BEAUTIFUL SCANDAL
Share with your friends
Customize readability

BEAUTIFUL SCANDAL

AshleyGrace2019

All Rights Reserved ©

Summary

On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nagtrabaho. Pero kung hindi nga naman niya hawak ang tadhana, wala siyang magagawa kung anong kababalaghan ang ihahambalang nito sa kanyang daraanan. Sa pamantasan kung saan niya sinimulan ang panibagong buhay ay muling nagtagpo ang landas nila ng pangahas na lalaking nakasama niya sa honeymoon. Ang malala pa ay isa ito sa mga estudyanteng kailangan niyang hasain ang kakayahan. Susuko ba ulit siya at tatakas? O, tanggapiin ang panibagong hamon ng kapalaran kahit ito ay mauwi sa isang eskandalo.

Status
7yrs ago
Chapters
22
Rating
n/a
Age Rating
18+

Untitled chapter

BEAUTIFUL SCANDAL

(Ashley Grace Puno)

SIMULA

Sunod-sunod na shots ng alak ang ibinuhos ni Oshema sa kanyang bibig kahit lango at umiikot na ang paningin. Ngayon ang unang gabi ng honeymoon nila ni Rune at hindi niya alam kung anong gagawin.

Malamang naghihintay na ang asawa niya doon sa kwarto. Iniwan niya ito habang nag-shower. Hindi siya makapaniwala sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

Parang kahapon lang ay nasa loob pa siya ng kombento at puspusang pinag-aaralan ang mga salita ng Diyos at kung paano iyon maisasabuhay. Pero ngayon isa na siyang maybahay at malamang iikot na lamang ang mundo sa kanilang tahanan at sa magiging mga anak niya.

Hindi niya alam kung tama ang ginawa niyang lumabas sa pagmamadre at piliin ang ganitong estado. May problema ang kompanya ng kanyang ama at ang tanging makakapagsalba roon ay ang pagpapakasal niya sa anak ng matalik nitong kaibigan. Siguro sa pamantayan ng iba ay hindi iyon tama pero wala siyang choice.

Hindi siya makakontra. Simula pa noon ay hindi na siya makakontra sa gusto ng mga magulang. May sakit ang kanyang Papa at ayaw niyang may mangyaring masama rito.

Dalawang tagay pa ang nilagok niya at sinubukan niyang tumayo. Pero wala ng lakas ang kanyang mga tuhod. Napasubsob siya sa bar. Dalawang malalakas na kamay ang naramdaman niyang sumaklot sa kanya at binuhat siya. Kasabay ng pagsabog ng dilim ay nasamyo niya ang pabango ng kanyang asawa.

Napakislot na lamang siya nang madama ang paglapat ng kanyang likod sa malambot na kama kasunod ang mabigat na katawan sa kanyang ibabaw at ang mga labing sumakop sa kanyang mga labi.

Pinilit niyang dumilat pero kadiliman ang sumalubong sa kanyang paningin kaya ipinikit na lamang niya ulit ang mga mata. Para siyang nasa isang panaginip. Nakasakay sa alon. Idinuduyan. Dama niya ang bugso ng sakit pero nawala din at tinangay siya ulit sa umiindayog na kaluwalhatian. Sumusunod sa kumpas ng isang mahiwagang sayaw na humahagod at lumilikha ng nakababaliw na sukdulan.

At natapos ang matamis na panaginip.

Sindak. Galit. Pagkalito. Sama-samang rumehistro ang mga iyon sa magandang mukha ni Oshema nang magisnan ang lalaking katabi niya sa kama. It wasn’t Rune.

“Who are you? Where is my husband?” Nalilitong tanong niya sa lalaki at mabilis na hinapit ang kumot upang takpan ang hubad na katawan.

Hindi ito sumagot at sinipat lamang siya ng malamig na tingin.

