Whisper#1
Finally he's here! Sobrang bagot na bagot na ako kakahintay sa kambal kong to dito sa parking lot ng skwelahan namin.
"Maven naman bat ang tagal mo? Kanina pa ako dito!" hindi ko na naitago ang pagkairita ko sa kanya ng hinarap ko sya.
"I'm sorry okay kakatapos lang ng practice namin ng soccer at medyo nadelay lang dahil may agarang meeting dahil bumalik si Niklaus sa grupo namin." marahan nya naman akong niyakap pagkatapos nyang magpaliwanag.
Kinuha nya ang mga libro ko at binuksan na ang aming kotse.
" oo nga pala sasabay si Nik sa atin dahil nabutas ata yung gulong ng sasakyan nya. Is it fine with you? " hinarap nya ako at tiningnan ang maging reaksyon ko.
I don't know what's wrong but i feel something different towards that guy. His eyes doesn't fit to his smiles and laughters. But mind you most of the girls like him if it wasn't for my twin which is the number 1 talk of i guess every girl in the school.
"it's okay." tanging nasabi ko lang. Ayaw ko namang artehan tong kambal ko dahil kaibigan nya iyon.
Sumakay na ako sa kotse at pumunta na kami banda sa gate para masundo ang kaibigan nya.
Sa tabi ng malaking puno, nakatayo si Niklaus na may kausap na dalawang babae.










