

aranew
6 years ago
Salamat sa paghihintay ng update. ❤
dwolfe24
6 years ago
Please check out my books and let me know what you think of them! Thank you!
TS Rose
6 years ago
We wondered if we could tempt you to read our novel, Psychic. It’s a mystery, a who-done-it, and a fantasy/science fiction, written in the modern world of hate, terrorism, pain and trauma. It could be a true story. Over 600 people have liked the tale, and it has 129 fantastic reviews from all over the world. For those who enjoy such things, there’s a delicious hidden romance too. This book is just as much for the male reader, because despite the main character being a woman, the co-hero is a 9-year old black boy from Africa, with a penchant for stealing things and the skills to succeed. We think you’ll enjoy it. We also do review swaps, if asked to.
mtkhlfmtkhlf
6 years ago
Hi can you follow me 💫❤️
Please 🙏😄
A Believer
6 years ago
I have a question for you. Only one. :)
If you had the chance to participate in the King Trials, would you?
Aurora has to, in order to salvage her home, obviate marriage, and secure her future. She must. But she is the only female, competing against eight other distracting male candidates.
During the King Trials, she unravels a plot that will put the realm of Urium in peril.
https://www.inkitt.com/stories/romance/600548
I hope you find, The King Trials, is to your liking.
Be safe, be well and stay blessed. xx
A.E. Roberts
6 years ago
Thank you for following me 😊
A Believer
6 years ago
I have a question for you. Only one. :)
If you had the chance to participate in the King Trials, would you?
Aurora has to, in order to salvage her home, obviate marriage, and secure her future. She must. But she is the only female, competing against eight other distracting male candidates.
During the King Trials, she unravels a plot that will put the realm of Urium in peril.
https://www.inkitt.com/stories/romance/600548
I hope you find, The King Trials, is to your liking.
Be safe, be well and stay blessed. xx
🌼astracelane🌼
6 years ago
Hello. I'm @Russialmira, a Filipina aspiring writer here in Inkitt. My stories are written in TagLish. All of my stories are here. Two of them are completed. And most of them have FANTASY genre. I hope you can follow me to be updated for future stories. Keep safe and God bless.
Russialmira Stories:
1. Luna Healer (Alrosa Series #1) - Completed
2. Gateway Of A Fancy Touch - Completed
3. Crystal Legionnaires
4. Taste Of Magiya
5. Explosion Of Mysteries
6. Lavender's Blue (Alrosa Series #2)
7. The Curse Of The Golden Flower (Alrosa Series #3)
8. Mirage Booth (Alrosa Series #4)
9. Nymph In The Moonlight (Alrosa Series #5)
Bea Bricenio
6 years ago
#EU_OneShotStory
Title: " IF I LET YOU GO "
" Ano ba kasi ang problema at bakit bigla ka nalang nakikipaghiwalay Love? Ano ba ang kasalanan ko? Okay pa naman tayo kahapon ah! Nagcelebrate pa tayo ng 5th Anniversary natin tapos ngayon makikipaghiwalay kana?! Are you pranking me?!" Sabi ko at nagsisimula ng maglabasan ang mga luha ko.
" I'm sorry Cass, pero gusto ko ng matapos tayo... Ayoko na... nagsasawa na akong umintindi kapag sinusumpong ka ng toyo mo. Hindi ko na kaya ang pagiging childish mo masyado. Let's end this relationship. Gusto ko ng mature na babae hindi isang isip-bata na kagaya mo!" sabi ng boyfriend ko pagkatapos ay umalis na agad siya sa harapan ko pero bago paman siya makalayo may sinabi pa siya na hindi ko maintindihan kung bakit niya yun sinabi. " Please let me go Cass, it's for your own sake..." huling narinig ko sa kanya bago niya ako tinalikuran.
Siya ang boyfriend kong si Skye. Pagkalipas ng 1week pagkatapos mangyari yun ay nakita ko siya sa bahay nila nung napadaan ako at hindi ko talaga naisip na iyon ang dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay sa akin.
