I: My Beloved Lily
Suzette Pov
I believe fairytale is better than reality kaya simula bata palang ay nahiligan ko ng magsulat at nabubuhay ang aking kaibuturan sa paglikha ng sarili kong mundo, sa ngayon ako ay abala sa pag sasa-ayos ng aking entry sa pinasukan kong writing contest.
I was born with disability called celebral palsy the thing is my situation is not worse than the usual everyone thinks because i'm only affected physically not mentally, i just can't walk like the others and my left hand can't move normally also.
“Itigil mo muna ang pagtitipamo Suzette at inumin mo 'tong kape bago mo ituloy ang ginagawa mo.” tawag atensyon sa'kin ni mama na inilapag sa desktop ang kape saka tumabi sa'kin.
”Mamaya na 'ma, tapusin ko muna itong ginagawa ko.” tugon ko at binalingan siya ng mabilisan na tingin.
”Simula pa gabi ay 'yan na lang ang tinututukan mo, nakailang pilas ka na ng kwaderno sa kakasulat mo ng mga kwento at tula 'nak pati rin sa computer.” ani nya na hinagod pa ang likod ko.
”Hindi naman kasi nagtutugma mga sinulat ko habang matagal kong binabasa lagi kong kinukutubang may mali saka alam n'yo naman po na ilang buwan ko itong hinintay,” matipid ko syang nginitian at alam kong nahimigan n'ya ang takot at kawalan ng pag-asa kong manalo,
Hindi na bago sa'kin ang hindi makapasa o matalo sa isang kompetisyon ng pagsusulat dahil danas ko parati ito at kahit isang beses ay 'di ko pa naranasan matanggap o manalo sa bagay na gustong-gusto ko but i still choose to keep going even i'm in the verge of giving up my passion because this is the only thing i'm good at and i always believe what i do right now is just a mediocre, i don't excel but i can do it.
”Nak, pag mahal mo ang ginagawa mo matuto kang hindi sumuko at magpahinga dahil sa huli tatawagin ka ulit ng passion mo, ang bagay na bumubuo sa'yo.” makahulugang sambit nya dahilan upang mangilid ang aking mga mata ng luha,
”Ma, paano kung hindi na naman ako papalarin?” tanong ko at ramdam ko ang kurot nito sa dibdib ko,
”Panalo o matalo ang mahalaga sinubukan mo tsaka mananatili kaming proud at naka-suporta sa'yo.” tugon nya,
”You never fail me to always believe in something that i'm capable of, thank you for being always there.” i hold her hand gently and she lean a bit to kiss my forehead.
”Always anak, always.” tugon nito at tinapik nya ang kamay ko na nakahawak sakanya,
Nang matapos ang sandaling yon ay naging abala ako ulit sa ginagawa ko.
”This is it... this is it!” masayang sigaw ko ng mairaos ko at handa ko ng pindutin ang submit sa website.”This is the chance to win Susan, you can do it,” i murmur those words twice and click the submit icon,
Dalawang linggo matapos kong isumite ay wala pa rin akong natanggap na message galing sakanila kaya naman matamlay ako at nawalan ng pag-asa na makapasa.
—
”Hello Susan, hello!” bumalik ako sa reyalidad ng nagsisigaw si Erich.”Kanina pa ko rito daldal ng daldal habang ikaw naman ay 'di ko alam saan dumadako utak mo.” she added.
”Pasensya ka na di pa rin kasi–” bago ko pa naituloy ang paliwanag ko ay pinukol niya ko ng masamang tingin,
”Susan, simula pa umaga sa cellphone ay 'yan na bukambibig mo hanggang sa dumating na lang ako rito sa bahay niyo,” buntong hininga niyang sabi,
”Di ako natatawagan Erich, malapit na umabot ng tatlong linggo ay wala pa rin,” sabi ko at binigyan siya ng mapait na ngiti,
Erich was my soulmate, my soulmate when it comes to friendship because she's like two in one coffee that shelters me when i need someone in the middle of heavy rains, she's a sister, a mother, a teacher, a boyfriend who brings out the best of me in everything, ang pumapangalawa sa buhay ko maliban kay mama.
Tinawagan ko kasi ito ng 'di ako mapakali sa buhay at nangangailangan ng kausap para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko at nasa sala kami ngayon parehas nakaupo sa sofa.
