakalimutan. Natatakot lang talaga ako sa maaaring iutos o ipagawa nito sa akin. Baka kasi hindi ko kayanin.

Natatakot ka ba talaga, Richard. O naeexcite? Yung totoo. Wika ng epal na isang bahagi ng isipan ko.

“Yun ay kung mananalo ka. Wag ka muna pakasiguro, noh. Tandaan mo marami rin kasing gwapo na tulad mo ang kasali.” Pambasag ko sa masayang awra nito. Hindi naman ito naging apektado sa sinabi ko. Mas lalo pa ngang natuwa ito sa sinabi ko.

“Mananalo ako. Kaya ihanda mo na ang sarili mo. Sigurado akong mahihirapan, pero matutuwa ka sa ipapagawa ko sayo, Richard.” Makahulugang ngumiti pa ito sa akin.

Dineadma ko na lamang ang sinabi nito. Tutal malayo-layo pa naman iyon. Sila Andrei at Samjo nga ay kalma lang hindi iniisip ang kompetisyon na iyon. Parang wala lang kung umasta.

Saka feeling ko ay napilitan lang din sumali ang dalawa. Walang balak mag seryoso sa patimpalak na iyon. Balak na magpatalo yata ng dalawa na yun.

Bwisit kasi na Dean Macaspac na iyon. Siguraduhin daw na dapat mananalo ang bet namin. Ako talaga ang pinupukpok ng malala. Kaya para seryosohin ni Braiz ang kompetisyon ay binigyan ko ito ng ganun pangako.

Bahala na nga. Hindi naman siguro ako mapapahamak sa ipapagawa nito. Sabi naman niya ay ikatutuwa ko iyon. Yun nga lang ay may kasamang hirap. Aasa na lang ako siguro sa sarap na kaakibat nun.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang sasakyan nito sa isang fine dining restaurant. Nakarating na pala kami ng pasay ng ganun-ganun lang.

“Teka, Braiz. Mukhang mahal yata rito. Wag na lang dito. Kahit sa kfc na lang. Okay na ako dun.” Pigil ko rito na bumaba sa sasakyan.

“Hindi naman mahal dito. Sakto lang. Tara na, nandito na tayo. Saka hindi ka pang KFC lang. Hindi bagay sayo.” Wika nito at nauna ng bumaba sa sasakyan nito. Wala na akong nagawa pa kundi ang bumaba na rin ng sasakyan at sumunod rito.

Sinalubong kami ng babaeng receptionist at tinanong kung may reservation ba kami. Mukhang reservation pa ang tema rito.

“Yes. Braylle Mendoza.” Wika nito sa babaeng nagpapacute pa yata rito. Lumiwanag ang mukha ng babae ng makita ang mukha ni Braiz. Parang inalog pa nga nito ang suso nito habang tinitignan ang pangalan ni Braiz.

“This way, Sir.” Sagot nito at sinamahan na kami patungo sa pinareserve ni Braiz. Ang mokong ay nakapag pareserved na pala ng di man lang nasabi sa akin. Kaya pala pinipilit na dito kumain.

Kung makaliyad ng suso ang babae ay akala mo naman kalakihan ang hinaharap. Ang arte pa nito mag salita na halata mo talagang nagpapacute kay Braiz. Sarap patirin ng hinayupak.

Ang walang hiyang lalaki naman ay pinapatulan ang pagpapakita na motibo ng babae. Kaya mas lalong ginalingan ni Ate ang pag landi.

Teka. Bakit kailangan siya pa ang mag hatid sa amin. Hindi ba dapat nandun lang ito sa pintuan. Ito na rin ang nag abot ng menu sa amin ni Braiz. Waiting ka ghorl?

“Tawagin ka na lang namin kapag nakapili na kami ng oorderin, Miss.” Sagot ko rito na naghihintay pa sa amin. Sarap kutusan sa gums, eh. Masyadong papansin.