" Skye? Ito ba ang dahilan kung bakit ka biglang nakikipaghiwalay sa akin?! Dahil nagkabalikan na kayo ng ex mo?! I thought you hated her… " usal ko habang nakayuko. Hindi ko sila kayang tignan na sweet sa isa't isa.. sinusubuan siya ng pagkain nung babaeng walangya.
" Cass, anong ginagawa mo dito?" Sabi niya na parang nagulat na nakita ko sila ng ex niya na naglalapungan.
" Napadaan lang ako at hindi ko alam na ang ganitong eksena ang makikita ko pagdaan ko. Pasensya na sa istorbo. Siga pakasaya kayo! Mga manloloko!" Pagkatapos ay umalis na agad ako dahil hindi ko na mapigilan ang aking mga luha sa pag-uunahang lumabas.
At ang walangya! Hindi man lang ako sinundan o hinabol! Kainis talaga! Mahal pa niya talaga siguro yung ex niya kaysa sa akin... If i let him go, will he be happy? Kasi kahit break na kami hindi ko parin siya kayang i-let go eh... mahal na mahal ko talaga siya. Kasi sa nakikita ko kanina kahit nagkabalikan na sila ng ex niya, nakikita ko na hindi siya masaya kaya hindi ako naniniwala na hindi na niya ako mahal. Hindi ako titigil.
Makaraan ang ilang araw pumunta ako sa park kung saan palagi naming pinupuntahan noon para kumain ng street foods at dirty ice cream, at sa kasamaang palad nakita ko na naman sila doon.
" Say ahh Baby..." sabi ng haliparot na babaeng kasama ni Skye na sa pagkakatanda ko ay si Nathalie habang sinusubuan ng fish ball si Skye.
Tinanggap ito ni Skye ngunit hindi man lang siya ngumingiti. Nagulat si Skye sa biglaan kong paglapit sa kanila.
" Skye please, I know you still love me. Please tama na ang kalokohan na ito. Kung prank mo lang ito fine! Successful na ang prank mo. Please bumalik kana sa akin. Kasi hindi na nakakatuwa eh... nasasaktan na ako..." sinabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa mga mata niya. At doon ko nakita ang lungkot at pag-aalala ngunit agad din niyang binalik sa matang walang emosyon at sumabat na si Nathalie sa usapan bago pa man makasagot si Skye.
" Ano kaba Cassandra! Di ba hiniwalayan kana ni Skye! Ano pa ang ginagawa mo dito! Desperada ka talaga no! Tanggapin mo nalang kasi na hindi ka na niya mahal at mas minahal niya ako kesa sayo! Kaya get lost! Istorbo ka sa date namin! Skye baby paalisin mo na nga siya nakakairita ang mukha niya eh..." sabi niya kay Skye na tahimik lang nakikinig sa amin at binalingan niya ako.
" Cassandra umalis kana. Tanggapin mo na na wala na tayo at wag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa akin. Can't you see? I'm happy without you. So please kalimutan mo na ako. Marami pa namang ibang lalaki dyan. Wag mo ng ipilit ang bagay na hindi na pwede. Be happy Cass. Be happy even without me." Sabi niya at nauna na siyang maglakad paalis at iniwan si Nathalie na agad naman siyang sinundan nito.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi siya ang Skye na minahal ko ng 5yrs. Ibang Skye iyon. Dahil ang Skye na kilala ko ay ang lalaking mahal na mahal ako na hindi ako kayang saktan. Umiiyak ako habang tinitingnan sila palayo. Hinabol ko sila bago paman sila mawala sa paningin ko. Hindi ko siya kayang bitawan nalang ng basta basta at buti nalang at naabutan ko pa siya at hinila ko siya sa braso niya.
" Skye titigil lang ako sa paghahabol sayo kung sasabihin mo mismo sa akin ngayon na hindi mo na ako mahal. Na hindi mo na ako kailangan. Na hindi kana masaya sa akin. Na iwan na kita. Kasi nasasaktan na ako eh... kung gusto mo talagang iwan kita at masaya kang wala ako. Gagawin ko iyon Skye para sayo. Para maging masaya ka... Love ano ba ang nangyari sa atin. Hindi naman tayo ganito dati eh.. Oo nag-aaway tayo dati pero hindi matatapos ang araw na hindi tayo magkakabati. Please... i really love you My Skye ... " umiiyak kong sabi habang nakatingin ako sa mga mata niya. Ang lalaking mahal ko hindi niya gustong iwan ko siya. Kaya gusto kong makita mismo sa mga mata niya ang sagot niya. Ngunit mas lalo akong naiyak sa naging sagot niya.
