Kabanata 1
Haydee’s POV
“Dee! Bumaba ka na! Male-late ka pa sa first day mo!” Sigaw ng napakagaling kong kuya na si Tyrone. Tss, aba, ang ingay-ingay niya ngayon ah, nakakahiya sa kapitbahay my gosh! At tsaka, hindi naman ako bata para sumigaw siya ng ganyan.
Ay oo nga pala, ako si Haydee Delos Santos (Dee for short kasi feel ko masyadong weird yung name ko), ako ang kapatid ni Tyrone Angelo Delos Santos. Dalawang taon lamang ang pagitan namin sa isa’t-sa, 18 taong gulang ako habang siya’y 20 taong gulang.
Katulad ng ibang magkakapatid, mahilig kaming mag-asaran, mas lalo na kung nasa bahay lang kami, wala kasi kaming kasama na matanda. Nasa Bicol sina mommy at daddy. Both of them are busy dahil sa business nila doon. Tyrone and I was sent here sa Manila para dito na kami magtatapos ng Highschool at College.
Dito na rin kami magtratrabaho. Nagtataka ka siguro, bakit hindi kami binabantayan? Matanda na raw kasi kami kaya hindi na namin kailangan ng relative dito. Kahit ganoon, si Tyrone yung bahala sa lahat ng mga kakailanganin ko. Okay na ’yon ’no? Wala akong poproblemahin hehe.
“Kailangan bang sumigaw, kuya? Kulang nga ako sa tulog eh, beauty sleep is important kaya” Reklamo ko sa kaniya at dumeretso sa kusina para magtimpla ng kape “Why did you call me again? Dapat importante yan ah” dagdag ko
Napatawa lang si kuya “Subukan mo lang sirain yung gwapo kong mukha, at makakarating ’yon kila mama” Tss! Bat parang ang lakas ng hangin dito? Porket madadami ang nagkakagusto sa kaniya sa Bicol, gwapo agad? Pwedeng ginayuma lang sila eh.
“Gwapo? Saang banda? Bulag ka ata kuya eh” asar ko sa kanya, totoo naman kasi, well, di siya pogi, hindi siya panget, sakto lang. Mas nakikita ko nga lang ang panget na side niya wahhahaha!
Napa-scoff nalang si Tyrone “Una sa lahat, ikaw yung bulag, o baka natural lang yan pagdating sa magkakapatid, don’t worry, maaayos rin ang paningin mo, pangalawa, hindi ka ba maliligo? O hindi mo lang narinig yung sinabi ko kanina? Malapit na magsimula ang klase niyo! Less than one hour nalang” komento niya at tinuro ang malaking orasan
Napaubo ako habang umiinom ng kape. Teka whuuutt?! Bat parang hindi ko narinig yun kanina?! Hala! Matagal pa naman akong maligo! Ugh Bwiset ’tong si Tyrone eh! Tumakbo ako papunta sa loob ng kwarto ko at nagsimulang maligo, napaaga ata ako ng labas dahil sa sobrang panic, binilisan ko na ring magsuot ng uniform at mag-ayos ng mukha, daig ko pa nga si Flash at Quicksilver na pinagsama eh
Pagkababa ko, nakita ko si Tyrone na nasa labas ng bahay, lumapit ako sa kaniya “Baliw” natatawang sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko na pinaghirapan kong ayusin kanina! Ugh! Lagot talaga siya sakin mamaya!
Kanina pa akong hindi mapakali, nakasimangot ako habang naglalakad kami papunta sa school ko, tss, ewanko ba kung bakit ayaw ni Tyrone na maglakad akong mag-isa, napakalapit lang kaya ng school! Overprotective naman nito “Kuya, kaya ko naman ang sarili ko, I’m a freaking Grade 10 student” pang-ilang ulit ko na sa kanya pero hindi parin siyang umiimik
Nang nasa harapan na kami ng school ko, doon lang siya nagsalita “Hindi naman kita hinahatid sa school mo, sadyang malapit ang college ko dito ’wag kang mag-isip ng kung ano-ano” Inikot niya ang mata niya at napatawa “Ang bilis mo naman mainis, Dee, siyempre kailangan kitang bantayan mas lalo na at ako yung mas matanda sa ating dalawa, i-appreciate mo naman, dahil sinasabi ko sayo, mamimiss mo ako kapag umuwi ako ng Bicol”
Tss, ang swerte swerte niya nga eh, pwedeng umuwi sa Bicol kahit may klase, hindi ko parin naiintindihan kung bakit di ako pwedeng sumama kay kuya “Business trip nga kasi yun, kapag sumama ka, baka uminit lang ang ulo nina mama” biro ni kuya , tinignan ko lang siya ng masama, ang bully naman nito, hays, kahit kailan talaga
“At, pwede naman tayo bumisita doon kapag sembreak, maghintay ka lang” teka, paano niya naman nalaman na yun ang iniisip ko? “Ang obvious mo kaya, oh and before I forget, nag-invite ako ng mga kaibigan para bantayan ka habang wala ako, baka kasi masira mo yung bahay natin habang wala ako” Wow ang sakit nun ah, walang tiwala ang kuya ko sakin, kailangan pang mag-invite ng kaibigan para i-babysit ako...