“Sino ka?” Napangiwi siya sa pagsigid ng kirot sa kanyang sentido. Sobra siyang nalasing kagabi, wala na siyang maalala sa nangyari.

“Your husband,” nagsalita ang lalaki. “He must be in the next room.” Matalim siya nitong tinitigan at umalis ng kama.

Tanging boxers lang ang suot nito at di niya maiwasang hagurin ito ng tingin. He is gorgeous. His skin is almost bronze, like a combination of earth and gold. The muscles on his abdomen, the biceps and his iron-clad legs are firmly signifying his manly strength and appeal.

Nalipat sa mukha nito ang paningin niya. Mukhang bata pa ito. Malamang mas bata sa kanya. He has the perfect eyebrows accentuating his deep set hazel eyes hiding behind those thick eyelashes. A strange feel of danger is lurking in there. His nose is carefully molded like a rough art and the lips are well-contoured by flawless curves and merciless red.

“If you want answers, come with me.” Nagsalita ito pagkatapos magbihis at inabot sa kanya ang robe na nakasampay sa may headboard ng kama.

Nahimasmasan siya at kinuha ang robe at isinuot. Naramdaman niya agad ang pagkirot sa pagitan ng kanyang mga hita. Oh, God! Ano bang nangyayari? Nagkamali ba siya ng pinasukang kwarto?

Tinakpan niya ang bibig at gusto na lamang humagulgol ngunit hinawakan siya ng lalaki sa kanyang pulso at hinatak siya palabas ng silid. Nagtungo sila sa kabilang kwarto.

Mahihinang ungol mula sa kungsaang sulok ng madilim na silid ang sumalubong sa kanila pagkabukas ng pinto. Pumasok sila at ganoon na lamang ang pagkatulala niya nang makita ang asawa niyang si Rune na nasa sofa, hubo’t hubad. Bagamat hindi babae ang kasama nito at sinusuyo kundi isang lalaki.

Nagulat din ang dalawa na magkahinang ang mga katawan. Nagmistulang estatuwa ang mga ito habang nakatingin sa kanya.

“God!” Ang tanging nasabi ni Oshema at mabilis na pumihit paalis. Malakas na paghagulgol ang pinalaya niya. Nanaginip lamang ba siya? Tama. Panaginip lamang lahat ng ito. Pinukpok niya ang naninikip na dibdib. Nahihirapan siyang huminga. Parang may bumara sa kanyang lalamunan.

“Oshema?” Tinig ni Rune mula sa pintuan. Tila ito basang sisiw na nakatayo roon.

Blangko ang mukhang tumingin siya sa asawa. Ang mga mata ay tigmak sa maraming luha na hindi niya alam kung papaano patitigilin sa pagbuhos.

“I’m sorry, gusto kong sabihin sa iyo ang tungkol dito pero natatakot ako.” Nagsimula itong magpaliwanag habang humahakbang papalapit sa kanya.

“Ang lalaking kasama ko rito kanina, sino siya?” Mabangis niyang angil. Hindi katanggap-tanggap na ginalaw siya ng lalaking hindi niya asawa at higit sa lahat hindi niya kilala.

Huminto si Rune. Nasindak sa nakikitang galit sa mga mata niya. “Siya ang binayaran ko para gawin ang obligasyon ko sa iyo.”

Tila huminto sa pagtibok ang puso niya. Kung isang bangungot ito sana may gigising sa kanya, kung hindi baka masiraan siya ng bait.

“I’m sorry...” Pumiyok ang boses ni Rune.

Mahigpit na kinuyom niya ang mga kamao. “Hayup ka!” Mabagsik niyang sigaw at sinugod si Rune ngunit humarang ang lalaki at pinigilan siya.

“Alis na, Rune. Ako ng bahala rito.” Anito sa asawa niya.

Kandarapang lumabas ng silid si Rune.