Sumunod naman ang babaeng hitad at iniwan na kami. Saka lang pinakawalan ni Braiz ang tawang kanina pa pala nito pinipigilan. Tinaasan ko lang ito ng kilay.

“Hindi ko akalain na ang cute mo pala mag selos, Richard.” Wika nito sa akin pagkaraan.

“Excuse me… Hindi ako nagseselos.” Singhal ko rito na tinawanan lang muli nito. “Saka sabi mo hindi mahal rito. Grabe. Ang mamahal ng presyo nito. Sana pala ay nag grocery na lang ako, Braiz sa supermarket at nilutuan na lang kita sa apartment mo. Mas marami pa tayong makakain.” Saad ko pa.

“Hayaan mo na. Minsan lang naman, eh. Saka nandito na tayo. Nakakahiya kung lalabas pa tayo. Baka kung ano pa ang isipin nila sa atin.” Sagot nito sa akin.

Sabagay, may punto naman ito. Saka nagtataka ako kung bakit nakapag pa reserved agad ito sa lugar na ito. Hmhmhm.. Mukhang may hindi ito sinasabi sa akin, ah. Feeling ko ay hindi biglaan ang pag aaya nitong kumain. Talagang may balak na itong magtungo roon. Nagkataon lang na nakita ako nito kaya ako ang inaya.

Inilapag ko ang menu sa lamesa at pinakatitigan itong mabuti. Tila nailang naman ito sa ginawa ko.

“What?” Tanong nito ng hindi na nakatiis pa.

“Umamin ka nga sa akin, Braiz. May date talaga kayo ni Celine, tama ba? Anong okasyon? Anniversary niyo ba? Kasi hindi aksidente na nakapag pa reserved ka na dito. Base sa napansin ko sa lugar na ito ay hindi basta-basta at simpleng fine dining lang ito.” Saad ko rito.

Ilang sandali pa ay nag buntong hininga ito sa akin. Mukhang may problema ito.

“Tama ka. Lakad sana namin ito ni Celine. Nakaplano na talaga ito. Kaya lang ay hindi natuloy. Wag ka sanang magalit sa akin at mag walk out.” Nag aalala na wika nito sa akin.

“Gago. Bakit ko naman gagawin iyon. Wala naman tayo sa teleserye. Saka wala naman tayong relasyon para ika-offend ko iyon. Ano naman ngayon, kung naging panakip butas lang ako sa nasirang date niyo ni Celine.

Ayos lang sa akin iyon. Makakalibre na nga ako ng pagkain, aarte pa ba ako. Hahaha. Pero sagutin mo muna ang tanong ko kanina. Ano ba ang okasyon? Saka, Bakit hindi siya ang kasama mo ngayon? May nangyari ba?” Sunod-sunod na tanong ko rito.

“Birthday ko ngayon. Nag away kami.” Sagot nito sa akin.

“Luh. Happy Birthday. Bakit hindi mo naman sinabi sa akin agad. Baliw ka talaga. Di sana nakapag handa man lang ako ng regalo na maibibigay sa iyo. Teka, may cake ba sila rito?.” Tarantang wika ko na ikinangiti nito.

“Salamat. Saka ayos lang. Okay na sa akin na hindi mo ako iniwan dito. Hindi na kailangan ng regalo.” Sagot nito sa akin.

“Hindi pwede. Kailangan may regalo ako sayo. Bakit nga kayo nag away ni Celine? Nambabae ka ba?” Tanong ko rito. Tinignan muna ako nito ng mariin bago nagsalita.

“No comment ako dyan. Umorder na lang tayo. May napili ka na ba na gusto mo?” Sagot nito sa akin pagkaraan. May pakiramdam ako na may kinalaman ako sa pag aaway ng dalawa.

Ngunit hindi ko na lang pinilit pa ito. Hinayaan ko na lang din ito na mag order ng kakainin namin. Nahihilo kasi ako sa presyo ng mga pagkain. Nanghihinayang ba ako dahil nga sa mahal nun. Kuripot pa naman ako.