“Tsk” nag-ikot ako ng mata “Siguraduhin mo lang na mas maayos sila kaysa sayo, sabi nga nila, birds of a feather, flock together” komento ko, I’m just being cautious
“Alam mo, mas malala sila kaysa sa akin kaya kung ako sayo, magdadasal na ako” Edi bat niya pa ba ininvite yung mga yun?! Walang isip kahit kailan! Tumigil si Tyrone sa paglalakad “Nandito na tayo, kapag may umaway sayo sabihan mo lang ako at ipapadrop-out ko siya, seryoso, at tsaka kapag may mga gustong manligaw-”
Bigla akong nagsalita para hindi matuloy ang sasabihin ng abnormal kong kuya “Look, new student ako, Di ko kailangan ng isang over-protective na kuyang nagbibigay ng nakakaantok na speech sa FIRST DAY ko sa harapan ng madaming tao, mukha kang tutor na weirdo kaya, and you’re treating me as if wala akong pinag-aralan dati, sumusobra ka na Tyrone Angelo Delos Santos” Inis na wika ko at hindi na hinintay ang sagot ni kuya, tuluyan akong pumasok sa main building ng school ko
Mabilis namang nawala ang init sa ulo ko nang nakapasok ako sa main building, napakaganda kaya! Ang sosyal tignan! Plus, may lockers at hindi masyadong crowded ang hallways! Di katulad ng dati kong school, may basurang nakakalat here and there, mararami ang estudyanteng nakaharang sa daanan, at walang lockers, convenient kaya yun para sa students kaya hindi ko alam kung bakit wala yon sa ibang paaralan.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasang maweirduhan sa ugali na pinapakita ng schoolmates ko, like what the heck? Ang aga aga ’tas halos lahat ng babae dito ay kinikilig, ano? Biglang nagpakita si Daniel Padilla sa school na ’to?
Dahil wala akong pakialam sa kakaibang mundo na ito, naglakad nalang ako papunta sa classroom ko, pero siyempre habang papunta ako sa room, naririnig ko ang mga malalakas na tsismis ng mga tao sa paligid ko
“Hala! Ang pogi ng bagong teacher!” tili ng isang babae
“Sana linagay ako sa class niya” nagdasal naman ang isa
“SIr! Baka naman gusto niyo akong pansinin hehe” flirty na sinabi ng isa pa
“Ang aga-aga, nagfafantisize na sila, tsk, hindi ba uso sa kanila ang STUDY FIRST?” Hindi makapaniwalang tanong ko, siyempre mahina lang hehe, ayokong magka-issue sa first day ko dito, sa sobrang inis ko sa pinapakita ng schoolmates ko, nakalimutan ko na kailangan palang pumunta sa information center bago sa classroom para makuha ko ang class schedule ko, so tumakbo ako papunta doon.
Nang nakuha at inayos ko lahat ng bagay na kakailanganin ko ngayon, hinanap ko agad ang classroom ko, dumeretso ako sa second floor kasi hindi matatagpuan sa first floor ang room ko, tinignan ko saglit ang schedule ko, in fairness, maayos yung schedule namin, dapat dito ako nagsimula ng highschool eh...
Haydee Delos Santos
Section Seven: Mr Ocampo’s class
9:00-11:00 Homeroom
11:00-12:00 Mathematics
12:00-12:30 Lunch
12:30-1:30 Biology
1:30-2:30 History
2:30-3:30 Literature
3:30-4:30 Extracurricular activities
Nang matapos kong i-skim ang laman ng papel, binilisan ko ang paglalakad, baka kasi late na ako eh, wala pa naman akong relo “Ten..Nine..Eight..” Nagbilang ako ng mahina “Aha! Seven!” I beamed at agad na pumasok sa classroom
Pagkapasok ko, na-confuse ako bigla, wala pang estudyante sa room, so I’m late pero at the same time, maaga ako, ano ’yon? I observed the room muna and saw someone in front of the room, nakaupo siya sa teacher’s table at mukhang abala siya sa ginagawa dahil hindi niya napansin na pumasok ako kanina, dahan-dahan lang akong naglakad papunta sa upuan na malapit sakin, ayoko kasing makaistorbo kay sir
Nang makalipas ang ilang segundo, ang silid-aralan na napakatahimik kanina ay umingay bigla dahil sa mga madaldal na estudyante, hindi ko naman sila masisi kasi ngayon ulit sila nagkita-kita pagkatapos ng iilang buwan na lumipas, hays, namiss ko na tuloy ang nga kaibigat at kamag-anak ko sa Bicol, hindi ko maiwasang mainggit sa kanila
Napahinga ako ng malalim ‘mukhang magiging loner ako ngayon’ malungkot na inisip ko habang tinitignan ang mga kaklase ‘magkakaroon pa ba ako ng mga kaibigan dito? parang nakakatakot makipag-interact sa kanila eh’
Tumigil na rin ang ingay, finally! Magstastart na talaga ang classes! Tumayo bigla ang teacher namin na kanina pang nakaupo at gumagawa ng kung ano man, tinanggal niya ang salamin na suot niya at inayos ang kanyang buhok, he flashed a very big smile and spoke loudly “Good morning everyone, ako si Mr Ocampo, and I will be your class adviser and Math teacher for this academic year” Nagsimulang mag-ingay ang mga babae sa room. May kung anong nagsasabi sa akin na si Mr Ocampo ang pinagkakaguluhan ng mga babae kaninang umaga...








