One Salty Summer (BL) - R18

All Rights Reserved ©

Summary

Isang summer na dumaan na parang hangin, Pero ang iniwang damdamin ay 'di kayang limutin. Pag-ibig ba ito o libog lang sa dilim? Teenage fling lang ba, o damdaming mas malalim?

Genre
Erotica
Author
Leo Vinci
Status
Ongoing
Chapters
8
Rating
n/a
Age Rating
18+

REUNiON

Mula pagkabata, hindi nawala si Nick sa mundo ni Josh. Hindi sila mag-best friend, pero sa bawat bakasyon, parang natural lang na magkasama sila—parang may sariling mundo na sila lang ang nakakaintindi. Sa tabing-dagat, hinahamon nila ang alon, tinutukso ang isa’t isa kung sino ang mas matagal sa ilalim ng tubig. Minsan, walang humpay silang naghahabulan sa buhanginan hanggang parehong bumagsak, humahalakhak, hinihingal, habang ang araw ay unti-unting lumulubog sa abot-tanaw. Sa mga sandaling iyon, hindi nila kailanman inisip na may magbabago.

Pero nung walong taong gulang sila, biglang nag-iba ang lahat.

Lumipat si Nick sa Manila dahil nagtrabaho ang papa niya doon. At kahit na every year bumibisita ang pamilya nila sa probinsya, iba na rin ang dynamics nila ni Josh. Minsan nagkakasundo, minsan hindi, parang may invisible na pader sa pagitan nila na unti-unting tumataas. Hindi na katulad ng dati na ang saya-saya nila, na parang hindi kayang maghiwalay. Sa bawat summer na lumilipas, mas nagiging pamilyar ang katahimikan sa pagitan nila, mas dumadalang ang habulan sa buhanginan, mas madalang ang tuksuhan at tawanan. Hanggang sa dumating ang taon na dose na sila, ang huling taon na nakita ni Josh si Nick. Binenta na kasi ng pamilya ni Nick ang bahay at lupa nila sa Ilocos, at sa isang iglap, parang nabura na lang ang lahat. Isang araw, parang nawala na lang siya sa buhay ni Josh, iniwan ang alaala ng mga alon at ng araw na dating sumasaksi sa kanilang pagkabata. Hindi na nag-bakasyon, hindi na nagkita. Hindi na sila naging magkausap tulad ng dati.

Akala ni Josh, hindi na sila magkikita ulit. Bawat taon, nagiging mas malayo ang mga alaala nila ni Nick. Hanggang isang araw, apat na taon ang lumipas, isang tawag mula sa nanay niya ang nagbago ng lahat.

“Anak, pupunta dito ang ninang mo kasama si Nick. Magbabakasyon sila rito. Malamang sa malamang, dito rin matutulog ang Ninang mo at si Nick sa bahay. Ayusin mo yung kwarto mo.” Sabi ni Mama Vangie.

Napakurap si Josh sa gulat. “Ha? Si Nick? Bakit ngayon lang ulit sila pupunta?”

“Eh kasi naman, busy daw sila sa Manila. Pero ngayon, may time na sila. At saka alam mo namang best friend ko ang mama niya, ’di ba? Excited na nga akong makita si Ninang mo.”

Joshhummed in response, medyo lost pa sa kung anong nararamdaman.Hindi na kasi siya nakikita ng matagal.Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang mga tanong na pumasok sa utak niya.Saan na kaya si Nick ngayon?Dati, payatot siya, medyo mas maliit pa sa kanya, tapos ang daldal—walang tigil, laging may kwento.Lagi kang maaasahan na magka-text, may sasabihin, may isusuggest, lahat ng mga ideas niya, hindi pwedeng hindi sabihin.Sometimes nakakainis, pero minsan, nakakatuwa rin.

Tapos may mga moments din sila na biglang magiging tahimik. Yung tipong magkasama lang sila sa tabing-dagat, nagmamasid sa mga alon, parang walang kelangan pag-usapan.Just pure silence. But it felt right.

Pero ngayon, Josh couldn’t help but wonder, nagbago na kaya siya?Baka ngayon mas seryoso na siya, o baka naging mas intellectual, parang hindi na yung Nick na lagi lang sumasali sa mga laro sa buhangin o sa pool.Baka nga ang lakas ng trip niya sa books ngayon, or science stuff, baka nga mas mature na siya.

