Chapter 1
GLENN
Ang pug-ot ay isang nilalang mula sa mitolohiyang Ilokano. Ito ay isang engkanto o malignong walang ulo na karaniwang naninirahan sa mga liblib na lugar tulad ng kagubatan, sementeryo, at yungib.
Ayon sa mga kwento, ang pug-ot ay maaaring magpalit ng anyo at kadalasang nagpapakita bilang isang malaking taong itim na may nakakakilabot na presensya. Sa ilang bersyon ng alamat, ito ay nananakot o nagpapakita sa mga tao sa gabi, minsan ay naglalakad na parang normal na tao ngunit walang ulo.
May paniniwala rin na ang pug-ot ay hindi laging masama-may ilang kwento kung saan tumutulong ito sa mga taong naliligaw sa kagubatan. Ngunit sa ibang alamat, pinaniniwalaang nagdudulot ito ng kamalasan o peligro sa sinumang makakita rito.
Glenn
1990
"Ang mga Pug-ot ay mga nilalang na katulad natin ay mga tao din, ngunit dahil sa kanilang mga kasalanan ay isinumpa sila ng diwata ng kalikasan." Pagkekwento ni lola hawak hawak niya ang kanyang lumang Libro na nakasulat ang ibat ibang magagandang kwento kung saan nalalaman namin ang iba't ibang uri ng mga nilalang na madalas ay sa telibisyon lamang namin nakikita.
Siya si Lola Mila, siyamnapo't anim na taong gulang na pero hindi mo iyon mapaghahalataan dahil malakas at nagagawa pang magzumba ni lola, ang sabi sa akin ni papa ay may agimat daw si lola kung kaya't nanatili itong malakas.
Ako naman si Glenn Corpuz at labing isang taong gulang na, mahilig akong makinig sa mga kwento ni lola kahit minsan ay pinalagalitan na ako nila mama at papa dahil hindi na daw nakakapag pahinga si lola dahil sa akin. Simula pagkabata ay kay lola na ako naiwan, simula kase noong lumipat kami dito sa maynila ay naging abala na sila mama at papa kaya kay lola ko nalang nakukuha ang atensyon at pagaalalaga na dapat ay sa kanila ko nakukuha. Pero ngayong lumalaki na ako ay unti unti konang naiintidihan na ginagawa nila ang lahat ng yun para sa kapakanan ko.
"Lola ano napong sumunod na nangyari?" Excited na tanong ko, ikinekwento kase ni lola ang tungkol sa karanasan nya sa mga Pug-ot.
Napangiti si lola bagaman wala ng makikitang ngipin sa bibig nya.
"Nako apo sigurado ako na ikaw ang magmamana ng kapangyarihan ko" nakangiting sabi ni lola, dahil bata pa ay tuwang tuwa ako sa ideya na magkakaroon ako ng kapangyarihan.
"Kailan niyo po ibibigay yan lola?" Hindi ko mapigilang itanong dahil sa labis na tuwa.
"Malapit na apo, malapit na" Sagot naman ni lola saka marahang hinaplos ang ulo ko, napangiti ako dahil sinisimulan nanaman niyang hiniksikan ang ulo ko bagay na isa sa pinakamasarap sa pakiramdam dahil nakakakiliti na nakakaantok.
Sige napo lola ituloy niyo na ang kwento niyo" Masayang sabi ko, binuklat naman ni lola ang luma niyang libro saka sinimulan ang pagkekwento habang ako naman ay taimtim lamang na nakikinig.
"Noong unang panahon ang mga tao ay kasama pang namumuhay sa kalupaan ang mga diwata, nagsasagawa ang mga tao ng ritwal kung saan pinagpupurihan nila ang mga diwata sa kagubatan bilang pasasalamat sa pagbibigay ng magagandang ani at kaligtasan na ibinibigay ng mga diwata." Pagsisimula ni lola, ako naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kanya, nakapokus at ayokong may malilikdangan ako sa bawat salitang sasabihin niya dahil bawat letrang binabanggit ni lola ay itinatatak ko sa utak ko.
"Lumipas ang mahabang panahon at naging maganda naman ang samahan ng mga diwata ng kagubatan at ng mga tao"
Napatango ako.
"Eh lola bakit po naging mga Pug-ot ang mga tao e mababait naman po pala sila?" Kyuryos na tanong ko, ngumiti lang si lola at muling tumingin sa librong hawak niya.
"Makalipas ang mahabang panahon ng magandang pagsasama nagkaroon ng pagnanasa ang mga tao na maging kasinglakas sila ng mga diwata, kung kaya't nagprotesta sila sa kagubatan. Hindi iyon ikinatuwa ng mga diwata kaya.naman nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan hanggang sa nauwi sa isang digmaan." Pagkekwento ni lola.