" I don't love you anymore. Lumayo kana sa akin. Let me go! I don't want to see your face! I don't want to hear your pathetic voice! Please get out of my life! Huwag ka ng desperada! Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon? Para ka nang baliw! You're so ugly! Tanggapin mo nalang na wala na tayo. Please let me go." Sabi niya habang nakatingin mismo sa mga mata ko. Hindi ko na kaya pang marinig ang iba pa niyang sasabihin.
" If I let you go, will you be more than happy Skye?" Nanghihina kong sabi sa kanya. At habang sinasabi ko yan umaasa parin ako na sasabihin niyang wag ko siyang bitawan. Pero tama nga ang sabi nila, wag kang mag assume para di ka mas lalong masaktan. At mas lalo akong nanghina sa naging sagot niya.
" Yes. I will be more than happy If you get out of my life so get lost." Matigas niyang sagot sa akin at iniwan akong umiiyak. At iyon na ang huli kong kita sa kanya.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay umalis na ako at nagpakalayo-layo. Pumunta ako sa Tita ko sa province at doon muna nagstay to breath some fresh air. Tinanggap ko na sa sarili ko na wala na talagang kami. Oo mahirap. Nahihirapan akong tanggapin. Tinatak ko sa aking isip na walang forever para sa aming dalawa, sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na siya. Ayoko ng makarinig ng balita tungkol sa kanya. Makaraan ang dalawang buwan kong pananatili sa province tumatawag sa akin ang mga kaibigan ni Skye, pero dahil ayoko ng makipag-usap sa lahat ng may connection kay Skye ay hindi ko ito pinapansin at kina-cancel ko ang mga tawag nila.
Hanggang sa dumaan ang tatlong buwan ay naisipan kong bumalik sa bahay namin. Handa na akong harapin si Skye kung sakali mang magkrus ang landas namin doon. Alam kong di pa talaga ako totally healed. Hindi sapat ang ilang buwan para kalimutan siya. Kaya naghanda na ako para bumalik. Masaya akong nakabalik na ako at hindi na masyadong masakit ang ginawa nilang panloloko sa akin.
"Akala niya hindi ako makakahanap ng ibang lalaki na magmamahal sa akin? Hah! Iyon ang akala niya! Ipapakita ko sa kanya na di na ako apektado sa kanya!" Sabi ko sa aking sarili habang naglalakad ako pagbaba ko sa tricycle na sinakyan ko galing sa terminal ng bus.
Bago makarating sa amin ay madadaanan ang bahay nila ni Skye na limang bahay lang mula sa kanila ay bahay na din namin.
Pagkadaan ko sa bahay nila ay tumigil muna ako saglit dahil nakita ko siya sa bintana nila na nakatingin sa akin at nakangiti. Nagtataka ako kung bakit siya nakangiti sa akin. Kasi ang huli namin pag-uusap ay grabe ang iyak ko nung tinalikuran nya ako.
" Aba! Anong karapatan niyang ngitian ako pagkatapos ng ginawa niya! Kapal talaga ng mukha! Hmp! Makaalis na nga!" Bulong ko sa aking sarili at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bahay namin.
Pagdating ko sa bahay ay malulungkot ang mga mukha ng mga kapatid ko. Nilapitan ako ng kapatid kong si Castell at niyakap.
"Ate! Bakit ngayon ka lang umuwi! Huhuhu
Ate hindi mo naabutan si Kuya Skye!" Sabi ng kapatid ko habang umiiyak na nakayakap sa akin.
