PROLOGUE
“Walang hiya ka Armando, napaka baboy ng ginawa niyo. Tama nga ang hinala ko na matagal mo na akong niloloko! Pero ang hindi ko matanggap ay sa kung sino mo ako nagawang pagtaksilan!” hiyaw ni Divina sa kanyang asawa habang kinukuha nito ang mga damit ni Armando mula sa malaking kabinet ng kanilang kuwarto at pinagtatapon ito sa sahig.
“Ano ba Divina! Mali ang inaakala mo! We’re just business partners! Tumigil ka na. Hayaan mo akong magpaliwanag!” ang pakiusap naman ni Armando habang pinipigilan si Divina sa ginagawang pagtatapon ng kanyang mga damit ngunit hindi nito mapigil ang himutok ng galit ng kanyang asawa.
Napatigil saglit si Divina at hinarap ang kanyang asawa. Nagngi - ngitngit sa galit ang kanyang mga mata sabay ubod lakas nitong pinadapo ang kanyang palad sa mukha ng kanyang asawa na nagpawindang dito.
“Kahit kailan sinungaling ka talaga. Ilang beses kitang pinatawad. Ilang beses akong nag bulag bulagan. Ilang beses kong tiniis at pilit na paniwalaan na hindi ka ganoon. Pero niloko mo pa rin ako,” mariin ang pagkakasabi ni Divina sa mga kataga at ramdam ang galit na bumalot sa kanyang pagkatao.
“Come on! Hon! We’re just doing business!” ang pag aalo ni Armando sa kanyang galit na galit na asawa.
“Doing business? Business ba ang tawag mo doon, ha!? Hayop ka! Business ba ang tawag mo dun Armando! Bahagi ba ng business ninyo nang nahuli kong nakaluhod ka sa harapan ni Miguel habang nagpapakasasa ka sa pagkain sa burat niya!? HA!?”
Mas naging prominente pa ang boses ni Divina na halos lumawig pa ito sa buong kuwarto at kung nakabukas lang ang pintuan ng kuwarto ay siguradong maririnig rin ito ng mga kasambahay nila.
Ang hindi nila alam ay nakasilip pala sa may pinto ang bunsong anak nila na si Brylle. Kanina pa ito nakikinig sa pag aaway ng mag asawa at kanina pa nito nasasaksihan ang galit at pagtulo ng luha sa muka ng kanyang ina.
Ang hindi niya mawari ay bakit nakaluhod ang kanyang ama sa kanyang Tito Miguel at ano ang sinasabi ng kanyang ina na kinakain ng kanyang ama ang “burat” ng kanyang Tito Miguel. Mumunti pa ang isip ni Brylle at hindi pa niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ina.
“Hon, please calm down! Baka marinig ka ng ibang tao,” ang patuloy na pang aalo ni Armando sa kanyang asawa at tila nahihiya ito na baka malaman ng iba ang kanyang tinatagong sekreto.
“Huwag na huwag mo akong matawag na ‘Hon.’ At bakit? Nahihiya ka na malaman ng mga tao kung anong klaseng nilalang ka ha!? Ngunit alam mo ba!? Mas sampal sa akin na after all these years, ang taong pinakasalan at minahal ko ay isa palang huwad at sinungaling!” ang patuloy na panunumbat ni Divina.
“Hon please! Paniwalaan mo ako. I was going to tell you. Please let me explain. Maniwala ka hon, mahal na mahal kita. Please don’t do this!” ang pagmamakaawa ni Armando.
“It’s too late Armando. Aalis ka sa bahay na ito o kami ng mga anak mo ang aalis at hinding hindi mo na kami makikita pa!?” ang diinang saad ni Divina habang pinapipili niya si Armando.
“Hon please! Huwag naman ganito. Hindi ko kakayanin kung mawawala kayo ng mga bata. Maawa ka!” ang pakiusap ni Armando na nakaluhod na sa kanyang asawa.
“Di sana inisip mo iyan bago ka lumuhod at nagpakasasa kay Miguel,” ang galit na wika ni Divina sabay inalis ang pagkakagapos ng mga kamay ni Armando sa kanyang binti.
Tinungo niya ang pinto at akmang bubuksan ito ng makita niyang nasa likod pala nito ang anak na si Brylle. May mumunting luha ng namumuo sa mga mata nito. Nagulat naman si Divina dahil hindi niya akalaing naroon ang kanilang bunso.
“Bry… Brylle… Anak kanina ka pa riyan?” ang garalgal na tanong ni Divina sa anak na tinanguan lamang siya nito.
“Anak, you call ate Bea. You tell ate to pack your things. We’re going on a vacation, okay?” ang pagsisinungaling ni Divina sa anak at pinipigilan ang luhang tumulo.
“Kasama po ba si Daddy?” ang inosenteng tanong ni Brylle.
“Ahhh… Not now baby. Marami kasing inaasikaso ng bagay ang Daddy mo. Pero susunod din siya,” pag aalibi ni Divina sa anak.
“Mom, are you two fighting?” dagdag na tanong ni Brylle.
“No baby. Masyado lang kaming excited with this vacation kaya naging mataas ang boses namin ni Daddy. We’re not fighting, okay?” ang patuloy na pagsisinungaling ni Divina.
“But… Why are you crying?” pangungulit ni Brylle.
“No, baby. These are tears of joy. Now, don’t ask too many questions. Call your ate. Tell her to pack your things and we’ll be leaving in an hour, okay?” ang pang uutos ni Divina sa anak at tumango lamang si Brylle sabay sinunod ang ina.
Nang makaalis na si Brylle ay binalingan niya ulit si Armando sabay banta ditong huwag na huwag kakausapin ang mga anak. Wala namang nagawa si Armando at tanging pagsisisi ang nararamdaman dahil sa nagawang pagkakamali.
Umalis ang mag iinang Divina, Bea, at Brylle. Iniwan ang nagsisising si Armando. Para sa anak na si Bea ay wala itong kaalam alam sa naganap sa pagitan ng mga magulang ngunit kay Brylle ay nakatatak na ito at magsisilbing marka na kanyang dadalhin hanggang sa paglaki.