At the same time, Josh felt this curiosity na baka may mga bagong side si Nick na hindi niya nakikita noon.Yung mga aspeto niya na hindi na-explore ng dating Josh at Nick, maybe this time, he could get to know him differently.Parang may mga bagay na hindi pa siya nakikita noon.And that kind of makes him wonder if he missed out on something important.

Naisip ni Josh na baka nga nagbago na si Nick. “Siguro naging nerd na,” naiisip ni Josh, medyo may hint ng pagkalungkot.“Baka may girlfriend na,”naiisip niya, ngunit agad siyang pinigilan.“No, no, no, I can’t think like this,”sabi niya sa sarili, na parang may inner monologue na nagbabawal sa kanya.Hindi puwedeng magbago ang lahat dahil lang sa ilang taon ng hindi pagkikita, ’di ba?

“Ang weird... Si Nick? Nako, baka bigtime na siya. O baka maging fashionista na, ha!”bulong niya sa sarili, habang pilit kinakalmado ang mga hindi maipaliwanag na emosyon. Hindi niya maiwasang magdalawang-isip,may konting panghihinayangna parang hindi kayang itago sa mga mata ng sarili.Saan nga ba napunta si Nick sa mga taon na ’yon?

Habang tumatagal ang gabi, hindi na talaga napigilan ni Josh na mag-check ng social media ni Nick. Magkaibigan pa sila sa Facebook, at nagfa-followan pa rin sa Instagram, pero matagal na silang hindi nagka-chat. Hindi nga niya maalala kung kailan sila huling nag-send ng message sa isa’t isa.

Binuksan ni Josh ang profile ni Nick, naghihintay ng kahit kaunting update. Alam niyang hindi niya dapat gawin ito, pero may isang bagay na hindi kayang pigilan, yung matinding curiosity na parang tinitukso siya. Dapat hindi na niya ito pinapansin.

Puro mga acad-related posts ang nakita niya. Minsan may geeky memes, minsan mga articles tungkol sa physics o tech stuff. Wala halos selfies, maliban sa isang formal photo mula sa school event. Noon, si Nick ay athletic at outgoing, laging sumasali sa sports activities, at mahilig sa mga outdoor trips. Pareho sila ni Josh sa mga yun, beach days, adventures, at walang tigil na pagtawa. Pero ngayon, parang ibang Nick na ang nasa harapan niya, mas reserved, mas tahimik. Parang hindi na yata siya tumatalon sa mga pool o hindi na sumasali sa mga laro sa buhangin. Ang Nick na ito, parang nakatutok na lang sa mga bagay na intellectual, mas focused sa pag-aaral, at malayo na sa mga bagay na dati nilang pinag-uusapan.

“Introvert ka na ngayon, Nick?” bulong ni Josh sa sarili, may halong kilig at kabang hindi maintindihan.“Tumangkad ka na rin, huh. ” Sabay pansin ang pagbabago sa katawan ni NIck.

Pero kahit papaano, may duda pa rin siya.Baka ganun pa rin naman si Nick, baka hindi lang ito nage-express ng totoong sarili niya sa social media. Iba kasi ang online persona kumpara sa totoong buhay, di ba? Pero, wala. Parang may kung anong shift, parang si Nick ay nagkaroon ng bagong version ng sarili niya. Hindi na yun dating Nick na abala sa mga physical activities, na laging naghahanap ng adventure. Hindi na yung Nick na katulad ni Josh na laging may kwento, laging may tawa, laging may game para sa kahit anong kalokohan.

Habang nakatingin siya sa profile ni Nick, hindi maiwasan ni Josh na magtaka kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Bakit parang may mga bagay na hindi na siya nakikita? Hindi lang sa social media, kundi pati na sa mismong buhay ni Nick. Parang may mga aspeto siyang hindi pa na-explore, mga parte ng buhay ni Nick na hindi niya inaasahan.

Dumating ang araw ng bakasyon ng pamilya ni Nick, at hindi mapakali si Josh. Nasa labas siya, nakasandal sa isang puno malapit sa bahay nila, habang tinitingnan ang lumang sasakyan na pumarada sa tapat. Bumukas ang pinto, at bumaba ang isang pamilyar na mukha.

Pero, ibang-iba na siya.

Si Nick.

Mas matangkad na ito ngayon, at mas lean, pero halatang toned ang katawan. Parang effortless ang confidence na dala niya habang naglalakad, at may aura siyang hindi kayang itago. Mahaba na ang buhok niya, natural na wavy, at bahagyang ginulo ng hangin. Naka-white button-down shirt siya, pero hindi ito nakasara nang maayos, sapat para makita ang maputi niyang balat. At yung mukha niya... sharp features, strong jawline, at may pabirong ngiti na parang sanay siyang makuha ang atensyon ng lahat.