"Bakit umalis na ba sila ng ex niya? Nangibang bansa na ba sila? Edi buti sa kanila at ng maging payapa ang buhay ko dito. Atsaka pwede ba huwag na natin siya pag-usapan. Kalimutan na natin siya dahil nag momove-on na ako sa kanya. " Sagot ko sa kapatid ko na di parin tumitigil sa pag-iyak. Ngunit sa aking isip ay may nabuong tanong.
"Sandali nga, kung nangibang bansa na sila, bakit nakita ko siya doon sa kanila? Ningitian pa nga ako ng ugok na yun eh! Kapal talaga ng mukha nun! May gana pang ngumiti sa akin." Sabi ko at bago paman makasagot ulit ang kapatid ko ay dumating na si Mama at hindi ko alam kung saan siya galing. Humahangos siya at niyakap niya ako at gaya ng kapatid ko ay malungkot din siya. Kaya nagtaka na ako kung bakit malungkot ang mga mukha nila.
"Mama saan ka po galing? At bakit ka humahangos? Tumakbo kaba?! Mama naman baka atakihin ka na naman ng rayuma mo niyan huh! Mama talaga hindi nag-iingat eh... atsaka bakit ganyan ang mga mukha nyo? Ano bang nangyari habang wala ako dito?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya dahil naweweirduhan na ako sa mga kinikilos nila.
" Anak wala ka bang natanggap na tawag galing sa mga kaibigan ni Skye?" Sagot ni mama na seryosong nakatingin sa akin.
"Mama hindi ko sinasagot ang mga tawag nila simula nung umalis ako dito. Lahat ng may connection kay Skye kinalimutan at iniiwasan ko na. Atsaka diba sabi ko wag na natin siya pag-usapan. Eh bakit siya ang topic natin ngayon? Pati itong si Castell yung lalaking yun agad ang pangbungad sa akin pagdating ko." Sagot ko kay mama na naguguluhan na sa mga nangyayari.
"Kaya pala hindi mo alam kasi hindi mo sinasagot ang tawag nila. Kapag tumatawag ako ayaw mo namang nababanggit ang pangalan ni Skye." Mahinahong sabi ni mama sa akin.
"Sabi nitong si Castell wala na daw yung lalaking yun kasi umalis na. Edi good for him! Magsama sila ng ex niyang yun!" Sagot ko kay Mama na ngayon ay nakatitig sa akin at malungkot ang mga mata. Bago paman ako makapagsalita ulit. Nagsalita na si mama na ikinagulat ng buong pagkatao ko.
"Oo anak wala na nga si Skye. Pero hindi sila magkasama ng ex niya. Siya lang ang nawala. At hindi na siya babalik pa." Seryosong sabi ni mama na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko parin masyadong maintindihan o ayaw lang intindihin ng utak ko dahil natatakot ako.
"You mean naghiwalay din sila nung ex niya Ma at nagpakalayo-layo na din siya? Hindi ko maintindihan! Pwede sabihin niyo nalang sa akin Ma kung ano talaga ang nangyari kung paanong pagkawala ang sinasabi mo? Maliban sa pagkawala na namatay siya eh wala na akong ibang maisip kong ano." Natigilan ako sa aking sinabi. At bigla akong napatingin kay Mama at umaasang hindi yung pagkawalang huli kong binanggit ang nangyari.
"Anak huminahon ka muna... mas mabuti pa sigurong pumunta ka sa bahay nila anak para malaman mo. Tandaan mo nandito lang kami." Pagkatapos sabihin yun ni mama ay dali-dali na akong lumabas ng bahay at tumakbo papunta sa bahay nila Skye. Naiiyak na ako kahit hindi pa masyadong malinaw sa akin ang lahat.. Kahit di sabihin ni mama ay may ideya na ako sa mga nangyayari.
Pagdating ko sa bahay nila ay naabutan ko ang mga kaibigan, kamag-anak at mga magulang ni Skye na nakaitim at puting damit at malulungkot ang mga mukha. Ang mama niya na umiiyak habang nakatingin sa parihabang kahon na nasa harap. Tumingin silang lahat sa akin pagdating ko. Lumapit ako kay Tita Selene na mama ni Skye na umiiyak habang yakap ng kanyang asawang si Tito Cris. Hindi pa man ako tuluyang nakalapit ay bumuhos na ang mga luha ko.