Nagkwentuhan pa kami ni Braiz. Sinabi nito sa akin ang ginagawa nitong paghahanda sa kompetisyon. Desidido talaga ito na manalo.

Ilang sandali pa ay dumating na ang inorder namin. Kasabay nun ang pag iingay sa isang table na medyo malayo sa amin ng konti. Pero dahil sa pagbati ng “Happy Anniversary” ay napalingon tuloy kami ni Braiz doon.

Ganun na lamang ang gulat ko ng mapansin ko si Emmet at si Stephen. May isang lalaki roon na may hawak na violin at ang isa pa ay may saxophone naman na hawak habang tinutugtugan ang dalawa. Habang kinakantahan sila ng isang sikat na singer na si Moira DelaSerna.

Kilig na kilig ang mang aagaw na bakla habang katabi nito si Emmet.

Happy Anniversary? Seryoso? Nagpapatawa ba ito o sadyang bobo lang ito at hindi marunong magbilang ng buwan. Paanong naging anniversary iyon? Hindi pa nga umaabot ng kalahating taon ang relasyon ng dalawa.

Tang inang yan. Wala talagang utak ang isang to.

Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng inis, galit at matinding SELOS? Teka, totoo ba? Selos ba iyon?

Nakakaramdam ako ng selos na hindi naman dapat. Matagal ko ng pinatay ang kahit ano pa man na nararamdaman ko sa lalaking ito.

“Richard.. Uy, Richard.. Natulala ka na dyan. Kilala mo ba sila?” Tanong ni Braiz sa akin ng tumingin ako rito matapos ako nitong kalabitin.

“Sorry. Oo, Kilalang-kilala ko sila.” Sagot ko rito.

Ramdam ko ang matinding inis na umalpas sa boses ko. Gusto kong sumugod doon at ingudngod ang pagmumukha ni Stephen sa lamesa na naglalaman ng maraming pagkain. Kinalma ko muna ang sarili ko dahil ayokong masira ang kaarawan ni Braiz.

Hindi ko pwedeng hayaan ang galit o selos na ito ang sumakop sa buong pag iisip ko, dahil baka makagawa pa ako ng isang bagay na pagsisisihan ko sa bandang huli. Mabuti na lang din at hindi na nagtanong pa si Braiz sa akin. Kahit halata sa mukha nito na gusto nitong malaman ang pag iiba ng kilos at mood ko.

Magsisimula na sana kaming kumain ni Braiz ng lapitan muli kami ng babaeng humaharot dito kanina.

“Sir, Excuse me lang po. Pwede po ba lumipat na lang kayo ng ibang table. Baka kasi matuluan kayo ng tumagas na tubig. Nagkaroon daw po kasi ng problema sa may ikalawang palapag. Nag iingat lang po kami at baka sa kasagsagan ng pag eenjoy niyo sa pagkain ay magkaroon pa ng aberya. Sorry po sa istorbo.

Wag po kayong mag alala at sinasagot na po ng restaurant na ito ang bill niyo lahat. Wala na po kayong babayaran dahil sa pang aabala na nilikha namin. Pasensya na po muli, Sir.” Mahabang salaysay sa amin ng babae.

“No, it’s okay. Hindi talaga maiiwasan iyon.” Sambit ni Braiz rito. Sakto na nag sidatingan ang dalawang waiter na mag lilipat ng pagkain namin sa ibang lamesa. Okay lang naman sana iyon, kaya lang tila nananadya ang tadhana.

Mismong sa tapat pa kasi ng pwesto nila Stephen kami inilipat. Napatingin tuloy sa gawi namin si Emmet at nakita ko ang panandaliang pagkagulat sa mga mata nito.

Pagkatapos ay pumunta naman ang tingin nito sa kasama kong si Braiz. Sumama ang tingin nito sa lalaki na ikinataka ko naman.

