Chapter 1
"Here we go!" Masayang wika ni Andrea ng makalabas ng sasakyan.Nakarating narin sila sa limang oras ng biyahe galing Davao.Nagsilabasan ang iba pa nilang kasamahan sa loob ng van at na amaze ang lahat ng makita ang malaking bahay na nakatirik sa kanilang harapan.It was a very old and huge house na parang itinukod hindi paman isinilang ang mga lolo at Lola nila.Napapalibutan iyon ng mga malalaking puno na animoy kumakaway pa sa kanila sa bawat paghampas ng hangin dito.Medyo kinalawang na ang gate tanda na ilang taon nanga itong naroon at wala ng nakatira sa matagal na panahon.Makikita rin ang maraming tuyong dahon sa paligid at sa tantiya nila parang hindi na iyon nalilinisan ng ilang taon.
Pinagmasdan ni Toni ang buong paligid at ni walang ni isang tao ang naroon.Walang mga malalapit na bahay na para bang sinadyang nakatirik doon ang old mansion mag isa.Napagdisisyunan nilang lahat na doon gugugulin ang dalawang linggong semestral break nila upang makapag bonding narin sila.It was a very tiresome weeks for all of them kaya kailangan nilang tanggalin ang stress sa katawan.
Nasa huling taon na sila sa kolihiyo kaya medyo naging hectic ang kanilang schedule at kailangan ng focus sa pag aaral.Andrea's Father owned the place na minana pa sa mga magulang nito.
"The place is nice..mukhang mag eenjoy tayo ng sobra dito ah." Sabi ni Rick at kumindat pa kay Andrea.Magshota ang mga ito. Hinampas ito ni Andrea sa balikat marahil naunawaan nito ang ibig sabihin ng nobyo.
"Enjoy mo mukha mo."
Nagtawanan silang lahat habang ang panunukso ng mga kalalakihan kay Rick.
"Supalpal agad bro?" Natatawang sabi ni Aleck.Napapailing na lamang si Toni.Anim silang lahat ang naroon.
Si Andrea
Si Rick
Si Toni kasama ang boyfriend niyang si Adam.Toni is a gay.
Si Jenny kasama ang boyfriend na si Aleck.
They're all partners.
"Ang laki naman ng bahay ninyo Andrea.Sayang naman kung hindi ninyo tirhan.Bakit hindi ninyo ibenta?"
Wika ni Jenny na nakatingin parin sa malaking bahay.May apat iyon na palapag at may mga salaming bintana.
Hindi maaninag ang looban nito dahil sa kapal ng mga alikabok na nakakapit sa mga bintana at pinamahayan narin ito ng mga insekto.
"Gusto nga sana ni Mommy eh kaso ayaw naman ni Dad.Ito nalang daw kasi ang tanging pamana na galing kina Lolo at Lola." Sagot ni Andrea."Let's go inside?"
Agad nilang kinuha ang kanilang mga gamit at mga pagkain na dala sa loob ng van.Naroon din ang mga inumin na siguradong hindi naman talaga mawawala.
Binuksan na ni Andrea ang malaking pintuan at halatang nagulat ito ng mapansin na hindi na iyon nakalocked.Sa isip niya baka si Manong Lando ang nagbukas niyon dahil ito naman ang caretaker nila doon.Subalit hindi nila mahagilap ang matanda.Tuluyan nilang binuksan ang pintuan at pumasok na sila sa loob maliban Kay Toni.
Inilibot niya ang paningin sa paligid at napansin niyang masyadong malaki ang hardin ng mansiyon.May fountain na maliit na lamang na tubig ang umaagos mula doon at may malaking statue ng nakahubad na babae nakaharap sa maruming swimming pool.Masasabi niyang sayang ang buong lugar dangan at walang nakatira doon.
Tumingala siya at tiningnan ang apat na palapag ng bahay.Napakunoot noo siya ng mapansin na parang may lumang musika ang pumapailanlang sa ika apat na palapag.
Pinakinggan niya itong mabuti at hindi siya nagkakamali at musika nga ang kanyang narinig.
"Hey Toni!C' mon,let get inside!" Tawag sa kanya ni Adam na nakatayo pa pala sa bulwagan ng pintuan.Hinihintay siya nito.
"Did you hear that?" Ang kanyang tanong baka sakaling narinig nito ang narinig niya.
"Hear what?" Pagtataka nitong tanong.Biglang nawala ang musika na dahilan upang mas ipinagtaka ni Toni.
"Ahm nothing." Sabi niya at sumunod na dito dahil alam niya nahihirapan na ito sa bigat na dinadalang box ng pagkain.
Nasa sala na ang lahat habang inilapag ng mga ito ang mga gamit sa sahig.Maalikabok ang buong paligid.Malaki ang sala na mayroong mga bilugang upuan.Nasa gitna ng mga upuan ang isang salamin na lamesita na may malaking base na nakapatong.Antique lahat ng mga gamit doon at parang nasa museo sila dahil pawang mga luma na ang lahat ng kagamitan sa bahay.