“Bitiwan mo ako! Bumalik ka rito demonyo ka! Bakla! Papatayin kita, hayup ka! Hayup!” Nagwala siya mula sa pagkakapigil ng lalaki. Suntok, hampas at kalmot ang inabot nito mula sa kanya. Ngunit hindi siya nito pinakawalan. Nakipagtagisan siya ng lakas rito pero talong-talo pa rin siya.

Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas at sumalampak sa sahig. Inalalayan siya ng lalaki habang nananaghoy ng buong kapaitan. Lumabas ba siya ng monasteryo para ganito ang kasasapitan niya? Nagpakasal siya sa isang bakla at nakipagtalik sa lalaking hindi niya kilala. Hinulog niya ang sarili sa impeyerno.

Sinong sisisihin niya? Si Rune na niloko siya at pinagtaksilan? Ang estrangherong nagsamantala ng pagkakataon? Ang mga magulang niya na pinilit siyang magpakasal sa lalaking hindi karapat-dapat ng kanyang respeto? O, ang sarili niya? Naduwag siya. Naging tanga. Hindi niya ipinaglaban ang kanyang pangarap. Kung sana ay nanindigan siya, hindi niya sasapitin ang ganitong kababuyan.

“Have you got your money?” Humihikbing tanong niya sa lalaking tahimik lang na nanonood sa kanya. Tumango ito. “Then leave me alone.”

Umalis ito at iniwan siya.

Sumiksik siya sa may paanan ng kama, niyakap ang mga tuhod. Kung hindi siya naglasing kagabi malalaman sana niya na hindi si Rune ang kasiping niya. Hindi man lang siya nagduda. Paano nga naman siya magdududa? Paano niya malalaman ang kaibahan ni Rune at ng estrangherong iyon? Paglabas niya ng monasteryo, nakatakda na ang kasal at dahil abala sila sa paghahanda, wala siyang naging pagkakataon para kilalaning mabuti ang lalaking pakakasalan. Hindi niya naranasang madama ang halik at yakap nito.

Sumubsob siya sa mga palad at napahagulgol. Para na siyang sasabog at iyong pakiramdam na halos mababaliw siya.

Let AshleyGrace2019 know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

Mystic Wolf

Teresa: The book is well done, brilliant in fact! Z

Read Now
Bear Shifter Secrets

tatianne Ingrid: Adorei cada capitulo! parabens

Read Now
To Catch a Ghost, Part 1

Wendy Salvo: I really liked this story but now that I’ve read all three I wanted to come back with a thought, the forward on this story talks about a reverse harem and not having to choose, but there isn’t any choice, or thought of a harem until the moment she connects with them, there is only foreshadowing of o...

Read Now
Going For The Goalie

S.TYTECA: I really enjoyed reading this book! The story was engaging and kept me interested throughout. There were a few minor spelling errors here and there, and some parts felt a little drawn out for my personal taste, but that’s purely subjective. Overall, it was a lovely read, and I genuinely enjoyed the ...

Read Now
The Grumpy Next Door

mmurphy1008: This book had my attention from the very first chapter! It has romance and humor and just enough tension to keep it moving along. Can’t wait to read more from this author.

Read Now
The Luna He Threw Away

Danielle_Anderson: Garian’s folded arms and the anger he does not bother to hide from Tria caught my attention more than the rejection itself. He stands near the platform steps like a man watching a preventable disaster, and his insistence that the council has not agreed to exile suggests Delvan’s decree is not as abs...

Read Now
The Contract Wife

waiy: I genuinely loved reading The Contract Wife! The storyline is engaging and keeps you interested, making you want to continue reading and discover what happens next.One of my favourite moments was when she discovered that she was pregnant in Chapter 23. Interestingly, I had already started suspecting...

Read Now
Called by the Alpha

Sandra: Gabi is special and Luca is her mate but, he has to protect her but just maybe she can protect all. Hope to read part 2 soon

Read Now
Half-Claimed

Eniola: It was a good read. I love it ❤️

Read Now