“Happy anniversary sa inyo. Sana magtagal pa kayong dalawa at ipagpatuloy lang ang pagmamahalan niyo. Happy Pride…! Mabuhay ang mga nagmamahalan.” Wika pa ni Moira na narinig ko. Palakpakan ang mga tao na naroon.

Ngiting-ngiti naman si Stephen na hanggang ngayon ay hindi pa kami napapansin. Nang nakaupo na kami ni Braiz ay tinapatan ko talaga sa pagkakaupo si Stephen.

Gusto ko kasing makita nito ang pagmumukha ko. Nabalitaan ko na hanggang ngayon ay gigil na gigil pa rin ito sa paghahanap sa sumira sa birthday party nito. Wala pa rin itong ideya na ako ang lalaking hinahanap nito.

“Salamat, Moira. Sige na at kantahin mo na ang themesong namin ni Sweety. Yun talaga ang hinihintay namin.” Sambit ni Stephen at sabay kapit sa braso ni Emmet.

“May relasyon ba kayo ng lalaking kanina mo pa tinitignan?” Narinig kong sambit bigla ni Braiz sa akin. Napatingin tuloy ako rito.

Sakto lang iyon na natapos na rin mailipat ng dalawang waiter ang lahat ng pagkain sa mesa na kinalalagyan namin ngayon. Hinintay ko muna na makaalis sila sa harapan namin bago ko ito sinagot.

“Dati. Kaya lang pinagtaksilan ako at ipinag palit sa retokada na katabi niya ngayon.” Pag amin ko rito.

Bakas na bakas ang galit sa boses ko. Hindi ko kasi mapigilan. Bitter talaga ako hindi dahil sa nagseselos ako. Kundi nagagalit ako dahil bumabalik sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ng Stephen na ito.

“Kaya pala ganun na lang ang mga tingin na ibinibigay mo sa kanila. Lalo na doon sa lalaki. Yung totoo, Richard. Mahal mo pa ba?” Tanong nito sa akin na ikinagulat ko..

Hindi ako agad nakasagot sa tinanong nito. Sa totoo lang ay nahihirapan akong sagutin ang tinanong ni Braiz sa akin. Dati naman ay sigurado ako na hindi ko na siya mahal. Pawang galit na lang ang nararamdaman ko kay Emmet.

Kaya lang. Simula kasi ng may mangyari ulit sa aming dalawa nito, sa resort kung saan nag gate crash kami nila Lance at Simon.

Aminin ko man o hindi ay nag enjoy ako roon. Lalo na ng mahalikan ko muli ang labi nito. Parang bumalik talaga sa alaala ko ang masasayang pinagsamahan namin ni Emmet.

Ah, hindi. Siguro ay namiss ko lang talaga ang labi niya. Kaya siguro nakakaramdam ako ng ganito. Saka kumpara naman kay Braiz at sa mga lalaking natikman ko ay lamang na lamang sila kumpara sa gagong ex ko na ito.

Tama. Ganun lang siguro iyon. Saka hindi selos ang nadarama ko. Naipagkakamali ko lang iyan. Lalo na at parang ganito rin ang ginawa namin noon nag celebrate kami nung unang buwan namin magkarelasyon. Namiss ko lang siguro. Tama. Yun lang yun at wala ng malalim na kahulugan pa.

“Mahal? Hahaha. Nagpapatawa ka ba? Bobo na lang siguro ang mahalin ang tarantadong yan. Galit na lang ang nararamdaman ko sa kanya ngayon, Braiz. Especially sa taong katabi niya. Hindi lang nila ako sinaktan. Pinahirapan din nila ako araw-araw.

Mahabang kwento. Aabutin na tayo ng pagtatapos ng taon kung ikwekwento ko pa sayo ang lahat ng iyon.” Paliwanag ko rito. Tumango-tango lang ito sa akin at nagsimula na ulit kumain.