"E paano po yun? Wala naman silang laban sa mga diwata" tanong ko. Napangiting muli si Lola.
"Magaling kang bata. Napakadaming tanong sa utak mo, makinig ka at maya maya lang ay masasagot na ang tanong mo."
Tumango na lamang ako at nanahimik.
"Hindi nagustuhan ng mga diwata ang inasal ng mga tao kung kaya't nagdesisyon na lamang silang umalis at iwan ang mga tao sa lugar na yun" Si lola.
"Napakabait naman po pala nila lola" Masayang sabi ko.
"Oo ngunit sadyang mapupusok ang mga tao, bago pa tuluyang makaalis ang mga diwata ay hinuli sila ng mga tao, pinarusahan at ang mga kawawang diwata, sinunog ang kagubatan na nagsisilbi nilang mga tirahan. Wala silang itinira maging ang maliliit na diwata ay isinama nila sa sunog"
Natahimik ako dahil sa sinabi ni lola, kung ganon kasalanan pala talaga ng mga tao kung bakit sila naparusahan.
"Ano pong sumunod na nangyari?"
"Ilang araw ang lumipas simula noong pahirapan ng mga tao ang mga diwata upang ibigay ang kanilang kapangyarihan ngunit nagmatigas ang mga diwata kaya sila ay hinatulan ng kamatayan, hindi lamang basta basta kamatayan dahil isa isang sinunog ang mga diwata hanggang sa maging abo ang mga yun."
Tahimik lamang akong nakikinig, napapansin ko ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha mula sa mata ni lola. Pero makalipas lamang ang ilang saglit ay muli siyang nagsalita.
"Bumaba ang bathala at ibinigay ang nais ng mga tao, ang kapangyarihan, binigyan sila ng kapangyarihang makapagbigay ng sakit gamit lamang ang tingin" Si lola, napaawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya.
"Pero lola akala kopo ba masama ang mga tao pero bakit kapangyarihan ang ibinigay sa kanila?" Naguguluhang tanong ko.
Doon na tuluyang tumawa si lola, lumabas pa ang gilagid niya na hindi ko maintindihan ang kulay.
Noong tumigil siya sa pagtawa ay muli siyang tumingin sa akin ng seryoso.
"Sumpa talaga ang ibinigay sa kanila ngunit hindi ko alam kung paano naging ganoon ang kwento" Paliwanag niya natahimik naman ako dahil sa pagkabitin.
"Pero nagkita napo kayo lola non?"
"Oo naman" nakangiting sabi niya bakas at nararamdaman ko ang masayang awra ni lola.
"Saan po?" Nakahalungbabang tanong ko.
"Sa gubat" Sagot ni lola saka niya dahan dahang itinupi ng maayos ang libro na hawak hawak niya.
"Ano pong itsura nila?"
Natigilan si lola noong itinanong ko yun. Ngunit mabilis din naman ang naging pagsagot niya.
"Maliit, pandak at may mabahong amoy" Naging seryoso ang tono ng boses ni lola dahilan para makaramdam ako ng kaba.
"Kaya po ba nilang pumunta dito sa maynila?"
Tumango si lola. "Wala silang pinipiling lugar kaya mag-iingat ka." Sabi ni lola.
"We're home!."
"Mama papa"
Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila at ginawaran sila ng mahigpit na yakap.
"Pinagod mo nanaman ba ang lola mo?" Sabi ni mama napanguso naman ako dahil sa sinabi niyang iyon, narinig ko ang mahinang paghagikhik ni papa.
"Ano kaba naman Lyn hindi yun gagawin ng anak natin dahil big boy na sya diba?" kumindat pa sa akin si daddy, nagthumbs up naman ako bilang pagsang ayon sa sinabi niya.
"Tama po si Papa hindi ko pinagod si lola sa pag-aalalaga sa akin dahil nagpakwento nalang ako sa kanya" Proud na sabi ko.
"Tungkol saan naman ang ipinakwento mo?" Tanong ni mama na ngayon ay nagaasikaso na ng lamesa.
"Tungkol po sa mga Pug-ot" Masiglang sabi ko, natigilan silang dalawa at tumingin sa isat isa, dumako ang tingin ko kay lola pero matamis lamang na ngiti ang isinukli niya sa akin.
Maya maya pa ay malakas na pagtawa ang narinig ko mula sa kanilang dalawa.
"Ano kaba naman Inay, malaki nayang si Glenn. Isa pa nasa Maynila ho tayo paanong makakaabot dito ang mga Pug-ot" Natatawang sabi ni Papa.
"Isa pa kathang isip lamang ang mga yun, wag niyo na hong ikekwento sa susunod at baka maging matatakutin yang si Glenn" Segunda naman ni mama.
Nakaramdam ako ng pagka-inis dahil sa inasal nilang dalawa.