Pagkalapit ko ay niyakap ako ni Tita Selene habang humahagulgol na ako ng iyak. Nasa parihabang kahon ang lalaking pinakamamahal ko. Ang lalaking dahilan kung bakit ako umalis para makalimutan siya. Ang lalaking walang iba kundi si Skye. Nakahiga sa kabaong at payapang nakapikit. Maputla, wala ng buhay.
Binuksan ko ang salamin ng kabaong at niyakap ko si Skye. Niyakap ko ang malamig niyang katawan. Ang dating katawan na mainit na yumayakap sa akin tuwing kasama ko siya, na ngayon ay isa ng malamig na bangkay.
Ang dating lalaking tanging nagpapasaya sa akin at ang mapang-asar niyang ngiti, na ngayon ay di ko na masisilayan pa.
Niyakap ako ni Tita Selene. Nagwawala na ako sa harap nila. Umiiyak ako na parang baliw. Ngunit di ako pinapakawalan ni Tita sa kanyang mga yakap. Huminahon ako. Pero di parin ako tumitigil sa pag-iyak.
"Skye ang daya mo naman! Maghihiganti pa ako sayo eh! Ipapakita ko pa sayo ang lalaking ipapalit ko sayo eh! Skye okay lang sa akin kahit maging kayo ni Nathalie ulit basta buhay ka lang! Basta nakikita parin kita! Pero bakit ganito? Bakit di mo ako nahintay! Bakit Di mo sinabi?!" Hagulgol kong sigaw. Ngunit patuloy parin akong niyayakap ni Tita.
"Tita ang daya ni Skye... nang-iiwan nalang bigla... mahilig talaga siya sa mga surprises tita. Tita nagalit ako ng sobra kay Skye eh... kasi binibigla niya ako... gumagawa siya ng decision bigla. Akala ko kanina masaya na siya kasama si Nathalie kasi nakita ko siya sa kwarto niya kanina at nakangiti sa akin... Tita nakangiti sa akin si Skye kanina nung nakita niya ako... " para akong batang nagsusumbong kay Tita. Ngunit walang sagot si Tita. Patuloy lang siya sa pag yakap sa akin.
Nung mapagod na ako sa pagwawala, medyo huminahon na ako at nakaupo na kaming dalawa ni Tita sa harap ng kabaong ni Skye. Pero patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko. Doon na sinabi sa akin ni Tita ang mga nangyari.
"Naalala mo ba nung nagcelebrate kayo ng 5th anniversary nyo?" Naaalala ko yung sandaling masayang masaya kami ni Skye na nagcelebrate at naalala ko pa nun ang sinabi niya bago niya ako hinatid sa bahay.
"Love, kahit anong mangyari. Mahal na mahal kita. Lahat ng gagawin ko ay may rason at para iyon sayo. Dahil ayokong nahihirapan ka." At hinalikan niya ako sa aking mga labi nang medyo matagal at pagkatapos nun ay hinatid na niya ako.
" Kinagabihan nun nakuha niya ang result ng pagpapatest niya. Naisipan namin siyang ipatest nung madalas namin siyang nakikitang nanghihina. At doon namin nalaman na nasa final stage na ang Brain tumor niya. Akala namin noon gumaling na siya. Kasi hindi na naman siya inaataki ng sakit niya. Pero hindi namin alam na tinatago pala sa amin ni Skye ang totoong sitwasyon niya para hindi kam mag-alala. Hanggang sa hindi na naagapan at may taning na ang buhay niya. Pero sabi niya sa akin na ayaw ka niyang matali sa kaniya at ayaw ka niyang makitang nasasaktan habang hinihintay na maubos ang oras niya. Mas ginusto niyang bitawan ka at saktan para ikaw na mismo ang lumayo sa kaniya. Si Nathalie ang naging kasama niya dahil nalaman ni Nathalie ang kondisyon niya nung minsang bumisita siya dito sa bahay. Kaya I sinabi niyang tutulungan niya si Skye. Kinwento lahat sa akin ni Nathalie ang mga nangyari kapag nagkikita kayo ni Skye na kasama siya. Nung time na nagkita kayo sa park, nagkulong sa kwarto nun si Skye pag-uwi at naririnig ko ang iyak niya sa labas ng pinto niya. Sinabi ko sa kanya na sabihin sayo para maintindihan mo, pero ayaw niya talaga dahil malapit na ang oras niya at ayaw niyang mahirapan ka sa pagkawala niya." Humahagugol ako habang sinasabi iyon ni tita at umiiyak din si Tita habang kinukwento sa akin ang nangyari.