Kumain na lang din ako at hindi na muli pang tinignan ang dalawa. Habang naririnig ko ang pagkanta ni Moira ng “You Are My Sunshine.”

Ang baduy ng themesong nila sa totoo lang. Nakakaantok. Halatang hindi masyadong pinag isipan. Basta masabi lang na iyon ang themesong ay sige go na lang.

“OMG..! Nakakakilig talaga ang kantang ito. Kinikilig ako. Hindi ba, Sweety.” Maarteng wika pa ni Stephen. Akala mo may suso kung makipag inarte talaga ang gago.

Akala mo hindi galing sa AGAW ang lalaking mahal ngayon.

Ilang beses kong nahuhuli na napapatingin sa akin si Braiz at pagkatapos ay titingnan naman nito ang pwesto ng nasa tapat namin.

Hindi naman ito nagsasalita at kumakain lang ito. Pero ramdam ko na may gusto itong sabihin sa akin. Pinipigilan lang siguro nito.

Nang matapos ang kanta ni Moira ay nag palakpakan at nag hiyawan ang mga tao na nakapalibot kay Stephen at Emmet. Nag request pa ang mga ito ng “Kiss. Kiss. Kiss.”

“Awwww.. Ano ba kayo…? Nakakahiya naman... Sweety, Ano pagbibigyan ba natin ang hiling nila?” Maarteng wika ni Stephen.

Kailan pa ito nagkaroon ng HIYA. Hindi man lang ako nainform na mayroon pala itong ganun. Tapang ng apog nito.

Tumingin ako sa gawi nila at nakita ko na muling nakatingin sa akin si Emmet.. Hindi pa rin ako napapansin ni Stephen dahil nahaharangan ako ng katawan ng mga lalaking may hawak ng violin at saxophone. Maging si Moira ay nahaharangan ako.

“Sabi mo pinahirapan ka nila, Richard. Hindi kita pipigilan sa kung ano man ang binabalak mo na gawin ngayon. Susuportahan pa kita.” Sambit ni Braiz sa akin.

Napatingin tuloy ako rito. Ngumiti ito sa akin na para bang naiintindihan ako. Lumakas tuloy ang loob ko sa pag udyok nito.

Nang mga oras na iyon ay alam ko na ang gagawin ko. Ewan ko ba. Parang yun na lang din yata ang hinihintay na marinig ng tenga ko bago ako nag desisyon na tumayo sa kinauupuan ko. Nilingon ko pa nga si Braiz.

“Salamat.” Wika ko na walang tunog na lumabas sa bibig ko. Nag thumbs up lang ito sa akin.

Saka ako nag lakad papunta sa pwesto nila Stephen. Napatingin ang mga tao sa akin. Lalo na ng hinawi ko bigla si Moira. Ang laking bara kasi sa daanan ko.

“What the Fudge..! Anong ginagawa mo rito?” Wika ni Stephen sa akin. Halata ang pagkagulat sa mukha nito ng makita ako doon. Nginitian ko lang ito ng ubod ng tamis saka ako tumingin kay Emmet na nasa tapat ko, na kanina pa nakatitig sa akin.

“Happy Anniversary nga pala sa inyong dalawa. Akalain mo iyon, umabot na kayo ng isang taon. Parang kailan lang nung inagaw mo siya sa akin.” Sambit ko kay Stephen.

Nakarinig ako ng mga pag singhap sa sinabi ko. Napangiti muli ako. Mukhang hindi nila inaasahan na sasabihin ko iyon. Kahit sino naman aksi ang makakarinig ng ganun ay magugulat talaga.

“Anong pinagsasabi mo dyan? Baliw ka talaga.” Tugon sa akin ni Stephen na hindi maalis sa mukha ang pagkairita pero nagpanggap pa na natatawa.