Si lola naman ay prente pa ding nakaupo at para bang hindi nakinig ang sinasabi ni mama sa kanya.
"Balang araw malalaman niyo na totoo sila na hindi lamang sila basta kwento. Bulong ni lola pero hindi ko masyadong marinig dahil ang ingay nila mama at papa. Pero isa lamang ang sigurado ako na may kinalaman ang sinabing iyon ni lola tungkol sa mga Pug-ot.
1992
Mabilis na lumipas ang panahon at ngayon ay labing tatlong taong gulang na ako. Nakapagtapos na din ako sa elementarya at ngayon ang bagong simula ko patungo sa bagong landas na tatakahakin ko sa sekondarya.
Katulad ng dati ay si lola Mila pa din ang nag-aalalaga sa akin lalo pa at naging stable na talaga ang trabaho nila mama at papa, unti unti kona ding naiintindihan na ang lahat ng iyon ay ginagawa nila para ikabubuti ng kinabukasan ko.
"Lola mamaya po kapag nakauwi na ako pwede niyo po ba ulet akong kwentuhan." Masayang sabi ko habang si lola naman ay inaayos ang polo ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa ganoon pa din mahina lamang ngunit lumalabas ang kanyang gilagid.
"Hindi kaba nananawa sa mga ikinekwento ko sayo apo?" Natatawang tanong ni lola.
Mabilis akong umiling. "Hinding hindi po ako mananawa sa magagandang kwento niyo, lalo napo yung tungkol sa mga Pug-ot" Masiglang sabi ko. Nakita ko kung paano sumilay ang matamis na ngiti mula sa kanyang natutuyo ng mga labi.
"Oo siya sige mamaya kapag umuwi ka ay kekwentuhan kita" Sagot ni lola saka niya inabot sa akin ang singkwenta pesos. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa perang iniabot niya. Masyadong malaki yun, bente lang ang ibinabaon ko at lumalabis pa yun sa akin.
"Lola masyado pong malaki yan, may ibinagay napong bente si mama kanina sakin itabi niyo nalang po yan para may pambili kayo ng pagkain kapag nappakain kayo sa labas" Paliwaanag ko saka ko iniabot sa kanya ang pera na sanay ibibigay niya sa akin.
Nakita kung paanong naglaho ang mga ngiti sa labi niya.
Kinuha niya sa akin ang pera saka marahang tumalikod.
"Lola" pagtawag ko pero hindi na siya lumingon pa. Wala na akong nagawa kung hindi lumapit para masuyo siya. Sinabihan naman na ako ni mama na madamdamin na si lola dahil may edad na kaya naman napaghandaan kona ang ganitong mga pangyayari.
Dahil may kabagalan sa paglalakad ay mabilis kung naabot si lola, hinawakan ko ang kamay niya at kinuha ang fifty pesos na iniaabot niya kanina. Pagkakuha ko noon ay muling nagkasigla ang mukha ni lola, napailing nalang ako dahil sa inaakto niya.
Matanda nanga talaga si Lola Mila. Naiusal konalang.
Maghapon ay tutok ako sa klase wala akong ibang ginawa kung hindi ang makinig ng makinig sa aming guro.
Pasado alas singko ng hapon noong matapos ang klase masayang masaya kami dahil sa wakas ay natapos na din ang napakahabang araw ng klase.
Pagkalabas na pagkalabas ko palang sa aming klasrom ay may kakaibang pakiramdam na akong naramdaman. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan, inaaya pa sana ako ng mga kaklase ko patungo sa computer shop pero mabilis ang naging pagtanggi ko sinabi konalang na may lakad pa ako kahit ang totoo ay wala naman talaga.
Mabilis ang ginawa kong paglalakad wala na akong pakealam sa paligid ko, iba talaga ang pakiramdam ko ngayon.
Nasa kalagitnaan na ako ng ground noong may nalaglag na perang papel sa bulsa ko, mabilis kong kinuha yun at ibinalik sa bulsa ko.
"Si Lola"
Mas lalo pa akong nagmadali na umuwi wala na akong pakealam kung pagtinginan ako ng mga tao, mabilis kung tinakbo ang sakayan at doon ay mabilis kung sinabi ang istasyon kung saan ako bababa.
Ilang minuto lamang ang naging biyahe at noong makarating ako sa aming bahay ay gumaan ang pakiramdam ko noong makita ko si Lola na nag-aabang sa labas ng aming bakuran, mabilis kung inabot ang bayad sa traysekel drayber at noong muli akong lumingon sa pwesto ni lola ay nagulat ako sa aking nakita, hawak hawak na niya ang kamay ng isang nilalang na may maitim na balat, hindi din ganoon kaganda ang amoy nila dahil malapit lang sila sa pwesto namin.