"Habang lumilipas ang araw, palala ng palala ang kondisyon niya, at nung time na yun ay nalaman ko sa mama mo na umalis ka at pumunta sa province. Inuutusan ko ang mga kaibigan ni Skye na tawagan ka at ipaalam sayo ang sitwasyon ni Skye pero hindi mo raw sinasagot. Naiintindihan namin yun kasi di mo alam ang kondisyon ni Skye at yun din naman ang gusto ni Skye. Sabi ng doctor na 2months nalang daw ang itatagal ni Skye. Naging masaya kami nung umabot ng malapit na 3months ay lumalaban parin siya at ang akala naming bumubuti na ang kalagayan nya ngunit nagkakamali kami. Pinipilit lang pala niyang lumaban kahit hirap na hirap na siya kasi umaasa siya na pagdating ng 3months ay babalik kana. Pero hindi kana talaga niya nahintay. Bumigay na ang katawan niya. May ipinabibigay siya sayo Cass…" patuloy kami sa pag-iyak ni tita at ibinigay niya sa akin ang phone ni Skye na may wallpaper pa naming dalawa. Kuha ito nung 5th anniversary namin. May nakafolder na may pangalang "Hear me My Cass".
Medyo lumayo ako sa kanila. Lumabas muna ako at pumunta sa likod ng bahay nila na may hammock kung saan dito kami dati tumatambay ni Skye. Pinindot ko ang folder at may nakita akong voice recorded. Pinindot ko agad ang play button.
"My Love Cass." Nang marinig ko ang kanyang boses ay napaiyak na naman ako. Halata sa boses niya na nahihirapan na siya sa kondisyon niya. Pinagpatuloy ko ang pakikinig. Matagal na katahimikan bago siya nagsalita ulit.
"I know you hate me Love. I'm sorry for causing you pain. But I prefer this way. Mas gusto ko na kamuhian mo ako kesa makita mo akong nanghihina and slowly dying. I can't take that. Hindi kita kayang makitang nahihirapan at nasasaktan dahil sa pagkawala ko. I'm really sorry kung hindi ko sinabi sayo ang kondisyon ko." At narinig ko siyang huminga ng malalim. Bago nagpatuloy. Parang pinipigilan niyang umiyak.
"I hate seeing you with someone else, pero kakayanin ko para makita kang masaya kahit hindi dahil sa akin. I think this is the end. I will love you always. I will watch you from a far. You'll always be in my heart forever. Please be happy. Be happy My Love. Be happy My Cassandra". At natapos ang voice record. Humagulgol ako ng iyak habang yakap ang phone ni Skye.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa hammock. Pakiramdam ko dinuduyan ako. Kaya dumilat ako, pagkadilat ko nakita ko si Skye sa harap ko na nakahawak sa hammock habang nakangiti ng matamis sa akin. Kagaya ng ngiting nakita ko sa kwarto nya kanina. Nakita ko siyang onti onting naglalaho. Hinabol ko siya. Ngunit nakangiti parin siya sa akin hanggang sa tuluyan na siyang nawala. Humagulgol na naman ako ng iyak.
"Skye huwag kang mag-alala… magkikita din tayo ulit. Malapit na. Hintayin mo ako Skye… We will be together forever soon. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng mga kailangan ko para sa family ko, magkikita na ulit tayo." Pagkatapos kong sabihin yun ay nahihirapan akong huminga. Kaya dali dali kong kinuha ang mga gamot ko sa aking mini sling bag na dala dala ko palagi at ininom kaagad. Ng medyo maayos na ang paghinga ko umalis na ako sa lugar na iyon.
THE END.