Crossing the Line
Share with your friends
Customize readability

Crossing the Line

YGDara

All Rights Reserved ©

Summary

"I tried really hard to keep my distance. I have too much to lose if I cross that line. But it's hard to ignore those moments so I did it. I crossed the line." Tagalog-English taga (Tagalog-English)

Genre
Romance,Other
Author
YGDara
Status
9yrs ago
Chapters
20
Rating
n/a
Age Rating
18+

Prologue

“Sige pa, Thunder! Bilisan mo pa!”

Dumukwang si Mella upang haplusin ang leeg ng kabayong si Thunder bago tapikin ang magkabilang gilid nito gamit ang kanyang mga paa. Napahiyaw siya sa tuwa nang bilisan pa ng kanyang kabayo ang takbo.

Liningon niya ang likod niya at nakitang nangunguna nanaman siya sa kanyang ate na si Elisha. Lumaki ang ngiti niya nang siya ang maunang makarating sa mga stables.

“Good job, Thunder!” sabi niya sa kabayo niya. Walang hirap siyang bumaba mula rito at hinarap ito para haplusin ang mukha at ang buhok nito habang tinatanaw ang kapatid na papalapit na sakanya.

“I will never win against you.” sabi ng Ate niyang si Elisha nang makarating ito. Wala rin itong hirap na bumaba sa kabayo nitong si Hellion.

“Practice ka pa kasi, ate.” pang-aasar niya rito.

Inismiran lang siya ng kapatid tapos ay ginulo ang buhok niya.

“Yuck, Mel. Ang oily ng buhok mo. Kailan ang huli mo na ligo?” nandidiring sabi ni Elisha sakanya habang pinupunas nito ang kamay sa oversize na shirt na suot niya.

“Grabe ka. Kahapon lang ako ’di naligo.”

Lumukot ang mukha ng kapatid. “Hanggang ngayon? Maligo ka na nga at isusumbong kita kay Mama. Darating na mamaya ang iba.”

Pumalatak lang siya at iniwan nalang ang kapatid doon upang ihatid si Thunder sa stable nito. Pinakain niya muna ito tapos ay umuwi na siya sa hacienda. Nakasalubong niya ang Mama niya na kasana sina Tita Adie at Tita Mitch.

“Mella! Ano ba naman iyang itsure mo anak?” gulantang na tanong ng Mama niya sakanya.

Natawa lang siya at binati ang mga ito. “Kararating niyo lang po Tita?”

“Oo, kani-kanina lang. Nangabayo raw kayo ni Elisha?” Si Tita Erin ang sumagot.

Tumango siya. “Si Vera po?”

“Nasa kwarto mo. Inaantok at matutulog daw muna.”

“Maligo ka na, Mella. Mamaya ay darating na ang iba.” utos sakanya ng Mama niya.

Nagpaalam siya sa mga ito at pumasok sa hacienda. Summer break ngayon at nakaugaliang magpunta ang mga kaibigan ng mga magulang niya sa Rancho Illustre. Marami kasing beach na malapit sa rancho nila, may ilog at falls din na sakop ng lupain ng kanilang pamilya. Sakto rin na fiesta sa bayan kaya parang tradisyon na sakanila na magtipon dito sa Rancho nila.

“Hey, Mel. Patay ata wifi niyo?”

Natigil siya sa paglalakad nang makasalubong si Marky na busy sa kakatingin sa phone nito. Bunsong anak ito nina Tito Marco at Tita Adie. Kababata niya ito.

“Edi buksan mo, alam mo naman kung saan at paano eh.”

Nag-angat ng tingin sakanya si Marky at nang makita ang itsura niya ay malakas itong tumawa at nakuha pang kuhanan siya ng litrato.

“Tangina, ang panget mo. Mukha kang mabaho sa itsura mo.” natatawang sabi nito.

Nginisian niya ito at mabilis na dinambahan. Hineadlock niya ito, making sure na tapat ang mukha nito sa kili-kili niya. “Gago, mabaho talaga ako!”

“Ano ba iyan! Tangina, Mella. Bitaw! Amoy kabayo ka!” naiinis na sigaw sakanya ni Marky.

Natatawang bumitiw siya rito. Malaking ngiti ang ipinakita niya kay Marky na ngayo’y ang lalim ng gitla sa noo. Halatang badtrip ito.

“Ayos ba?” tanong niya at itinaas-baba ang mga kilay.

“Tss.” Ismid nito. “Panget mo. Maligo ka nga.”

Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang phone nito na mabilis nitong sinagot at inignora na siya.

“Hi babe! Yeah, sorry. Nakapatay kasi wifi dito..”

Hindi na siya nanatili doon at umalis nalang sa harapan ni Marky at hindi na pinansin ang kalandian nito.

May bago nanaman itong girlfriend. Ano ba bago dun? Kung ’di lang niya ito kilala, aakalain talaga niya na kapatid ito ni Isaac. Lebel na lebel ang kalandian ng dalawang iyon eh.

Pumasok siya sa kwarto niya at naabutan na natutulog ang bestfriend niyang si Vera sa kama niya kaya naman nag-ingat siya sa pagkilos upang hindi ito magising.

Nagbabad siya sa bath tub sandali at nirelax ang buong katawan niya. Nang maipikit ang mga mata ay nag-flash sakanya ang itsura ni Marky kanina habang may kausap na ibang babae sa phone nito.

Naupo siya ng tuwid at hinilamos ang mga palad sa mukha.

“Tigil ka na nga sa crush crush na ’yan, Mella. Hindi bagay sa’yo. Wala kang chance sa malanding ’yon.” kausap niya sa kanyang sarili.

Huminga siya ng malalim at naligo na ng tuluyan na sana sa bawat agos ng tubig sa kanyang katawan, matangay nito ang matagal na niyang tinatagong pagka-crush kay Marky Montello.


Let YGDara know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

Bear Shifter Secrets

tatianne Ingrid: Adorei cada capitulo! parabens

Read Now
PARIS IN THE DARK

starlit_soul: The story was beautifull. I hope that every paris find her julien who heals her.

Read Now
The Grumpy Next Door

mmurphy1008: This book had my attention from the very first chapter! It has romance and humor and just enough tension to keep it moving along. Can’t wait to read more from this author.

Read Now
The Easter Bunny

Talia Kendrick : Honestly I love the book. Here is how I feel about each character: Detective Kayla is an Idiot, I can't stand this lady and I feel so bad for braelyn and Phoenix because after everything they have been through it makes me angry that they have to go through this again. Sure Phoenix doesn't know about...

Read Now
The Iron Crown

Danielle_Anderson: Kira's training yard and her mirror feel like two different women, and the gap between them is where this opening does its best work. The clean arc of the sword, the shock running up through her wrists, the bright singing moment when only the blade exists, all of that is undone by the practiced soft...

Read Now
The Rewrite

MHReader: The story has a great plot and moves along nicely. There are a few grammatical errors but these do not detract from the flow of reading.

Read Now
The Contract Wife

waiy: I genuinely loved reading The Contract Wife! The storyline is engaging and keeps you interested, making you want to continue reading and discover what happens next.One of my favourite moments was when she discovered that she was pregnant in Chapter 23. Interestingly, I had already started suspecting...

Read Now
Silver's Second Chance

April: Reading this one time was not enough, I love rereading this story. I love how strong and independent silver is. 💗💗

Read Now
Called by the Alpha

Sandra: Gabi is special and Luca is her mate but, he has to protect her but just maybe she can protect all. Hope to read part 2 soon

Read Now