“Relax, Stephen. Hindi ako mag e-eskandalo. Nandito ako para batiin kayo at ibigay rin ang regalo ko sa inyo, Stephen.” Sambit ko.

Kinuha ko ang baso na may lamang alak sa tapat ni Emmet.

“I would like to propose a toast to the happy couple. Sana maging matatag kayo sa kakaharapin niyong mga pagsubok. Cheers…!” Sambit ko. Nakisakay naman si Stephen sa ginagawa ko at kinuha ang baso nito. Tumingin ito sa paligid at ngumiti ng peke sa akin.

Pinagbangga namin ang baso namin saka kami uminom ng sabay. Nakita kong inubos ni Stephen ang laman na alak sa baso nito. Habang ako ay nagtira ng kalahati.

“Ooooppppss… Sorry. Wala nga palang baso si Emmet. My bad. Di bale, ito na lang. Cheers…!” Sambit ko. Tinaas ang baso sa harapan nito at ininom ang laman nun.

Saka ako lumapit sa pwesto nito at hinatak ito para halikan sa labi. Nagulat ito sa di inaasahan na ginawa ko.

Akala ko ay hindi nito ibubuka ang labi nito. Kaya nagulat ako ng binuka nito iyon at ininom ang alak na pinasa ko mula sa bibig ko.

Hanggang sa tinuloy-tuloy na namin ang paghahalikan ng maubos na nito ang alak na pinasa ko. Laplapan to the max ang nangyari sa pagitan namin.

Halos walang nakapaghanda sa ginawa ko kaya napanganga na lang ang mga tao na nasa paligid. Narinig ko pa nga ang pag singhap ng mga ito. Maging ang pag OMG ni Moira ng malakas.

Dahil sa tuwa ay mas lalo ko pang nilaliman iyon.

Laplapan kung laplapan talaga ang nangyari. Hindi na nga naka galaw si Stephen sa pwesto nito at tila na estatwa na lang sa pagkakaupo na nakatingin sa amin dalawa ni Emmet habang patuloy lang na nag kakainan ang mga labi namin.

Ang ingay pa nga ng naging pag hahalikan namin. Sinadya ko talaga iyon. Naging mas mapusok, marahas at halatang uhaw na uhaw sa isa’t isa ang ipinaramdam kong halik kay Emmet. Para naman lumitaw rin iyong nararamdaman ko sa mga nakakakita sa amin.

Hindi pa nga sana ako titigil kung hindi lang ako natauhan. Para kasing may sariling buhay ang labi at dila ko. Ayaw nun tumigil.

Kaya bago pa ako malasing sa halik na iyon ng malala ay buong pwersa ko ng tinigil iyon. Pagkatapos ay tumingin ako kay Stephen at sabay kinindatan ito.

“Ang sarap talaga ng labi ni Emmet, noh. Ganun na ganun pa rin. Walang pinagbago. Happy anniversary ulit sa inyong dalawa. Nagustuhan mo ba ang regalo ko, Stephen.? Kasi si Emmet mukhang nagustuhan niya yata, eh.” Sambit ko at muling nginisihan ito ng wagas.

Pulang-pula ang mukha nito. Halatang galit na galit ito. Hindi lang ito makapagwala ng malala dahil nasa public place kami at marami ang mga taong nanonood sa amin. Pinoprotektahan lang nito ang imahe nito. Pwe! Mapagpanggap talaga.


Let KritikoApollo know what you thought about this chapter!
Love this

17

Love this

Funny

3

Funny

Spicy

2

Spicy

Suspenseful

2

Suspenseful

Emotional

1

Emotional

Profound

0

Profound

Heartwarming

1

Heartwarming

Shocking

2

Shocking

Good Writing

1

Good Writing

Compelling Plot

2

Compelling Plot

Great Character

1

Great Character

Strong Dialog

4

Strong Dialog

author

hmmm may chance paba talaga Sila Emmet at Richard sa huli? 🤔 is there going to be an Emmet pov in the future

2 years