PROLOGUE
Kasalukuyang na sa isang concert ang grupong SB19 ng may mapadaan sa likod ni Pablo, hindi niya alam na nadala niya ang magnet na inimbento ng kaniyang ama, hawak niya 'yon dahil nakapa niya iyon sa kaniyang bulsa, pero nung na sa palad niya na 'yon ay para itong nahihila ng isang bagay hangga't dumikit ito. Dumikit sa isang tao!
Tinanggal niya ito sa braso niya at binigay niya ulit ito ng nakangiti sa babae.
“Ito baka mawala pa, baka mahalaga sa iyo 'yan.” Nakangiting bigay ni Pablo sa magnet na dumikit sa kaniya at sabay alis para puntahan pa ang ibang fans
Gulat na gulat naman ang babae, halos malaglag ang panga niya sa gulat sa nasaksihan.