--
~~~
"Hoy! Sino may sabing dito ka dumaan?" nanginginig na napatingin ang isang batang babae. Isang first year student. Umatras siya at tumalikod, bigla namang hinila ang buhok niya ng isang babae.
"Bastos ka ha! Sagutin mo muna ako bago ka tumalikod!"hinigpitan nito ang pakakasabunot sa buhok niya na animo'y mapupunit na ang anit niya.
"P-pasenya na hindi na mauulit."Takot na takot na sabi niya.
"I can't believe na kaklase na natin ang mukhhang pulibing babaeng 'yan!"maarteng wika ng kasama nito. Hindi pa rin siya pinapakawalan sa pagkakasabunot.
"Bitawan mo na, nakakaawa na oh!" Bigla siyang tinulak. Pagkabangga niya sa isang babae ay tinulak din siya nito pagkapasa sa isang lalaki malakas din siyang itinulak nito patungo sa isang lalaki, at sa pagkakataong 'yon ay sa tabing basurahan na siya tinulak. Humalakhak ang mga ito. Pinulot niya ang mga nagkalat na libro niya.
"Kapag dumaan ka pa rito, asahan mo ang mapapala mo!" Tinalikuran siya ng mga ito saka nagtatawanang umalis. Inayos-ayos niya ang nagulong nakapigtail na buhok dahil sa pagkakasabunot nakasalampak parin siya sa lupa habang pinupulot naman ang mga nagkalat na papel. Isang kamay ang tumambad sa kanya,napatingala siya sa nais tumulong. Kumapit siya sa alok na kamay nito saka tumayo. Nakatitig sa kanya ang babae na isang guro sa kanilang paaralan.
"Ayos ka lang ba?"Tanong nito sa kanya.
Marahan siyang tumango. "Pasensya ka na kung nahuli ako ng dating," Napatingin siya sa guro.
"May kinuha lang kasi ako doon sa nasunog na classroom." Nagtaka siya. Kamakailan lang ay nasunog ang classroom na iyon at walang natirang mga graduating senior students.
Napatingin siya sa hawak nito. Isang pakudwadradong bagay. Iniabot ng guro 'yon sa kanya.
"Kunin mo,sayo ko nalang ibibigay..."nag-alangan siyang kuhanin 'yon.
"Magagamit mo 'yan,pangako." Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ng guro.
--