"Sigurado kabang may care taker kayo dito?Eh mukhang ilang taon nang hindi nalilinisan ang bahay na ito." Wika ni Rick sa girlfriend habang nakatingala sa kisame.Maraming bahay ng insekto ang naroon kahit ang ibang mga kagamitan ay kinain ng alikabok.
"May care taker kami dito si Mang Lando.But I wonder why I can't find him around." Si Andrea habang kinuha ang cellphone at may tinawagan.
"Parang walang tao sa bahay na ito eh.Tingnan mo nga sa labas.Tumutubo na iyong mga damo sa paligid." Sabi ni Aleck habang kinarga nito ang isang box na laman ng mga pagkain."Where's the kitchen here?"
Tinuro ni Andrea ang kinaroroonan ng kusina at agad nagtungo doon ang tatlong kalalakihan upang mailagay sa refrigerator ang mga frozen foods and drinks.
"Hindi kona makontak si Mang Lando.I don't know kung anong nangyari." Wika ni Andrea kasabay ang pagbaba ng cellphone.
"Nakausap mo ba siya bago tayo nagpunta dito?" Tanong ni Jenny.
"Hindi eh.Pero nakatanggap ako ng text from him and he said everything is set.But I didn't expect na ganito maaabutan ko." May pagka irita na sa boses ni Andrea.
Tahimik lang si Toni habang nakikinig sa dalawang kaibigan.Ayaw niyang mag isip ng masama ngunit kusang naglaro ang kanyang imahinasyon.
Paano kung hindi si Mang Lando ang nagtext kay Andrea at pinamumugaran ng masasamang elemento ang bahay na iyon?
Kinakabutan siya sa kanyang naiisip.
"Andrea hindi umaandar iyong fridge." Sigaw ni Aleck galing kusina.
"May generator kami sa likod.Alam niyo ba kung paano paaandarin iyon?"
"I know how." Lumabas si Rick sa kusina.Sinabi ni Andrea kung saan nakalocate ang generator sa likod bahay nila.
"I'll go with you." Wika ni Toni at agad nilang tinungo ang likod bahay. Tumutubo na ang mga damo roon at walang senyales na may nagmaintain doon.
Medyo kailangan pa nilang lumiko upang makarating sa parang isang bodega na kinaroroonan ng generator.
"What do you think of this place?" Biglang tanong ni Rick.Wala kasi silang kibuan ni Toni pagkalabas nila ng bahay.
Sa isip ni Toni kaya siya sumama kay Rick upang hindi magduda ang lahat ng mga kaibigan niya tungkol sa tunay niyang nararamdaman.Gusto niyang ipakita sa mga ito na masaya na siya kay Adam at natutunan na siya itong mahalin.
Lalo na at walang alam si Andrea patungkol sa ugnayan nila ni Rick noon.At kung maaari ay ayaw na niyang sabihin dito ang totoo dahil alam niyang masaya na ito at si Rick.
"The place is nice." Iyon na lamang ang tangi niyang nasabi.
Narating na nila ang kinaroroonan ng generator at agad binuksan ni Rick ang kalawanging gate na hanggang baywang lamang ang taas.
Pumasok na sila sa loob habang pinapaandar ni Rick ang generator. Pinagmasdan na lamang ito ni Toni at hindi niya maiwasan ang magbalik nakaraan lalo pa at nasilayan niya ang malalapad na balikat ng lalaki.Ang matipuno nitong bisig na dati ay yumayakap sa kanya.
Agad niyang iwinaglit sa isipan ang mga gunita na iyon.Kailangan na niya iyong kalimutan dahil hindi na iyon nararapat na sariwain.
Nangyari na ang lahat at kapwa na sila masaya ngayon.
Umandar na ang generator subalit isang malaking daga ang biglang sumulpot mula sa mga nakatambak na sirang upuan ,marahil nagulantang ito sa biglang ingay gawa ng generator.
Napalundag si Toni sa takot at biglang napahawak kay Rick na sa mga sandaling iyon ay biglang humarap sa kanya.
Napayakap siya dito at nakakapit ang kanyang dalawang kamay sa leeg nito.
Nagtama ang kanilang mata at minsan pang naramdaman ni Toni ang kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat kasabay ang pagkabuhay ng kanyang dugo diritso sa kanyang dibdib.
Biglang naging eratiko ang pintig ng kanyang puso at animoy nabibingi siya sa sobrang lakas ng tibok niyon.
Magkadikit ang kanilang katawan na lalo na medyo pinagpapawisan.
Magkasugpong pa rin ang kanilang mga mata.Napabitaw lamang si Toni ng maramdaman ang isang bahagi ng pagkatao ni Rick ang nabuhay na naramdaman niya sa kanyang puson.
"No..it was just an accident."
Bulong ng isip niya dahil ayaw niyang magkasala kay Adam.Mahal niya ang boyfriend niya dahil tanging ito ang umagapay sa kanya sa panahong lugmok siya dahil kay Rick.