”Susan can't you just think positive kahit ngayon lang?” nahimigan ko sa boses nya ang inis,”tingnan mo na tuloy 'di ko na alam saang parte ng chismis na tayo, kaloka ka talaga,”
Nakasimangot tuloy ako dahil sinabunutan ako nito sa buhok kaya pakiramdam ko ay pati anit ko ay nasama sa paghila.
”Aray ko!” angil ko at napakamot ako sa ulo,”Ano ba kasi yon? Ulitin mo nga wala akong naintindihan.” tanong ko,
”Ewan ko sayo! May event na magaganap sa coffee shop sa Saturday dahil mag-perform ang Sinagtala band do'n mga bandang ala-siyete ng gabi yung madalas nating tambayan, so yun balak sana kita isama,” paliwanag niya,”Ano? Game ka ba?” aya niya,
”Di ka naman manonood Erich kasi ang habol mo lang naman ay yung crush mo, si Neo.” kontra ko sakanya na may halong asar,
”Dami mong sinasabi ha? Isang sagot lang hanap ko, oo o hindi bes,” masungit na tugon nito.
”Saka na lang pag wala na kong prinoproblema,” i just simply said and chuckled,
Nasa sala pa rin ako ngayon at kanina pa nakauwi si Erich sa kanila saka kasalukuyan akong nanonood ng kung ano-ano sa Netflix para malibang.
”Dinner na, Susan,” tawag sa'kin ni mama at patungo ito sa'kin para itulak ako sa hapagkainan.
Nang may tumawag sa cellphone ko kaya bago pa umupo si mama ay inabot niya ito sa book shelf saka ibinigay sa'kin saka ulit siya umupo sa hapagkainan.
”Sino naman kaya to?” tanong ko sa sarili dahil 'di na ko umaasa pang matawagan at iba na ang nasa isip ko dahil baka prank call ito.
”Baka naman online shop 'yan, napaka-dami mo ng damit Suzette,” talak ni mama sa'kin na tinawanan ko,
”Hello? Who's this?” tanong ko ng masagot ko ang tawag,
”Good evening, is this Suzette Aguspina i'm speaking with?” she asked,
”Opo ako po ito, ano pong sadya nyo sa pagtawag?” i answered with respect,
”Hello, i'm staff from Sweet House Publishing Company i would like to tell you the good news you're one of the people who join our contest who win and we want to publisih your story into a book as a prize, Congratulations po,” tugon nito dahilan para tumalon ang puso ko sa narinig ko,
”I did it mom! Nanalo ako!” Bulong na sigaw ko kay mama na ikinatalon nito sa saya at kinapitan ako sa balikat.
”Thank you po, so how should i start to process my book with your company po?” sagot at tanong ko sa staff,
”You should message our editor i will give to you through messenger, send the details of the story including the outline of it, dadaan muna sa review yung gawa niyo at tatawagan kayo ng editor kung pasado ba sa criteria namin or may dapat pang aayusin bago maisagawa ang libro,” tugon nya muli sa'kin,
”Copy po ma'am, thank you!” masayang tugon ko,
”Thank you also, have a good day ma'am,” sagot nya at nahimigan ko ang maliliit na tawa niya mula kabilang linya,
Matapos kong ibaba ang tawag na 'yon ay nagsigawan kami ni mama.
”Nanalo ako ma, nanalo ako!” sigaw ko,
"Ah! I'm so happy for you, nanalo ka nak!” sigaw nya na mas nalamangan pa ang sigaw ko,
Tinawagan ko si Erich para sabihin sakanya ang magandang balita na natanggap ko.
”Yes speaking?” bahagya akong natawa sa paraan ng pag salita niya dahil sosyal,
”May good news ako sayo, tumawag na sila at nakapasa ako Erich,” kinikilig kong paliwanag,
”Omg! Congratulations, you know what? We should celebrate this!” I can feel her jumping on the other line because of the joy.
”Kaya tinawagan kita para sabihin sayo na gusto kong sumama manood ng performance ng Sinagtala as a support to you for your crush and celebration for my sucess,” masayang tugon ko,
”Oh sure thing para naman mag enjoy ka naman sa buhay tsaka makita mo si Neo kumanta, my future husband,” lumakas ang halahak nya sa kabila,
Oo na, basta sunduin mo ako sa sabado ah? Magpapaalam muna ako kay mama,” paliwanag ko sakanya,
”Yes I will, see you on Saturday Susan,” tugon niya,
”See you! Ibaba ko na yung tawag,” ibinaba ko na ang tawag ko at naghikab na saka natulog para gumising ng maaga bukas.