Josh couldn’t help but stare. Si Nick ’to, pero parang may bagong version na.

“Ang lakas ng dating!” bulong ni Josh, pilit na binabalik ang composure, pero hindi niya maiwasang matulala. Pati yung paborito niyang tatay na mga jeans ni Nick, parang wala na ngayon.

Nagtagpo ang mga mata nila. Napansin ni Josh ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Nick, na para bang naghihintay ng reaksyon mula sa kanya.

“Josh?” tanong ni Nick, may konting pagkagulat sa boses.

Napatikhim si Josh, pilit na tinatanggal ang kakaibang init na nararamdaman. “Tagal mong nawala, ah,” sagot niya, medyo nakakaramdam ng awkwardness na hindi niya kayang itago.

Tumawa si Nick, nilingon saglit ang mama niya bago bumalik ang tingin kay Josh. “Ikaw naman, parang ’di mo ko namiss.”

“Sino may sabing namiss kita?” sagot ni Josh, sabay cross ng mga braso, pero hindi rin niya mapigilan ang ngiti. Sa kabila ng ilang taon ng hindi pagkikita, alam niyang kahit papaano, pareho pa rin ang vibe nila ni Nick. Pamilyar pa rin ang ngiti ni Nick, pero may kung anong pagbabago, may init na hindi niya kayang ipaliwanag.

Nick grinned, his smile easy and full of that familiar warmth. “Musta naman sa probinsya? Wala pa ring nagbago?”

“Same old, same old. Ikaw? Malamang bigtime ka na sa Manila,” sagot ni Josh, may pagte-tease sa tono.

“Hah! Bigtime? Hindi naman. Pero, alam mo na, ibang mundo na rin dun,” sagot ni Nick na may kasamang pagpapakawala ng mahinang tawa.

Josh nodded, medyo hindi alam kung anong susunod na sasabihin. May isang hindi kayang ipaliwanag na tensyon sa pagitan nila, isang bagay na parang matagal nang nakatago pero ngayon lang lumabas. Si Nick, na dati niyang kilala, ay may ibang aura na ngayon. Hindi niya pa matukoy kung anong nangyari, pero may isang bagay sa paraan ng ngiti ni Nick na parang may bagong dynamics sa pagitan nila.

“So... saan ako matutulog?” tanong ni Nick, medyo may kabuntot na ngisi. Seryoso siya, pero yung ngiti niya parang may pa-cute na may halong kalokohan.

Josh smirks, at tila may naisip na joke. “Saan pa? Edi sa tabi ng mga kalabaw.”

Umirap si Nick, at tumaas ang isang kilay. “Nakakatawa ba ’yan?”

“Sa tingin ko, sobrang funny,” sagot ni Josh, habang hindi matanggal ang ngiti sa labi.

Nagkatinginan silang dalawa, at parang ang oras ay nag-pause ng sandali. May ilang segundo na tahimik, at hindi nila alam kung anong susunod na mangyayari. Yung mga dating biro nila, simpleng joke lang pero tumatawa na sila, walang kakaba-kaba. Pero ngayon, parang may tinatago sa likod ng mga mata nila. Si Josh, hindi maipaliwanag kung bakit parang may nararamdaman siyang hindi pwedeng aminin, na parang bang may bagong level sa kanilang friendship na hindi niya alam kung paano i-handle.

“Eto na nga, seryoso na. San mo ba gusto matulog? Sa kwarto ko?” tanong ni Josh, tanong ni Josh, kahit na hindi niya kayang pigilan ang tawa sa boses niya. Pero sa kabila ng lahat, may kakaibang pakiramdam siyang hindi niya maipaliwanag. Hindi ito yung normal nilang kwentuhan na puro kalokohan, may ibang timpla na.

Nagtaas ng kilay si Nick at ngumisi, medyo matalim. Tinitigan si Josh ng matagal, parang nag-iisip kung anong ibig niyang sabihin. “Interesting,” sabi niya, mababa ang boses, pero may halong kabuntot na misteryo, parang may lihim sa likod ng mga salitang yun. Hindi na ito yung normal nilang kwentuhan.