Agad siyang lumayo sa lalaki at nagmamadaling naglakad palayo.
"Are you really happy with him?" Biglang tanong nito.
Naphinto siya at gusto niya itong sampalin dahil wala itong karapatan magtanong sa kanya ng ganun.
Pagkatapos ng ginawa nito sa kanya may lakas pa itong tanong sa kanya ang totoong nararamdaman niya.
"Wala namang dahilan upang hindi ako maging masaya." Ang kanyang Wika na hindi parin humaharap dito.
"Its not what your eyes telling me." Lumapit pa ito sa kanya.
"So psychic kana pala ngayon.So bakit hindi mo magawang basahin kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin dati?Bakit hindi mo maintindihan na ayaw kitang kausap at ayaw kitang makita?" Sabi niya sa gumagaralgal na boses.Pilit niyang pinipigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Akala niya nawala na ang sakit sa kanyang dibdib,nandun lang pala iyon at nakatago.
"I'm so sorry.Natukso lang ako." Ang sabi nito na nakayuko ngunit nasa boses ang senseridad sa paghingi ng tawad.
Kung Sana ganun lang kadali ang magpatawad.
"Its not an excuse.Masyado ng luma ang rason na iyan,Rick.At saka iba iyong natukso sa nakipagrelasyon."
Dalawang taon din silang magnobyo at ito ang kauna unahang lalaki ang tumanggap sa kanya kahit sa katotohanan na bakla siya.
Siguro tama nga sila na walang relasyon na nagtatagal dahil nagawa siya nitong saktan at paglaruan ang damdamin niya.Mahirap iyon.Masakit .
Nakita ng kanyang dalawng mga mata ang pagtataksil nito sa kanya.
Nakita niya itong may kasiping na babae sa apartment nito ng minsan niya itong dinalaw.
At napag alaman din niya na ang babaeng iyon ay ang ex girlfriend nito na nagkabalikan pala sa mga sandaling iyon na hindi niya nalalaman.
Walang kasing sakit ang pangyayaring iyon sa kanyang buhay.
Nalugmok siya at nahiragan bumangon.That was the time na dumating si Adam at nagppulot ng mga kapiraso niya upang mabuo siyang muli.
"Pero ikaw ang pinili ko dahil totoong mahal kita.Pero nawala ka nalang bigla.Hinanap pa nga kita."
"Hindi lahat na nagmamahal ay nakakapagpatawad kapag niloko sila.Hindi iyong iiyak mo lang bukas okey kana.Buong buhay ko ang winasak mo eh.Buong pagkatao ko ang sinira mo.Hindi mo lang alam kung gaano katagal bago ako muling nabuo.And now you're here..balak mo na naman ba akong wasakin muli?" Sabi niya at tuluyan ng tumulo ang mga luha.
"I know kung gaano ka nasaktan.I'm so sorry sa lahat ng mga nagawa ko sayo.Maniwala ka mahal kita..hanggang ngayon."Sabi nito at pilit siyang hinawakan ng makita ang kanyang pag iyak.Subalit umiwas siya.
" Hindi magandang pakinggan iyang sinabi mo.Kaibigan ko si Andrea at ayaw kong paglaruan mo ang damdamin niya.Masaya narin ako ngayon.Mahal ko si Adam.Bahagi ka nalang ng aking nakaraan."
"Hindi mo naba talaga ako mahal?Kasi ako mahal pa kita." Sabi nito at hindi na niya naiwasan ang sumunod ma ginawa nito.Niyakap siya nito ng mahigpit."Sobra kitang namiss."
Nakakulong siya sa mga bisig nito at ramdam niya ang init at pangungulila na iyon.Ngunit alam ni Toni na mali ang ginawa nila.Kapwa na sila may minamahal at ayaw niyang saktan ang sinuman kina Andrea at Adam.
Ayaw niyang lumikha ng eskandalo o mga bagay na maaari niyang pagsisihan.
Kumawala siya ng yakap dito.Pwersahan niya itong itinulak at daling lumayo dito.Siya namang pagdating ni Andrea at Adam.
Parang namutla so Toni ng makita ang dalawa lalo na sa mga tingin ni Adam na may kahulugan.
"What took you so long?" Tanong ni Andrea marahil hindi nito na kita ang ginawang pagyakap sa kanya ni Rick."What happen ,Toni?Are you crying?"
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Pinaglipat lipat nito ang tingin sa kanila ni Rick.
"No I'm not crying.Masyado kasing maalikabok kaya napuwing ako." Ang kanyang sabi.Pumasok na sila sa loob ngunit tahimik parin si Adam at alam ni Toni na may pag uusapan sila mamaya.
ITUTULOY...


![Lycan Soulmates #3: The Lycan of Wisteria Falls [18+]](https://cdn-gcs.inkitt.com/vertical_storycovers/ipad_4912e8ef60c90f32f2a1447e6b3e0cff.jpg)