—
Sinundo ako ni Erich ng alas tres at nakapag paalam na rin ako kay mama tungkol sa lakad namin kanina at ngayon kasalukuyan kaming nakaupo at rinig ko ang mga hiyaw ng mga kapwa ko schoolmates lalo na ang mga babae at circle of friends nila Neo sa magkabilaang table.
“A pleasant evening to everyone that is here to witness the most awaiting performance of this handsome men and most known in their batch as great singers in their school and here in our place, Cavite. Please give an applause to Sinagtala band!” the emcee stated with a full confidence in her voice,
Nagpasya akong kunin sa bag ko ang notebook at cellphone ko para mag ayos ulit ng errors ko sa story dahil nag message na sa'kin kanina ang editor at sinabi sa'kin ang iilang errors ko na dapat kong ayusin at baguhin.
"Girl ayan na kakanta na sila,” kinikilig na sambit ni Erich,
Sinulyapan ko ito at nagsimula na nga sila kaya ibinaling ko muna ang atensyon ko sakanila.
"Iniwan ka ng eroplano okay lang baby wag kang magbago," panimula ng pagkanta ng bokalista na kumuha ng aking atensyon,
"Dito ka lang humimbing sa aking piling, antukin," pagpatuloy nito,
Pumukaw sa atensyon ko ang mga mata n'yang bilugan na medyo may kasingkitan at buhok na madalas kong makita sa mga kdrama na mullet style na lalong bumagay sa maliit n'yang mukha.
Napalunok ako at tarantang yumuko ng masulyapan ako nung lalake kaya nagpasiya na lang akong ituloy ang pagsusulat ko sa aking notebook at nagkunwari na busy sa cellphone.
"Kukup-kupin na lang kita sorry wala ka ng magagawa, mahalin mo na lang ako ng sobra-sobra para patas naman tayo 'diba?" that line somehow got a soft spot in my system out of nowhere,
Patuloy pa rin ang hiyaw ng mga tao na pati si Erich ay sumasabay sa pagkanta at ako naman ay nakatuon na lang ako sa ginagawa ko at hirap-hirap na ako samantalang kanina ay kuha ko naman ang timpla ng revision ko pero ngayon ay nawawala ako ng direction sa outline ng plano kong ayusin at baguhin.
"Got a hard time miss?" napatingala ako at sumilay sa'kin ang ngiti ng bokalista.”I'm Russel anyways, nice to meet you and i can help you with that thing, here's my number you can call me anytime." paliwanag niya at inilapag ang kapirasong papel sa harap ko saka umalis kasama ang kanyang grupo at pamilya.
Russel Pov
Everyone is shouting in excitement and i can hear it in the backstage.“Ready yourselves boys," Crisel our manager came to us and tap my shoulder.“Goodluck our lover boy,” i chuckled as i nod to her,
Tumayo na ko kasabay nina Neo,Justine at Zamistro at nagkangitian sa isa't isa at sabay-sabay na isinigaw ang linya ng grupo,“As the shine goes down we the Sinagtala rise up to the end of stars!"
Nang umakyat na kami ng stage ay mas lalo pang lumakas ang sigaw ng mga audience na halos mabingi ang aking pandinig saka kami pumwesto sa kaliwa ko ay si Neo ang guitarist at si Zamistro ay nasa likod nya bilang drummer at si Justine naman bilang pianist na nasa at nasa kanan naman ako bilang vocalist ng aming grupo.
As they started to play their instrument i sang the first line of Antukin by Rico Blanco in a rock version.
Habang kumakanta ay rinig ko ang boses ng aking kapatid kasabay ng boses ni mommy at daddy.
”Kuya! I'm so proud of you! Ang pogi mo ngayon lang!” Megan shouted and i secretly rolling my eyes to her,
”Nak ang galing mo manang-mana ka sa'kin nung kabataan ko!” some of the people laugh from the crowd as my dad shout those words.
Mom is just jumping in their side holding a cartolina with Sinagtala band pictures that has 'Congratulations! you all did great my children' on the side.
“Kukup-kupin na lang kita sorry wala ka ng magagawa, mahalin mo na lang ako ng sobra-sobra para patas naman tayo 'diba?” kanta ko sa chorus.
Natapos ang event at umugong pa ang ingay ng crowd at mga tao ay nagpapalakpakan kasabay ang pagsabog sa kung saan nanggagaling sa crowd.
Nang bumaba ako ay nasa unahan na ang pamilya ko at ang mga tropa namin hindi ko na binalingan pa ng atensyon ang iilan na mga kapwa kong estudyante at tagasuporta ng grupo kahit pa nagtutulakan ng lumapit dahil sa sikip at init.