Mabilis akong bumaba sa traysekel at patakbong hinabol si Lola Mila ngunit noong malapit na ako sa pwesto nila ay bigla iyong naglaho na parang bula.
"Iho sinong hinahabol mo dyan?" Sigaw ng traysekel drayber na sinakyan ko.
"Y-ung lola ko po" Nanghihinang sabi ko unti unti kona ding nararamdaman ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata ko.
"Lola?" Sagot ng drayber dahilan para matigilan ako. "Wala namang ibang tao dito? Tayong dalawa lang." Segunda niya dahilan para makaramdam ako ng takot.
Kinunotan ko sya ng noo. Alam kong nakakabastos pero ang ayoko sa lahat ay niloloko ako.
"Kung sa tingin mo ay niloloko kita nagkakamali ka." Sabi ng drayber saka walang paalam na umalis, mabilis akong pumasok sa loob at doon ay tumambad sa akin ang katawan ni lola na kulay ube na ang kulay.
"LOLA!" Malakas na sigaw ko pero huli na ang lahat wala na akong magagawa kahit sumigaw pa ako ng pagkalakas lakas.
Wala na si lola, kinuha sya. Kinuha siya ng itim na nilalang. Sigurado ako na Pug-ot ang kumuha sa kaniya sigurado ako.
Kinagabihan ay inihanda na ang burol ni lola unti unti na ding dumarami ang mga tao dahil nagsisidatingan na ang mga kamag anak namin mula sa bikol, bakas sa mukha nila ang lungkot pero hindi nun mapapantayan ang lungkot na nararamdaman ko. Ni hindi kona nagawang magpalit ng damit dahil simula kanina ay umiyak nalang ako ng umiyak, hinayaan naman ako nila mama at papa pero maya't maya nilang sinasabi na kumain na ako pero hindi ko naman ginagawa.
Nakasuot ng puting burda si lola mayroon din siyang kolorote sa mukha at ang nakaagaw pansin sa akin ay ang kulay gintong pangalan na nakasulat sa ibabaw ng kabaong niya.
Lamila Corpuz
Date of birth: January 19, 1910
Date of Death: July 14, 1992
In loving memories of Lola mila and her Family.
Masama ang loob kung nakatingin sa kabaong niya, wala na din akong pakealam kung mukha na akong mosang sa itsura ko.
Hinawakan ko ang litrato niya at nangakong magiging mabuting anak kila mama gagawin ang ipinangakong ipagpapatuloy ang nasimulan niya, ang pagiging manggagaway kahit na alam ko na tututol sila mama.
FLASHBACK:
June 2, 1991
Nakupo kami ni lola sa hardin kung saan madalas niya akong inaantay tuwing labasan na sa aming paaralan.
May hawak si lolang libro na kulay itim iniabot niya sa akin yun.
"Apo tanda mopa ba ang sinabi ko sayo na isa akong manggagaway" Tanong ni lola, humarap naman ako sa kanya at mabilis na tumango.
"Balang araw ay ikaw ang magmamana ng kapangyarihan ko" Sabi niya, natuwa naman ako at mabilis siyang niyakap.
"Talaga po?"
"Oo apo kaya maghanda kana dahil alam kung malapit mona itong makuha." Nakangiting sabi niya.
"Kapag dumating ang araw ng aking kamatayan kuhanin mo ang librong ito sa baol na nasa silid ko at doon ay malalaman mo ang lahat." Makahulugang sabi niya.
Tumango ako kahit na mabigat sa loob ko na malamang malapit na siyang mawala.
END OF FLASHBACK
Napabalikwas ako ng bangon nasa silid kona pala ako iba narin ang suot kong damit.
Tumingin ako sa bintana at madilim pa ang paligid.
"Glenn apo ngayon na ang takdang oras" ani ng isang tinig, napatingin ako sa paligid ngunit walang tao. Doon ko naalala ang bilin ni lola.
Dahan dahan ang ginawa kong paglalakad hanggang sa makarating ako sa silid ni lola mabuti nalang at hindi nakalock.
Hinanap ko ang baol na sinasabi niya at noong makita ko iyon ay mabilis kung kinalkal ang laman non hanggang sa makita ko ang aking pakay.
"HINDI PA AKO HANDA PARA SA HAMON NA HAHARAPIN KO PERO NANGANGAKO AKONG TUTUPARIN KO ANG IPINANGAKO KO SAYO LOLA NA MAGIGING MANGGAGAWAY AKO." Mahina ngunit mariing sambit ko bago tuluyang umalis sa silid ni lola.
PS: THIS IS THE ILLUSTRATION OF SOME ELEMENTS PARA MAGKA IDEA KAYO:)
CTTO:
This is the illustration of lola Mila's book

And this one is the Pug-ot or Pugot mamo sa ibang katawagan