Nag-stay sa hangin ang mga salitang iyon, parang may hindi nasabi. Bigla, parang may ibang uri ng tensyon na pumasok sa pagitan nila, isang bagong layer ng interes na hindi nila maipaliwanag. Hindi na ito yung dating magkaibigan lang na magkasama sa mga laro, kwentuhan, at kalokohan. May shift, isang bagay na hindi nila kayang ipaliwanag. Parang hindi lang sila basta nag-uusap ngayon, kundi parang sinusubok nilang intindihin kung ano ang nangyari sa kanila sa mga taon ng hindi pagkikita.

Habang nag-uusap ang mga nanay nila, si Josh at Nick naman ay nagkakaroon ng isang hindi maipaliwanag na tensyon. Yung mga salitang walang kasaysayan, mga simpleng tanong at sagot, para bang hindi na tulad ng dati.

Si Josh, habang nakatayo, naghahanap ng bagay na pwedeng gawing distraction. Para bang nagtataka siya kung siya ba o si Nick ang nagbago.

Is it me? Or is it him?

Dahil sa mga tawa at kwentuhan ng mga nanay, hindi nila maiwasang magtama ang mga mata, at sa bawat saglit na iyon, parang may isang bagay na hindi nila kayang gawing normal. Ang dating pagiging komportable sa isa’t isa ay parang hindi na ganoon kadali.

Minsan, maiisip ni Josh na baka siya ang nagbago. Baka siya na nga ang naging awkward, baka siya yung hindi sanay sa bagong dynamics nilang dalawa. Pero bakit ganun, si Nick pa rin naman, di ba? Si Nick, na kasing edad, kasing lakas, at kasing saya ng dati. Pero may isang aspeto ng kanya ngayon na parang hindi na ito yung Nick na laging may mga tanong tungkol sa buhay, laging ready magpatawa.

Nick, sa kabilang banda, parang abala sa mga mumunting bagay na hindi maiwasang magbigay ng emphasis sa bawat galaw. Gusto niyang mas maintindihan ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa, ngunit hindi pa niya matukoy kung ano. May mga sandaling para bang gusto niyang maging matapang, sabihing “Hey, I’m still the same,” pero alam niyang hindi na ganoon kadali.

Dahil sa mga nakakailang sandali ng pagtahimik, si Josh, tuloy pa rin ang pagmumuni-muni.

Is it me? Or him?

Parang may malaking sagot na hindi sila kayang ipaliwanag sa salita. Nasa mga mata nila, sa mga simpleng ngiti at tawa, parang may isang bagong layer ng distansya na hindi nila kayang ipaliwanag.

Josh led Nick to the room kung saan nakatayo ang lumang bunk bed, at pagpasok nila, naamoy ni Josh ang pamilyar na amoy ng kahoy at alikabok na bumalot sa hangin. Sa ilalim ng bunk bed madalas natutulog si Josh. Dating kwarto nila ito ng kuya niya, pero nang bumukod ang kuya niya, naging solo na niya ang space. Binago lang ni Josh ang ilang bagay, Tinanggal ni Josh ang mga gamit sa itaas at inayos na lang para maging mas maluwag at komportable. Pinapili niya si Nick kung saan siya komportable matulog.

“Sa baba na lang ako,” sabi ni Nick, ang tono niya tahimik pero firm. Josh couldn’t help but wonder,Bakit hindi sa taas?

Minsan na niyang tinutulugan ang itaas nung kasama pa niya ang kuya niya, pero nang mag-isa na siya sa kwarto, mas pinili niyang sa baba matulog. Mas komportable siya doon, at mas malapit sa mga gamit niyang kailangan.

“Okay lang, pareho lang naman yan,” sagot ni Josh, sinadyang magmukhang natural ang sagot, kahit na may konting pagka-awkward sa hangin.

Habang tinitingnan ang kutitap ng ilaw mula sa labas, Josh couldn’t shake off the feeling. Something about the whole situation felt different, and he couldn’t quite figure it out. Bakit ganito? Anong nagbago?

This wasn’t the Nick I remembered.The thought echoed in his mind. He wasn’t sure why, but Nick seemed like a stranger and a familiar face all at once. Hindi lang basta isang kaibigan, may ibang version na ng Nick na nakaharap sa kanya ngayon. But deep down, Josh felt it. There was something about him now that felt... somehow right.

But something tells me... I might like him more now.

A smile tugged at the corner of Josh’s lips. He knew, without even realizing it, this summer was going to be different. He could feel it in the air, in the silence that lingered between them.

Nick? He was going to make sure of it.