”Congratulations kuya!” ani ng kapatid ko kasabay 'non si mama at papa sa kanyang tabi,
”You're indeed my son, you got the genes and my talent,” nagma-malaki na sabi ni dad,
”Congratulations Reo, i always knew from the start that i'll be cheering you someday,” nahaplos ang puso ko sa salitang narinig ko mula kay mommy,
”Thank you mom, i made it because of you," sabi ko at tiningnan sila isa-isa ng may ngiti sa labi,
”Ano? Di pa ba tayo kakain? Nagugutom na ko eh,” kakamot-kamot ulo na sabi ni Zamistro na nasa gilid ko dahilan upang lingunin namin siya at tumawa sa kanyang tugon,
Nang madaanan namin ang isang table habang palabas ng coffee shop may nakaupo na dalawang babae at ang isa sa kanila ay nginitian kami at ang isa ay hirap na hirap sa pagtipa ng kung ano sa kanyang loptop kaya sinilip ko ito at nangiti na lang ako dahil doon.
“Got a hard time miss?“ I'm Russel anyways, nice to meet you and i can help you with that thing just call me anytime," i said with plastered smile on my face,
—
We just had finished our dinner at restaurant and we only stayed to talk about random things, it's been awhile since the last time we had fun as a family.
"Our performance is a blast earlier and i'm eager to see how we make it to best from better, we all really did a great job!” Justine exclaim with enthusiastic in his tone.
"I told you so, your performance will outstand tonight magaling ba naman ang leader nyo,” Megan look at my direction and smiles at me with her proud eyes.
"May kailangan ka na naman sa'kin no?” pang-aalaska ko sa aking kapatid na ikinatawa ng aming magulang at ang buong tropa naman ay nanalaytay sa mga mata ang pang aasar,
"Ganon? Pag masaya para sayo may kailangan agad?" may panunuya nyang sabi,
"Oo raw may kailangan agad," biglang singit ni Neo sa usapan dahilan para maghiyawan ang lahat pati ang magulang namin ay nakikisama sa pang aasar,
Aba'y palaban porket nareject ni Maggie four years ago," pambubulgar ni Zamistro kaya biglang napahiyaw ito sa sakit at muling nagsalita,"Aray! Bakit ka ba naninipa ng paa?" pag aamok niya dahil sinipa ni Neo ang paa niya na nasa ilalim ng mesa.
"Tama na 'yang asaran, umuwi na tayo dahil lumalalim na ang gabi," sabi ni daddy na sinang-ayunan naman ng lahat,
Tumayo kaming lahat sa kinauupuan at pumunta ng parking lot agad akong bumaling sa direksyon nila daddy para magpaalam.
"Dad, 'di na ako sasabay sainyo kasi didiretso ako sa headquarters kasama ng buong grupo," paalam ko sakanya at kasabay ng pagbaling ko ng tingin sa kapatid ko at kay mommy,
“Okay, mag ingat ka sa pagdrive," sabi ni dad bago sila pumasok sa kotse,
"Mamaya ka sa'kin," sabi ni Neo kay Zamistro bago pumasok sa backseat ng kotse kasabay ng iba na tinugunan lang namin ng tawa lahat.
"Calm your balls, dude." sabat ko sa bangayan nila,“Sa studio na kayo magpatayan, 'wag dito,"dagdag ko pa bago sumakay ng driver seat,
We arrived in headquarters of Sinagtala and all of us got a glimpse of how tired we are in the event.
"Reo," Zamistro called me as he sat down on the couch beside me when we entered here,
"Hmm?" I shortly hummed as response to him,
Kasunod na pumasok sila Neo at Justine at magkakaharap na kami ngayon sa aming mga kinauupuan.
"I just want to acknowledge you for your efforts and dedication in our band," tugon ni Zamistro na marahan kong itinapik sa balikat.“Sa wakas ay matutupad na pangarap nating makilala sa buong pilipinas.” dagdag nito na magka-halong saya at excitement.
"Welcome, hindi magiging successful 'to without all of you, ako dapat ang magpasalamat sainyo," sinsero kong sabi rito.
"Syempre naman, lagi kaming nandito pre, cooperation and hardwork makes the dream came true." pag-eentra ni Neo sa usapan.
"May tama ka rin palang nasasabi tol? Akalain mo yon?" sabi ni Justine na sinakyan pa ni Zamistro.
"Oo nga, amazing. Paano nga 'yon pre? Parang 'di ikaw 'yan, may sakit ka ata." biro ni Zamistro.
Napailing na lamang ako dahil sa kanilang inasta dahil kung ang tatlong ito ay magkasama para kang may inaalagaan na toddler.
"Talaga ba pre? Walang kakain ng luto ko bukas, mamatay kayo sa gutom ha?" banta ni Neo sa'min tatlo kaya ang dalawa ay natahimik bigla at parang mga aso na nilalambing ang kanilang amo.
Sa aming magtrotropa ay si Neo ang expert pagdating sa mga dishes kung kaya ay siya ang incharge sa pag prepare ng pagkain rito sa headquarters t'wing stay namin dito.
Natapos ang biruan at asaran ng tatlo ng nakaramdam na kami ng antok saka sila nagsitungo sa kanya-kanyang silid at ako naman ay naiwan sa sala.
Mariin akong pumikit at humikab bago ko kinuha ang aking cellphone sa bulsa upang tingnan kung may message ba galing sa babaeng binigyan ko ng tulong kanina.
No message from her. I guess she figured it out.
Nakalimutan kong di tanungin ang pangalan nya kaya napasapo ako sa noo at marahang natawa sa sarili kong kalutangan saka unti-unti kong inalala ang tagpo na 'yon.
Kumakanta ako at isa-isang pinagmasdan ang mga tao na naroon sa event at sa bawat ritmong aking tinatamaan ay katumbas ng walang malagyan na saya ng nahagilap ng aking paningin ang babaeng nakawheel chair tila ba ay nakarinig ito ng anghel na kumakanta sinasabayan nito ang bawat liriko ng kanta kaya napangiti na lamang ako sa inasta nito.
I focus my attention on her, and I can clearly see her natural beauty with long loose hair that matches her soft features and the upturned eyes shaped that could catch someone's attention with a common black colored eyes, as well as cupid bow-shaped lips that highlight her angelic face and pointed nose, I can define her as Aphrodite's descendant but an olive version of Aphrodite because of her olive skin tone.
“Sadyang ang ganda nya nga talaga at sayang lang at hindi ko nalaman ang pangalan nya,” napapailing na sambit ko sa aking sarili,“Antok lang 'to kaya pati ibang tao naiisip ko bigla,” dagdag ko sa aking sarili at muli kong natandaan kung bakit ako lumapit sa kanya sa mga sandaling 'yon.
Sumilay ang ngiti ko kanina dahil nung tumama ang paningin namin sa isa't isa ay nauna itong umiwas at ibinaling ang tingin sa kanyang kwaderno halata mong may pinagka-abalahan kaya ng matapos ang event ay sinilip ko ang kanyang ginagawa nung nadaanan namin ang table nila na sa tingin ko ay kaibigan nya ang nasa tabi nya at nagpakilala ako ngunit tanging tango lang ang aking natanggap mula rito matapos kong ibigay sa kanya ang papel upang alukin sya ng tulong sa revision bago ko nilisan ang coffee shop kasama ng buong banda at pamilya ko.
Matapos ng mahabang muni-muni ko sa sala ay humikab ako kaya dumiretso na ako ng kwarto para magpahinga dahil marami kaming gagawin ng mga kasama ko siguradong kailangan ko ng lakas para roon.
—
“Dude! Gising may headline tungkol sa'tin nasa labas ang mga reporters!” sigaw ni Neo kaya naimulat ko ang mga mata ko at tarantang bumangon sa kama.
“Ano ba kailangan nila? Akala ko ba mamaya pa ang interview?” pikon na tanong ko kay Justine dahil nastorbo ang aking tulog
Dahil ang alam ko ay may interview kami patungkol sa debut ng banda namin sa isang sikat na network ngunit hindi pa ngayon at mamaya pa 'yon gaganapin dito sa headquarters.
“Sadly they are not here for interview, they are here for confirmation for this piece of lie.” sagot nito saka hinarap ang hawak na cellphone sa'kin,
Sinagtala allegedly plagiarized some music outlines from the amateur singers including their upcoming song entitled “My Beloved Lily”
Sa isang pikit lang lahat ng pinaghirapan namin ay mabilis na binawi matapos ng sandaling tagumpay ng mabasa ko ang headline na pinakita ni Justine galing sa isang news website.









Hey dear, your chapter is really immersive. Though the use of Flippono into the story got me a little puzzled, I tried my best to get an overview of the plot through your use of english phrases. You are doing great. Keep writing!